CHAPTER 24
"Tita asan po si Khielve?" Tanong ni Yasmine sa mommy ni Khielve nasa living room sila kasama ang mommy niya. Ang mga asawa nito nangangabayo sa labas.
"Nasa labas siya hija with his friends. Sandali at tatawagan ko lang." Sagot ni Mrs. Bettina tumawag si Mrs. Bettina.
"Pauwi na daw siya hija. May bibilhin lang daw." Sabi ng mommy ni Khielve, ngumiti naman si Yasmine.
"Oh hi dear! Asan si Solidad? Bakit hindi sumama?" Tanong ni Donya Clara habang papalapit sakanila.
"Tumaas po ang altapresyon ni mama tita." Sagot ni Ms. Margarita.
"Ow! poor Solidad." Sabi nito at umupo sa sofa.
"Nagaya kasi si Yasmine dito, kaya nagpunta kami." Sabi ni Ms. Margarita.
"Tomorrow na ang birthday party ni Khielve, wag kayong mawawala."
"Of course Donya Solidad! We won't miss the party." Dianna says.
****
"Ang sarap ng mangga, tamis." Sabi ni Jelian habang kinakain ang ang indian mango na may balat pa.
"Masarap diba?" Sabi ni Kyrene.
"Alam mo Kyrene I really really like you! I've wish to have a friend like you." Jelian says. Naglakad-lakad sila sa labas nito at ngayon pabalik na sila sa loob ng mansyon.
"Gusto mo ng baduy na kaibigan? Ahaha!" Sabi ni Kyrene at tumawa pa.
"Ahaha! You're not baduy. You're just a simply gorgeous lady."
"Ikaw talaga! Ay sorry sorry sorry! Okay ka lang?" Hinampas ito ni Kyrene sa balikat ng malakas kaya halos masubsob ito.
"Ahaha! Ganyan ka ba matuwa?"
"Hehe! Medyo sanay kasi ako sa best friend ko, ganyan ang lambingan namin nagsasakitan. Ahaha!" Sabi ni Kyrene.
Natawa lang ito sa sinabi niya. Pumasok sila sa mansyon na nagtatawanan lalo na si Jelian na tawa ng tawa sa mga sinasabi ni Kyrene. Napatingin sakanila ang lahat.
"Mukhang enjoy na enjoy ang anak mo Dianna sa company ni Kyrene." Sabi ni Donya Clara. Tumingin lang si Dianna dito. Lumapitan ang dalawa sa sala.
"Ano hija masaya bang kausap si Kyrene?" Tanong ni Ms. Margarita kay Jelian.
"Opo tita, she's very funny. She has a great sense of humor, hindi ka mab'bored na kausap siya." Sabi ni Jelian na ngiting-ngiti parin.
"Anong kinakain mo Jelian?" Tanong ni Ms. Dianna.
"Mangga po mommy."
"You eat a mango without peeling it. Is that clean? San ba yan galing?" Tanong nito.
"Pinitas to ni Kyrene, we washed it first naman mom." Sagot ni Jelian at kumagat uli.
"Kyrene, can you get me a glass of water please!" Pakiusap ni Kyrene at ngumiti ng pagkatamis tamis.
"Si Martha nalang, sandali--
"Hindi po Donya Clara ako na po." Sabi ni Kyrene at agad na umalis para kumuha ng tubig. Ilang sandali lang bumalik naman ito agad at binigay kay Yasmine ang tubig.
"Thanks Kyrene." Ngumiti lang si Kyrene at tumayo ito sa likod ni Yasmine.
Napalingon sila sa may pinto ng marinig ang tawanan. Papasok sila Khielve kasama ang mga kaibigan at si Bella.
"Ayan na pala si Khielve." Sabi ng mommy ni Khielve napatayo naman si Yasmine sa kinauupuan na nakatingin sa papalapit na si Khielve.
May dala itong pink big bear at bulaklak. Napatingin naman si Kyrene kay Bella na todo kaway and mouthed 'frienddd!!' na kung walang tao siguradong nagtititili na naman.
"Hi everyone" Bati ni Khielve sa lahat.
"Hi Khielve!" Yasmine greets him with a sweet smile. tumingin si Khielve kay Yasmine at ngumiti.
Ngiting-ngiti naman si Yasmine na nakatayo parin. Tumingin si Khielve kay Kyrene at lumapit ito sa kung nasaan si Yasmine.
Pero nawala ang pagkakangiti nito ng lagpasan siya ni Khielve, sinundan ito ni Yasmine tingin mula sa likod niya dahil kay Kyrene ito pumunta.
