CHAPTER 18

"Bro! Ang aga mo namang nagkukulong ng kwarto." Pumasok sila Simon at Zion sa kwarto ni Khielve. Tumingin lang sa dalawa at muling binaling ang paningin sa kung saan. Nakaupo lang ito sa kama at nakasandal sa headboard.

"May problema ka ba?" Tanong ni Zion sabay upo sa kama. Umiling si Khielve.

"Kamusta pag hatid mo kay Kyrene kanina? Galit na galit si Monique.  Hindi na nga nagpahatid samin, sa mga body guards na niya nagpahatid." Sabi ni Simon. Wala lang imik si Khielve.

"Hoy bro. May kausap ba kami? Problema mo?" Tanong uli ni Zion.

"Si Kyrene ba? Alam mo kasi bro. May gusto ka naman ayaw mo pa umanin. Bakit mo sa--

"Binasted niya ako." Putol ni Khielve sa sabihin ni Zion.

"ANO!?" Sabay ng dalawa.

"Uulitin ko pa ba?" Iritang sabi ni Khielve.

"Ahahaha!" Tumawa ng malakas ang dalawa.

"Sigurado ka? Ano ba sinabi mo? Baka naman ginawa mo sakanya ang paraan mo sa ibang babae." Sabi ni Simon na natatawa parin. Tinignan ito ni Khielve.

"Kelan ako ng ligaw ng babae?" Nakasimangot na sabi ni Khielve.

"Wala pa nga, si Kyrene pa lang. Kaso basted ka. Baka naman kasi hindi maayos ang panliligaw mo." Simon said.

"Hindi pa nga ako nangliligaw. Sinasabi ko pa lang na manliligaw ako binasted na ako."

"Ahahahah!" This time mas malakas na tawa ang ginawa ng dalawa na hinahampas-hampas pa ang kama ni Khielve.

"Tumigil nga ko kayo sa pagtawa mga gago." Sabi nito sabay hampas ng unan sa dalawa.

"Whoo! Totoo ba yan bro? Khielve John Montillo first time manligaw basted agad. Ahaha! Ibang klase si Kyrene.  Hindi umobra ang karisma mo sakanya." Sabi ni Zion.

"Dapat may rememberance tayo nito eh." Sabi ni Simon sabay kuha ng cellphone niya at pinicture'ran si Khielve.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Khielve. Ngumiti lang si Simon.

"Buksan mo fb mo." Sabi ni Simon.

"Wala ako sa mood para mag fb. Anaknang!" Irita parin ito.

"Tignan mo lang. May tinag ako sayo." Sinusunod nalang niya ito at tinignan.

"Burahin mo nga to siraulo ka!" Sabi ni Khielve dahil In'upload nito ang picture niya na hindi na maipinta ang mukha.

May Caption na. Ito ang itsura ng isang Khielve John Montillo pag nabasted. First attempt sa panliligaw basted agad. Wahahaha!! Marami agad ang comments nagtatanong kung sino ang tangang babae ang gumawa nun.

Nagring ang cellphone ni Simon. Sinagot naman ito ni Simon.

"Hello Tricia."

"Simon totoo ba yung post mo?" Agad na tanong ni Tricia.

"Sandali lang." Niloud speaker ni Simon ang cellphone.

"Totoo yun basted si Montillo. Ahaha!" Tawanan ang dalawa.

"Binasted siya ni Monique?" Tricia asks.

"Ni Kyrene.  Ahaha!" Sabay na sabi ni Simon at Zion sabay tawa ng malakas.

"OH MY GOD! Totoo ba yan? Umamin na siya. Bakit daw siya binasted?" Inagaw ni Khielve ang cellphone.

"Wala! Tsismosa ka." Sabi ni Khielve sabay patay sa cellphone. Lalo namang tumawa ang dalawa.

"Lumabas na nga kayo matutulog na ako." Singhal niya sa dalawa.

"Ligawan mo uli si Kyrene para pumayag magpaligaw. Tapos ligawan mo naman para maging girlfriend mo. Double courting pala ang kailangan  kay Kyrene eh." Natatawang sabi ni Simon. Sabay labas.

