CHAPTER 13

Kumakatok si Kyrene sa kwarto ni Khielve. Pero walang sumasagot. Kaya binuksan nalang niya ito. Nakaupo lang ito at nanonood ng movie.

Nandiyan lang hindi man lang sumagot.

"Seniorito kakain na po." Sabi ni Kyrene. Nasa may pinto lang siya. Pero hindi ito kumilos o sumagot kaya pumasok nalang siya.

"Seniorito kakain na po. Nagaantay na sila sa baba." Sabi niya uli. Pero hindi parin ito umimik.

"Ano po bang problema seniorito? Galit parin kayo sa ginawa ko? Kumain ka na hindi na lang ako sasabay sainyo kung nababanas ka sakin." Sabi niya pero hindi parin ito umimik.

"Okay po seniorito! Sorry kung ginawa ko yun. Hindi ko sinasadya kung hindi ka nakahalik kay Monique. Magd'date pa naman kayo uli eh. Makakakiss ka parin niyan. Wag kang magalala kitang kita naman na may gusto sayo yung empaktang yun eh. Kung gusto mo sunduin ko pa ngayon para matuloy ang hali-

"SHUT UP!" Mahina pero madiin nitong sabi. Sinamaan nito ng tingin si Kyrene.

"Okay sabi ko nga. Bumaba na po kayo Monster Kisser." Sabi ni Kyrene. Tumingin uli sakanya si Khielve.

"What did you just say?" Salubong na naman ang kilay nito.

"Sabi ko Monster kisser! hindi mo ba type? Kiss addict nalang." Sabi ni Kyrene.  Naiinis na rin kasi siya dito dahil parang batang inagawan ng laruan sa pagmamaktol nito.

"Nangiinis ka ba Kyrene? Hindi ako addict sa kiss. Mga babae ang humahalik sakin. Si Monique! Siya ang gustong humalik sakin kanina hindi ako." Iritang sabi nito. Para naman lalong nabwesit si Kyrene sa narinig na kayabangan nito.

"Talaga!? Hindi ka ng hahalik? Eh anong ginawa mo sakin?" Tanong ni Kyrene at tinitigan ito ng masama.

"Ikaw Kyrene ang humalik sakin. Sino ang unang nag lapat ng labi. Hindi ba ikaw? I just kissed you back." Namula si Kyrene sa narinig niya dahil sa galit.

"Oo, kasalanan ko nga. Kasi akala ko nalulunod ka. Kaya binigyan kita ng cpr. Kaso MANLOLOKONG MANYAK KA!!" Sumigaw na si Kyrene. Dahil Bwesit na Bwesit na siya dito.

"Hoy Kyrene wag mo akong pagsa--

"Bakit? Totoo lang ang sinasabi ko. Hindi ka lang nakahalik kay Monique galit na galit kana sakin. Nag sorry na ako. Mas malaki nga ang kasalanan mo sakin, nikanaw mo ang first kiss ko. Nasilipan mo ako at nilait mo pa ako. Pero nagawa mo bang humingi ng sorry sa ginawa mo kanina ha?!" Hindi na inantay ni Kyrene  na sumagot pa ito nilayasan niya na ito.

Padabog na bumababa si Kyrene sa hagdan.

"Oh Kyrene! Asan na si Khielve?" Tanong ni Zion. Umupo si Kyrene katabi ni Tricia sa sofa.

"Ayaw eh! Galit." Sabi ni Kyrene.

"Bakit ba galit yun? Kanina pagdating niyo mukhang badtrip na badtrip." Tanong naman ni Simon.

"Paano sinira ko yung romantic scene nila ni Monique." Sagot niya.

"You ruined their romantic scene. How?" Tricia asks.

"Paano kasi naglalampungan sila ni Monique. Sabi ko mauna na ako umuwi. Ayaw niya. Dun lang daw ako. Kaya gumawa ako ng paraan." She explained. Nakitingin naman ang lahat sakanya na parang nagaantay ng susunod niyang sasabihin.

"Anong ginawa mo?" Kenneth asks.

"Ayun. Magkikiss na dapat sila. Tinapunan ko sila ng maraming maliit na palaka."

