21
"Sorry, you're standing in my way."
Matalim ko siyang tinignan bago ako tuloy-tuloy na naglakad paalis. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto ng office nila Mommy habang nakatalikod ako, ibig sabihin ay pumasok nga siya roon.
Napasinghap ako pagkasakay ko ng elevator. Napahilamos din ako sa mukha ko. Ilang taon na ba ang nakalipas? 9? 10? I lost my count. Hindi ko naman mapagkakaila na sa loob ng mga taong 'yon, maraming balita ang naririnig ko tungkol sa kanya. Marami naman kaming koneksyon sa isa't isa.
"Kalix topped the bar. Have you heard about it?"
Napatingin ako kay Kierra habang chinecheck namin ang bagong project nila Mommy dito sa coffee shop. Nakatingin siya sa may T.V. doon kung saan binabalita ang results ng BAR exams. Gusto kong lumingon pero pinigilan ko ang sarili ko.
"I don't care. Focus on the work, Kierra," masungit na sabi ko habang nag-lalaptop.
"Ang galing niya, 'no? Nahabol niya 'yung nabagsak niyang sem sa summer. Buti pwede 'yun? Sabagay, he has money for his failed classes. At least, he graduated on time tapos pinayagan pa rin siya ng Mommy niya maka-proceed to law school. Look at him, he's doing so great!" Parang tanga si Kierra na nagkekwento sa harapan ko, tinitignan ang reaksyon ko.
"I said, I don't care, Kierra. Shut up."
I already moved on from him ever since he and Amethyst became together after our break-up.
Funny how he repeatedly said that there was nothing going on between them, only for me to find out from his friends that they were already going out after a week of our break-up. It hurt, but somehow, it was my fault, too, so I tried my best to move on. Hindi na 'ko nanggulo at wala akong balak. Doon naman siya masaya.
Sa mga taong hindi kami magkasama at hindi masyadong nagkakasalubong, nakalimutan ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya at mukhang ganoon din siya sa 'kin. Pakiramdam ko naman ay may mabuting naidulot ang pakikipaghiwalay ko sa kanya... Kung hindi, we would just end up destroying each other. Our relationship became unhealthy, not to mention that there were too many barriers getting in our way including his mom and... Amethyst. The woman he cheated on me with.
I knew he would do great. It was only a matter of time before I heard so many great news about him being a criminal lawyer. Only one that I did not like. It made me furious.
"Kalix will represent Miguel in court..." Kierra was looking at me like she wanted to cry.
Kinuyom ko ang kamao ko at inalo si Kierra. It was such a sensitive topic for us. Pagkatapos ng ginawa niya kay Kierra, ni isang beses ay hindi siya nakatapak sa korte. Agad binasura ang kasong sinasampa namin sa kanya. Hindi na 'ko nagtataka dahil makapangyarihan ang pamilya niya pero ngayong may nagsampa ulit ng kaso sa kanya, kahit hindi kami, at malalaman kong si Kalix ang magre-represent, parang pakiramdam ko ay sobra naman 'yon.
Ginagantihan ba niya 'ko? I wished for him not to lose his moral principles but I guess shooting stars weren't true.
"Huwag ka nang maki-balita ng kahit ano kay Miguel at Kalix. Hindi mo lang magugustuhan. They're both cheaters," malamig na sabi ko kay Kierra.
Kaya noong nakita ko siyang tumapak sa kumpanya namin, parang gusto ko siyang saktan sa sobrang galit ko sa kanya. Ngayon lang lumabas ulit lahat ng emosyong nararamdaman ko para sa kanya pagkatapos ng ilang taon. Hindi lang ito tungkol sa ginawa niya noon pero pati na rin sa ginawa niya kay Kierra, isang taong importante sa 'kin.
Kinabukasan, parang ayokong pumasok sa trabaho. Gusto ko na lang mag-stay in sa condo ko. I bought my own condo after years of saving money. Ngayon, ang pinag-iipunan ko na ay 'yung ipapagawa kong bahay.