****

"Kyrene halika ka na." Tawag ng nanay niya. Pupunta sila ng hacienda. Dahil sa santacruzan may handaan sa hacienda, taon taon itong ginagawa. Naghahanda si Donya Clara at lahat ng tauhan nagsasama-sama.

"Nandiyan na po nay." Lumabas ng kwarto si Kyrene.

"Ano ba yan ky-ky. Balik ka na naman sa pagiging manang." Sabi ni Javier.

"Halika ka na. Walang pakialamanan." Sabi ni Kyrene at lumabas na sila ng bahay.

"Kumusta ang panliligaw sayo ni Kenneth?" Tanong ni Javier kay Kyrene. Habang naglalakad sila papuntang hacienda, kasama ang buong pamilya.

"Hindi naman nangliligaw yun. Tsaka ayaw ko pa, nagbago ang isip ko ayaw ko na munang magpaligaw." Sabi ni Kyrene.  Napatingin ang lahat sakanya.

"Ikaw nga Kyrene umamin ka. Tomboy ka ba talaga?" Tanong ng kuya niya.

"Kuya! Ayaw lang magpaligaw tomboy na agad! Oh sige, bukas magaasawa na ako. Matahimik ka lang." Masungit na sabi ni Kyrene at nauna ng naglakad.

"Ano problema nun? Bakit nagalit? Meron siguro yun." Sabi ni Javier.  Kahit ang magulang niya nagtataka sa kinilos niya. Dahil hindi naman ito nagagalit pag sinasabihan nila ng ganun.

Narating nila ang hacienda. Nandun ang lahat ng mga tauhan.

"Aling Belen! Si Kyrene po asan?" Tanong ni Bella. Nandun si Donya Clara pati sila Khielve.

"Wala pa ba dito?" Tanong ni Aling Belen.

"Wala pa po. Hindi niyo ba kasama?" Tanong ni Bella.

"Kasama namin kanina. Pero nauna samin." Sabi ni Aling Belen. Humarap ito kay Javier.

"Ikaw kasi Javier eh! Ininis mo." Sabi ni Aling Belen at pinalo sa braso si Javier.

"Malay ko naman po na mapipikon yun. Lagi naman natin sinasabihan ng ganun yun eh! hindi naman nagagalit." Sabi ni Javier.

"Bakit kuya Javier ano sinabi mo?" Tanong ni Bella.

"Sanabihan ko lang ng tomboy siya kasi ayaw magpaligaw. Sabi bukas na bukas daw mag aasawa na siya para matahimik na ako. Tapos ayun na nagwalk out. Ano kaya problema nun?" Sabi ni Javier.

"Baka umiiwas kay Khielve?" Sabi ni Zion. Napatingin lahat kay Zion.

"Bakit apo? Ano ginawa mo kay Kyrene? Diba sabi ko sayo wag kang gagawa ng kalokohan ah." Sabi ng donya at pinalo ito sa braso.

"Lola wala po akong ginawa." Sabi ni Khielve.

"Ikaw nga Zion manahimik ka! Kung ano ano sinasabi mo." Dagdag ni Khielve at sinamaan ng tingin si Zion.

"Magandang umaga po sainyo. Donya Clara magandang umaga po."

"Oh Brenan! Asan ang nanay at tatay mo? Hindi ba pupunta?" Donya Clara asks.

"May bisita po." Sagot nito.

"Aling Belen ano po problema ni Kyrene?  Ang sungit ngayon." Sabi ni Brenan.

"Nakita mo siya? asan?" Tanong ni aling Belen.

"Nandun po sa hardin nakahiga.  Nilapitan ko, tinanong ko lang kung ready na siya magpaligaw, nasinghalan ako. Hindi naman yun ganun pag tinatanong ko dati." Sabi ni Brenan.

"Ahaha! Ano ba sabi sayo Brenan?" Tanong ni Bella na natawa pa.

"Kung wala daw akong ibang sasabihin umalis-alis ako sa harapan niya." Sabi Brenan na napailing nalang.

