CHAPTER 28

Bar:

"Hi Khielve!"

"Yasmine, anong ginagawa mo dito?"

"I'm with my friends. Wow! Kalain mo dito pa tayo nagkita. Can I take a seat?"

"Sure" Umupo si Yasmine sa tabi ni Khielve.

"Anyway, these are my friends,  Stacy and Bianca."

"Hi Khielve" sabay na bati ng dalawa.

"Hi" Bati ni Khielve. Umupo ang mga kaibigan ni Yasmine.

Dumating din sila Simon and Zion.

"Ooh! Yasmine you're here." Simon says.

"Hi guys." Bati ni Yasmine sa dalawa. Pinakilala din ang dalawang kaibigan nito.

Umupo si Simon and Zion. Halos 1 week na ang nakakaraan simula ng bumalik sila ng Manila mula sa San Isidro.

Dumating naman si Kenneth.

"Bro! Pumunta ka." Tumayo si Simon at Zion at nakipagkamay kay Kenneth.

Pero si Khielve, dumilim ang mukha pag kakita kay Kenneth. Mula ng mangyari ang incident sa party hindi parin naguusap si Kenneth at Khielve. 

Kenneth tried to reached out pero ayaw siya kausapin ni Khielve. Umupo si Kenneth sa tabi nila Simon and Zion.

"Kumusta Khielve?" Yasmine asks.

"Ayos lang." Simpleng sagot niya at uminom ng alak.

"Akala ko sa San Isidro ka na titira?" Yasmine asks.

"Nandito ang buhay ko." Seryosong sabi nito.

"So, binubola mo lang pala si Kyrene?  GOSH! Akala ko napagbago ka na talaga ni Kyrene. Grabe! Napaniwala mo ako." Hindi umimik si Khielve, uminom lang ito.

"Sino kaya ang magpapatibok ng puso mo no?" Yasmine says. Uminom din ito.

"Wala siguro!" Khielve answered.

"Bakit naman Khielve? Ano ba ang gusto mo sa babae?"

Biglang naalala ni Khielve si Kyrene. Simula ng una nilang pagkikita sa kalsada at basagan siya ng itlog sa noo, pagkain sa carendirya, nung makita niya itong naliligo at pinagpapalo siya, harutan sa bukid, ng halikan niya sa ilog, halikan niya sa may pool, halos lahat nag flash back sakanya.

Hindi niya maikakaila sa sarili niya na katulad ni Kyrene ang gusto niyang mahalin. Tumingala si Khielve at kinurap ang mata, pilit nilabanan ang luha na pilit kumakawala.

"Khielve are you okay?" Yasmine asks.

"Yeah!" Sagot niya sabay inom uli.

Ilang sandali ang lumipas, medyo lasing na si Yasmine.

"Restroom lang ako." Sabi nito. Tumayo si Yasmine pero natumba ito at napaupo kay Khielve, hinawakan naman ito ni Khielve.

"Lasing ka na Yasmine, you better  to go home."

"No I'm not! sorry Khielve.
Ahaha!" Napahawak pa ito sa batok ni Khielve.

Kinuhanan naman ito ng picture ng mga kaibigan nito at hagik-gikan ng hagik-gikan.

Naginuman pa sila ng naginuman hanggang sa nagdecide ng umuwi. Lumabas silang lahat ng bar.

"Khielve can we talk?" Lumapit si Kenneth dito. Pero hindi siya pinansin  nito diretso ito sa kotse niya. Napailing nalang si Kenneth.

"Yaan mo na muna bro." Sabi ni Zion.

****

Nasa papag si Kyrene nakaupo at nakapangalumbaba sa bintana, nakatanaw siya sa kawalan.

Halos laging malungkot si Kyrene,  nawala ang dating masiyahin na Kyrene.  Laging nasa bahay nalang ito.

Hindi niya alam kung saan siya mas nalulungkot, sa nangyari sakanila ni Khielve o sa nalaman niyang pagkatao niya.

Pakiramdaman niya, ito na ang pinaka masakit at pinakamalungkot na naranasan niya sa buong buhay niya. Ang sarap magmahal, pero napakasakit pala mabigo.

Naaalala parin niya si Khielve,  sa totoo lang miss na miss niya ito. Sobra siyang nangungulila dito, pero sobra din siyang nasasaktan pag naaalala niya ito.
"Bakit Khielve?" Wala sa loob na sambit niya at may pumatak na luha sa mga mata niya.

"Friend!" Bigla siyang nagpunas ng luha. Humarap siya dito.

"Bella" Pilit siyang ngumiti, nakwento narin niya dito ang nangyari sakanila ni Khielve at pati sa tungkol sa pagkatao niya. Umupo si Bella sa papag.

"Friend, halika labas tayo." Aya ni Bella.

"Sige na please,  samahan mo lang ako. Mag enternet tayo, diba may fb kana? Sige na please. Miss na kita eh." Pagmamakaawa ni Bella. Lagi siya nitong inaaya, pero tanggi siya ng tanggi.

"Sige na nga!"

"Yes!" Napayes nalang si Bella sa tuwa.