Pagkatapos kong tumitig sa kisame nang ilang oras, napagdesisyunan ko na ngang tumayo at maligo. I wore a dark blue pantsuit and black heels. Dala ko rin ang pamalit ko kung sakaling bibisita ako sa site mamaya, kung sakali lang ipapatawag ako doon para i-check ang ginagawa nilang bahay para sa village under our company.
"Good morning, Architect!" Bati sa 'kin ng guard pagkapasok ko ng lobby.
Ganito lang tuwing umaga. Hindi naman dapat ako ninenerbyos tuwing pumapasok ako sa kumpanya pero dahil may nadagdag na halimaw sa mga empleyado ay parang gusto ko na lang na nasa site ako buong araw.
"Wait!" Sigaw ko nang makitang pasara na ang elevator.
Parang nawala ang poise ko nang hinabol ko 'yon. Nagkatinginan kami ni Kalix na nakatayo sa gitna roon sa loob, at sa likod niya, may mga babaeng empleyado na kanina pa tingin nang tingin sa kanya. Nagbubulungan pa.
I fake coughed before I went in. Tinanggal niya na ang pindot niya roon sa 'open' at pinindot ng pagsara ng elevator. Nakatayo lang siya at nakapamulsa habang pinapanood ang pag-taas ng number ng elevator. I can smell his scent. Ganoon kami kalapit sa isa't-isa. Hindi ako nagsalita at sa harap lang nakatingin, suot ang suplada kong mukha.
Nang huminto ang elevator sa 15th floor, nag-excuse ang mga babae sa likod kaya tumabi ako at tumabi rin si Kalix.
"Bye, Attorney!" Maharot na sabi ng isang babae bago sumara ang elevator. Napairap ako.
Naiwan lang kaming dalawa ni Kalix. Hindi ko alam kung saan ang floor ng Legal Department at wala akong balak tignan kung anong floor ba ang pinindot niya.
Tahimik kaming dalawa habang naghihintay ng paghinto ng elevator. I also stepped sideways to get far away from him. I heard his sarcastic laugh when I did that. Kumunot ang noo ko at sinulyapan siya pero nakatingin lang din siya sa harapan.
Kahit naka-heels na 'ko ay mas matangkad pa rin siya sa 'kin nang kaunting kaunti. Tumangkad ba siya lalo? Posible ba 'yon? O baka naman nakasuot 'to ng pampatangkad sa sapatos? Higit sa lahat, bakit ang tagal ng elevator?
Parang dininig ang dasal ko nang huminto na 'yun sa floor namin. I had the urge to mock the 'Bye Attorney' after I went out but good thing I stopped myself. We weren't in that kind of relationship to joke around anymore. Tuloy-tuloy lang akong naglakad papasok sa office.
"Good morning, Architect Valeria!" Bati noong mga baguhang Architect sa department namin. I just gave them a small smile before entering my office. Sa kabila ng office ko ay kay Kierra bilang Assistant Manager.
Tinawag ko ang secretary ko pagkaupo. Ang sabi ko kila Mommy ay hindi ko na kailangan ng secretary pero pinilit nila dahil makakalimutin daw ako at disorganized palagi kaya kailangan ko raw no'n!
"May meeting ba mamaya?" Tanong ko dahil baka may nakakalimutan ako.
"Yes po, around 4 PM in the board room with the executives and head of each department for a new project in Rizal."
Na naman? Madadagdagan na naman ang trabaho ko. Parang sinusumpa ko na kapag may bagong proyekto. Wala naman akong magagawa dahil pinili ko naman ang field na 'to.
Tumayo na lang ako at nagpalit ng sneakers para bumisita roon sa site bago ang meeting. Hinubad ko na lang din ang suit ko at iniwan dito para hindi madumihan. Naiwan ako sa white blouse na may tinataling ribbon sa dibdib at dark blue slacks. Ginawa kong ponytail ang buhok ko bago ko kinuha ang susi ng BMW ko.
It wasn't a long drive. Sa Makati lang naman ang site. Traffic lang pero malapit lang din kaya nakarating ako kaagad. Pinapasok din naman ako ng guard nang makita ang sasakyan ko. Nag-park ako roon sa gilid, kung saan nagpapark ang mga engineer bago ako bumaba, dala-dala ang copy ko ng blueprint.