"Ano kaya problema ng batang yun? Javier puntahan mo nga." Sabi ni Aling Belen.

"Aling Belen. Pwedeng ako nalang po?" Khielve said. Everyone glared at him.

"Okay lang sayo seniorito?" Tanong ni Aling Belen.

"Opo."

"Sige" Sabi ng ni Aling Belen. Umalis na si Khielve.

*****

Nakahiga si Kyrene sa damuhan. May mga tanim na bulaklak dito. May hawak-hawak siyang bulaklak at pinipilas niya isa-isa ang petals nito.

"He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not. He loves me.... haay kainis naman eh. Totoo ba to?" Nakakailang bulaklak na siya puro sa he loves me naman siya na tatapos. Ginawa niya sa konting petals at sa maraming petals. Ganun parin ang resulta.

Tinakpan niya ang mata niya ng braso niya. Mga ilang sandali siyang nakaganun. Hanggang sa bigla niyang I'unat ang mga braso niya.

Napalingon siya sa left side ng maramdaman niyang may tinamaan ang braso niya. Paglingon niya, mukha ni Khielve ang nakita niyang nakaharap sakanya.

Nakahiga ito. Pabaliktad sila ng higa, magkaharap ang mga mukha nila, ang braso niya nakapatong sa pagitan ng leeg at dibdib nito.

"Seniorito." Anas niya. Aalisin sana niya ang braso niya pero hinawakan nito.

"Bakit nandito ka?" He asks.

"Wala lang." Umiwas siya ng tingin dito.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito.

"Hindi! bakit naman kita iiwasan?" Aalisin niya sana uli ang braso niya sa pagkakapatong dito pero pinigil uli nito.

"Kyrene iniiwasan mo ako eh." He said as he glances at her. Pero si Kyrene nakatingin lang sa langit.

"Hindi nga."

"Then just look at me." He said. Pero hindi kumilos si Kyrene. Inalis ni Khielve ang braso ni Kyrene. Agad naman binawi ni Kyrene ito.

Gumulong si Khielve padapa. Nagulat si Kyrene sa ginawa nito dahil ang mukha nito sa harap na ng mukha niya. Nakahiga si Kyrene at si Khielve naman nakadapa. Pabaliktad.

"Now, look at me." Sabi nito.

"Seniorito, ano bang ginawa mo?" Tanong ni Kyrene. Pero naiilang siya ng sobra sa ginagawa nito.

"Galit ka ba sa 'kin?" Paanas na tanong nito.

"Hindi po ako galit. Bakit ako magagalit?" Sabi nito na umiiwas ng tingin. Nilapit nito ang mukha nito kay Kyrene kaya napapikit si Kyrene sa sobrang ilang.

"Pwede ba umalis kana diyan! Ilayo mo nga mukha mo." Sabi ni Kyrene habang nakapikit. Ngumiti lang si Khielve at pinakatitigan ang mukha nito habang nakapikit. Hindi naman magawa ni Kyrene tumayo dahil nakaharang ang mukha nito sa mukha niya.

"I like you so much Kyrene." Paanas nitong sambit. Ramdam ni Kyrene ang mainit na hininga nito na tumatama sa noo niya.

"I think, I'm starting to fall in love with you." He said, his voice was barely a whisper. Naramdaman nalang ni Kyrene na dumampi ang labi nito sa noo niya. Kaya lalong napadiin ang pagkakapikit ni Kyrene.

Ano bang ginagawa niya? 

"Kyrene please, give me a chance."

"Seniorito please naman oh. Sinabi ko na sainyo kagabi diba? Alis na muna please." Pakiusap ni Kyrene habang nakapikit parin. Umalis naman si Khielve at gumulong uli pahiga. 

Agad na umupo si Kyrene. Umupo na rin si Khielve.

"Kyrene ayaw mo ba talaga sakin?" Tanong ni Khielve.

"Hindi naman. Kaso lang."

"Si Kenneth ba? Siya ang gusto mo?" Tanong nito na may bahid ng lungkot sa tinig..

"Hindi naman seniorito. Hindi lang ako handa." Sabi ni Kyrene.

