CHAPTER 11
Masuyong gumagalaw ang mga labi ni Khielve.
Anong ginagawa niya? Hinahalikan niya ako. -nanglalaki ang mata ni Kyrene.
Narinig nalang niya si Tricia at Bella na napapa oh my god! At oh my gosh! Natatawa naman si Zion at Simon. Si Kenneth naman napa kunot noo nalang.
Dumilat si Khielve. Nagtama ang mata nila habang hinahalikan siya nito. Binigay ni Kyrene lahat ng lakas niya para itulak ito. Nakawala naman siya dito.
Napahawak si Kyrene sa bibig niya. Umupo si Khielve at nangingiti ito. Galit ang nararamdaman ni Kyrene dito.
"Hindi ka nalunod?" Tanong ni Kyrene. Pero naiiyak na siya.
"Sorry! I'm just joking. " He said.
"Joking! JOKING!" Sumigaw na siya.
"Tingin mo magandang BIRO YUN! HINALIKAN MO AKO!!" Galit na talaga siya. Tumayo siya at tumayo na rin si Khielve.
"Okay I'm sorry." He said apologetically. Sincere naman ito sa pag hingi niya ng sorry.
"Sa tingin mo mababalik nun ang halik na kinuha mo. HA?!" napaka walang hiya mo."
"Kyrene it was only a kiss. Mabango naman ang hininga ko ah." Tumiim ang bagang ni Kyrene. Nagpanteng ang tenga niya sa narinig. Dahil nagawa pa nitong magbiro. At mas lalong uminit ang ulo niya. Sa it was just a kiss nito.
"It was only a kiss!" Ulit ni Kyrene sa sinabi nito.
Lumapit si Kyrene dito at binigyan ito ng malakas na sampal sa pisngi. Napa oohh nalang ang nasa paligid. Kahit si Khielve nagulat sa ginawa niya.
"Wag mong gawin sakin ang ginagawa mo sa mga babae mo. Importante sakin ang first kiss ko." Tumulo na talaga ang luha ni Kyrene. Hindi na niya napigilan, umiyak na siya ng tuluyan. Walang kahit na isang makapag salita.
"Kyrene" Anas ni Khielve. Pero biglang nalang tumalikod si Kyrene. At umalis.
"Kyrene!" Tawag ni Bella pero hindi ito lumingon.
"God Khielve! What the heck is wrong with you? Bakit si Kyrene ang pinag tripan mo? Hindi mo alam kung gaano kaimportante ang first kiss para sakanya. Memorable first kiss ang gusto niya." Sabi ni Tricia.
"Bakit mo ginawa yun seniorito? Ikaw palang ang nakakahalik kay Kyrene. Para sa dream boy niya ang first kiss. Para kay Kenneth. Naku naman." Tuloy tuloy na sabi ni Bella.
"Kay Kenneth!?" Sabay sabay ng tatlo. Zion/Khielve/Simon.
"Ako?" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Kenneth.
"Haist! Ano ba tong sinasabi ko? Basta basta! Mahirap ipaliwanag." Sabi ni Bella.
"Hala ka bro. Ninakaw mo ang first kiss ni Kyrene." Sabi ni Zion.
"Hindi ko naman kasi alam ni Isi'cpr niya ako. Gusto ko lang naman mang good time eh. Tsaka ikaw ang nagsuggest nun walang hiya ka." Sabi ni Khielve at binatukan si Zion.
"Alam mo ng i-si-cpr ka hindi ka pa dumilat. Tsaka hinalikan mo siya. Hinawakan mo batok niya eh. Ako pa sinisi mo." Depensa ni Zion. Napaisip si Khielve.
"First time mo bro. No?" Tanong Simon.
"Anong firstime?" Kunot noong tanong ni Khielve.
"First time mong masampal. Ahahaha!" Sabi ni Simon na tumawa pa ng malakas. Natawa rin ang iba. Wala pa kasing nananampal sa kanya na babae. Nakatikim na siya ng maraming sapak galing sa mga lalaki, dahil sa mga girlfriend ng mga ito na lumalapit sa kanya.
***
Galit na galit si Kyrene na umiiyak naglalakad siya pauwi sakanila.