"Engineer Camero!"
Nakangiti akong naglalakad palapit habang kumakaway-kaway kay Sevi na nasa second floor. May kausap siyang construction worker doon habang suot ang hard hat niyang puti. Nang marinig niya 'ko, napalingon siya kaagad at ngumiti sa 'kin.
Agad siyang bumaba at lumapit sa 'kin, may dala-dalang hard hat. Sinuot niya kaagad sa 'kin 'yun nang huminto siya sa harapan ko.
"Dapat tinext mo muna 'ko bago ka pumunta dito." Ngumiti siya sa 'kin.
"Bakit? Baka may magselos?" Ngumisi ako para maasar siya lalo.
"Hindi," masungit na sabi niya. "Para nakapaghanda kami para plastikin ka."
Sinapak ko siya sa braso at tumawa lang siya saka ako iginaya papasok sa site. May pinag-usapan lang kami tungkol sa placement noong bintana. Nag-away pa kami nang kaunti dahil hindi niya sinunod ang bilin ko.
"Hindi nga pwede 'yon. Sinukat namin pero magkukulang sa materials. Kung gusto mo, kausapin natin 'yung finance. Sumusunod lang naman kami sa budget," seryosong sabi niya.
"Hindi dapat tinitipid 'yung ganitong project. Paano kung gumiba 'yan? Kanino babalik 'yon?"
"Open mo na 'yan sa meeting natin mamaya."
Nagtagal pa 'ko roon bago ako bumalik sa kumpanya. Nakasunod sa 'kin si Sevi dahil nga may meeting kami. Siya kasi ang head ng Engineering department kaya kailangan siya roon.
Pagkapasok ko ng board room, nagse-set-up na ng projector. Parang pinagsisihan kong dumalo ako kaagad nang makita si Kalix doon na may kausap na babae. 'Yung head noong finance. Napatingin siya sa 'kin nang pumasok ako kaya napatigil ako sa paglalakad. Sa likod ko, naroon si Sevi na tinutulak ako, nagtataka kung bakit hindi pa ako pumapasok.
Hinampas ko ang kamay ni Sevi bago ako naglakad nang tuluyan papasok. Umupo ako malapit sa kabisera at sa tapat ko naman ay si Sevi. Napaawang pa ang labi niya nang makita si Kalix na naroon, mukhang hindi informed na bago na ang company lawyer. Tinignan niya 'ko na parang nagtatanong pero umiwas lang ako ng tingin at kunwaring tumingin doon sa pinamigay nilang folder sa bawat upuan.
Dumating na rin si Daddy kaagad at sinimulan na ang meeting. Gusto kong makinig pero nadidistract ako sa presensya ni Kalix. Nakaupo lang siya roon at hawak ang ballpen na nilalaro sa daliri. He was wearing a black button-down long sleeves at paminsan-minsan ay tumitingin sa relo, na para bang sobrang halaga ng oras niya.
Well, he owned a successful law firm. Mahalaga talaga ang oras niya. He was one of the greatest 'starting' lawyers out there.
"I'll take care of the papers," kalmadong sabi ni Kalix na nakapagpabalik sa 'kin sa wisyo.
Ni hindi ko na pala alam ang pinag-uusapan. Napatingin ulit ako sa projector at nakitang may bibilhin silang lupa. Mabuti na lang ay hindi ako tinatawag ni Daddy para sa 'thoughts' ko sa condominium na balak nilang ipatayo roon.
"When can you send the design proposal, Architect Valeria?" Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"I'll talk to my team," iyon na lang ang sinabi ko. "I'll give you an update tomorrow, Sir."
Sumulyap ako kay Sevi nang tinanong ni Daddy kung may mga tanong pa kami. Tumingin din siya pabalik sa 'kin at pinanlakihan ako ng mata para sabihing ako na ang mag-tanong. Pinanlakihan ko rin siya ng mata at pasimpleng tinaas ang kamao ko. Tinaas niya kaagad ang kamay niya para i-open ang tungkol doon sa project sa Makati.
"Architect Valeria and I had a talk after her visit on the site earlier this day..."
Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Kalix nang marinig 'yon.
