CHAPTER 14

Nasa bukid ang lahat. Sa gitna ng bukid meron cottage na gawa sa kawayan at may malaking puno ng mangga. Kaya kahit mainit dito presko dahil sa hangin at sa lilim ng puno.

Bahagi lang ito ng lupain ng mga Montillo. Ito ang bahaging binigay sa pamilya ni Kyrene ni Donya Clara. Halos ang natatanaw na palayan ay sa mga Montillo. Ang katabi naman na lupain ay sa mga Brizalde.

Nilagay ni Khielve ang Photograpic tripod niya at ang camera. Kinukunan niya ng best shot ang mga ibon sa bukid. May nakuhanan siyang ibon na papalipad palang.

"Ang ganda! Ang galing mo." Bulalas ni Kyrene habang nakatingin sa camera ni Khielve na nasa tripod. Nakahawak pa siya sa balikat nito na halos magkalapit na ang pisngi nila.

"Maganda ba?" Tanong ni Khielve na nakatingin sa camera niya.

"Oo ang ganda! Ang galing mo naman." Sabi ni Kyrene na nakatingin parin sa camera. Lumingon sa kanya si Khielve.

"Ang ganda." Anas ni Khielve habang nakatingin kay Kyrene. Lumingon din sa kanya si Kyrene. Kaya nagkatinginan sila ni Kyrene na malapit ang mukha. Ngumiti sa kanya si Kyrene.

"Halika na." Aya sa kanya ni Kyrene. Pumunta si Kyrene sa cottage at umupo. Nandun silang lahat pati ang kuya niya na kausap si Tricia. Sumunod naman sa kanya si Khielve.

"Tara kain na tayo." Aya ni Bella.

"Oh! Si Monique yun diba?" Sabi ng kuya Javier ni Kyrene. Papunta ito sa kanila. Nakapayong ito kasama ang nanay ni Kyrene.

"Yung girlfriend mo seniorito."Sabi ni Kyrene habang nakatanaw sa paparating na si Monique. Lumingon naman si Khielve dito.

"Hi everyone!" Bati ni Monique nang makarating ito.

"Ano naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Bella dito. Pero hindi siya nito pinansin.

"Hi Khielve! Galing ako sa hacienda niyo. Sabi nandito ka daw kaya nagpunta ako." Bati nito kay Khielve. Nginitian naman niya ito. Umupo si Khielve sa cottage.

"Upo ka na Monique. Kumain ka na rin." Sabi ng Nanay Belen.

"Okay po. Thank you." Sabi nito at umupo sa tabi ni Khielve.

"Ow! Ang bait, parang totoo." Maarteng sabi ni Bella.

"Bella!" Saway ni Nanay Belen sa mahinahon na boses.

"I'm sorry mum! I'm just carried away!" Maarteng sabi nito.

"Ahahahaha!" Tawanan ang lahat sa sinabi nito.

"Wala ka na bang ibang tinuro diyan Tricia kundi I'm just carried away." Natatawang tanong ni Kyrene. Kahit ang nanay ni Kyrene natawa din dito.

"Sige na kumain na kayo. Pupuntahan ko muna ang tatay niyo mga anak. " Sabi ng nanay niya. Tumango lang sila at umalis na uli ang nanay niya.

Nakaupo si Khielve kaharap si Kyrene katabi nito si Monique. Katabi naman ni Kyrene si Kenneth at sila Zion. Nagsimula nga silang kumain. Nagkamay sila Kyrene at Bella, pati ang kuya niya.

"Mas masarap pag nagkamay ka." Sabi ni Kyrene kay Kenneth. 

"Talaga! Sige subukan ko." Tinabi ni Kenneth ang kutsara. Naghugas muna ito ng kamay at sinubukan magkamay.

"Ahaha! Hindi ka naman marunong eh." natatawang wika ni Kyrene. Hindi kasi ito marunong ng tamang magkuha ng kanin gamit ang kamay. Tinuruan ito ni Kyrene. Nakuha naman nito.