Damuhong yun. Ang sama sama niya. Bakit kailangan niyang gawin yun sakin. Ang pinakaiingatan kong mga labi. Araw araw ko pa tong nilalagayan ng petroleum jelly. Para lang mamaintain ang softness nito. Lalapastanganin lang niya. Wala na akong maipagmamalaki sa dreamboy ko nito. Walang hiya ka Khielve John Montillo.
"Oh Kyrene! Bakit ka umiiyak?" Tanong ng nakasalubong niya. Pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad.
Narating niya ang bahay nila. Tuloy tuloy siya sa loob.
"Kyrene anak bakit ka umiiyak? Napaano ka?" Nasa salas ang nanay niya nakaupo. Bigla itong napatayo ng makita siya.
"Nayyyyy!!"Lalong lumakas ang iyak niya.
"Diyos ko napaano ka? Na'rape kaba? Sino may gawa? Diyos ko." Nagh'hysterical na ang nanay niya.
"Hindi po!" Sagot niya na umiiyak parin.
"Eh bakit ka umiiyak? Umupo ka nga muna! Javier ikuha mo nga si Kyrene ng tubig." Umupo si Kyrene. Tumabi ang nanay niya. Agad naman kumuha ng tubig ang kapatid niya at pinainom sakanya.
"Anong nangyari sayo Kyrene?" Tanong ng kuya niya.
"Ang first kiss ko wala na eh." Humihikbing sabi ni Kyrene.
"Anong first kiss mo? Ipaliwanag mo tumigil ka sa pagiyak." Medyo naiinis na ang kuya niya dahil iyak ito ng iyak.
"Si seniorito eh. Hinalikan niya ako eh." Sabi ni Kyrene na umiiyak parin.
"Ano!?" Sabay na tanong ng kuya niya at nanay niya. Nagulat ang mga ito sa sinabi niya.
"Yehey!! May boyfriend na si ate." Tuwang tuwang sabi ni Ella at tinataas pa ang kamay. May kasama pang talon.
"Totoo ba yun anak? Pero bakit? Boyfriend mo ba siya?" Tanong ng nanay niya.
"Nanay naman eh. Iiyak ba ako ng ganito kung boyfriend ko siya."
"Totoo ba yun? Baka naman nananaginip ka lang. Nandiyan yung girlfriend niya diba? Pumunta yun dito kanina nung hinahanap ka." Sabi naman ng kuya niya.
"Hindi niya yun girlfriend. Nanaginip ka diyan! tulog ba ako para managinip?" Medyo inis na sabi niya. Dahil parang ayaw siyang paniwalaan ng kapatid niya. Hindi ba kapani paniwalang nanakawan siya ng halik ng isang gwapong rich kid.
"Day dream. Mahilig ka naman mag day dream diba?" Sinamaan niya ng tingin ang kuya niya.
"Ipaliwang mo nga ang nangyari wag ka ng umiyak." Sabi ng nanay niya.
"Kasi nay ganito yun. Nagkunwari siyang nalulunod. Tapos binigyan ko ng cpr." She explained.
"Aah!"Sabay ng kapatid at kuya niya na tatango tango lang.
"Hay Kyrene! Cpr lang yun anong halik dun?" Niiling nalang ang kuya niya.
"Gumalaw yung labi niya at hinawakan niya ang batok ko."
"Baka hindi naman niya sinasadya. Ang baba naman ng standard nun kung katulad mo lang ang nanakawa—"
"KUYAAAA!!! ANG SAMA MO!!" Sigaw ni Kyrene. Hindi niya gusto pang marinig ang sasabihin ng kuya niya.
Pakiramdam niya hinahamak siya ng kuya niya. Dahil ba hindi siya marunong mag-ayos kaya hindi na siya pwedeng nakawan ng halik.
"Ahaha! Joke lang. Siraulo yun si señorito ah. Ano gusto mong gawin ko bugbugin ko? Sirain natin yung gwapo niyang mukha. Ang ganda ganda ng kapatid ko ninakawan lang ng halik. Tsk tsk tsk." Sabi ng kapatid niya na hinaplos haplos pa ang basang-basa niyang buhok.
"Baliw!" Napangiti na lang si Kyrene sa sinabi nito.
"Dalaga ka na anak. nahalikan ka na." Parang kinikilig na sabi ng nanay niya.
"Nanay naman eh. Para sa dream boy ko ang first kiss ko eh."
