18
"Huwag mo na 'kong i-hatid!"
Kanina ko pa pinipilit si Kalix na huwag na akong ihatid doon sa restaurant kung nasaan sila Mommy. Hindi pa 'ko ready ipakilala siya pagkatapos ng naranasan ko sa harap ng pamilya niya. Parang sobra na sa emosyon.
"I want to meet your parents, Luna," pagpupumilit niya.
Bumuntong-hininga ako at huminto sa harapan ng Italian restaurant. Tumango ako at sinenyasan siyang sundan ako. Pagkapasok namin, nakita ko kaagad sila Mommy at Daddy na nakaupo doon sa may couch at may order nang pizza at pasta.
Kinakabahan akong lumapit. Ngumiti si Mommy sa 'kin nang makita ako pero nawala ang ngiti nang makita si Kalix sa likod ko.
"Hi Mom." Bumeso ako sa kanya. "Dad..." At saka ako bumeso kay Daddy.
Nakatingin lang si Daddy kay Kalix. Nang lingunin ko si Kalix, tahimik lang siya at halatang kinakabahan. I had never seen him this nervous. He was always so composed and calm. Siya naman ang namilit kaya panindigan niya 'to!
"This is Kalix, my boyfriend." Kinakabahan din ako nang ipakilala ko siya.
Halos mabuga ni Mommy ang iniinom dahil sa gulat. Mas kinabahan ako sa reaksyon niya. Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang bibig niya. My dad did not give me a reaction so hindi ko alam kung anong iniisip niya. He was just staring at Kalix, like a doctor examining him.
"Ang sabi mo magiikot-ikot ka lang. Saan ka naman nakahanap ng boyfriend sa New York, anak?" Kalmadong sabi ni Mommy.
I gave her a nervous smile. "Medyo matagal na po kami... Ngayon ko lang po siya ipapakilala."
"Take a seat." Seryosong tumikhim si Daddy.
Umusog si Mommy at tumabi kay Daddy para kaming dalawa ni Kalix ang magkatabi sa tapat nila. Hindi makapagsalita si Mommy pero sinipa niya 'ko sa ilalim ng lamesa. Napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya 'ko ng kilay.
"Where are you from?" Panimula ni Daddy.
"I'm from Manila, sir," Kalix answered with respect.
"What are your plans?" Tumaas ang kilay ni Daddy.
Ako ang kinakabahan para kay Kalix. Parang gusto kong ako na lang ang sumagot sa mga tanong ni Daddy. My dad was not that strict but it was the first time I introduced a boyfriend to them kaya hindi ko alam kung paano sila magrereact.
"I'm currently studying Legal Management in Ateneo. After graduating, I'll proceed to law school," pormal na sagot ni Kalix.
"Ateneo." Dad nodded. "A lawyer, huh?"
"Yes, Sir." Kalix nodded.
"We might need you in the future." Dad chuckled which made Kalix relax a bit.
Mom urged us to eat kaya naman naglagay ako ng pagkain sa plato ni Kalix at sa akin para maka-kain kami. Nakikinig lang ako sa usapan ni Daddy at ni Kalix habang kumakain. May pinag-uusapan silang tungkol sa corporate law. Wala akong masyadong maintindihan pero masaya akong nagkasundo sila.
"Does your future plan include my daughter?" Doon ulit ako napatingin sa kanilang dalawa.
"Of course, Sir." Mabilis na tumango si Kalix. "I plan to marry your daughter, Sir, if that's okay with her, of course."
Napaawang ang labi ko at muntik nang mabulunan sa pinagsasasabi ni Kalix. Hindi ko alam kung totoo 'yung sinasabi niya o sinasabi niya lang 'yun para kay Daddy. Hindi naman kami nag-uusap masyado tungkol sa kasal-kasal dahil alam kong bata pa kami.
"Are you sure you won't depend on her?" Tumaas ang isang kilay ni Daddy. "Because Luna is set to work in our company as the head of the Architecture department. She will earn a lot."