"Okay nga no! Ang sarap nga." Sabi ni Kenneth. Nag kamay na rin si Zion At Simon. Pati si Tricia nakigaya na din.

"Ikaw seniorito ayaw mo magkamay?" Tanong ni Kyrene.

"Subuan mo na lang ako, katulad kahapon." Sabi nito at ngumiti pa.

"Sinubuan mo siya?" Tanong ni Kenneth.

"Hindi, kasi ano--"

"Oo bro, sinubuan niya ako. Sige na Kyrene subuan mo uli ako." Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ni Kyrene.

"Ako na lang magsusubo sayo, but I'll use spoon. Hindi ako marunong magkamay." Sabi ni Monique.

"Ako na lang magsusubo sa 'yo, Kyrene." Sabi ni Kenneth sabay kurot sa isda at isusubo kay Kyrene. Bigla naman namula si Kyrene sa ginagawa nito. Ayaw niyang kunin yung sinusubo nito, sobra siyang nahihiya.

"Ayieeee!! Naaapakan ko yung buhok mo dito friend. Pakitali nga." Panunukso ni Bella. Kaya mas lalo naman nahiya si Kyrene. Nandun pa naman ang kuya niya.

"Ky-ky! Tanggapin mo na. Nangangalay na si Kenneth." Sabi ng kuya niya. Sinubo na lang niya ang isdang  na binibigay nito. Napuno ng tuksuhan sa paligid. Hiyang-hiya naman si Kyrene. Si Khielve naman parang biglang nagbago ang mood.

"Monique oh." Nagtinginan ang lahat kay Khielve at Monique. Sinubuan din nito si Monique. Kilig na kilig naman si Monique.

"Kenneth ngayon lang yan kinilig si Kyrene." Sabi ni Javier.

"Kuya naman eh." Lalong nahiya si Kyrene. Si Khielve naman parang lalong naasar na hindi man lang pinansin ni Kyrene ang ginawa niyang pagsubo kay Monique.

"Alam mo Kenneth wala pa yan nagiging boyfriend si Kyrene. Akala nga namin ni nanay babae hanap niyan eh. Kasi lahat ng nangliligaw diyan. Tinatawag palang ang pangalan niya sisigaw na yan. HINDI AKO NAGPAPALIGAW! KUNG AYAW NIYONG MABUHUSAN NG IHI MAGSILAYAS NA KAYO!" Tawanan ang lahat sa sinabi ni Javier. Nakasimangot na si Kyrene dahil sa kahihiyan.

"May boyfriend na si ate ngayon." Sabi ni naman ni Ella. Napatingin ang lahat sa bata na busy sa pagkain. Katabi ito ni Khielve. Tumingin ang bata kay Khielve.

"Diba kuya boyfriend ka ni ate? Nagkiss na kayo diba?" Nanglaki ang mata ni Kyrene sa sinabi ni Ella. Napangiti naman si Khielve. Yung iba naman napamaang din. Lalo si Monique.

"Bubwet!!" Sita ni Kyrene dito na pinanglikahan niya ng mata.

"Ay oo nga pala! Umaatungal yan si Kyrene umuwi nung nakaraan. Ninakaw mo daw ang first kiss niya na para sa dreamboy niya. Ahaha!" Sabi pa ng kuya niya at nagawa pang tumawa.

"What!?" Napatayo si Monique.

"So you mean! yung sinasabi mong unforgettable last kiss mo siya yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Monique. Mas lalo naman namula si Kyrene sa sinabi ni Monique.

"Oh my god! Totoo ba yun Khielve? Unforgettable kiss mo si Kyrene?" Tricia exclaimed with wide eyes. Natawa naman ang lahat lalo si Zion and Simon.

"Akala mo kung sino kang manang may landi ka rin pala." Sabi ni Monique.

"Hey hey hey! Watch your dirty mouth leech. Baka gusto mong ibaon kita sa palayan." Bella said with an accent. Tumayo pa ito sa kinauupan niya. Medyo natawa si Tricia sa sinabi nito. Dahil turo din niya yun kay Bella.

"Just do that! And I assure you, our bodyguards will shoot you." Pagbabanta ni Monique.