"Second kiss na lang sa kanya. Ky-Ky Ayaw mo nun gwapo ang first kiss mo. Swerte mo." Sabi naman ng kuya niya.
"Salamat sainyo ah! Parang tuwang-tuwa pa kayong nahalikan ako. Maliligo na nga ako." Inis na sabi niya. Sabay padabog na tumayo.
"Dalaga na ang anak ko. Sana na naman magpaligaw na siya ngayon." Sabi ng nanay niya at nakangiti.
Ayaw kasi ni Kyrene na nagpapaligaw. Magsasabi palang ang lalaki na manliligaw binabasted na nito. Kung ang ibang magulang ayaw paligawan ang anak. Ito si Kyrene gusto nilang maligawan na. Nag-aalala kasi sila na baka daw babae ang hanap nito. Na baka dinadahilan lang nito ang dreamboy niya.
Naligo si Kyrene sa kubeta sa likod ng bahay nila. Nagbubuhos siya gamit ang tabo. Napatigil siya sa pagbuhos. Hinawakan niya ang mga labi niya.
"Ganun pala ang halik. Parang nakakakiliti sa labi." paanas niyang Sabi habang nakahawak sa mga labi niya.
"Haist! Hindi! galit ako. Galit na galit ako! Kahit gwapo siya hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan." Nagbuhos ng tubig si Kyrene. Pero huminto uli siya at napaupo.
"Haist kainis naman tlaga! Alam ko naman talaga na wala lang yung halik na yun eh. Napagtripan lang niya ako." Nagbuhos nalang uli siya at tinapos ang pagligo.
*****
Nasa bathtub si Khielve nagbabad muna siya dito pagkagaling nila sa ilog. Nakapikit siya habang nakababad sa warm water.
Naisip niya ang mga nangyari kanina. Nang good time lang naman sila kanina nila Zion. Suggest talaga yun ni Zion at Simon na takutin ang mga babae. Pero hindi niya inaasahan na isi'cpr siya ni Kyrene.
Bakit ko ba ginawa yun? Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Parang may mga sariling isip ang kamay ko na biglang hawakan ang batok ni Kyrene at halikan siya. Ang lambot ng labi niya. Parang ayaw ko siyang bitawan kanina. Kakaiba ang pakiramdam ng halikan ko siya. Parang nararamdaman ko parin ang labi niya sa labi ko hanggang ngayon. - Napadilat siya bigla.
"Anaknang! Anong iniisip ko. Anong pagkakaiba ng halik ko sakanya sa halik ko sa ibang babae. Haist bwesit!!" Tumayo nalang siya at nagshower.
***
"Khielve!..... San yun?" Pumasok si Tricia sa kwarto ni Khielve. Nakita niya ang
camera
nito at kinuha, umupo siya sa kama. Binuksan niya. Tinignan nito ang mga picture.
"Hmm... Ang galing talaga niya. Para siyang professional photographer." Tuloy tuloy niyang tinignan ang mga picture.
"Oh my! Bakit puro si Kyrene ang nandito." Mga pictures ni Kyrene sa may ilog. Nakaupo ito sa bato habang tumatawa.
"God! May gusto si Khielve kay Kyrene." Napapanga-nga pa ito habang tinitignan ang pictures.
"Hey! What are you doing Tricia?" Agad na inagaw ni Khielve ang camera niya. Kakalabas lang nito sa bathroom.
"May gusto ka kay Kyrene? " Tanong ni Tricia.
"Anong sinasabi mo?" Tumayo si Tricia at pinagcross ang braso. pinakatitigan nitong mabuti si Khielve. Kahit half naked ito at nakatapis lang hindi ito naiilang.
"Tsk tsk tsk! I know you. Bakit puro pictures ni Kyrene ang nandiyan" Naniningkit pa ang mata nito.
"Nadamay lang siya kanina nung kinukunan ko yung view."
"Ow really! Close up. Nadamay lang." Sarcastic niyang sabi.
"Okay! kinunan ko siya. Ano masama? Kinunan lang may gusto na agad. Hindi ba pwedeng gusto ko lang siyang isama sa subject ko for my photography. Pwede ba Tricia. You're jumping into conclusion."