"I also plan to work in a law firm, Sir, resign after gaining knowledge, and build my own firm after gaining the trust of my clients and other friends in the same field. I assure you, Luna and I won't need to depend on each other financially. I have plans for us."
Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi niya. Matagal na ba niyang pinag-iisipan 'yun o ngayon lang? Impromptu lang sa tapat ni Daddy?
"My Luna is too young, Dad." Hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy. "Don't ask for future plans yet."
"It's good to feel secured," sagot ni Daddy sa kanya.
I agreed with my mother. Bata pa kami pareho! Hindi namin alam ang mangyayari sa susunod pero I felt so assured that I was included in Kalix's future plans. Wala siyang balak iwan ako sa ere. Parang pinaplano niya na talaga lahat kahit matagal pa bago siya maka-graduate ng law school.
Pagkatapos ng dinner, umalis na rin siya kaagad at umuwi na rin kami nila Mommy sa New Jersey. My dad did not say anything about it, as well as my mom so I took that as an approval. Kahit naman ayaw nila, I can't let go of Kalix. Not that way. Not because of that.
We stayed there until January. My parents had to go to other states for business kaya kapag naiiwan ako ay umaalis ako dahil sinusundo ako ni Kalix. Ang dami na naming nagagawa. We watched Broadway shows, shopped, took pictures like tourists, ice skating, at kung ano-ano pa. Noong New Year, we joined the people at the Times Square for the countdown.
"Talon ka, ha," he reminded me.
Masama ko siyang tinignan. "You know I'm tall. You're just taller," pakikipagtalo ko.
Nagpaalam siya kila Mommy na magcocountdown kami sa Times Square. To my surprise, pinayagan nga nila 'ko. Nakakatuwang isipin na tanggap ng pamilya ko si Kalix dahil kung hindi, parang masyadong maraming hadlang sa aming dalawa. Alam ko naman na hindi ako gusto ng Mommy niya. Mas gusto no'n si Amethyst.
"10... 9..." I heard the people yelling and cheering.
Hinapit ako ni Kalix sa bewang para mapalapit ako sa kanya. Humarap ako at yumakap sa kanya para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Binalik niya ang yakap niya sa 'kin at hinalikan ako sa ulo.
"5... 4... 3..."
Tumingala ako kay Kalix at nakita siyang nakatingin lang din sa 'kin. "I love you," I whispered.
"2..1..."
He cupped my face and kissed my lips. Narinig ko ang bati ng mga tao ng Happy New Year sa paligid.
"I love you. Happy new year. To more years with you." He kissed my forehead.
It was perfect. It was all I ever wanted. Gusto ko man na ganoon na lang palagi pero kailangan pang bumalik sa school. Ang bilis ng araw dahil natapos kaagad ang bakasyon namin. Mas mahaba nga lang ang bakasyon nila Kalix.
Pagkapasok ko ng condo, nakita kong naunang dumating si Kierra kesa sa 'kin. Hindi kami nag-usap buong bakasyon kaya hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach ngayon. Dumiretso lang ako sa kwarto ko para ayusin ang gamit ko.
"Luna..."
Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Kierra sa kwarto ko. Hindi ako nagsalita at umiwas lang ng tingin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya. Sobrang naiilang ako dahil ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit ko.
Napatigil ako nang maramdaman ang yakap niya sa 'kin. "I'm sorry," she whispered, crying.
Lumingon ako sa kanya at inalo kaagad siya dahil umiiyak siya. Niyakap ko siya pabalik at sinubukang patahanin.
"Sorry rin," sambit ko. I knew how to admit my mistakes and say sorry. I had already forgiven her even before she had the courage to apologize.
Hindi ko alam kung may problema ba siya o hindi pero kung ayaw niyang sabihin ay hindi ko naman na siya pipilitin. Ayaw ko nang ganoon. Baka hindi pa siya handa sabihin sa 'kin.
"Kung may problema ka, andito lang ako, ha." Hinaplos ko ang buhok niya at tumango siya.
"Alam ko," bulong niya at niyakap ako nang mahigpit, tinatago ang mukha niya sa balikat ko.
