CHAPTER 16

****

Nasa guest room si Khielve kung asan sila Kenneth nag'stay.

"Bro may itatanong ako sayo." Zion says. Nakaupo ito sa kama.

"What was that?" Khielve asks. He's sitting on the couch.

"May gusto ka Kyrene no?" Zion asks as he stared at him. Nasa kama din si Simon nakasandal sa headboard. Si Kenneth nasa bathroom. 

"Where did you get that idea?" He asks.

"Bro naman umamin ka na nga! Halata ka eh. Iniiwas mo siya kay Kenneth eh. Pag nagkakalapit sila ni Kenneth,  tatawagin mo si Kyrene. Kung ano-anong inuutos mo." Sabi naman ni Simon.

"Pwede ba! Hindi nga. Ang kulit niyo." Sabay tayo nito pumunta siya sa may bintana. Tumingin siya sa labas at nakita niya si Kyrene nakaupo sa beach chair sa may pool area. Lumingon siya sa mga kaibigan niya.

"Matutulog na ako." Sabi niya sabay labas.

**

Nakaupo at nakasandal si Kyrene sa beach chair. Nakaunat ang dalawang paa niya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Napalingon si Kyrene sa nag salita.

"Seniorito ikaw pala." Sabi niya.

"Can I take a seat?" He asks. Tinanggal nito ang earphone sa kabilang tenga niya.

"Paano kung ayaw ko? Ahaha!" She said then laughed softly.

"Uupo parin ako." Sabi nito at ngumisi sabay upo sa tabi ni Kyrene. Umusog nalang ng konti si  Kyrene para makaupo ito.

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Khielve.

"Hindi pa kasi ako inaantok." She replies.

"Uuwi kaba sainyo sa susunod na araw?"

"Ayaw mo ba?" She asked. He grinned.

"Hindi naman, nagtatanong lang."Ngumiti nalang si Kyrene.

"Kyrene"

"Uhmm. Ano pangarap mo?" Ngumiti si Kyrene. Pero nakatingin lang siya sa langit. Medyo nakahiga sila dahil beach chair ang nauupuan nila.

"Gusto kong maging isang fashion designer. Magkaroon ng sariling shop. Pero hindi naman ako umaasa na mangyayari yun." Biglang lumungkot ang mukha nito.

"Bakit naman? Pwede mo naman tuparin yun kung gusto mo talaga eh." Sabi nito at tumingin sakanya ng bahagya.

"Eh ikaw? Siguro gusto mong maging sikat na photographer. Maging photographer ng mga nag p'pose sa men's magazine." Sabi nito at ngumiti.

"Tsss! Hindi no. Ayaw ko nga na tao ang subject ko eh."

"Bakit naman?"

"Wala lang. Ayaw ko lang. Kung ikaw model ko pwede." Sabi nito sabay ngiti at tumingin sakanya.

"Model ng mga baduy. Nang mga manang." Sabi niya na ngumiti din.

"Uhm.. simply gorgeous. Yun  ang bagay na caption sayo." Seryosong sabi nito.

"Ano yan pambawi mo sa panglalait mo sakin? Ahaha!"

"Totoo yun." Seryoso parin ito. Napangiti nalang si Kyrene.

" Ano pinapakinggan mo?" Tanong niya.

"Uhm.. random eh. Oh. Makinig ka rin." Nilagay nito ang isang earphone sa tenga niya.

"Wala bang love song? Pang paantok ba?"

"Ano ba gusto mo?"

"Kahit ano basta love song. Forevermore, till I met you. Mga ganun." Naguusap sila pero sa taas lang sila nakatingin.

"Tss.. Baduy mo talaga." Sabi nito.

"Oo na! Baduy na kung baduy. Eh yun ang gusto ko eh." Sabi niya. Nagdownload lang si Khielve ng gusto nitong kanta dahil wala sa cellphone niya ang till I met you. Pero meron siyang forevermore.

"Oh ayan!" Sabi ni Khielve pagkatapos I'play ang kanta. Napangiti si Kyrene at pinikit ang mata. Pinakinggan ang music forevermore.

Lumingon si Khielve kay Kyrene. Pinagmasdan niya ito habang nakapikit si Kyrene.  Biglang naman binaling ni Kyrene ang ulo paharap sakanya pero nakapikit parin ito.