"Tara na dali." Tumayo nalang si Kyrene at nagayos ng sarili. Lumabas sila ni Bella ng kwarto.

"Nay alis lang po kami ni Bella, sa computer shop lang po." Paalam ni Kyrene.

"Sige lang anak, sige lang." Mabilis na sagot ng nanay niya. Kahit kasi ito nagaalala na rin sakanya sa pagiging malungkutin niya.

*****

Computer cafe:

Inopen ni Kyrene ang facebook niya. May messages siya, inopen niya. Sila Kenneth,  Tricia, Simon and Zion. Nireply naman niya ito lahat puro nangungumusta.

Naisipan niyang buksan ang profile ni Khielve. Kaso mukhang wrong moves.

[SWEET COUPLE] Yan ang caption sa picture na nakatag kay Khielve.

Picture ni Yasmine at Khielve nakakandong si Yasmine kay Khielve at tumatawa si Yasmine. Ang daming comments puro magaganda. Ibang-iba sa comments sa pictures nila ni Khielve na halos murahin siya ng lahat.

Parang lalong bumigat ang naramdaman niya. Ang sakit, sakit sa pakiramdaman, parang dinudurog ang puso niya. Hindi niya namalayan na tumulo na ang mga luha niya. Napatingin naman si Bella na nasa tabi din niya nagc'computer.

"Friend okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Bella. Nakatuon ang tingin ni Kyrene sa monitor,  tinignan ni Bella ang tinitignan ni Kyrene.

Nanglaki ang mata ni Bella, nilapit pa niya ang mukha niya sa screen para masiguradong tama ang nakikita niya.

"Si Khielve at si Yasmine. Ang kapal ng mukha niya." Inis na inis si Bella.

Humarap siya sa sarili niyang monitor at binuksan ang profile ni Khielve. Magc'comment siya sa picture.

[Ang kapal ng mukha mo GAGO!!!!!!!] Yan ang comment ni Bella. May mga nag messages agad kay Bella. May mga nangaway sakanya at nakipag away naman siya dito.

"Friend sorry! Pinilit pa kasi kita dito magpunta. Wag ka na umiyak." Sabi ni Bella.

"Ang sarap magmahal Bella. Naguumapaw ang kaligayan ko noon, pero ngayon..... naguumapaw sa sakit." Sabi niya. Niyakap nalang siya ni Bella.

"Tahan na, wag mo siyang iyakan. Hindi siya karapat dapat." Hinahaplos-haplos niya ang likod nito.

"Tara na Bella, gusto ko ng umuwi." Nagpunas siya ng luha niya.

Tumayo na sila at nagbayad lang at lumabas sila ni Bella sa computer shop. Paglabas nila ng shop nakita nila sa Martha.

"Kyrene" Martha calls her as she moves out from the tricycle.

"Ate Martha! San po ang punta niyo?" Tanong ni Kyrene.

"Ikaw ang sadya ko. Sabi ng nanay mo nandito ka eh." Sabi nito.

"Bakit po? Ano po ang sadya niyo sakin?"

"Pinapatawag ka ni Donya Clara."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh, basta papuntahin daw kita. May importante daw siyang sasabihin." Sabi nito.

"Sige ate Martha." Tumingin si Kyrene kay Bella.

"Bella una na muna ako sayo ah."

"Sige friend,  puntahan nalang kita mamaya sainyo." Paalam ni Bella. Tumango nalang siya.

"Tara ate Martha." Sumakay sila ng tricycle.

****

Hacienda Montillo:

"Tara Kyrene pasok." Papasok na sila ng Mansyon. Sa totoo lang parang ayaw niya ng bumalik dito, naaalala niya dito si Khielve.

Tumuloy sila sa loob.

"Nasa opisina niya si Donya Clara, tara." Aya sakanya ni Martha. Sumunod siya dito. Kumatok muna si Martha bago binuksan ang pinto.

"Donya Clara si Kyrene po nandito na. " Sabi ni Martha habang nakadungaw sa pinto.

"Sige papasukin mo." Sabi ng Donya tsaka binuksan ni Martha ng tuluyan ang pinto.  Pumasok naman si Kyrene.

"Kyrene! How are you?" Magiliw na bati ng donya at tumayo ito at sinalubong agad siya at binigyan siya ng yakap.

After ng nangyari sakanila ni Khielve bumalik siya dito para lang kunin ang gamit niya at nagpaalam sa donya. Hindi na rin niya tinanggap ang sweldo na binibigay nito.

Nagtanong din ito tungkol sakanila ni Khielve pero wala  siyang masabi kaya nirespeto naman ng donya.

"Okay lang po donya Clara, kayo po kumusta?" Tanong naman ni Kyrene.

"Ayos, pero lumungkot ang bahay nung umalis na kayo. Namiss ko ang ingay niyo." Napangiti si Kyrene sa sinabi ng donya.

"By the way Kyrene, kaya kita pinatawag kasi may ibibigay ako sayo." Donya states.

"Ibibigay po?" Sabi niya.