"Oh my God! Ahahaha! You're ridiculous." Sabi ni Tricia pati sila Simon natawa din.

"Ibang klase ka Kyrene. Ahahaha!!!" Zion said and laughed loudly.

"Wait! Hindi naman magagalit yun kung hindi siya nakahalik. Ang babaw naman! Hindi ganun si Khielve." Sabi naman ni Tricia.

"Baka nagalit kasi napaupo si Monique sa tae ng kalabaw sa takot sa palaka." Lalong natawa ang lahat sa sinabi ni Kyrene.

"Kadiri! Ahahaha!" Diring diri na natatawa si Tricia.

"Bakit ba kasi hilig mong sirain  ang kissing moment ko." Napalingon sila sa nagsalita. Si Khielve nasa baba na. Nakangisi ito.

Adik talaga to. Kanina parang nilamukos na papel ang mukha. Ngayon naman nakangisi. Sa isip ni Kyrene habang nakatingin kay Khielve na papalapit sakanila. Umupo ito sa  sofa kaharap ni Kyrene.

"Ano Kyrene?  Siguro may gusto ka sakin no? Kaya hilig mong sirain ang kissing moment ko." Nakangising sabi ni Khielve.

"Anong pinagsasabi mo? Kanina ko lang ginawa yun. At nagkataon lang na magkikiss kayo kanina nung tinapon ko yung palaka." Sabi ni Kyrene.

"Talaga lang ah. Alam ko pangalawa na yun eh." Nakangisi parin ito. Pinaningkitan lang siya ni Kyrene ng mata.

"Let me remind you Kyrene. Nung magkikiss kami ni Tricia. Diba ikaw naglaglag ng pusa samin. Nasa puno ka nun diba?" Napangnga si Kyrene.  Si Tricia naman napamaang din at tumingin kay Kyrene.

Paano niya nalaman yun? - tumingin siya kay Tricia.

"Did you do that?" Tanong ni Tricia habang nakatingin kay Kyrene.

"Sorry kasi ano eh--

"Kasi nga ayaw mong nakikipagkiss ako sa iba. Dapat sinabi mo nalang agad. Don't worry Kyrene, from now on ikaw nalang ang ikikiss--

"Tumahik ka! ginawa ko lang yun kasi ayaw kong ikiss mo si Tricia kasi hin-

"See! Ahahaha!" Tumawa ito ng pagkalakas lakas.

"Sorry Tricia.  Kasi naman narinig ko yung sinabi niya sayo. Yung pamatay niyang it was just a kiss. Na hindi porket nagkiss kayo, kayo na. nabwesit lang ako. Kaya ginawa ko yun." Napayuko nalang si Kyrene dahil nahiya siya kay tricia. Pinalo siya ni Tricia ng malakas sa braso.

"Baliw ka! Ahahaha! Alam mo bang gulat na gulat ako nun. Ahaha!" Natawa si Tricia. Napangiti nalang din Kyrene.

"Sorry talaga. Wag ka kasing magpapahalik sa Monster kisser na yan." Sabi ni Kyrene.  Sabay tingin kay Khielve ng masama. Nakangiti naman si Khielve.

"Monster kisser? Uhmm..
Don't you find him a good kisser?" Tanong ni Tricia. Namula bigla si Kyrene sa sinabi ni Tricia.

Baliw na babaeng to. Kailangan niya talagang itanong yan sakin sa harap ni Khielve.  At harap ng marami. - Napatingin siya kay Khielve. Nakangiti ito.

"Answer her Kyrene.  Am I good kisser?" Nakangising tanong nito.

"God! You're blushing. Ahaha! You're so cute." Natatawang sabi ni Tricia.

"Mga baliw kayo." Yun lang ang nasabi ni Kyrene at tumayo na. Iniwan niya ang grupo na tumatawa. Si Kenneth naman nailing nalang pero hindi tumatawa.

****

"Seniorito! Pinatawag mo daw po ako?" Nakadungaw si Kyrene sa pinto sa kwarto ni Khielve. Nakaupo si Khielve sa couch. Busy ito sa laptop niya na nakapatong sa maliit na table.