He licked his lower lip a little before getting the folder to read whatever's inside it. Tinuon ko na rin ang tingin ko sa harapan habang pinapaliwanag ni Sevi 'yung budget. The request for more budget was successful. Kailangan lang pag-usapan ng executives mamaya.
"Meeting adjourned."
Tumayo na 'ko kaagad at naglakad papunta sa pinto. Napahinto ako nang magkasabay kami ni Kalix palabas. We looked at each other before he held the door for me and waited for me to step out first. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang na umalis.
"Distracted na distracted si Architect." Sevi was beside me immediately to piss me off.
"I don't want him in the company," diretsang sabi ko habang naglalakad papuntang office. Sinusundan lang ako ni Sevi na parang langaw.
"Bakit nga ba siya nandito? Hindi ako na-inform! Absent ba 'ko sa meeting last time?" Nagtatakang tanong niya sa 'kin.
"He's the new company lawyer. Halatang hindi ka nakikinig sa meeting kanina." Inirapan ko siya. Lumilipad na naman ang isip nitong lalaking 'to.
Pinakilala si Kalix doon kanina at halatang-halatang may gusto sa kanya kaagad 'yung ibang mga babaeng head. Matanda pa 'yung iba! Wow, kahit anong edad ata na-aattract ng lalaking 'to, ah... Kahit ganiyan ang itsura niya. Mukhang suplado at walang pakialam sa mundo.
"Parang ikaw nakikinig, ha?" Siniko niya 'ko.
Hindi ako nagsalita at sinaraduhan lang siya ng pinto para wala na siyang sabihin pa. Dumiretso ako sa swivel chair ko at napasabunot sa sarili ko sa sobrang frustration. Unang araw pa lang ni Kalix sa kumpanya namin ay gustong gusto na siya ng executives. He made a good impression with the way he talked and delivered himself. Nakadagdag pa ang pangalan niyang maingay sa news noong criminal lawyer pa siya.
I was still unaware of the reason why he resigned and I shouldn't care anymore. Simula noong nadikit ang pangalan niya kay Miguel, napagtanto kong isa siya sa mga taong ganoon... Na kayang kalimutan ang respeto sa sarili para magpabango sa mga politiko.
Gabi na nang matapos ang meeting ko with the assigned architects from my team for the project. Binigyan ko sila ng deadline para sa design proposal nila at gagawa na rin ako ng sketch ng sa akin para bigyan sila ng idea.
Kinuha ko ang bag ko at naglakad na papuntang parking. Hindi ko na pina-valet ang sasakyan ko pagkagaling ko sa site para madali kong kuhanin. Napasulyap ako sa Corvette na itim malapit sa sasakyan ko. It was probably Kalix's.
"Uuwi ka na? Inom tayo!" Narinig ko ang demonyong si Kierra na kakalabas lang rin ng parking.
"May trabaho pa bukas," sabi ko sa kanya habang nakasandal ang braso sa pintuan ng sasakyan ko.
"Sige na, minsan lang, e. Bigay mo na sa 'kin 'to, please?" Pagpipilit niya sa 'kin. Namomroblema ba 'to ngayon?
Bumuntong-hininga ako at wala na 'kong nagawa kundi sumunod sa kanya sa isang rooftop bar. Mabuti na lang pala at pumayag ako para ma-relax ako nang kaunti dahil naiistress ako for some unknown reason. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong project o ano. Nagpapatong na lahat.
"Kumusta si Kalix?" Tanong sa 'kin ni Kierra habang umiinom kami ng cocktail.
"Why would you ask me that?" Tumaas ang isang kilay ko. Alam niya namang ayaw kong pag-usapan ang lalaking 'yun. Buti kaya niya pang banggit-banggitin ang pangalan ng taong tumulong sa lalaking ginawan siya ng masama.
"Nakasalubong ko siya palabas sa elevator kanina tapos kausap niya si Amethyst sa phone. Sila pa rin ata?" Pagkwento niya sa 'kin.
"Kierra, ano bang pakialam ko?" Masungit na sabi ko.
"E, kasi naman! Bakit hindi ka pa mag-jowa ng bago? Ilang taon na, oh! Hindi ka ba napapagod maging single?" Ngumuso siya. "Buti pa 'yan si Kalix, ang daming naging girls. Bandang huli, si Amethyst pa rin ang jowa."