"Makapag sumbong ka pa kaya sa mga bodyguard niyo kung naibaon na kita." Pinagdilatan ito ni Bella.

"Hindi naman kasi yun Monique kiss. Cpr lang yun. Akala ko kasi nalunod siya. Makareact ka naman diyan. Wag kang mag alala walang aagaw sayo diyan." Sabi naman ni Kyrene at inikot pa ang mata. Parang nainis naman si Khielve sa sinabi ni Kyrene.

"Kumain na nga kayo... At ikaw bubwet ah. Kalimutan mo na yung kiss na yun. Kasi hindi yun kiss. Cpr lang yun! Naintindihan mo." Dagdag ni Kyrene.

"Ano po yung cpr?"Tanong ni Ella.

"Yung ano yun, pagnalulunod ang isang tao. Kailangan mo siyang bugahan ng hangin para makahinga." Paliwanag ni Kyrene sa kapatid niya at pinagpatuloy na nila ang pagkain nila.

"Friend malapit na ang sagala. Siguradong ikaw ang may pinakagwapong escort." Sabi ni Bella na ang lapad ng pagkakangiti.

"Oo nga pala, walang magbunuhat ng arko ko."Sabi ni Kyrene.

"Too bad! magbubuhat lang pino'problema mo pa. Gusto mo pahiramin kita ng mga bodyguard namin." Sabi ni Monique.

"Hindi na no? May magbubuhat na sa arko niya. Mga gwapo pa, kaya sigurado akong si Kyrene ang magiging center of attraction sa sagala." Sabi ni Bella.

"Ow really! Sa damit palang siguradong aangat na ako. Margarita Brizalde ang gumawa ng damit ko." Sabi naman ni Monique.

"Mas maganda naman sayo si Kyrene at gwapo pa ang escort niya. Plus mga tagabuhat niya ng arko. Right Simon and Zion?" Sabi ni Bella sabay tingin kay Zion at Simon. Napatingin naman si Kyrene sa dalawa. Ngumiti ang dalawa kay Kyrene.

"Kami magbubuhat ng arko mo." Sabi ni Zion. Nagulat naman si Kyrene sa sinabi nito.

"Totoo!? Okay lang sa inyo?" Tanong ni Kyrene na hindi makapaniwala.

"Yes Kyrene, para saiyo." Nakangiting sabi ni Simon.

"Wow! Salamat." Sabi ni Kyrene na ngiting-ngiti.

"Khielve pwedeng ikaw na lang ang escort ko. Please!" Pakiusap ni Monique.

"Sige," Simpleng Sagot ni Khielve.

"Eeehhh! Oh my! Thanks. So paano Kyrene, ako na ang may pinakagwapong escort." Sabi ni Monique na ngiting-ngiti.

"Tsss. Mas gwapo si Kenneth no! Mukha mo!" Sabi ni Kyrene na may kasamang ingus. Abot tenga naman ang ngiti ni Kenneth. Tinignan naman siya ng masama ni Khielve. Natapos sila sa pagkain.

Si Kenneth at Kyrene masayang nagkukwentuhan, kaso kanina pa siya inuutusan ni Khielve. Hihingi ito ng tubig at ng kung ano-ano pa.

"Parang ang sayang tumira dito no?" Tanong ni Kenneth habang nakatanaw sa palayan.

"Para sa 'kin, oo. Pero para sa katulad mong city boy. Baka hindi mo magustuhan eh." Sabi ni Kyrene. Tumingin sa kanya si Kenneth.

"I doubt! Kung ikaw ang makakasama ko sa ganitong lugar. I'm pretty sure, I'll enjoy to live here." Sabi nito habang nakatingin sakanya.

Aarrrgggg!!!! Bakit ganito siya? Huhu!! -Hindi alam ni Kyrene kung anong reaksyon ang ipapakita niya. Pakiramdam niya pulang pula na siya. At anytime mag-co-collapse siya sa sobrang pagpipigil niya sa kilig.

"Kyrene samahan mo nga muna kami ni Monique." Sabi ni Khielve. Nilingon ito ni Kyrene.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kyrene.

