CHAPTER 19
"Mama"
"Bettina, Henry! Akala ko ba sa susunod na araw pa ang dating niyo?" Sinalubong ni Donya Clara ang mga magulang ni Khielve.
"Sana, pero si Bettina miss na daw niya si Khielve." Sabi ng daddy ni Khielve habang humahalik sa donya. Si Mr. Henry ang nagiisang anak ni Donya Solidad.
"Anyway Mama, Where's my son?" Bettina asks.
"He's outside with his friends."
"Friends? New friends." Mr. Henry asks.
"No, Sila Kenneth. I'm sorry if I didn't mention about them." Sagot ng donya.
"Baka naman puro gulo ang pinasok ng grupo na yun?" Mr. Henry says.
"Henry, they're good kids. Walang trouble na nangyari dito. Ang bait ng apo ko." Sabi ng donya.
"See hon, ikaw lang kasi lagi ang nag sasabing trouble maker ang anak mo." Sabi naman ng asawa nito. Nagkibit balikat nalang si Mr. Henry.
"Donya Clara, nandiyan na po ang mga Brizalde." Sabi ni Martha.
"Ow really, c'mon! Salubungin natin." Aya ng donya sa magasawa. Pero bago pa man sila makarating sa may pinto. Papasok na rin ang mga ito.
"Solidad!" Magiliw na sabi ni Donya Clara.
"Clara!" Nag beso at nagyakapan ang dalawang Donya.
"Halika kayo pasok, pasok." Sabi ng donya. Nagsipasok ang mga kasama nito sa loob.
"Anyway this my son, Henry and her wife Bettina." Bumati ang mag asawa at nag beso sa donya.
"This is my son Vincent, and her wife Margarita." Pakilala ni Donya Solidad sa anak nila. Kilala na ito ni Donya Clara.
Kilala na rin ito ng magasawa but not personally. Si Mr. Henry at Mr. Vincent nagkakilala na rin nung mga bata pa sila pero hindi naman magkaibigan dahil halos sa Manila rin ito lumaki si Vincent nagkikita lang ito sa mga dinner ng pamilya.
"Of course I know her! The famous Magarita Brizalde." Sabi ni Bettina. Nagbeso din ito at nagkamay ang dalawang lalaki.
"And this is Yasmine. Ang nagiisa kung apo. The heiress of Brizalde." Pakilala ni Donya Solidad.
"Hello everyone." Yasmine greets them with a sweet smile. She looks fashionable and demure.
"She's very beautiful." Donya Clara says at nag beso din dito.
"Of course! Kanino pa ba magmamana. Syempre sakin. Ahaha!" Donya solidad says and laugh sofly.
"And I'm Dianna Perez and this my daughter Jelian." Pakilala naman ng isang babae na kasing edad lang din ng mga anak ng mga donya. She looks intimidating.
"Where's your grandson Clara?" Tanong ni Donya Solidad.
"Nasa labas siya with his friends... Ay ayan na pala eh... Apo Khielve come here. We have visitors." Tawag ng donya sa kakapasok palang na si Khielve.
"Mom, dad." Sabi ni khielve ng makita ang parents niya.
"Son I miss you." Lumapit agad ang mommy ni Khielve sakanya. Nagyakap ang dalawa.
"Nandito na kayo?Akala ko next day pa?" Tanong ni Khielve.
"Namiss na kita eh." Sabi ng mommy niya.
"Hi boys, nice to see you here." Bati ng mommy niya kila Kenneth.
"Hi tita, hi tito." Bati ng grupo. Lumapit sila sa mga bisita.
"Everyone, I'd like to introduce you to my grandson, Khielve. Apo meet the Brizalde clan." Donya Clara introduced him formally.
"Hello everyone." Simpleng bati niya.
"Khielve John Montillo!" Napatingin sila kay Yasmine na nagsalita.
"Do you know her apo?" Donya Solidad asks.
"Of course, we're schoolmate. Hi guys! Nandito rin pala kayo." Sabi nito at tumingin kila Kenneth.
"Hi Yasmine." Sabay na bati ni Simon and Zion.
"Classmates ba kayo?" Donya Clara asks.
"No! Ahead po siya."
"Then why you know him? Are you friends." Donya Solidad asks.
"No lola, everyone in school knows him. he's the most popular in school." Nakangiting sabi ni Yasmine.
"Really! Being a trouble maker." Mr. Henry speaks.
"No! Being a school heartthrob." Yasmine said and smiled.
"Wow! Really. Ahaha!" Sabi ng donya na tuwang- tuwa.
"Halina kayo, lunch is ready. Doon tayo sa may pool area." Sabi ng donya.