"Pasok." Pumasok naman si Kyrene. Tumayo ito sa harap nito. He glanced up at her.

"Upo ka dito sa tabi ko."Utos ni Khielve.

"Huh?"

"Bakit? natetense ka ba pag napapalapit ka sakin?" Tanong nito.

"Bakit ang yabang mo ba?" Tanong niya dito.

"Upo na kasi. I'm not gonna bite. Nanghahalik lang.... ahaha! Joke lang. Upo na kasi."Binawi niya ang sinabi niya dahil sinamaan siya ng tingin ni Kyrene.  Umupo nalang siya. Hindi ganun kalaki ang couch kaya dikit na dikit silang dalawa. Ang mga hita nila, ang mga balikat nila magkadikit.

"Sorry ah!" He started. Pero ang mata nasa laptop.  Napatingin sakanya si Kyrene.

"Sorry para saan? Ang dami mo kasing dapat ipagsorry eh." Sabi ni Kyrene. Tumingin sakanya si Khielve. Nagkatinginan sila. Pero umiwas din agad si Khielve ng tingin.

"Doon sa nangyari sa ilog. Nagsorry na ako diba? But sorry again. Sa ginawa ko kanina sa.... Sa cr niyo. Hindi ko sinasadya." Sabi nito na hindi tumitingin.

"Wow! Marunong ka naman pala mag sorry. Anong nakapag pabago sa isip mo?" Tanong ni Kyrene. Tumingin si Khielve kay Kyrene sa pamamagitan ng gilid ng kanyang mata. Pero hindi sumagot.

Naisip niya kasi ang sinabi ni Kyrene kanina na dapat siya ang magsorry. Balak naman talaga niya yun, kaso nga lang nagkagulo-gulo kanina.

Wala naman siyang balak ayain si Monique magdate. Na aya niyang wala sa oras para lang makaiwas sa tukso ni Tricia.

Tapos nabadtrip pa siya kanina sa ginawa ni Kyrene. Hindi dahil sa ginawa niya kay Monique. Kung hindi dahil sa pakiramdam niya ginawa ni kyrene yun, dahil gusto na nitong makauwi para makita si Kenneth.  Lalo pa nung makita niya ang harutan ng dalawa habang nag c'car wash.

"Sorry din sa ginawa ko sainyo ni Monique kanina. Nasaniban lang siguro ako kanina kaya ganun. Haist! Ewan. Inis rin kasi ako sa mga nangyari. Sa mga ginawa mo." Ang tinutukoy nito ang paghalik sakanya at yung sa kubeta.

"Sorry talaga kanina yung sa c.r niyo."

"Aahh! Ayaw ko ng marinig yun. Wag mo ng ipaalala sakin." Natawa ng mahina si Khielve.

"Sorry kung kinuha ko yung first kiss mo na para sa dreamboy mo." Napatingin dito si Kyrene. Kunot noo.

"Anong dream boy?" Napakunot ang noo niya. She confused and tried to recall kung nasabi niya na ang tungkol dun na hindi niya sinasadya dahil sa kadaldalan niya paggalit.

"Si Bella.  Para daw sa dream boy mo ang first kiss mo." He declared.

"Ang daldal talaga nung babaetang yun. Sarap putulan ng dila."

"Kala ko kasi hindi ako ang first kiss mo. Ang tanda mo na kasi hindi ka pa nakaka experience ng kiss. Ibang klase ka." Hindi naman akalain ni Khielve na totoo ang sinabi nito na wala pa siyang experience sa kiss. Nung sinabi sakanya ni Kyrene na hindi niya ito gustong maging first kiss.

"Bakit? kailangan talaga pag ganitong edad dapat my experience na sa kiss."Tumigil si Khielve sa ginagawa niya.

"Hindi naman! Hindi ko lang expect na may ganyang edad na hindi pa nahahalikan." Sumandal si Khielve sa couch.

"Pinapahalagan ko kasi yun. Gusto ko memorable. Gusto ko romantic place. Gusto ko sa taong mahal ko. Alam mo yung maipagmamalaki ko sakanya na siya ang first kiss ko. Yung ganun." Habang nagsasalita si  Kyrene titig na titig sakanya si Khielve. Nakasandal ito sa couch at nakatagilid naman si Kyrene sa kanya habang nagsasalita.