"Maglalakad-lakad."

"Maglalakad- lakad! Saan?" Kunot noong tanong niya.

Panira talaga to. Pagkilig moment na namin ni Kenneth diyan naman to sisingit. Hinayupak na lalaking to. -

"Dito sa bukid." Sagot ni Khielve.

"Ang init kaya. Bakit kailangan kasama ako?" Tanong niya at nag-uumpisa na naman siyang mainis.

"Para payungan mo kami." Sabi nito.

Ibang klase din talaga tong lalaking to. Ang lakas ng trip. WAAAHHHHH!!!!!! -Gustong isigaw ni Kyrene. Napahawak na lang siya sa ulo niya.

"Are you sure Khielve? Kyrene was right. Sobrang init." Sabi naman ni Monique. Napangiti si Kyrene sa sinabi ni Monique.

"It's okay. Papayungan naman tayo ni Kyrene. Gusto ko maglakad-lakad kasama ka. Isn't it romantic for you." Nakangiting sabi ni Khielve na medyo hinawi pa ang buhok ni Monique. Kilig na kilig naman si Monique. Nagcross ng fingers si Kyrene praying na wag pumayag si Monique.

"Yeah, that's sooo romantic. Walking under the sun with you." Ngiting-ngiting sabi ni Monique. Napabuntong hininga na lang si Kyrene.

"Let's go!" Aya ni Khielve nilahad pa nito ang kamay niya. Tinanggap naman ni Monique at tumayo ang dalawa. Tumingin si Khielve kay Kyrene.

"Let's go Kyrene, payungan mo kami." Sabi ni Khielve. Masamang masama ang mukha ni Kyrene. Tumingin siya kay Kenneth.

"Maiwan muna kita. Sasamahan ko lang ang kaibigan mo." Sabi niya kay Kenneth. Padabog siyang tumayo.

"Samahan na lang kita Kyrene." Sabi ni Kenneth.

"NO!" Agad na agap ni Khielve. Napatingin sa kanya ang lahat.

"I-I mean... wag na bro, kasi mainit. Hindi tayo kasya sa payong. Isa lang ang payong oh." Sabi ni Khielve.

"Wag na Kenneth. Dito ka na lang." Sabi ni Kyrene. Kinuha na niya ang payong at binuksan.

"Halika na! Ang romantic mo masyado! Panira ka naman ng romance ng iba!" Pabulyaw na sabi ni Kyrene kay Khielve. Natawa ang lahat sa sinabi nito.

Umalis si Kyrene kasama ang dalawa. Naglakad si Khielve at Monique sa makitid na pathway ng rice field. Sa likod naman si Kyrene ng dalawa na hawak ang payong.

"Wala ba kayong napapansin kay Khielve?" Tanong ni Zion. Nakaupo sila katabi sila Tricia, Simon, Bella. Si Kenneth naman nakipaglaro sa kapatid ni Kyrene-- kay Ella.

"Na ano?"Tanong ni Simon.

"Sa ginagawa niya. Parang....." Zion paused for a while.

"Parang may gusto siya kay Kyrene." Sabi ni Zion.

"ANO!?" Napasigaw si Bella na nanglalaki ang mata.

"Yeah, he is. Pero ayaw niyang aminin." Sabi ni Tricia na nakatingin sa tatlong nasa gitna ng bukid.

"Totoo ba yan? Grabe ang ganda ng kaibigan ko. Dalawang yummy ang nagkakagusto." Sabi ni Bella na hindi makapaniwala. Napansin kasi ni Zion si Khielve na kanina pa inuuutusan si Kyrene tuwing may sinasabi si Kenneth kay Kyrene ng mga sweet notes. Parang iniiwas ni Khielve si Kyrene.

"Kaso ang problema. May gusto din si Kenneth. Hindi kaya magka problema ang dalawang yan?" Sabi ni Simon.

"And Kyrene likes Kenneth." Sabi naman ni Tricia.

"Uuwi din naman kayo sa Manila. Paano pa nila matutuloy ang panliligaw kay Kyrene?" Sabi ni Bella.