"Nice try! But not enough Khielve. I'm not convince yet. Photograping people.... Kailan pa? Ayaw na ayaw mong maging subject ang tao. Kahit nga ako nagpapa picture ako sayo ayaw mo man lang akong isama sa mga models mo." Ayaw kasi nitong tao ang subject niya. More of nature, animals anything basta hindi person.
"Pwede ba Tricia, lumabas ka na nga. Magbibihis na ako." Pinagtulukan na nito si Tricia palabas. Pero bago ito lumabas humarap muna ito sakanya.
"You're dead Montillo! Really dead. You're in love with the person who doesn't love you. Too bad nakahanap ka na ng katapat mo. Ahaha!" Sabi nito na tumawa pa.
"Baliw! Labas na." Lumabas na ito. Napaupo naman siya sa kama at tinignan ang pictures ni Kyrene.
"I'm not in love with you. And I will never be. I swear." Sabi niya at in'off ang camera.
****
"Ate Martha wala pa po ba si Kyrene?"
"Wala pa po seniorito." Nasa dining room silang lahat at kumakain ng breakfast.
"Ano po ba ang number niya?" Tanong uli nito.
"Wala pong cellphone yun." Sagot ni Martha.
"Ate Martha ilang beses na po bang nagtanong si Khielve about Kyrene?" Tanong ni Tricia sabay tingin kay Khielve.
"Hindi ko po alam. Basta simula kanina pagbaba niya nagtanong na siya. Ilan kaya......" Nag-isip si Martha at binilang pa nito ang mga daliri niya. Bago nag salita uli.
"Hindi ko mabilang basta madami." Sabi ni Martha. Ngumisi lang si Tricia kay Khielve.
Natapos sila sa pagkain. Wala parin si Kyrene. Nasa living room sila.
"Aalis lang ako guys. Balik din ako agad." Paalam ni Khielve sa mga kaibigan niya.
"Where are you going?" Tanong ni Tricia.
"Uhm.."
"Going to Kyrene? " Tricia again. Hindi na nito pinagsalita si Khielve na parang hindi rin alam ang sasabihin.
"Yeah! Magpapasama ako. May date ako eh."
"Woah! Sino ka date mo?" Zion asked.
"Ahaha! Date? At this early morning. Chinese ka ba? Ahaha!" Natatawang tanong ni Tricia.
"Palusot mo!" She added.
"Palusot ka diyan. May date ako."
Langhiyang Tricia to ah!! -He grinned. As if a light bulb has been switched on in his head. He took his cell phone and called up. Lumayo muna siya sa grupo.
"Hi Monique! it's me Khielve. Would you like to go on a date with me?"
"Oh sure! When? Hindi man lang nagpakipot sure agad ito.
"Now... I'll see you at Kyrene's house... Don't ask. Just be there." Magtatanong pa sana to kung bakit kila Kyrene. Hindi na niya to inantay sumagot pa. Pinatay niya na ang phone. Pumunta siya sa kusina.
"Ate Martha can you prepare some food. Pakilagay sa picnic basket. And samahan mo ng picnic blanket." Utos niya kay Martha at agad namang sumunod ito.
***
Papunta na siya kila Kyrene.
Babaeng tong talaga oh.. napapadate pa tuloy ako wala sa oras. Nagpapasundo lagi. Wala na ba siyang balak bumalik sa bahay dahil sa ginawa ko?
Narating niya naman agad ang bahay ni Kyrene. Pinarada niya ang kotse sa labas ng bakuran at mabilis na lumabas. Pumasok siya sa kahoy na gate nila Kyrene.
"Hi good morning." Bati niya. Si Javier lang ang nandun sa bakuran.
"Ay seniorito kayo po pala. Si Kyrene po ba? Nagbibihis na po yun. Tatawagin ko lang po." Sabi ni Javier.
"Uhm.. Javier right?" Khielve asks.
"Opo"
"Please, just call me Khielve. Wag ng seniorito at wag ka ng mag po."He said and smiled.
"Sige" Simpleng sabi nito.
" Javier pwede ba akong makigamit ng C.R?"
"Sige po. Ay! Sige sa likod. Yung sako lang ang nakatabing." He adjusted his word dahil nag po na naman siya.
"Okay" Pumunta siya ng likod. Nakita naman niya agad ito at mabilis na pumunta sa kubeta.
Dahil talagang pakiramdam niya puputok na ang pantog niya Tuloy-tuloy niyang hinawi ang sako at pumasok.