Ang lapit ng mukha nila. Mas malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Hindi niya mapigilan ang hindi mapatitig dito.

"You're so beautiful." Wala sa loob na nasambit niya. Unti-unting dumilat naman si Kyrene sa narinig niyang pagsalita si Khielve.

Mukha ni Khielve ang nakita niya.  Medyo nagulat pa si Kyrene ng makita niyang nakaharap ito sakanya.

Nagtitigan ang dalawa. Napatitig si Khielve sa labi ni Kyrene lilipat sa mata at lilipat uli sa labi. Hanggang sa parang natutukso siya at namamagnet ang mga labi niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ni Kyrene.

Parang ang lakas naman ng kabog ng dibdib ni Kyrene ng Unti-unting lumapit ang mukha ni Khielve sakanya. Hindi lang simpleng kabog. Her heart is pounding very fast, very very fast. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Hanggang sa lalo pang lumapit ito. Their faces were inch apart .

Hanggang sa maramdaman niyang lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Hindi siya makakilos, hindi siya makareact. Hanggang sa maramdaman niyang masuyong gumalaw ang labi ni Khielve. Napapikit siya.

Hindi niya maintindahan pero hindi siya galit, parang gusto niya ang halik nito. Until she found herself kissing him back. Hinawakan ni Khielve ang batok niya and they were kissing passionately. Parang ang romantic ng kissing moment na ito para kay Kyrene.  Sa pagitan ng paghalik nila background pa ang forevermore na pinapakinggan nila na nakadagdag sa mga nararamdaman nila na kahit hindi nila alam na kung ano talaga ang totoong nararamdaman nila para sa isa't-isa.

Tumigil si Khielve sa paghalik at nilayo ng bahagya ang mukha nito. Dumilat din si Kyrene. Tumingin si Khielve kay Kyrene.

"I like you Kyrene." Halos pabulong niyang sabi. Hindi makareact si Kyrene. Nakatitig lang siya dito. Ilang sandali siyang tulala hanggang sa natauhan siya sa pag katulala niya.

Agad  niyang tinanggal ang earphone sa tenga niya. Agad siyang tumayo. Walang kahit na isang salita siyang nasabi. Iniwan niya si Khielve.

Napahawak nalang si Khielve sa buhok niya at napapikit.

Hindi nalang ata kita gusto Kyrene. Mahal na ata kita. Is that possible to fall in love sa maikling panahon? Tsk. How idiot I am! Meron ngang love at first sight eh. -sa isip niya habang nakapikit siya.

**

Tumuloy si Kyrene sa kwarto niya pagkatapos ng nangyaring halikan sa pagitan nilang dalawa ni Khielve. Humiga agad siya sa kama niya. Hinawakan niya ang labi niya.

Bakit niya ako hinalikan? Bakit ako gumanti ng halik? Bakit hindi ako galit? Bakit parang nagustuhan ko ang halik niya? "Haist! Ano ba yun?" Tumagilid ng higa si Kyrene.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tama nga siguro. Love is sweeter the second time around at ganun din sa kiss." Sabi ni niya. Hinatak niya ang kumot at nagtalukbong nalang at pumikit. Pero pagpikit siya nakikita niya ang nangyaring paghalik sakanya ni Khielve. Tinanggal niya ang kumot.

"Haist! Ano ba naman to?Bakit ganito?" Napabalikwas siya at umupo sa kama.

"Kalimutan mo na yun Kyrene. Wala lang yun, wala lang yun. Erase erase erase." Bumuntong hininga si Kyrene at humiga uli at muling pumikit.

I like you Kyrene!

I like you Kyrene!

I like you Kyrene!

Waaaahhhhh!!!!! Hindi ko maalis sa isip ko. -  Pabaling-baling si Kyrene sa higaan niya. Hanggang sa dapuan nalang siya ng antok pero hindi niya alam kung gaano siya katagal na parang bulate sa higaan niya.

****

Palabas ng kwarto si Kyrene. Kakagising palang niya pero pagbukas niya ng pinto, saktong kakalabas lang din ni Khielve sa kwarto at napadaan sa kwarto niya. Nagkatinginan sila. Agad na bumalik si Kyrene sa kwarto at sinara ang pinto.