"For you!" Sabi ni Khielve. Yasmine gritted her teeth and sat down again.
Lahat naman nakatingin kay Khielve at Kyrene.
Hindi naman makakilos si Kyrene para kunin ang bulaklak at stuffed toy.
"Hindi mo ba gusto? Sabi ni Bella pink daw favorite mo, kaya pink bear binili ko." Tumingin si Kyrene kay Khielve.
"Gusto ko! maganda." Mahinang sabi ni Kyrene at kinuha niya ang dala ni Khielve.
"Bakit ka namumula?" Nakangiting tanong ni Khielve.
"Kasi... Bakit kailangan mo akong bigyan ng ganito sa maraming tao? Nakakahiya!" Halos pabulong na sabi ni Kyrene.
"Ahaha! Sweet nga yun diba? Ayaw mo ba nun?" Parang lalo naman nahiya si Kyrene.
"You're so sweet son. Bouquet of flowers everyday! Kyrene sagutin mo na ang anak ko." Sabi ng mommy ni Khielve na nakangiti.
Nasubsob nalang ni Kyrene ang mukha niya sa malaking stuffed toy. Tumingin si Khielve sa mommy niya.
"Don't worry mom, malapit na akong sagutin ni Kyrene." Nakangiting sabi ni Khielve. Tumingin uli kay Kyrene.
"Tara Kyrene." Aya ni Khielve dito.
"Excuse us" Sabi lang ni Khielve sa mga nandoon at umalis na sila ni Kyrene.
Halata naman ang pagkainis ni Yasmine. Napansin naman ni Ms. Dianna ang pagkairita nito at tumingin sa papalayong sila Khielve at Kyrene.
"Nangliligaw pala ang anak mo kay Kyrene?" Tanong ni Ms. Margarita.
"Yes, actually binasted na yan ni Kyrene, but then pumayag din uli. Na convince din uli ni Khielve." Si Donya Clara ang sumagot.
****
"Nagustuhan mo ba yang pink bear?" Khielve asks.
"Oo, pero Khielve sana wag mo naman akong sinusurpresa ng ganito, nakakahiya eh. Para akong hihimatayin eh." Sabi ni Kyrene.
"Ako din, pag may gumawa sakin niyan hihimatayin ako sa kilig. Eeehhh!" Sabi naman ni Bella na impit ang tili. Napailing na lang si Kyrene dito.
"Khielve iaakyat ko muna to." Sabi ni Kyrene.
"Samahan na kita."
"Hindi na, si Bella nalang isasama ko." Sabi ni Kyrene.
"Okay, dun kami sa may gazebo antayin kita dun." Sabi nito, tumango lang si Kyrene.
"Halika na Bella." Aya ni Kyrene. Umakyat sila ni Bella.
"Grabe friend! Sobrang sweet ng seniorito mo. Ano sasagutin mo na siya?" Tanong ni Bella habang papaakyat sila ng hagdan.
"Oo, sasagutin ko na siya bukas. Sa party niya."
"Eeeeehh! Magkaka boyfriend ka na. Dapat maganda ka bukas, isuot mo yung binigay na damit sayo ni Tricia." Papasok na sila sa kwarto ni Kyrene.
"Oo" Sagot niya sabay bukas ng pinto. Umupo agad si Bella sa kama. Nilapag naman ni Kyrene ang bear at bulaklak sa kama.
"Oh! ito na pala yung inutos mong ipa'frame ko." Binigay ni Bella kay Kyrene ang malaking paper bag. Kinuha ito ni Kyrene at nilagay sa gilid ng kama.
"Alam mo friend, pag kayo ang nag katuluyan ni seniorito. Magiging Donya Kyrene kana."
"Tss. Baliw! Halika na nga." Tumayo si Bella at lumabas uli ng kwarto. Bumaba sila.
"Maganda pala yung Yasmine, fashionista. Pero mas maganda ka dun, wala lang sa hulog ang ayos mo." Seryosong sabi nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa, kulang nalang pati talampakan tignan nito.
"Okay lang yun, atleast minahal ako ng seniorito ko kahit ganito ang porma ko." Nakangiting sabi ni Kyrene. Nakababa na sila at papunta sa likod.
"Hindi naman ako kokontra diyan. Rapunzel lang ang peg mo eh! Mas mahaba pa ata buhok mo kay Rapunzel eh." Sabi ni Bella.
"Oh ow! Yung seniorito mo may nakadikit na linta." Sabi ni Bella. Natigil sila sa paglalakad nandun na kasi si Yasmine katabi ni Khielve.