**

"Langhiyang buhay to. Bakit ba kasi pumayag akong maging yaya ng bwesit na to." Kyrene mumbled.

"May sinasabi ka Kyrene?" Khielve asked without looking at her.

"Wala! Ayaw niyo pa bang bumalik?"Tanong ni Kyrene.

"Later, Kyrene."Sabi ni Khielve.

"Alam mo seniorito mas romantic pag kayo ang nag hawak ng payong." Pangbobola ni Kyrene. Baka sakaling payagan na siyang bumalik sa cottage.

"Wag na ikaw na ang maghawak niyan. Hindi ka ba nag-e-enjoy?" Tanong ni Khielve.

"Sa tingin mo nag-e-enjoy AKO?!" Napalakas ang boses niya.

"Bakit ka ba pumapayag na sagot-sagutin ng alalay mo?" Sabi naman ni Monique.

"Hayaan mo siya. Cute naman siya eh." Nakangiting sabi ni Khielve.

"What?!" Kunot noong tanong ni Monique.

"Cute siyang inisin." Sabi ni Khielve.

Cute palang inisin ah... sa isip ni Kyrene na nanggagalaiti sa pagkaasar kay Khielve. Kaya may naisip siyang gawin para ito naman ang inisin niya.

Habang naglalakad ang dalawa. Saktong hahakbang si Khielve ng biglang pitarin ni Kyrene.

"Oh my god!" Monique exclaimed. Dahil nahulog si Khielve sa palayan.

Si Kyrene naman tumingin sa malayo at nagwistle wistle- patay malisya ito. Pero tumingin din siya kay Khielve.

"Oohh!! Anong ginagawa mo diyan seniorito? Gusto mo bang magtanim ng palay?" Sabi ni Kyrene na kunyari ay nagulat. Pero gustong-gusto na niyang tumawa.

Puro putik si Khielve dahil wala ng tanim na palay dito at ready na uli itong taniman. Ang mga tauhan naman nila sa hacienda na nagtatanim ng palay natawa din dito.

"Pasaway ka talagang babae ka." Sabi ni Khielve na pilit tumatayo.

"Oh! Bakit ako? Wala naman akong ginagawa ah." Maang na tanong ni Kyrene. Kahit ang grupo tumatawa rin.

"Wala pala ah. Humanda ka sakin ilulob din kita dito." Nanglaki ang mata ni Kyrene sa sinabi ni Khielve.

"Monique kunin mo tong payong." Binigay niya kay Monique ang payong sabay takbo palayo.

"HOY KYRENE bumalik ka dito!" Tawag ni Khielve. Huminto naman si Kyrene at tinignan ito. Nakatayo na si Khielve at papalapit na ito sa kanya. Tumakbo uli si Kyrene. Tumakbo din si Khielve.

"Aaayy!!" Narinig ni Kyrene na humiyaw ang mga magsasaka pati si Monique. Huminto uli siya at lumingon. Si Khielve nalaglaga uli. Dahil makitid at baku-bako ang daan naoutbalance ito at nalaglag uli ng padapa.

"Ahahaha! Wag ka na kasing humabol seniorito. Hindi mo ako maabutan. Kahit nakapikit kaya kung tumakbo dito. aahhh!" Habang nagsasalita si Kyrene ay naglalakad siya ng paatras. Napaapak siya sa tibag na pathway kaya napaupo siya. Buti at hindi siya nahulog.

"Aray ang sakit sa pwet!" Papatayo na sana si Kyrene.

"Akala mo matatakasan mo ako." Napaangat siya ng tingin nasa harap na niya si Khielve na punong-puno ng putik. Ngumisi pa ito. Sinamantala nito ang pagkakadapa ni Kyrene para maabutan niya ito.

"Seniorito!" Gulat na gulat na sambit ni Kyrene.

"Yes, Kyrene." Sabi nito at biglang yumuko at bigla siya nitong binuhat.(Bridal style)

"Aaahhh!! Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" hiyaw ni Kyrene. Lumusong si Khielve sa palayan at binagsak si Kyrene sa putikan.