"Aray! Tsk. Seniorito naman oh! Ano bang ginagawa mo diyan? Game over tuloy." Nagtinginan ang lahat kay Kyrene. Nakayuko ito habang naglalakad dahil sa kakalaro nito sa cellphone na bigay ni Khielve.
Kasunod lang din ito nila Khielve naglalakad pero nahuhuli ito dahil sa busy nga sa laro kaya ayun nauntog sa likod ni Khielve. Natawa sila Zion dito.
"Oohh! Hala! Seniorito tignan mo oh. Tignan mo na break ko yung score mo." Sabi nito na nakatingin parin sa cellphone at pinakita pa kay khielve.
"Nice Kyrene. Partida naglalakad ka pa niyan." Sabi ni Khielve at ngumiti. Flappy bird ang nilalaro nito.
"Ahahaha! Ang galing ko. Ililibre mo ako ng isaw mama-" Natigilan si Kyrene ng makita niyang maraming nakatingin sakanya. May mga nakangiti, meron seryoso ang mukha.
"Sorry po! Sorry po." She nodded her head repeatedly.
"And who's that adorable girl." Mrs. Bettina asks.
"She's Kyrene." Donya Clara says.
"Ow! Siya yung knu'kwento mo sakin mama." Lumapit agad ang mommy ni Khielve at binigyan siya ng yakap.
"Nice to meet you Kyrene." Sabi nito habang nakayakap.
"Nice to meet you din po." Magalang na sabi ni Kyrene. Pero medyo nahihiya at hindi rin niya kilala kung sino ang yumakap sakanya. Bumitaw ito sa pagkakayakap. Lumapit siya ng bahagya kay Khielve.
"Sino siya?" Bulong ni Kyrene.
"Ahahaha! That's my mom." Sabi ni Khielve na natawa. Napa oohh si Kyrene at tumingin sa mommy ni Khielve.
"Hello po, kayo po pala ang mommy ni seniorito." She said and smile foolishly. Tumingin din siya sa ibang mga tao.
Yasmine is looking at her so strangely. Confusion and puzzlement plaster in her curious face as she examines her feature. Trying to remember who she is. After a while she nodded her head as if she already knows her.
Nadaku naman ang paningin ni Kyrene Kay Margarita Brizalde. It's causing her to gasp and creating her eyes and mouth widen.
"Margarita Brizalde!" She said with a wide eyes.
"Ikaw nga!Ms. Margarita Brizalde. Naku idol ko po kayo. Sobra sobra.. Pwede po ba akong mag mapicture?" Tanong ni Kyrene.
"Sure hija." Ngiting-ngiti na sabi nito.
"Talaga po!?" Tarantang lumapit si Kyrene dito.
"Sandali po... Seniorito pictureran mo kami." Inabot niya ang cellphone kay khielve. Nangingiting Kinuha naman nito. Kinuhan sila nito ng picture.
"Grabe hindi ako makapaniwala." Pinakatitigan niya itong mabuti. Tinignan din siya nito.
"Ang ganda ganda mo naman hija." Margarita compliments her. she can't help but smile like a fool.
"Margarita siya yung pinagawan ko ng gown." Sabi ni Donya Clara.
"Really, I really like your design. You have potential to be a good fashion designer." Sabi ni Margarita.
"Talaga po! Salamat po. Pwede pong payakap? Bagong ligo naman ako." Sabi ni Kyrene at inamoy pa ang damit.
"Ahahaha! She's so cute and funny." Donya Solidad said.
"Of course hija. You can hug me." At ito na ang yumakap kay Kyrene. Yumakap naman si Kyrene dito ng mahigpit. Kumalas siya ng pagkakayakap at tumingin naman kay Vincent Brizalde at ngumiti, ngumiti din ito sakanya.
"Anyway, She's Kyrene, anak ni Benito at Belen." Donya Clara says.
"Benito Cruz?" Tanong ng daddy ni Khielve. Nawala naman ang pagkakangiti ni Donya Solidad sa narinig.
"Yeah, yung kababata mo." Donya says.
"Really! Where's your father hija?" Tanong ni Mr. Henry.
"Nasa bukid po siguro ngayon. Ang nanay naman kakauwi lang po." Sabi ni Kyrene. Dahil ang nanay niya ang nagluto sa mansyon. Tumango-tango lang ang ginoo.
"So let's go! Lunch is waiting." Sabi uli ni Donya Clara.
"Kyrene sabay ka na samin." Donya Clara says.
"Naku Donya Clara wag na--
"Nahihiya ka na naman eh. Halika na." Naputol ang sasabihin ni Kyrene dahil inakbayan na siya ni Khielve.