Matagal pa bago siya naka-recover sa kakaiyak. Alam kong hindi 'yun dahil sa magkaaway kami. May iba pa siyang bagay na iniiyakan pero ayaw niya lang sabihin. Gusto ko mang tanungin pero baka isipin niya ay pinipilit ko siya kaya hinintay ko na lang na siya ang mag open up. Pagkatapos noon, tinulungan niya 'kong ayusin ang mga gamit ko.
It was a peaceful month. Noong Valentine's Day, the girls had a date during lunch. Nag-cut pa talaga si Sam para lang makapunta. Wala naman daw klase at hindi raw niya gusto ang lesson.
"Sinong may date?" Tanong ni Sam pagkarating straight from school. Dito lang kami sa may restaurant malapit sa UST.
"Ako." Proud kong tinaas ang kamay ko.
"Ako, wala. Kayo ni Miguel, Ke?" Tanong ni Via.
Tumango si Kierra habang nakangiti. She looked happy. Sapat na 'yon para sa 'kin. Kung masaya siya sa lalaking 'yon, kahit ayaw ko roon, ay okay na. Baka mapanghusga lang talaga ako dahil hindi ko pa nakakasama 'yung lalaki. Susubukan kong pakisamahan.
"Ah, I'm so jealous." Samantha pouted. "How about you, Ashianna?"
Napatingin si Yanna sa amin at mukhang distracted pa. "Huh?" Tanong niya.
"Ay, distracted, sis? Sinong iniisip mo?" Tumaas ang isang kilay ni Sam.
"Wala akong date, boba. Sex mayroon." Umirap si Yanna. "Ikaw parehas wala."
"Ouch, foul. Do you want me to say something foul too? Your pilot doesn't love you." Tumawa si Sam pagkatapos mang-asar.
"Ikaw, babasagin ko 'to sa ulo mo." Tinaas ni Yanna ang baso.
Noong kinahapunan, usapan namin ni Kalix ay susunduin niya 'ko sa UST pero na-late siya nang kaunti. Siguro ay natagalan sa klase.
"Sorry, I'm late, baby." lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.
Kumunot ang noo ko nang maamoy ko ang alak sa kanya. "Uminom ka?" Nagtatakang tanong ko. "Sinong kasama mo?"
"Sila Adonis," he replied habang naglalakad kami papunta sa carpark.
We went to Tagaytay. Alam ko namang hindi siya lasing kaya hinayaan ko na siya mag-drive. Amoy alak lang talaga siya at medyo namumula ang mukha dahil ganoon siya kapag nakakainom.
Habang nagdadrive siya, tinignan ko ang IG stories nila Adonis. Marami nga silang nag-inuman. Mukhang mga blockmates niya. Ang nakalagay ay wala daw silang prof sa last two subjects kaya nagkayayaan sila.
Napairap ako nang makitang nandoon din si Amethyst at nakatabi na sa kanya.
"Kasama si Amethyst?" Tanong ko.
Tumango siya at hindi nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Gusto kong magtanong kung anong nangyari o kung may ginawa ba sila ng mga blockmates niya pero ayoko naman magtunog na parang inaakusahan ko siya.
Pagkarating namin sa Tagaytay, mayroon siyang nakahandang bouquet doon at chocolates na pinapak namin sa terrace. Nakahiga ulit kami sa may blanket at nakatingin sa langit. It was the perfect way to spend Valentine's Day.
He was extra quiet today. Parang may iniisip siya.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "Yes."
Hindi ako nagsalita. Mukhang may pinoproblema siya ngayon na hindi niya masabi. I looked at the stars again. "Do you want to say something?" Tanong ko.
Napalingon siya sa 'kin. Matagal bago siya nakasagot. Anong iniisip niya? Kinabahan tuloy ako. Pakiramdam ko kasi may hindi siya sinasabi sa akin. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako.
"Yes. I love you." Tumikhim siya at umiwas ng tingin.
"I love you but I can sense that something is wrong. What is it?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "My mother invited Amy for dinner yesterday," pag amin niya.