Tawanan ang lahat ng tao na nandun. Ang grupo naman ginamit ang camera ni Khielve at kinuhanan ang dalawa. Kahit malayo malinaw ang kuha nila dahil mataas ang resolution ng camera nito.

"Demonyito ka talaga! Nakakainis ka." Sigaw ni Kyrene. Tumayo si Kyrene.

"Bakit sino ba nag-umpisa? Ako ba huh?" Tanong ni Khielve.

"Aaahh! Bitawan mo ako. Ano bang ginagawa mo?!" Hinapit siya nito sa bewang mula sa likod niya.

"Ang unfair Kyrene. Ako punong puno ng putik. Pati mukha ko tapos ikaw ganyan lang." Sabi nito. Nagpupumiglas si Kyrene.

Dahil lubog ang paa nila sa putik at mahirap mag balance sabay silang bumagsak paupo. Nakaupo si Kyrene sa hita ni Khielve.

"Walang hiya ka talagang lalaki ka. KAPAY IKA!!" Sigaw ni Kyrene dito.

"What did you say?" Tanong ni Khielve na hindi parin siya binibitawan.

"Hanapin mo sa dictionary. BITAWAN MO AKO!" Sigaw uli ni Kyrene.

"Ayaw mo sabihin ah." Kumuha ng putik si Khielve at pinahid sa mukha ni Kyrene.

"Ahahaha!" Tawa ng malakas ni Khielve.

"Bwesit ka talaga!" Kumuha din ng putik si Kyrene at pinahid kay Khielve.

Humarap siya dito habang nakaupo parin siya sa mga hita nito. Gantihan sila ng gantihan sa paglagay ng putik sa isa't isa.

"Ahahahaha!!" Hanggang sa natatawa nalang silang dalawa sa mga itsura nila.

Napahawak si Kyrene sa may batok ni Khielve na tawa ng tawa. Si Khielve naman nakahawak sa bewang niya at mag kaharap ang mukha nilang dalawa habang nakaupo parin si Kyrene sa hita nito.

Unti-unting tumigil si Khielve sa pagtawa nang mapatitig siya kay Kyrene. Si Kyrene naman tawa parin nang tawa. Kumuha pa ito ng putik at pinahid sa pisngi ni Khielve.

Pero biglang rin itong napatigil sa pagtawa nang makita niya si Khielve na nakatitig sa kanya. Seryoso ang mukha nito. Napatitig din si Kyrene dito habang nakahawak parin siya sa pisngi nito.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Gusto ko na ba talaga siya? -sa isip ni Khielve.

Bakit biglang kumabog ang dibdib ko? Hala!! Kumakabog naman ito dati pero sa inis sakanya. Bakit iba ngayon? - sa isip naman ni Kyrene.

"KHIELVE!!" Natigil ang pagtitigan ng dalawa sa sigaw ni Monique.

Napalingon sila ng sabay kay Monique. Sobrang sama ng mukha kaya dali-daling tumayo si Kyrene. Nauna na siyang pumunta sa cottage kasunod niya ang dalawa. Pagdating niya ng cottage.

"Nice scene, Kyrene." Nakangiting sabi ni Tricia.

"Para kayong mag boyfriend friend na naglalampungan sa putikan. Ang sweet niyo! Cute pala yung ganun no? Pag nagka boyfriend ako gagawin din namin yun." Sabi naman ni Bella na ngiting-ngiti.

"Sira! Sweet ka diyan." Sabi Kyrene.

"Hindi mo ba nakita ang itsura niyo? Pakita mo nga Tricia." Sabi ni Bella. Kinuha ni Tricia ang camera ni Khielve na nasa tripod.

"Hala! Bakit niyo kami vinideo?" Nanglalaki ang mata ni Kyrene. Nakita niya ang pagtitigan nila ni Khielve.

"Kyrene maligo na kayo." Utos ng kuya niya. Nandun na rin si Khielve.

"Sige kuya... Halika na seniorito." Aya ni Kyrene. Tumango lang si Khielve at sabay na silang pumunta sa bahay nila.