Sumandal siya sa likod ng pinto. Matagal siyang nakasandal lang. Tsaka uli naisipang lumabas. Pero sumilip muna siya bago tuluyan lumabas nang makita niyang wala na talaga ito.

Bumaba si Kyrene at pupunta sa kusina pero nandun na sa dining room ang lahat. Tumalikod nalang siya at akmang aalis.

"Kyrene hija. Gising ka na pala, halika ka na sumabay ka na samin." Sabi ng donya. Lumingon siya dito. Pero umiiwas siya ng tingin kay Khielve na nakatingin sakanya. 

"Hindi na po Donya Clara. Kasi ano po uhmm.." Walang maapuhap na salita si Kyrene.

"Halika na. Nahihiya ka na naman ba?" Ani Donya.

Opo! Hiyang-hiya sa nangyari kagabi. - sagot ng isip ni Kyrene. Bigla niyang nakita si Martha papalapit sakanila.

"Hindi po Donya Clara. Si ate Martha po kasi nagpapasama sa palengke." Sabi niya.

"Nagpapasama ba ako?" Takang tanong ni Martha. Nasa tabi na niya ito.

"Oo diba?! Kagabi." Hinawakan niya si Martha sa braso at ngumiti siya ng alanganing ngiti. Hoping na sumang ayon si Martha.

"Talaga! Hindi ko maalala. Makakalimutin na ako ah." Sabi ni Martha na parang nagiisip.

"Halika na ate Martha. Tanghali na oh." Sabi niya.

"Oh sige tara na. Sige po Donya Clara."Paalam ni Martha.

"Sige po Donya Clara." Paalam ni Kyrene na hindi tumitingin kay Khielve.

"Sige mag-ingat kayo." Sabi nalang ni Donya Clara. Akmang aalis na sana sila Kyrene.

"Kyrene sandali! Sama ako." Sabi ni Kenneth. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Napatingin dito ang lahat.

"Ako din sama ako." Sabi naman ni Khielve at tumayo na rin.

"HINDI!!!" Napalakas na sabi ni Kyrene. Kaya medyo nagulat sakanya ang lahat.

"Ibig kong sabihin wag na. Kasi ano. Uhmm.. Mapapagod kayo dun. Tapos mabaho, madumi sa palengke.... Halika na ate Martha."Hininaan niya ang boses niya. Sabay hila ni Kyrene kay Martha. Sinundan nalang nila si Kyrene ng tingin at umupo nalang uli.

"Tablado kayo kay Kyrene. Hahaha!" Sabi ni Zion na natawa pa ng mahina. Napatingin naman si Donya Clara kay Kenneth at Khielve.

****

"Hoy Kyrene!  Ang haba ng buhok ah. Dala-dalawang gwapo ang nagkakagusto sayo." Sabi ni Martha. Nasa tricycle sila nito papuntag palengke.

"Sinasabi mo ate Martha?"

"Maang-maangan ka pa? Wag mong sabihin na hindi mo nakikita ang ginagawa ng dalawang Manila boy na yun?" Sabi ni Martha.

"Hindi naman ate Martha. Hindi yun magkakagusto sakin. Sa itsura kung to. Magkakagusto ba yun?" Sabi ni Kyrene.

"Bakit ano ba itsura mo? Maganda ka, hindi ka pa nag aayos niyan ah. Pero mukhang tinamaan na sayo yung dalawa. Excited na tuloy ako para sa sagala. Siguradonng ikaw ang pinaka maganda bukas. Makikita na rin kita sa wakas na nakaayos." Sabi nito.

"Ganun ba talaga ka worse ang pananamit ko?" Tanong niya.

"Medyo! Hehe." Sabi ni Martha na may kasama pang hagikgik.

"Hindi man lang nga ako mapagkamalan kahit kaibigan ng dalawang yun. Pag may nakakakita sakin. Alam na agad na katulong ako." Lumungkot ang mukha ni Kyrene.

"Kasi nga mag-ayos ka. Laging malaking tshirt at jogging pants ang suot mo. Wala ka bang short pahihiramin kita. Tapos yung mahahaba mong palda gawin nating mini skirt. Putulan natin."

"Ahahaha! Pasaway. Dito ako komportable eh." Natatawang sabi ni Kyrene.

"Magaling ka naman mag repair ng mga lumang damit diba? Yung mga t-shirt na luma napapaganda mo pa nga. Tsaka pakiramdam ko may gusto sayo si seniorito talaga. Kung makatitig sayo yun iba." Sabi ni Martha.