"Huwag ka mangialam sa lovelife ko. Single ka rin naman," ganti ko.
"At least lumalandi ako sa ibang lalaki! Ikaw? Wala ka bang balak mag-asawa? You're not getting any younger, sis! Gusto ko na ng pamangkin!" Ngumuso siya.
"Gusto mo ng bata? Magpabuntis ka." Umirap ako at uminom ng cocktail.
"Ay, it's a no no no! Kawawa ang baby, walang Daddy!" Tumawa siya.
Hindi ko alam kung paano ako nadaya ni Kierra sa alak pero umuwi akong lasing! Pinagdrive niya pa 'ko sa condo ko at pagkauwi, bagsak kaagad ako. Mabuti na lang nakaligo ako kahit papaano. Minura-mura ko na lang si Kierra sa panaginip ko. Mahina na ata ako uminom ngayong matanda na! Nakakainis!
Masakit tuloy ang ulo ko nang magising. Medyo late pa 'ko kaya nagmamadali na 'kong umalis, wearing my black hillside romper and a white cropped-top jacket. Late na pero nakadaan pa 'ko ng coffee shop sa tapat ng company para bumili ng breakfast. Sasakit ang ulo ko buong araw kung hindi! Wala naman sigurong importanteng meeting ngayon.
"That would be 621 pesos, Ma'am," nakangiting sabi sa 'kin ng nasa counter.
Binuksan ko ang handbag ko at napapikit nang mariin nang makitang 500 lang ang laman ng wallet ko at naiwan ko sa kotse ang cards ko. Punyeta, Kierra! Ako ata ang pinagbayad ng mga alak kagabi! Nabudol ako roon, ah!
"Sorry, can I just get my purse?" Tanong ko sa babae.
"It's on me." Napalingon kaagad ako nang may mag-abot ng card sa babae.
Napaawang ang labi ko nang mapansin kung gaano kalapit si Kalix sa 'kin. Nasa gilid ko siya at nakatingin sa menu, dala-dala pa rin ang pagiging seryoso ng mukha. Ni hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin.
"And kindly add one latte." Tumingin siya sa relo niya, nag-aalala na sa oras.
Nakatingin pa rin ako sa kanya kahit alam kong mukha na 'kong tanga. Nang ibalik ng babae ang card, tinignan na ako ni Kalix.
"Excuse me," seryosong sabi niya dahil nakaharang na naman ako at hindi niya makuha ang card.
Tahimik akong tumabi at naglakad papunta sa kabilang side ng counter para roon hintayin ang in-order ko. Sumunod siya roon at sumandal sa counter habang may kausap na sa phone.
"Apologies, I might be running late for my meeting with Ms. Torres. Kindly check if she's available around 2 PM. Notify me immediately."
I tried my best to not to look at him. Ayaw ko nang marinig ang boses ni Kalix dahil marami akong naaalala doon. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko habang hinihintay ang kape. Parang natatagalan ako kapag hinihintay ko. Gustong gusto ko nang umalis dito! Nakakahiya pa dahil siya ang nag-bayad.
"Thank you for waiting, Ma'am Luna!" Inabot na sa 'kin ang tray.
Kinuha ko ang baso at ang paper bag. Aalis na sana ako nang may makalimutan ako... 'Yung bayad! Ayoko man kausapin siya pero nakakahiya kung hahayaan ko lang 'to. Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim bago ako humarap kay Kalix.
"Thanks. I'll pay you back later," mabilis na sabi ko.
Hindi niya 'ko pinansin dahil dumating na rin ang latte niya. Kinuha niya 'yon at nilagpasan lang ako. Tinuring niya 'kong parang hangin! Ako na nga ang nagmabuting-loob!
Parang nag-init ang ulo ko nang matapakan ang pride ko. Pinalagpas ko na lang 'yun at pumasok na sa trabaho. Badtrip tuloy ako pagkapasok sa office. Parang lahat ng proposal ay ayaw kong tanggapin! Parang lahat ng design ay napapangitan ako. Kinalma ko na muna ang sarili ko bago ko tignan ulit ang mga papeles sa harapan ko. Nakakainis pa rin.