Wala ng nagawa si Kyrene ng hilain na siya ni Khielve. Sumunod na rin ang iba. Umupong magkatabi si Khielve, Kyrene at Kenneth. Napapagitnaan si Kyrene ng dalawa. kaharap naman nito si Yasmine.
"So, son. How have you been doing?" Mr. Henry asks.
"Fine dad" He replies simply.
"Are you ready to go back home? After your birthday party sasama ka na samin?" He asks. Tumingin si Khielve kay Kyrene at tumingin uli sa dad niya.
"Hindi na muna dad, susulitin ko muna bakasyon ko." He said.
"Wow! This is surprising. Dati rati ayaw na ayaw mo dito. What made you change your mind?" He said.
"Well, I find this place every enjoying." Ngumiti ang daddy niya at mommy niya sabay tingin kay Kyrene.
"Really!? Baka naman meron kang ayaw iwan." Her mom said and smile michievously.
"Uhm. I will miss lola. I was just thinking nga kung ako nalang magpatakbo ng hacienda eh." Sabi ni Khielve.
"That's great apo." Tuwang-tuwa sabi ni Donya Clara.
"No! I need you in our company." Agad na sabi ng daddy niya.
"Hay! Hayaan mo ngang si Khielve ang mag desisyon para sa sarili niya. Just let him be Henry." Sabi ng Donya.
"If I let him, photography ang gagawin niya. Ano mapapala niya dun? Wala siyang makukuha dun." Sabi ng daddy niya. Nailing nalang si Khielve.
"Happiness po." Napatingin lahat kay Kyrene.
"What do you mean hija?" Donya Clara asks. Tumigil ito sa pagsubo nakaupo ito sa short side ng table.
Bakit ba ako sumasagot? -alanganing ngumiti nalang si Kyrene bago sumagot.
"Kasi po paggusto niyo po yung ginagawa niyo magiging masaya po kayo. Katulad po ni seniorito, pagkumukuha siya ng mga picture. Kitang kita po na sobrang saya niya. Lalo na pag perfect ang nakukuha niya." Sabi ni Kyrene tumingin sakanya si Khielve at ngumiti.
"Parehas na parehas kayo ni Vincent pag dating sa pananaw sa buhay hija. Ganyan na ganyan din siya magsalita."Sabi ni Margarita. Ngumiti lang si Kyrene.
"Ikaw Kyrene, ano ba pangarap mo?" Donya Solidad asks habang nakatingin kay Kyrene. Wala itong kangiti-ngiti, kung kanina parang tuwang tuwa sakanya ngayon iba ang mood. Hindi agad naka sagot si Kyrene.
"Gusto po niyang maging fashion designer at magkaroon ng shop." Si Khielve ang sumagot. Tumingin sakanya si Yasmine.
"Talaga? Nag-aaral ka ba?" Tanong ng donya.
"Hindi po eh. Nag aral lang po ako sa isang school center dito. Tailoring po."
"So, marunong ka na sa tailoring?" Margarita asks.
"Opo"
"That's important hija. Being a fashion designer dapat marunong ka talaga sa tailoring." Sabi naman ni Margarita.
"Alam niyo ang apo kong si Yasmine, she's really good in fashion. Bukod sa course na fashion design, she's also taking up business ad. May sarili din siyang shop." Proud na proud na sabi ni Donya Solidad.
"Wow! Ang galing mo naman. Siguro kasing galing ka ng mommy mo." Sabi ni Kyrene kay Yasmine. Yasmine just grinned for her response at pinagpatuloy ang pagkain. Pero maya-maya nagsalita ito.
"Ano ka ba dito Kyrene?" Yasmine asks.
"P.A po ako ni seniorito." Nakangiting sagot ni Kyrene.
"Oh! Alalay." Donya Solidad said. Ngumisi naman si Yasmine pero hindi ang iba.
"Consistent ang pamilya mo, napamana pa pala sayo ng lola mo ang pagiging maid niya." Sabi ng Donya with her intimidating looks.
"Hindi ko pa siya alalay. Ang totoo pinakiusapan ko lang si Kyrene na makasama sa pamamasyal ko dito. Wala kasi akong kakilala dito." Sagot ni Khielve. Tumingin lang ang lahat kay Khielve.
"Kyrene tikman mo to." Sabay na sabi ni Khielve at Kenneth. Sabay pa silang naglagay ng pagkain sa plato ni Kyrene. Kunot noong napatingin dito si Yasmine.
"Kumain nalang kayo. Hindi naman ako magpapahuli sa pagkain." Sabi ni Kyrene sa dalawa natawa ng bahagya ang iba sa sinabi niya.
"Ang sarap ng food mama. Sino ang cook niyo?" Bettina asks.