"Okay. Pero Kyrene Pwede wag  mo na akong iwasan. Yung dati uli. Ayaw kung iniiwasan mo ako eh." Pakiusap nito.

"Sige po."

"Naiilang ka eh. Po ka ng po."

"Hindi na po." Nakayukong sabi ni Kyrene.

"Kyrene na naman."

"Aaww! Ang sakit nun ah. Para saan yun?" Hawak ni Kyrene ang noo niya kinatok ni Khielve ng malakas.

"Ahaha! Para hindi ka na mailang...Aah! Aray Kyrene." Ginantihan siya ni Kyrene sa ulo naman pero mas malakas.

"Ahahaha!" Tawa ng malakas si Kyrene.

"Grabe ka talaga! Ang lakas nun ah. Halika ka nga ditong babae ka." Akmang tatayo na si Khielve pero mabilis na nakatayo si Kyrene at tumakbo palayo habang tumatawa.

"Akala mo hindi kita maabutan ah." Takbo si Khielve.

"Aaaahhh!" Sigaw ng malakas si Kyrene sabay takbo. Hinabol siya ni Khielve hanggang  sa maabutan siya nito.

"Huli ka! Akala mo hindi kita maabutan ah." Sabi ni Khielve. Nahapit siya nito sa bewang magkaharap sa isa't- isa. Kaya nagdikit ang mga katawan nila.

"Ahaha! Ayaw ko na." Sabi ni Kyrene habang hawak ang noo para itago. Pero natigilan siya ng maramdaman ang pagkakahapit sakanya ni Khielve. Ngumiti sakanya si Khielve.

"Oh naiilang ka na naman! Halika na nga." Sabi nalang nito sabay akbay sakanya. Naglakad na sila kung nasan ang handaan.

"Ibang klase ka. Ngayon lang ako nangligaw binasted mo pa ako." Sabi nito habang nakaakbay sakanya. Pinaghawak pa nito ang dalawang kamay habang nakaakbay sakanya.

"Ano ba ayaw mo sakin?" Tanong ni Khielve.

"Marami." Mabilis na sagot ni Kyrene. Tumingin sakanya si Khielve na medyo sumeryoso ang mulkha. Pero ngumiti din.

"Eh ano naman ang gusto mo sakin." Tanong nito.

"wala" Mabilis uli niyang sagot.

"Ang honest mo! salamat ah." Lalo nitong hinigpitan ang pagkakaakabay sakanya napa hawak nalang siya sa bewang nito. Nakarating sila kung saan nagkakainan ang mga tauhan.

"Wohoo! Ano bro. Pumayag na si Kyrene mag paligaw sayo?" Agad na tanong ni Zion pagkakita sa dalawa. Magkaakbay parin sila. Kaya Nagtinginan sakanila lahat. Lahat pa naman ng tao sa hacienda Nandun. Inalis ni Khielve ang pagkakaakbay.

Kumuha ng lumpia si Khielve.
"Oh kumain ka nalang. Ang daldal mo." Sabay salaksak sa bibig ni Zion ang lumpia.

"Friend nililigawan ka ni seniorito?" Nanglalaking mata ng tanong ni Bella. Ngumiti si Kyrene at kumuha din lumpia.

"Oh kumain ka din. Ang daldal mo din. Bagay kayo ni Zion." Sabay subo din ng lumpia kay Bella. Nagtinginan si Bella at Zion na parehas nginunguya ang ang lumpia.

"Apo nililigawan mo si Kyrene?" Tanong ni Donya ni Clara.

"Ahahahaha!" Sabay na tumawa ng malakas si Bella at Zion.

"Oh si lola nga ang subuan niyo ng lumpia. Ahaha!" Sabi ni Zion na tumawa pa ng malakas, natawa rin ang iba.

"So, apo nililigawan mo nga ba si Kyrene?" Tanong uli ng donya.

"Hindi po lola." Sagot ni Khielve.

"Opo lola hindi po niya nililigawan si  Kyrene.  Kasi po nag sasabi palang na manliligaw basted na agad. Ahaha!" Sabi naman ni Simon. Sinamaan lang siya ni Khielve ng tingin at napayuko nalang si  Kyrene dahil sila ang naging natampulan  ng tukso.