Pero nang laki ang mata niya ng makita ang nasa loob. Napalunok siya habang nakatitig kay Kyrene na naliligo nakatalikod ito. Naka underwear lang ito. Hindi naman talaga bikini, boyleg naman.
"Bubwit! Ilang ulit kong sasabihin sayo na wag kang basta bastang pumapasok ng kubeta."Naramdaman ni Kyrene ng biglang may pumasok sa Kubeta.
Naisip niya ang kapatid niya dahil ito ang mahilig gumawa nun. Agad niyang binuhusan ang mukha niya ng tubig dahil may sabon pa ito. Nilingon niya ang akala niyang kapatid niya.
"Waaahhhhhhh!!!!! Bastos ka! Bastos!!! BASTOSSSSS!!!!" Sigaw ng malakas ni Kyrene nang makita si Khielve na nakatingin sakanya. Parang biglang natauhan ni Khielve kaya lumabas ito. Dali-daling nagtapis ng twalya si Kyrene at lumabas ng kubeta. Sinugod agad nito si Khielve at pinalo aa braso.
"Hoy lalaki! manyak! may pagnanasa ka sakin no?" Sabi niya habang pinaghahampas niya si khielve sa braso.
"Aray! Aray! tama na! tama na. TAMA NA SABI."Sabi nito habang umiilag sa mga hampas ni Kyrene. Tumigil naman si Kyrene.
"BASTOS KA!! bakit ka pumasok ng kubeta? Waaahhhh!! ang pinakaiingatan ko nakita mo na! ang puri ko ang dangal ko! wala na." Umaatungal si kyrene habang sinasabi ang mga ito.
"Hoy! wala akong nakita no! Ano ang makikita ko diyan? puro buto."
" Naka bra't panty lang ako. Tapos sasabihin mo wala kang nakita."
"Bra ba yun?baby bra lang yun. Walang magkakasyang bra diyan. Tignan mo nga." Sabi ni Khilve habang tinuturo ang dibdib niya.
Nanglaki ang mata ni Kyrene at napaawang ang bibig nito. napahawak siya sa dibdib niya.
"Ang kapal MOOOOOOO!!!!!!" Malakas na sigaw ni Kyrene. Sa sa sobrang lakas ng sigaw niya na patakbo ang kuya niya sa likod.
"Kyrene ano ba yun?" Tanong ng kuya niya. Pero hindi ito sinagot ni Kyrene.
"Walang hiya ka talaga. Siguro may pagnanasa ka talaga sakin. Manyak ka. PERVERT!!! Pagkatapos mong nakawin ang firstkiss ko. Pati ba naman ang dangal at puri ko kukunin mo rin."
"HOY KYRENE! Sumusobra ka na ah. Hindi ko alam na may tao diyan. At hindi kita pagnanasahan. May taste pa naman ako sa babae."
"Punyemas ka! Nauubos na pasensiya ko sayo."
"KYRENE!! TUMIGIL KA NA!" Sumigaw na rin ang kuya niya.
"Kasalanan ko. Akala ko kasi walang tao kaya pinapunta ko dito si seniorito. Wag ka nga eskandolasa masyado. Nakakahiya kay seniorito." Lalong nabwesit si Kyrene sa narinig niya.
"Ako pa talaga ang mahihiya! Hay kuya! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nasilipan niya ako. Kulang nalang magsaya ako. Nakita mo ba akong nagsuot ng short sa labas ha? Tapos itong bwesit na to. Makikita lang niyang walang kahirap hirap."Walang prenong sabi nito.
"Magbihis kana! Tignan mo itsura mo!?" Pinangdilatan na siya ng kuya niya.
Tsaka naman niya na realize na nakatapis lang pala siya ng kakapirangot na towel na hanggang hita lang niya. Grabe na talaga ang kahihiyan na inaabot niya.
"Diyan na nga kayo! Mga empakto." Sabi niya sabay talikod. Pumasok si Kyrene sa kwarto niya. Umupo ito sa papag niya.
"Walang hiyang lalaking yun. Lahat na talaga siya ang nakauna ah! Nakasilip na nga siya. Nilait pa niya ako." Napatingin si Kyrene sa dibdib niya. Hinawakan niya ito ng dalawang kamay niya.