"Si Belen, masarap talaga siya magluto." Sagot ni Donya Clara.
"Pati ang nanay mo maid din?" Tanong ni Yasmine.
"No! Pinakiusapan ko lang siyang magluto. Magaling kasi siya magluto." Donya Clara says.
"Yes the best si nanay Belen magluto, lalo ang adobo. Diba ky-ky." Sabi ni Khielve at tumingin kay Kyrene at ngumiti. Ngumiti din si Kyrene dito.
"Solidad, wala ka na ba talagang balak umuwi dito for good?" Donya Clara asked.
"Wala, naeenjoy ko na ang pagpapatakbo ng school. At kasama ko pa ang pamilya ko. Lalo na ang pinaka mamahal kung apo." Sabi nito at tumingin kay Yasmine.
Natapos silang kumain, Si Yasmine lumayo sa marami at may tinawagan.
"Hey Bianca, guess what?" Yasmine started.
"What?And hanggang kelan ka diyan sa province?" Bianca asks.
"Alam mo ba kung sino ang nakita ko dito? Gosh! Khielve John Montillo is here and his friends."
"Ow really?! Wow!" Bianca exclaimed.
"His lola and mine are bestfriend. And alam mo ba kung sino ang nakita ko dito aside from them?" She asks na sosyal na sosyal ang pagsasalita.
"Who?"
"The mysterious girl on Facebook."
"Oh my! The most talked about girl in town." Hindi makapaniwalang sabi nito. Dahil nga sa maraming nagtatanong kung sino ang babae na nasa fb ni Khielve.
"U-huh, guests what? She's just an ordinary girl. A maid, alalay ni Khielve." She said.
"She's so lucky to be his alalay. Gosh! I want too." Bianca
"Pwede ba! Alalay lang kinaiinggitan mo. You're crazy." Iritang sabi nito na may poise parin.
"Whatever! Swerte parin siya, they seem very close." Bianca said. Dahil nakita nila ang mga picture ni Khielve at Kyrene pati ang harutan nito sa bukid na upload na rin ni Khielve.
"Well, I think so. Mukha nga silang close, super close." She said.
***
"Bro. May gusto ka ba kay Kyrene?" Tanong ni Kenneth kay Khielve. Nasa kwarto sila nila Kenneth. Tumingin si Khielve dito.
"Sorry Kenneth, pero oo eh. Ewan! Parang tinamaan ako eh." Sagot ni Khielve.
"Woah! Umamin din." Sabi ni Zion.
"Pero hindi ka marunong sumeryoso ng babae bro. Sasaktan mo lang siya, kilala kita eh." Seryosong sabi ni Kenneth.
"Ikaw Kenneth? Gaano mo ba siya kagusto?" Seryosong sabi ni Khielve.
"Gustong-gusto! Ewan ko, basta tinamaan din ako. Nung una ko palang siyang nakita." Sabi nito. Nagtinginan lang si Simon at Kenneth.
"Gusto ko siya pero ayaw niya sakin. Binasted nga ako eh." Sabi ni Khielve at sumimangot.
"Binasted din ako eh." Kenneth said.
"ANO!?" Sigaw ng tatlo na napaayos pa ng upo.
"Totoo!? Ahaha! Akala ko binasted niya ako dahil sayo eh." Tuwang-tuwa na sabi ni Khielve tumawa pa ng malakas.
"Gago! Tuwang-tuwa ka naman." Sabi ni Kenneth.
"Ahahay! Dalawang popular men ng university nabasted ng isang promdi girl." Simon said na naiiling pa.
"Ligawan ko kaya si Kyrene. Feeling ko sakin may gusto yun... Aray naman!" Binatukan si Zion ni Kenneth at binato siya ng unan ni Khielve.
"Kung kami nga hindi pumasa, ikaw pa kaya." Sabi ni Kenneth.
"Paano ka ba niya binasted bro?" Tanong ni Khielve.
"Sa cellphone. Tinawagan ko, hindi pa daw siya handa magpaligaw eh." Sabi ni Kenneth na medyo lumungkot ang mukha.
"Okay lang yun bro, at least sa tawag lang. Eh yung kay Khielve harapan eh. Hahaha!" Natatawang sabi ni Simon.
Napasandala si Khielve sa couch.
Ibang klaseng babae talaga siya hindi basta-basta. Pero gusto ko talaga siya. Hindi! Mahal ko na siya. Sigurado ako, hindi ko pa to nararamdaman sa iba. Susubukan ko uli mang ligaw sakanya. Lalo na ngayon alam kung hindi si Kenneth ang dahilan ng pangbabasted niya sakin. - Sa isip ni Khielve habang nakasandal siya sa couch.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top