"Binasted mo Kyrene ang apo ko?" Hindi makapaniwalang tanong ng donya. Napahigpit nalang ang hawak ni Kyrene sa palda niya.

"Is  just because of Kenneth? I heard he likes you too." Napatingin lahat kay Kyrene na parang nagaantay ng isasagot niya.

Waaaahh! Ibaon niyo nalang ako sa lupa. Para akong nasa silya electrica nito. - sa isip ni Kyrene habang nakayuko siya.

"Lola stop interrogating her." Sabi na lang ni Khielve.

"Ahaha! Kung ako nga binasted ni Kyrene kayo pa kaya." Napatingin ang lahat kay Brenan

Kahit si Kyrene na nakayuko napaangat din ng ulo.

"Feeling ka Brenan! Ano ibig mong sabihin na mas lamang ka sa mga rich kid na to?" Sabi ni Bella.

"Ayan ang sinasabi ko sayo Brenan eh. Tigilan mo ang pag r'rugby mo." Sabi naman ni Ben na boy ng mansyon. Tawanan ang lahat dito, napakamot nalang ng ulo si Brenan.

"Grabe ka naman ky-ky. Si seniorito Khielve na yan binasted mo pa rin. Ano ba hanap mo sa lalaki? Tapos nagagalit kang sabihan ng tomboy." Sabi naman ng kuya Javier niya.

"Kung makapagsalita ka parang ikaw may love life ah." Sabi ni Kyrene sa kuya niya.

"Ako po nanay Belen, tatay Benito pwede po bang mangligaw kay Kyrene?" Napatingin lahat kay Kenneth. Kahit si Khielve titig na titig dito at Kyrene.

"Si Kyrene ang magd'desisyon niyan hijo hindi ako. Kung ako lang ayos lang." Sagot ni Aling Belen. Tumingin si Kenneth kay Kyrene at ngumiti.

"Pwede ba akong manligaw Kyrene?" Tanong ni Kenneth.

Hala! Kailangan talaga sa maraming tao siya magtanong? Paano ako hihindi. Nakakahiya!! -Ngumiti lang si Kyrene dito.

"Silence means yes!" Simon said. Ngumiti si Kenneth, napailing naman si Khielve. Napapikit naman si Kyrene.

"Silence doesn't always mean yes. Malay mo nahihiya lang si Kyrene dahil maraming tao." Napatingin naman lahat kay Khielve.

"Halika nga babae magusap tayo." Sabi ni Bella sabay hatak kay Kyrene. Pumunta ang dalawa sa may ilalim ng puno at umupo.

"May hindi ka ba sinasabi? Totoo ba yun? Nililigawan ka ni seniorito?" Tanong ni Bella. Tumango si Kyrene.

"Oh my! May gusto siya sayo talaga? Paano siya nagtapat?" Excited na excited na tanong ni Bella. Kwenento naman niya lahat dito kung paano ito nagtapat.

"Pero sabi ko hindi pa ako handa magpaligaw eh." Sabi ni Kyrene pero may bahid ng lungkot sa tinig nito.

"Ang gaga mo! Hindi mo siya gusto? Si Kenneth ba ang gusto mo?" Umiling si Kyrene.

"Hindi ko alam. Naguguluhan na rin ako. Parang! Haist! Ewan, hindi kasi kami pwede. Mayaman siya, alalay lang ako. Tapos hindi naman siya sigurado kung ano ang nararamdaman niya para sakin. Alam mo yun.... Lagi siyang may I think. Gusto niya ako, yun ang sabi niya. Pero mukha siyang babaero. Paano kung masaktan lang ako." Mahabang paliwanag ni Kyrene.

"Gusto mo rin siya.  Hindi ka naman nagpapaliwanag at nagguguluhan  ng ganyan sa iba mong binabasted. Basta binasted mo tapos ang usapan basta ayaw mo lang.. hala tinamaan ka na." Sabi ni Bella na napatulala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top