"Maliit ba to? Hindi naman eh. Cup b kaya to. Ano gusto niya cup c o kaya d. Haist!! Manyak talaga siya." Tumayo nalang siya at nag bihis. Lumabas siya ng kwarto.
Pero paglabas niya mas nagulat siya dahil nandun si Monique. Nakaupo sa sala set na kawayan nila. Na parang diring diri at iniikot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Nakahawak ito sa braso ni Khielve.
"Hoy empakto at empakta! Anong ginagawa niyo dito ha?" Pinangdidilatan ito ni Kyrene.
"Tapos na ang off mo. Bakit hindi ka pa bumalik sa mansyon?" Tanong ni Khielve.
"Babalik na ako naligo lang ako... Bakit nandito ka Monique?" Tanong niya. Daig pa niya ang nilamukos na papel sa sobrang lukot ng mukha niya dahil sa pagkaasar sa dalawang ito.
"May date kami ni Monique. Samahan mo kami." Si Khielve ang sumagot sa tanong ni Kyrene.
"ANO!? Makikipag date ka lang kasama mo talaga ako. Nangb'bwesit ka talaga no?!" Pasigaw na sabi ni Kyrene na kahit si Monique nagulat.
"Hoy kayong dalawa pwe—
"KYRENE!!" Napalingon sila sa may pinto. Ang nanay at tatay niya nandun.
"Good morning po. Aling Belen Mang Benito." Bati ni Khielve at tumayo pa ito. He nodded his head respectfully.
"Magandang umaga sainyo seniorito." Sabay ng mag-asawa at bumaling kay Kyrene.
"Bakit ka sumisigaw Kyrene?"Tanong ng nanay niya.
"Nagpapasama po kasi ako kay Kyrene. Magp'picnic kami ni Monique. kaso po nagalit siya." Paliwanag ni Khielve.
"Ikaw na bata ka talaga halika ka nga dito." Sabay lapit at piningot sa tenga ni Kyrene. At lumayo ng bahagya sa sala. Pero hindi naman talaga malayo dahil sa liit ng bahay nila.
"Nay naman aray..aahh!!" Binitawan siya ng nanay at hinawakan niya ang tenga niya. Napapout nalang siya.
"Bakit ka ganyan? Apo ni Donya Clara at anak ni mayor ang sinisigawan mo. Alam mo ba yun?"Pigil na pigil ang boses ni Aling Belen.
"Eh ano naman po. Anak naman ako ng pinakamagaling na magsasaka ng San Isidro. Kung wala ang magulang ko wala silang bigas na kakainin." Napangiti ang nanay niya sa sinabi niya. Kahit si Khielve napangiti din sa sinabi ni Kyrene.
"Pasaway ka talaga. Wag ka ng magsungit anak. Samahan mo nalang sila." Pakiusap ng nanay niya.
Huminga ng malalim si Kyrene. At tumingin kay Khielve at Monique. Nakangiti si Khielve kaya pinaningkitan niya ito ng mata. Biglang sumeryoso naman ang mukha nito. Lumapit si Kyrene sa dalawa.
"San ba tayo pupunta? Picnic picnic pa kayong nalalaman."
"Bakit kasama pa kasi siya?Magiging storbo lang siya eh." Tanong ni Monique kay Khielve.
Abat talagang empakta to ah. Gusto mo hindi ako kasama ah. Para walang storbo. Pwes!! Pasensiya ka kasi sisirain ko ang date niyo. -sigaw niya sa isip niya.
"Gusto mo ikaw ang wag sumama. Kami nalang ang magp'picnic. As if na gusto ko talaga sumama. Halina nga kayo." Napapailing nalang ang tatay at nanay niya sakanya. Naunang lumabas si Kyrene.
"Pasensiya na kayo kay Kyrene seniorito." Hinging paumanhin ng nanay niya.
"Okay lang po yun. Sanay na po ako sakanya. Minsan naman po mabait siya. Sige po mauna na po ako." Paalam niya at lumabas na sila ni Monique.
Nasa bakuran na sila.
"Saan kayo pupunta?" Tanong no Kyrene.
"Ikaw na bahala Kyrene. Ikaw naman ang mukhang maraming alam dito eh." Sabi ni Khielve.