Ang swerte ko! Ako ang first kiss mo. -He thought himself as he glared at her. Tumingin sakanya si Kyrene.

"Oh! Bakit ganyan ka makatingin? Iniisip mo siguro ang baduy ko. Baduy na physically, baduy pa sa pananaw sa love." Napangiti si Khielve.

"Hindi naman. Naisip ko lang.... uhmm. Sinira ko yung dream mo to have an unforgettable first kiss." Ngumiti si Kyrene. Pero bigla siyang natawa.

"Ahaha!" Naalala niya ang sinabi ng kuya niya.

"Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong ni Khielve.

"Wala! Naalala ko lang ang sinabi ni kuya. Ang adik nila ni nanay eh." Kumunot ang noo ni Khielve.

"Bakit?"

"Second kiss nalang daw ang para sa dream boy ko. Naisip ko lang, tama si kuya. Diba sabi nila, love is sweeter the second time around. Baka ganun din siguro sa kiss." Sabi niya at ngumiti.

"Sinabi mo sakanila?" Tanong nito at medyo nagalala si Khielve. Hindi naman niya gustong magalit ang pamilya ni Kyrene sakanila.

"Oo, ayaw ngang maniwala. Baka daw nananaginip lang ako. Ahaha! Tapos swerte daw ako kasi gwapo ang first ko. Ang adik diba?" Natatawa si Kyrene. Hindi naman makapaniwala si Khielve.

"Yun ang sinabi nila? Ahaha! Totoo?" Napaayos pa ito ng upo.

"Tuwang-tuwa ka naman?! Feeling gwapo ka talaga." Iningusan niya ito.

"Ahaha! Wala akong sinabing ganun. Ang kuya mo na mismo ang nagsabi. Hindi ako." Humarap siya kay Kyrene.

"Kyrene matanong nga kita?" Sumeryoso ito bigla.

"Hindi ka ba nag'gwapuhan sakin? Hindi ka kinikilig pag nakikita ako?" Seryosong tanong nito. Humarap si Kyrene sakanya ng mabuti at tinitigan ang mukha nito.

"Gwapo ka. Perfect!" Sabi ni Kyrene. Habang tinitigan ang mukha nito. Napangiti naman si Khielve.

"Kinikilig. Uhmm.. tignan natin." Mas lalong pinakatitigan ni Kyrene ang mukha ni Khielve. Tinignan niya ito sa mata.

Tinaas niya ang kamay niya at unti-unti nitong hinawakan ang kabilang pisngi ni Khielve.

Nagulat naman si Khielve sa ginagawa ni Kyrene. Lalo na ng unti-unting nilapit nito ang mukha sakanya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Walang pang babaeng nakapag pa tense sakanya ng ganito. Kahit sobrang seductive pa nito. Napatitig si Khielve sa labi ni Kyrene.  Parang gusto niya uli itong halikan. Tumingin uli siya sa mata ni Kyrene. Napapalunok siya dahil mas lalo pang lumapit ang mukha nito.

"BOOM!! AHAHAHA!" Tumawa ng malakas si Kyrene. Kunot noo naman si Khielve. Sa ginawa ni Kyrene. Akala niya hahalikan na siya nito.

"Ahahaha! Ang gwapo mo. Ahaha! Ang cute mo pa. Ahaha!" Tawa ng tawa si Kyrene habang nagsasalita.

"Mas adik ka eh! Pasaway to. Tumigil ka na nga." Sabi ni Khielve pero tawa parin ng tawa si Kyrene.

"Aaray! Sakit nun ah." Kinatok siya ni Khielve sa ulo.

"Ang kulit mo eh." Walang ka ngiti-ngiting sabi ni Khielve.

"Galit ka na naman? Pikon ka talaga. Sige na lalabas na ako." Sabay tayo ni Kyrene.

"Sandali" Mabilis na hinawakan ni Khielve ang kamay niya. Napatingin si Kyrene sa kamay niya na hawak nito. Napatingin din si Khielve sa kamay niya. Binitawan niya ito.