"Ate Martha mga manila boy ang mga yun. Sanay mangbola ng babae. Si Tricia nga ang ganda ganda binasted ni seniorito. Ako pa ba magugustuhan nun. Tsaka kung totoo man yun ayoko din. Nakakahiya kay Donya Clara." Sabi ni Kyrene.

"Hmp! Hindi naman matapobre si Donya Clara. Napakabait nga niya. Matutuwa pa yun pag kayo ang nagkagustuhan ni seniorito." Napangiti lang ng bahagya si Kyrene pero may bahid ng lungkot.

"Halika na ate Martha." Aya ni Kyrene. Nasa palengke na sila at huminto na ang tricycle.

Bumaba sila ng tricycle at pumasok sa loob ng wet market.

Habang busy sa pagbili si Martha bigla naman naisip ni Kyrene ang mga sinabi ni Martha at ang nangyari kagabi. Ang sinabi ni Khielve na gusto siya nito.

Paano ko siya iiwasan? Yung unang halik niya sakin galit na galit ako hindi ako nailang. Pero ngayon. Nahihiya akong makita siya. Naiilang ako ng sobra sobra. - tulala si Kyrene at malalim ang iniisip.

"Kyrene! Mamili ka naman ng kamatis." Sabi ni Martha.  Kumuha naman ng plastic si Kyrene at namili.

"Hoy Kyrene!  Sabi ko kamatis, hindi sibuyas. Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa wala sa sarili." Sabi ni Martha.

"Pasensya na ate Martha." Hinging paumanhin ni Kyrene.

"Ayayay!! Tinamaan ka na ng lintik na pag-ibig no?" Sabi ni Martha.

"Ate Martha naman hindi po. Iniisip ko lang ang sagala." Sabi nalang niya. Marami pa silang pinamili.

****

"Friend!" Sinalubong agad siya ni Bella pagbaba niya ng tricycle. kakarating lang nila ni Martha galing sa pamamalengke.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Kyrene.

"Hindi naman. Akin na yan tulungan ko na kayo." Sabay kuha ni Bella sa ibang pinamalengke nila.

"Kyrene. Nandiyan ka na pala. Akin na yan tulungan kita." Sabi ni Khielve na kakalabas lang din ng mansyon.

"Hindi na po seniorito. Ako na po. Kaya ko na po to." Sabi ni Kyrene na parang ilang na ilang at hindi makatingin. Sabay alis.

"Anyari dun? Maka po wagas. Kailan pa yun nag po sayo seniorito?" Tanong Bella. Pero hindi sumagot si Khielve na sinundan nalang ng tingin si Kyrene.

"Lintik na pag-ibig. Parang kidlat. Puso kung tahimik na naghihintay bigla mong ginulat." Kumakanta-kanta si Martha na ngingisi habang nakatingin kay Khielve. Sumunod na rin kay Kyrene. Sumunod na rin si Bella at pumasok sa kusina.

"Hoy anong problema mo?" Tanong ni Bella kay Kyrene pag kalapag ng dala dala nito.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Kyrene.

"May iba sayo eh." Sabi ni Bella at tinignan siyang mabuti na parang tinatantsa siya.

"Halika dun tayo sa may gazebo." Aya ni Kyrene. Pumunta sila sa may gazebo at umupo.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Bella. Tumingin si Kyrene kay Bella at ngumiti.

Hindi talaga siya makapagtago sa kaibigan niya. Kilalang kilala siya nito pag may gumugulo sa sakanya.

"May problema kayo ni seniorito Khielve?  Halata ka kanina. Parang may iba. Parang umiiwas ka na ewan." Sabi ni Bella.

"Haaay Bella! hinalikan niya ako eh." Sabi niya.

"Huh? Hindi pa ba sayo tapos ang issue na yan. Akala ko okay na ka--

"Hinalikan niya uli ako." Putol niya kay Bella. Nanglaki naman ang mata ni Bella.

"ANO?! ULIT!? KAILAN?!" Napasigaw na tanong ni Bella.

"Wag ka ngang sumigaw." Mahinahon na sabi ni Kyrene.

"Ano nga? Ikwento mo bilis." Sabi ni Bella at humarap sakanyang mabuti na parang ready na ready ng makinig. Pero hindi sumagot si Kyrene.