*

"Sabay ba tayo sa banyo maliligo Kyrene?" Nakangiting tanong ni Khielve.

"Dito ka sa poso. Bilis na bubumbahan kita." Sabi ni Kyrene. Nagtanggal ng tshirt si Khielve. Akmang tatanggalin nito ang short. Nanglaki ang mata ni Kyrene.

"Ahahaha! You're cute when you're mad. But you're cuter kapag nasha'shock ka." Sabi ni Khielve. Hindi naman niya talaga tatangalin ang short niya. Pinagt'tripan lang niya si Kyrene.

"Bakit ang hilig mong mangtrip?" Tanong niya.

"Hindi naman! Ang cute mo lang kasi pagtripan. Nagagalit ka pag pinagt'tripan kita. Ikaw lang gumagawa nun sakin." Sabi nito.

"Challenging ganun!? " Sabi ni Kyrene habang nagbubumba.

Pati ba yung pagtitig niya kanina trip din niya? - sa isip ni Kyrene. Nailing na lang ito.

Natapos silang maligo at nagbihis. Damit ng kuya Javier niya ang pinasuot niya kay Khielve. Bumalik uli sila sa bukid.

"Oh my! Oh my! Bakit ganyan ka seniorito? Kahit pang bukid na damit bagay parin sayo. Mukhang mamahalin parin." Sabi ni Bella.

"O.A mo Belya ah! Pang bukid ka diyan. Pang simbang damit ko yan." Sabi ni Javier.

"Kuya Javier ah! Nakiki Belya ka na rin. Nahahawa ka na sa kapraningan ni Kyrene." Natawa ang lahat sa sinabi nito.

"Kuya Javier, ano ba yung kapay ika?" Tanong ni Khielve.

"Wow! Kuya. Kailan mo pa yan naging kuya?"Tanong ni Kyrene.

"Bakit masama? Okay lang naman kuya Javier diba?" Nakangiting tanong ni Khielve.

"Oo naman! Pwedeng pwede." Sabi naman ni Javier.

"Bakit mo pala natanong yung kapay ika? Saan mo narinig yun?" Tanong ni Javier.

"Ano ba ibig sabihin nun? May nagsabi nun sakin eh." Sabi ni Khielve sabay tingin kay Kyrene.

"May nagsabi nun sayo? Siraulo yun ah. Ibig sabihin nun baliw ka. Sino ba nagsabi sayo nun?" Sabi ni Bella.

"Yang kaibigan mo." Sabi ni Khielve sabay tingin kay Kyrene. Ngumiti lang si Kyrene.

"Ikaw pala nagsabi?" Nakangising sabi ni Bella kay Kyrene.

"Oo ako nga! Siraulo ako?" Tanong niya kay Bella. Ngumiti lang si Bella at nagkibit balikat.

"Guys baka uuwi na ako sa susunod na araw ah. Si mom kasi pinapauwi na ako." Sabi ni Tricia.

"Hindi mo na aantayin ang birthday ni Khielve?" Tanong ni Zion.

"Try ko makabalik sa birthday party mo?" Sabi Tricia ni kay Khielve.

"Birthday mo? Kailan?" Tanong ni Kyrene.

"Next week. Dapat may regalo ka sakin ah." Nakangiting sabi Khielve.

"Yun ba yung party na pinaghahandaan ni Donya Clara?" Tanong uli ni Kyrene.

"Oo yun nga."Sagot ni Khielve. Tumango nalang si Kyrene. Akala nila party lang para ipakilala si Khielve sa mga taga san isidro.

"Invited ba ako seniorito?" Tanong ni Bella.

"Of course, Bella." He said and smiled.

"Ako din kuya?" Tanong ni Ella.

"Lalo ka na Bubwet." Sabi nito at kiniliti pa ang baba ng bata. Napahagik-gik naman ang bata.

Napangiti naman si Kyrene dito habang nakatingin kay Khielve. Biglang tumingin sa kanya si Khielve. Ngumiti ito sabay kindat. Biglang napayuko si Kyrene. She suddenly felt awkward in his action.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top