"Kyrene!" Tawag ni Jelian na nandun na rin. Napatingin naman sakanila lahat kaya lumapit na sila.
"Kyrene siya ba si Bella?" Tanong ni Jelian.
"Oo Jelian. Bella siya si Jelian, siya naman si Yasmine. " Pakilala ni Kyrene. Umupo naman si Kyrene sa tabi ni Kenneth.
"Hi Bella! I heard so many things about you." Jelian said.
"Sino naman nagkwento ng tungkol sakin? Si Kyrene ba? Sana na naman hindi masama ang mga sinabi niya tungkol sakin." Sabi ni Bella.
"Uhmm.. mapanakit ka daw, palasigaw, malakas kumain, palaging umuutot." Tawanan ang lahat sa sinabi ni Jelian.
Tinignan ni Bella ng masama si Kyrene at nagpeace sign naman si Kyrene.
"Pero yun daw ang minahal niya sayo." Dagdag ni Jelian. Napangiti naman si Bella at tumingin uli kay Kyrene. Tumabi ito kay Kyrene.
"Talaga mahal ako?"
"Hindi! Joke lang yun." Sabi ni Kyrene.
"Sino mas mahal mo ako oooo...... ang SENIORITO MO?" Tanong ni Bella at nilakasan ang huling salita. Namula naman bigla si Kyrene sa tanong ni Bella.
"Ahahaha! Bakit ka namumula?" Tanong ni Bella.
"Bella!" Mahina pero madiin niyang sabi.
Napangiti naman si Khielve. Tumayo ito at lumapit kay Kyrene.
"Bella can I?" Sabi ni Khielve na kung pwedeng umalis si Bella.
"Oh sure seniorito." Sabi ni Bella at tumayo.
Umupo naman si Khielve sa tabi ni Kyrene at umupo naman si Bella sa tabi ni Yasmine na nakasimangot.
"Sino nga ba ang mas mahal mo samin ni Bella Kyrene? Is it me or is it Bella?" Nakangting tanong ni Khielve.
"Bakit ka ba ganyan?" Nakayukong tanong ni Kyrene.
"Ahaha! Sorry, si Bella kasi eh. Ang cute mo talaga pag nahihiya ka." Sabi ni Khielve.
"Aaa! Bagay talaga kayong dalawa." Sabi naman ni Jelian.
"Thanks Jelian." Khielve says.
Si Yasmine naman nagcrossed nalang ng braso niya.
****
"Seniorito" Nakaluhod si Kyrene sa gilid ng kama ni khielve at hinahaplos haplos nito ang ilong ni Khielve.
"Seniorito!.... Ang cute cute mo talaga. Bakit kaya ako ang nagustuhan mo?" Sabi ni Kyrene habang nakatitig sa natutulog na si Khielve.
"Seniorito" Mahinang tawag niya dito. Unti-unting dumilat si Khielve.
"Happy birthday seniorito" Nakangiting bati ni Kyrene. Napangiti si Khielve.
"Oh Kyrene, What a pleasant surprise?" Ngiting-ngiti sabi ni Khielve. Umupo ito agad.
"Wow! You made my day Kyrene." Tuwag-tuwa na sabi ni Khielve dahil si Kyrene ang unang-unang bumati sakanya at pagmulat pa niya ng mata magandang mukha ni Kyrene ang nakita niya.
"Happy birthday!" Bati uli ni Kyrene. Umupo na rin ito sa kama.
"Thanks Kyrene." Hinawakan niyo ang kamay niya.
"Magpapaalam muna ako, uuwi muna ako. May kukunin lang ako." She says.
"Babalik ka naman agad?"
"Oo"
"Sandali diyan ka muna! Bathroom lang ako." Tumayo si Khielve at pumasok ng bathroom, nag ayos lang siya ng sarili. Washing face, tooth brush, gurgled mint mouthwash then got out.
"Samahan nalang kaya kita?" Sabi ni Khielve at umupo uli sa kama katabi ni Kyrene.
"Wag na! Babalik naman agad ako eh." Sabi ni Kyrene.
"Mamimiss kita eh." Khielve says and holds her hand. Kyrene was grinning.
"Bagay na talaga tayo." She said.
"Bakit?"
"Parehas na tayong baduy." Natawa ng mahina si Khielve.
"Sige na alis na ako." Tumayo si Kyrene pero hindi binitawan ni Khielve ang kamay niya. Tumingin si Kyrene dito.
"Bakit? Aalis na ako." Sabi ni Kyrene. Tumayo si Khielve at walang sabi-sabing niyakap siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top