"ANO NA? BILISAN MO NGA?!" Sigaw ni Bella at hinampas siya likod ng balikat niya ng pagkalakas-lakas na halos tumalsik siya sa kinauupan niya.

"Lintik naman Bella magantay ka nga. Sasampalin kita ng kaliwa't kanan eh." Sabi ni Kyrene at sinamaan niya ng tingin si Bella.

"Bilisan mo naman kasi. Wag kang nangbibitin."

"Oo na! Kasi ganito yun. Kagabi sa may pool."

"Ano? Nagkunwari na naman siyang nalulunod at nauto ka na naman."

"Hindi! Kasi nakaupo ako sa beach chair kagabi mag isa. Tapos bigla siyang dumating at upo sa tabi ko. Nagkwentuhan kami. Nakinig kami ng music. Tapos........." She paused for a moment. Si Bella naman seryosong nakikinig.

"Tapos?... Utang na loob Kyrene bilisan mo ang pagkwento mo kung di babatukan kita." Sabi ni Bella na parang inip na inip na.

"Tapos nagkatinginan kami. Tapos..." She tells the story while shaking her hand over her chest.

"Tapos nilapit niya ang mukha at yun na. Kiniss niya ako." Sabi niya na parang hirap na hirap siyang ipaliwanag. Pinagkiss pa niya ang mga daliri niya.

"Oh my gulay! Nasampal mo naman ba siya?" Nanglalaki ang matang tanong ni Bella. Umiling si Kyrene.

"Anong ginawa mo?" Natakapan ni kyrene ang mukha niya sa tanong ni Bella.

"Humalik din ako eh." Sabi niya habang nakatakip ang kamay niya sa mukha niya.

"HUMALIK KA DIN? PA- hmmm..."

"UTANG NA LOOB BELLA! Ipapasok ko tong kamao ko sa bunganga mo pag hindi ka tumigil sa pag sigaw mo."

Tinakpan niya ang bibig ni Bella. At madiin ang bawat salitang binitawan niya. Tsaka niya binitawan uli ang bibig ni Bella.

"Oh my god! Paano? Bakit?" Tanong ni Bella na pigil na ang boses.

"Hindi ko alam. Nadala ako eh. Hindi ako nagalit. Parang ano eh. Parang..."

"Parang?" Ulit ni Bella.

"Parang nagustuhan ko ang halik niya." Lalong nanglaki ang mata ni Bella sa sinabi ni Kyrene.

"Wag kang sisigaw utang na loob ah. Kundi isasalaksak ko sa ngala-ngala mang stick na yan." Pinangunahan na niya si Bella dahil handa na naman itong sumigaw. tinuro niya ang stick na nakakalat.

"Hindi kaya gusto mo na siya? In love ka na."

"Pwede ba Bella! In love agad. Alam mo naman si Kenneth yung dream boy ko diba? Siya yung sa panaginip ko." Sabi niya pero napagisip din siya bigla.

"Grabe friend ito na to! This is really is it. Dalagang dalaga ka na talaga." Sabi ni Bella.

****

Nasa kwarto si Khielve nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard.

Iniiwasan ba ako ni Kyrene?  Galit kaya siya sakin? Hindi pwede! Hindi siya pwedeng magalit sakin. He thought himself. 

Tumayo si Khielve at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kwarto ni Kyrene.  Nasa tapat na siya ng pinto. Pero hindi niya alam kung kakatok o ano. Until he found himself knocked the door. Bumukas naman agad ito.

Gulat si Kyrene ng makita si Khielve.

"Seniorito may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Kyrene.

"Can we talk?" Tanong ni Khielve.

"Tungkol po saan?"

"About what happened last night." Sabi nito.

"Bukas nalang po seniorito. Matutulog na kasi ako eh. Antok na antok na kasi ako eh. Aaahh!" Humikab pa si Kyrene kunyari.

"Good night seniorito." Akmang isasara na sana ni Kyrene ang pinto pero pinigil ito ni Khielve. Binuksan nito ang pinto at pumasok sa kwarto.

"Anong ginagawa mo seniorito? Trespassing ka sa ginagawa mo ah."