"Mamaya ka na umalis. Dito ka muna." Sabi nito na umiwas ng tingin.

"Bakit?"

"Basta! Upo na." Umupo nalang uli siya. Kinuha ni Khielve ang cellphone na nakapatong sa table.

"Ohh" He handed it over her. Kinuha naman ni Kyrene.

"Asan charger?" Tanong ni Kyrene. Inabot din ni Khielve ang Charger.

"Doon ko nalang icha'charge sa may kama mo." She said.

"Full charge yan." He said

"Oh! Full naman pala eh. Anong gagawin ko dito?"

"Sayo na yan."

"Huh?" Takang tanong ni Kyrene.

"Kasi pag off mo. Kailangan pa kitang puntahan sainyo. Ang hassle." Sabi nito.

"Paano ka? Ano gagamitin mo?"

"Meron pa ako don't worry."

"Sige, isusuli ko nalang pag-aalis kana."

"Sayo na yan."

"Huh? Hindi pwede. Tsaka hindi ko naman to kailangan.  Gagastos pa ako sa load nito eh." Natawa si Khielve ng mahina.

"Pano ba to gamitin?" Tanong niya habang tinitignan ang cellphone.

"Hindi ka marunong? Ang stupid mo naman." Sabi nito sabay kuha ng cellphone sakanya.

"Stupid agad!? Eh hindi pa ako nagkaka cellphone eh. 3310 lang ang huling cellphone na nahawakan ko. Yung kay Bella." Sabi niya mas lalong natawa si Khielve sa sinabi niya.

"Halika tuturuan kita." Tumingin naman siya at nakinig sa mga sinasabi nito. Na turo na ni Khielve ang messages, gallery and more.

"Ito yung facebook. Ano email mo? Mag log in ka." Sabi nito.

"Wala akong Facebook." Sagot niya.

"ANO!?" Napangiwi siya sa sigaw nito.

"Kailangan talagang sumigaw?" Pinangdilatan niya ito.

"Kasi naman! Wala kang cellphone. Tapos wala ka rin fb account. Anong buhay ba meron ka?" Naiiling na sabi nito.

"Eh sa wala eh. Anong magagawa ko." May mga computer shop naman sakanila.  Pero hindi niya naman maisipan gumawa ng fb account. Wala siyang hilig sa mga ganun. Mas gusto niyang tumulong nalang sa magulang niya sa bukid. Tsaka iniisip din niyang magastos. Pumapasok lang siya sa net. Cafe pag kailangan niyang magresearch para sa mga school project at homework. Dahil graduate na siya sa high school.  Matagal na rin siyang hindi nakakapag computer.

"Gagawa tayo ng facebook account mo." Sabi ni Khielve. Humarap uli ito sa laptop niya. Ginawan niya ng facebook account si Kyrene. Tinuruan na rin niya ito.

"Ayan ah. Friend na tayo sa fb. Ako palang friend mo dito. Wag kang accept ng accept ng mga friend request pag hindi mo kilala ah." Tatango-tango lang si Kyrene.

"Sandali, dapat may picture ka eh. Halika magpicture tayo." Kinuha nito ang cellphone niya. Inakbayan niya  si Kyrene at nagselfie sila. Mga ilang picture ang kinuha nila.

"Isa pa." Sabi nito at nagsmile uli si kyrene.

"Kyrene" Tawag sakanya ni Khielve kaya lumingon siya. Pero pagharap niya nakaharap din sakanya si khielve at nakangiti. Saktong capture ng cam.  Na naka'timer. Malapit na malapit ang mukha nila.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Kyrene.

"Tignan mo oh! Cute diba?" Sabi nito at pinakita ang picture nila.

In'upload ito ni Khielve. Ginawa nitong profile pic. Ang picture nila na magkadikit ang ulo nila sa fb ni Kyrene. Ti'nag pa yun ni Khielve sakanya. Ginawa naman niya profile pic. Sa fb acct. Niya ang pic. nila ni Kyrene na magkaharap sila. Naka online din si khielve gamit ang sarili niyang cellphone.

"Yan may pictures ka na." Meron agad sandamak-mak na notifications.

"Ano yan?" Tanong ni Kyrene na tinuro ang notifications.