May kinuha ang donya mula sa drawer ng desk na brown envelope at binigay sakanya. Tumingin si Kyrene sa donya bago niya ito kinuha.

"Ano po to?" Tanong niya.

"Tignan mo." Binuksan ni Kyrene at kinuha ang laman ng envelope isang papel.

Binasa niya ang nakasulat, napaawaang ang bibig niya sa nabasa niya.

"Scholarship po?" Sambit niya habang nakatitig sa papel. Tumingin siya sa donya.

"Yes Kyrene, scholarship! Pwede mo ng tuparin ang pangarap mo na mag aral ng fashion design . Pwede ka nang mag aral sa KY University." Naluha bigla si Kyrene.

"Sobra-sobra na po ang tulong na binibigay niyo sakin. Sa pamilya ko." Sabi niya habang tumutulo ang luha niya.

"Kyrene,  you deserve it."

"Gusto ko po sana donya Clara to, sobrang gusto ko pero mukha hindi ko matatanggap." Nagulat ang donya sa sinabi niya.

"Buy why?"

"Sa Manila po to. Baka po hindi ko kayanin, wala pa akong alam sa Manila. Wala po kaming kamaganak doon na pwede kung matuluyan."

"Ooh! is that your problem? Don't worry about that, kila Henry ka titira."

"HO!" She exclaimed

"Yes, magkakasama uli kayo ni Khielve." Nakangiting sabi ng donya.

Pero natigilan si Kyrene, parang mas lalo ata niyang hindi ito matatanggap sa kabila ng nangyari sa kanila Khielve.

"Kyrene,  are you okay? May problema ba?" Tanong ng donya. Huminga ng malalim si Kyrene.

"Kasi po--"

"Kyrene! Kung ano man ang naging problema niyo ng apo ko. Hahayaan mo ba na hindi mo matupad ang pangarap mo dahil lang dun, tatangihan mo ba ang magandang opurtunidad na yan?" Seryosong sabi ng donya.

Tama si Donya Clara, kahit maghapon ang pamilya kong magbilad sa bukid sa pagtatanim ng palay, hindi-hinding ako mabibigyan ng ganitong pagkakataon. Pwede ko naman siyang iwasan nalang eh. -huminga uli si Kyrene at tumingin sa donya.

"Tama po kayo! Salamat po sa magandang oportunidad na binigay niyo sakin. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sainyo habang buhay."

"Great decision Kyrene, it's for your own good, for your family as well."

"Opo! Pag nakatapos ako, matutulungan ko na sila nanay at tatay." Ngumiti si Donya Clara sakanya.

"Donya Clara, pwede po akong humiling?"

"Sige hija, ano yun?"

"Malaki po ba ang bahay nila sa Manila?"

"Oo! Malaki. Bakit mo natanong?" Nagtataka pero nangingiting tanong ng donya.

"Pwede po kayang.... umm... wag niyo pong sabihin kay seniorito na titira ako doon."

"Bakit naman? Ano ba talaga ang problema niyo? Sinaktan ka ba niya Kyrene?  Sabihin mo lang at pupuntahan ko talaga siya at papagalitan ko talaga siya ng husto."

"Naku Donya Clara hindi po, mayroon lang kaming hindi napagkaunawaan. Ganun lang po." Tuloy-tuloy niyang sabi.

"Kaya po sana, kung pwedeng hindi niya malaman." Sabi niya sa mahinang boses.

"Ikaw ang bahala Kyrene,  pero isang bahay lang ang ti-tirhan niyo, imposibleng hindi kayo magkita dun." Ngumiti si Kyrene dito.

"Isa po Donya Clara, pasensya na po ang daming kong hiling, pero isa nalang po talaga."

"Ahahaha! Go ahead." Natawang sabi ng donya.

"Pwede po akong maging katulong  sa bahay nila sir Henry,  para po hindi nakakahiya ang pagtira ko." Sabi niya..

"Kyrene you don't have to!"

"Sige na po Donya Clara."

"Hay! Fine, alam ko naman na ipagpipilitan mo lang eh."

"Salamat po Donya Clara, Salamat po dito. Pangako po pagbubutihin ko ang pag aaral ko. Ako ang magiging pinakamagaking na fashion designer ng San Isidro. Ay hindi! ng buong Pilipinas...... O.A naman kung buong mundo. Pilipinas lang muna tayo."

"Ahahaha! Hay Kyrene, that's what I want from you, your fighting spirit,  your self-confidence. Basta pag fashion designer ka na, igagawa mo ako ng pang ballroom ko ah. Ahaha!"

"Nagbo-ballroom po ba kayo? Kaya niyo pa po magsayaw tsaka diba po mga matrona lang ang naga-gan'on...... Hehe! Sorry po." Tuloy-tuloy niya sabi pero seryoso siyang tinignan ni Donya Clara.

"Ahahaha! Pasaway kang bata ka. Kaya ko pa naman, hindi pa ako gan'on katanda."

"Opo sabi ko nga po! Sige po igagawa po kita." Huminga ng malalim si Kyrene at muling tumingin sa papel na hawak.

This it Kyrene!  Matutupad mo na ang pangrap mo. -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top