"Trespassing ka diyan. Bahay namin to eh. Let's talk.  Hindi ako lalabas pag hindi mo ako kinausap. Kanina mo pa ako iniiwasan." Sabi nito sabay higa sa kama ni Kyrene.

"Seniorito lumabas na kayo. Mamaya may makakita pa sainyo dito nakakahiya. Baka kung anong isipin nila." Sabi na nakahawak parin sa pinto.

"Isara mo na ang pinto Kyrene kung ayaw mong may makakita sakin dito." Sinara nalang ni Kyrene ang pinto at sumandal sa pinto.

"Halika tabi ka sakin." Sabi ni Khielve kumunot naman ang noo ni Kyrene.

"Seniorito pwede ba! Ayan na naman kayo eh. Pinagt'tripan niyo na naman ako eh." Sabi niya na medyo naiinis na.

"Woah! Galit ka?" Bumangon at umupo si Khielve mula sa pagkakahiga. Hindi sumagot si Kyrene.

"Bakit galit ka kaagad? Hindi ka ba sasagot? Gaganti o barahin ako?" Tanong ni Khielve.

"Ano ba kasing sasabihin mo? Sabihin mo na po."Tanong ni Kyrene.

"Bakit mo ako iniiwasan?" He asks. Tinignan niya si Kyrene.

"Hindi po kita iniiwasan." Sabi niya na nakasandala parin siya sa likod ng pinto.  Yumuko siya para makaiwas ng tingin dito.

"Dahil ba sa nangyari kagabi?" He asks. Hindi  sumagot si Kyrene.  Tumayo si Khielve at lumapit dito.

"Kyrene I'm sorry." Napapikit nalang si Kyrene sa sinabi nito.

Sabi na nga ba eh? Trip niya lang yun? -sa isip niya.

"I'm sorry kung ginawa ko yun."

Haist!! Inulit pa talaga.

"And I'm sorry........" He paused for a moment. Mas lumapit pa siya kay Kyrene. Hinawakan nito ang baba niya na ikinagulat niya. Napadilat si Kyrene. Inangat ni Khielve ng bahagya ang mukha niya at nagtama ang mata nila.

"Pero hindi ko pinagsisisihan yun. When I told you that I like you. I mean it." Hindi alam ni Kyrene ang sasabihin. Kung malakas ang tibok ng puso niya kagabi, pakiramdam niya mas mabilis na mas mabilis ngayon.

"Kyrene you kissed me back. Why?" Pakiramdam niya natuyuan siya ng laway, ng dugo at ng tubig sa katawan sa tanong ni Khielve. Ano isasagot niya. Dahil nagustuhan niya ang halik nito sakanya.

Hindi makasagot si Kyrene. Hinawakan ni Khielve ang dalawang kamay ni Kyrene na pakiramdam  niya frozen na.

"Kyrene magsalita ka naman. Wag ganito. Hindi ako sanay na tahimik ka eh." Sabi nito.

"Ano sasabihin ko?" Tanong ni Kyrene ng wala sa loob. ito na ata ang pinaka nagmukha siyang tanga dahil sa itsura niya ngayon.

"Anything. Bakit iniiwasan mo ako? Bakit ka gumanti ng halik? Kung ano nararamdaman mo sabihin mo. Kung galit ka." Pero hindi sumagot si Kyrene. Tulala parin siya. Biniwan ni Khielve ang kamay niya at hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ni Kyrene.

"Hoy Kyrene!  Magsalita ka nga." Mas lalo namang pakiramdam ni Kyrene magkakalas-kalas ang buto niya sa ginawa nito.

"Ano Kyrene?" Sabi uli ni Khielve dahil hindi parin ito nag sasalita.

"Huh" Sambit ni Kyrene.

"Hahalikan uli kita pag hindi ka nagsalita." Napalunok si Kyrene.

"Okay" Sambit niya na wala sa loob.

"Anong okay? okay na halikan uli kita?" Nangingiting tanong ni Khielve habang hawak parin ang mukha ni Kyrene.

"Oh sige kung yan ang gusto mo." Sabi nito at akmang lalapit na yung mukha nito. Tsaka parang natauhan si Kyrene. Bigla nitong tinabig kamay ni Khielve.

"Okay na seniorito. Pinapatawad na kita. Sige na labas na. Matutulog na ako." Sabi ni Kyrene at pinagtulakan niya na ito palabas ng kwarto niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top