"I have a client," bungad ko kay Mommy pagkapasok ko sa office niya.
Ang usapan kasi namin ay pwede pa rin akong tumanggap ng ibang project other than the ones given by the real estate company. Nagtatrabaho rin naman ako sa construction firm, hindi lang dito.
"Hindi ba marami ka nang trabaho ngayon?" Nag-aalalang tanong niya. "Ano ba 'yan? Bahay? Resort?"
"Bahay lang, Mommy. Pwede ko naman i-singit. They asked for me personally." Umupo ako sa couch para magpahinga saglit sa mga papeles.
"Take the company lawyer with you before you make any negotiations," utos niya habang naglalaptop.
Kumunot ang noo ko. "What?"
"You need it, Luna. The lawyer needs to review every contract you will make with your clients. You're part of the company anyway. Dala mo ang pangalan namin." Parang hindi naririnig ni Mommy ang sarili niya! Ano 'to? Bakit niya naman ginagawa 'to sa 'kin?! I was fine back then! I just consulted virtually!
"You want me to include him in every transaction?!" I reluctantly pointed at the door.
"Why not? You're both professionals. Huwag kang isip-bata, Luna." My mom rolled his eyes. "The man doesn't even care about you now."
Parang may kumirot sa dibdib ko sa sinabi niya. May pinagmanahan ata ako sa pagiging masakit magsalita. Hindi ko alam bakit ba ako nasaktan doon kahit hindi naman dapat. Mas mabuti nga 'yon... Wala kaming pakialamanan sa isa't isa. Umiling ako at padabog na naglakad palabas. Wala na 'kong nagawa kung hindi pumunta sa legal department sa 26th floor. Naiinis ako pero tama naman siya. Kailangan ko naman talagang mag-consult.
Mayroong office si Kalix doon kung saan nakalagay ang pangalan niya. Napatingin kaagad sa 'kin ang legal team nang maglakad ako papunta sa kwartong 'yon.
"Where's he?" Tanong ko sa junior nila roon.
"U-umalis po. May inaasikasong deed tsaka may kinausap na b-business partner." Kinakabahan pa siya dahil mukha akong masungit. Was I intimidating? Baka dahil anak ako ng may-ari. I really didn't care about my title but I guess some employees in the company just can't treat me the same.
"Kailan babalik?"
"What do you need?" Napalingon kaagad ako nang may magsalita sa likod ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Kalix at sinenyasan akong sumunod sa kanya papasok ng office niya. Iyon naman ang ginawa ko. Nanatili akong nakatayo malayo sa kanya at malapit sa pinto habang pinapanood ko siyang hubarin ang coat niya.
Umupo siya sa swivel chair niya at nilapag doon ang limang folder na hawak niya. Binuksan niya rin ang laptop niya at handa nang bumalik sa pagtatrabaho. I just stood there like a statue, not knowing what to say.
"What? Are you just gonna stand there and watch me work?" Malamig na tanong niya pagkatapos ng ilang minuto.
"I have a client. My mom advised me to include you in every transaction I will make," diretsang sabi ko.
"What kind of project?" He was still typing something in his laptop.
"A house. It's okay if you don't want to come. I'll just find another lawyer-"
"Good luck with that," he sarcastically said.
Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili ko. Ang bastos niya na kausap ngayon, ah? What happened to being professional? Ganiyan ba talaga siya? Unti-unti na rin akong napipikon, ah.
"What? Sasama ka ba o ano?" Pikon na tanong ko.
"Send me your schedule with your client via e-mail."
Kumuha siya ng papel at may sinulat doon. Then, he slid the paper over the table so I can get it. "Okay, thanks." Lumapit ako para kuhanin ang papel.
"No need to thank me for doing my job," he said in a monotone.
Humigpit ang hawak ko sa papel at muntik ko nang mapunit 'yon. Ang sarap niyang durugin! Hindi ako nagsalita at tuloy-tuloy lang na lumabas ng office niya. Ang bastos talaga kausap! Napatayo 'yung legal team niya nang makita akong galit na naglalakad paalis.