"Notification yan. Pag meron nag comment or like sa picture mo dito mo makikita." Pati ang message and friend request, tinuro din niya.

"May friends request ka agad." Tinignan niya yun. Sila Kenneth,  Zion, Simon and Tricia. May mga iba pang hindi nila kilala. Karamihan mga babae. In'accept niya ang tatlo yung iba hindi. In'open din ni Khielve ang notifications flooded ng comments ang pictures nila.

*Who's that bitch? I will kill her.
*WTF! Who is she? Grrr!!!! At ang dami pang mga comments na hindi magaganda. Puro galit. Puro mga babae at bading ang mga nag comment.

"Hala! Ano yan? Bakit sila galit?" Takang tanong ni Kyrene. Ang dami na ding PM sakanya.  In'open din yun ni Khielve at puro mura at pagbabanta ang laman.

"Tsk tsk." Napakamot nalang ng ulo si Khielve. Inayos nalang niya ang privacy setting ng fb ni Kyrene para wala ng makapgcomment at pm na hindi niya friend.

Mga bwesit talaga tong mga babaeng to oh.. magugulo pa si Kyrene nito. -Mga fangirls ni Khielve ang mga nag comment at nag message.

"OH MY GEE!! Kyrene nakita mo ba ang mga comments sa picures niyo?" Napalingon sila ng sabay ni Khielve ng biglang pumasok si Tricia na humahangos pa. Tumango si Kyrene.

"Bakit sila galit?" Tanong ni Kyrene.

"Ahaha! I told you! Girls would kill to be in your place. Ilagay niyo ba naman ang sweet picture niyo ni Khielve." Sabi nito.

"But that's okay. They can't reach you naman eh. Kung nasa school ka. dun ka kabahan, baka kalbo kana ngayon." Sabi ni Tricia.

Ganun talaga siya kasikat sa school nila? Grabe naman!! -Sa isip ni Kyrene.

"Hi Kyrene!" Pumasok naman si Kenneth,  Zion and Simon. Ngumiti si Kyrene kay Kenneth.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi pa kayo natutulog?" Tanong ni Khielve.

"Sungit ah! Bakit ikaw hindi pa din naman tulog." Sabi ni Zion sabay talon sa kama ni Khielve.

"Ginawan ko lang ng fb account si Kyrene." Sabi nito.

"Ginugulo mo ang buhay ni Kyrene eh. Ahaha!" Sabi ni Zion.

"Kyrene!  Pwedeng picture din tayo." Sabi ni Kenneth.

Napangiti naman si Kyrene ng bahagya. Pero nahihiya siya at kinikilig na rin.

"Isa rin to eh." Sabi naman ni Simon.

"Please Kyrene!" Pakiusap ni Kenneth. Tumango nalang si Kyrene at tumayo. 

"Kelan ka pa naging inggitero Kenneth?" Kunot noong tanong ni Khielve.

"Ngayon lang."Natawa sila Tricia pero si Khielve sinamaan lang ito ng tingin.

Inakbayan si kyrene ni Kenneth at nagselfie sila.

"Bilis Kenneth. Upload mo agad. Tignan natin ang mga comments ng fan girls mo." Sani ni Tricia. In'upload naman ito ni Kenneth at ti'nag kay Kyrene. Flooded ng comments pagkatapos.

*What's on earth!? After ni Khielve si Kenneth naman. Who's that bitch ba? -isa sa mga comments.

"Sige na lumabas na nga kayo matutulog na ako." Sabi ni Khielve. Tumayo naman si Zion at lalabas na rin sana si Kyrene.

"Kyrene. Punta tayo sa bukid niyo bukas." Sabi ni Khielve.

"Anong gagawin natin dun?"

"Picnic uli." Kumunot ang noo ni Kyrene.

"Gagawin mo na naman akong chaperon niyo ni Monique. "

"Hindi siya kasama. Tayo lang." Sabi ni Khielve.  Napatingin sakanya ang lahat.

"Kasama kayo.... Sige na layas na!Mga storbo." Sabi niya sa mga kaibigan niya. Lumabas naman ang mga ito kasama si Kyrene.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top