"Doon nalang tayo oh. Picnic ang gusto niyo diba? Maganda dun." Sabi niya sabay turo sa kabilang dako ng palayan. Tanaw lang sa bahay nila ang bukid nila. Halos sa likod lang nila ito.
"Ewww! Sa bukid." Reklamo ni Monique. Tumingin dito si Kyrene.
"Saan mo gustong magpicnic sa sa simbahan?" Sarcastic niyang sabi. Sinamaan lang siya ng tingin ni Monique. Nagpipigil naman si Khielve na hindi mapangiti.
Kinuha lang ni Khielve ang picnic basket at nagpunta na sila sa kabilang bukid. Naglakad sila sa gitna ng bukid. Sobrang arte ni Monique habang naglalakad sa makitid na daan ng palayan.
"Ang sarap itulak ng dalawang to." She mutters nauna siyang naglakad at nakarating sa kabila. Pero ang dalawa nasa gitna parin dahil sa kaartehan ni Monique.
***
"Monique just keep walking. Hindi ka naman malalag-lag niyan. Tignan mo si Kyrene nandun na oh." Nakasimangot na si Khielve.
"Dapat kasi nanood nalang tayo ng movie eh." Rekamo ni Monique.
Lentek na babaeng to ang arte... Haist!!! Bakit ba kasi naisipan ko pa tong ayain eh.
Nakarating din sila sa wakas. May sapa dito, maraming puno. Nilatag ni Khielve ang blanket. Umupo ang dalawa sa blanket si Kyrene sa ilalim ng puno umupo at sumandal. Nakatanawa sa bukid.
"Khielve may girlfriend ka na ba? Baka kasi mamaya may girlfriend ka na pala nililigawan mo pa ako."Pacute na tanong nito.
What? Where the hell did she get that idea? May sinabi ba akong nililigawan ko siya? -He thought himself.
"Wala! at wala pa akong niligawan kahit na isa." He said.
"Ow really!? Aaaa.... You mean I'm the first?"Maarteng sabi nito. Ngumiti lang si Khielve.
"Sige pabola lang."Sabi ni Kyrene. Napatingin ang dalawa kay Kyrene na nakaupo sa puno. Pero malayo ang tingin.
"Why you're so gwapo Khielve?" Tanong uli ni Monique.
"Sa genes siguro." He replies. Napatingin si Kyrene kay Khielve. Napatingin naman sakanya ito.
"Bakit? Kokontra ka na naman?"Tanong ni Khielve. Binalik nalang ni Kyrene ang mata sa kung saan.
Ibang klase! Hindi ba pwedeng sabihin niya nalang na hindi naman pero thank you. Clenaim niya talaga. -she thought herself at nailing nalang.
"Sino first kiss mo?" Tanong ni Monique.
"Hindi ko na tanda eh."
"What?! Diba dapat first kiss is unforgettable? Hindi mo ba gusto ang first kiss mo?" Tanong ni Monique.
"Uhm! Siguro. Yung last kiss ang memorable for me." He said sabay tingin kay Kyrene. Kyrene quickly spin her head towards him.
"Who is your last kiss? When did it happen?" Monique asks.
Subukan mo lang sabihin. Ibabaon talaga kita dito sa palayan. -Nagtitigan silang dalawa ni Khielve ngumiti sakanya si Khielve. A killer smile. Iniripan niya nalang ito at tumingin uli sa kung saan.
"Can I be your last kiss?" Sabi ni Monique nung hindi sumagot si Khielve sa tanong niya.
Napailing nalang si Kyrene sa naririnig niyang mga tanong ni Monique.
"Pwede. Later." Mabilis na napalingon uli si Kyrene sa sagot ni Khielve. Nakatingin din sakanya si Khielve. Hinawakan ni Kyrene ang leeg niya at inikot-ikot ang ulo niya kunwaring nag i'stretch siya ng leeg.
"Ahahaha!" Natawa ng malakas si Khielve sa ginawa ni Kyrene. Nakagat nalang ni Kyrene ang ibabang labi niya. Dahil nakaramdaman din siya na hiya.
Lumilingon kapa kasi Kyrene eh!!! Ang lakas talagang mang inis ng lalaking to. Ano naman kasi sayo kung halikan niya si Monique. Bakit pa ako nagugulat sa mga sinasabi niya. Bwesit!!! - She scolded herself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top