"B-bye po, Architect Valeria," bati pa sa 'kin noong nakababata kanina.
Sa sobrang inis ko ay hindi na 'ko nakabati pabalik. Dumiretso kaagad ako sa office ni Kierra para roon ilabas ang inis ko. "Sobrang bastos niyang kausap! Sobrang rude, I swear! Saan niya natutunan 'yon?!" Pabalik-balik akong naglalakad.
"Uhm, duh? He was a criminal lawyer. Sa korte niya natutunan maging palaban?" Tumawa pa si Kierra kaya naasar ako lalo.
"Kung hindi ko lang talaga kailangan ng abogado! Naiinis ako! Fuck!" Gigil kong hinawakan ang unan. Iniisip na siya 'yon. Gusto ko siyang tirisin.
"Oh, come on. You have to deal with it like a professional."
"You think he's being professional?! He's not!" Inis na sabi ko. "The way he talked to me?! I wouldn't talk to my co-employees like that! Halatang may galit pa siya sa 'kin!"
Hindi ako pinapansin ni Kierra at tumatango-tango lang sa 'kin habang may tinitignang blueprint. Sumimangot ako at napahawak sa ulo ko. Nagbago na ang lahat simula noong pumasok siya sa kumpanya namin! Parang araw-araw, naiistress ako!
I still sent him an email about the meeting with the client around 7 PM sa isang lobby ng hotel na pinag iistay-an no'n. Saglit lang daw kasi rito at aalis na dahil may business pa sa ibang bansa. Iyon ang dinahilan.
Nauna na 'ko roon sa meeting place dahil sanay naman akong maaga pumupunta at para rin mahanda ko ang sarili. Sa restaurant siya sa lobby at wala pang masyadong tao. 7:10 PM na noong dumating si Kalix at wala pa rin ang kliyente ko. I sipped on my tea when he sat in front of me sa circular table.
"Sorry, I'm late," sambit niya pagkatapos isabit sa sandalan ng upuan ang coat.
He was left with his white button-down long sleeves polo. Niluwagan niya rin ang necktie niya at tinupi ang sleeves hanggang siko.
"So is your client." Pansin niya na dalawa lang kami sa table.
Hindi ako nagsalita at may kinuha sa wallet ko. Inabutan ko siya ng 621 pesos. Saktong sakto at may barya pa. He looked at me with amused eyes, like I did something ridiculous. Then, he suddenly scoffed and put his fist over his mouth to hide a sarcastic laugh.
"I don't need it." He shook his head a bit, denying my money.
"I'm giving it to you. You should accept it. Bayad ko 'yan," masungit na sabi ko at umiling muli siya. "Just accept it! Baka kasuhan mo pa 'ko ng estafa or whatever." I rolled my eyes.
"Estafa..." He looked at me now and let out an amused laugh.
Na-offend kaagad ako nang tawanan niya 'ko! Naririnig ko lang naman 'yon sa mga kakilala kong may utang utang! Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko habang matalim ang tingin sa kanya.
"I'm pretty sure you are not a fraud." The side of his lips rose, keeping his amused smile. "Unless?"
"Unless what?!" I hissed.
"Wow, na-late lang ako, nag-aaway na kayo. Parang mag-ex, ah. Parang lang naman."
Napaangat ang tingin naming dalawa sa lalaking lumapit sa table. Napaawang ang labi ko at mukhang gulat rin si Kalix nang makita ang kaibigan. Sa pagkakaalam ko ay hindi Adonis ang pangalan ng ime-meet ko, ah! Bakit siya ang narito?!
"Long time no see, Luna," bati ni Adonis pagkaupo.
Hindi nagsalita si Kalix at nakita kong napasapo siya sa noo niya habang umiiling.
"You are the client?" Nagtatakang tanong ko. "But it says here-"
"Dad ko 'yan. Ako na ngayon ang narito." Ngumisi siya sa 'kin at ngumiti nang mapang-asar kay Kalix. "Long time no see, Attorney!"
"Let's start." Hindi siya pinansin ni Kalix at seryoso lang na nakaiwas ng tingin.
It could already tell that it was going to be a hell project.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top