"And?" Kinakabahang tanong ko.
"We ate with her family. It was nothing new. I immediately left after that. Don't be mad." He sounded nervous when he said that.
Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang hindi ako galit. Siguro malaki na talaga ang tiwala ko sa kanya. Lagi niya 'kong binibigyan ng assurance na hindi siya magpapadala sa Mommy niya at kay Amethyst. Naniniwala naman ako roon. Wala namang ibang dahilan para hindi maniwala.
"Don't hurt me, Kalix..." It was almost a whisper.
Umiling siya. "I would give up everything for you, Luna."
"I trust you."
I really did. And I prayed so hard for him not to break that trust.
Nagmamadali akong tumakbo habang dala-dala ang plates ko para ipasa. Late na 'ko dahil tinapos ko pa sa gazeebo. Hinabol ko pa ang prof ko nang makita siyang papasok ng faculty.
"Late for 5 minutes, Ms. Valeria," masungit na sabi ng prof ko.
"I'm sorry, Ma'am," pagmamakaawa ko. Bumuntong-hininga siya at tinanggap pa rin 'yon. Mabuti na lang talaga.
"You're one of my top students. Tatanggapin ko lang 'to dahil ngayon ka lang na-late magpasa sa 'kin. Huwag mo nang uulitin 'to."
"Thank you, Ma'am!" Nakahinga ako nang maluwag.
Malapit na ang finals week. Naging finals month na nga ata sa sobrang daming deadlines na pinapasa ngayon at sa sobrang daming pahabol na quiz para makaabot sa requirements. Nagmamadali akong umuwi. Hindi kami magkikita ni Kalix dahil may mga quizzes rin siya bukas.
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Kierra nang makasalubong ko siya sa may Joli's.
"May date pa 'ko," nakangiting sabi niya sa 'kin habang naka-jacket siya.
"Ang init init, naka-jacket ka pa?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakakatamad tanggalin." Binigyan niya ulit ako ng ngiti pero hindi 'yon umabot sa mata niya. Ano bang tinatago niya sa 'kin? Sana magsalita na siya. O baka naman ako lang ang nag-iisip ng kakaiba?
Umalis na rin ako kaagad pagkabili ng mga gagamitin ko. Naglakad ulit ako papunta sa may España at doon ko nakasalubong si Sevi sa may waiting shed. Sobrang tagal na naming hindi nag-uusap. Hindi na rin siya masyadong nagpapakita sa 'kin. Kapag nagkikita kami ay tinatanguan niya lang ako.
"Pauwi ka na?" Tanong niya sa 'kin nang tumabi ako sa kanya.
"Oo, ikaw ba?" Tanong ko habang buhat ang mga dala ko.
Tinignan niya 'yon. "Hatid na kita. Ako na riyan," sambit niya.
Tumango ako at hinayaan siyang tulungan ako. Nag-jeep lang kami papunta sa condo at hanggang sa unit ay tinulungan niya 'ko sa mga dala ko.
"Ang dami n'yo namang ginagawa," sabi ni Sevi nang makita ang kalat sa condo. Dalawa kasi kami ni Kierra na gumagawa ng plates naming dalawa kaya ang kalat sa common area.
"Malapit na finals. Alam mo na." Umirap ako. Sunod-sunod na ang bigay ng mga requirements dahil naghahabol. "Ikaw ba? Hindi na kita nakikita, ah? Hindi mo na rin ako kinakausap. Noong inaya kita sa Dapitan, sabi mo busy ka. Anong pinagkakaabalahan mo?"
"Wala naman. Mga exams lang rin tapos comp shop, ganoon," sagot niya. "Kumusta na kayo ni Kalix?"
"Kami pa rin." Tumawa ako. "Kala mo ha! Seryosohan na 'to, brad!"
"Buti naman..." Ngumiti siya sa 'kin pero nakita kong malungkot ang mga mata niya. O baka mali lang ang nakita ko. "Masaya ka naman, 'di ba?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo naman. Sobrang saya ko."
Tumango siya sa 'kin at binigyan ako ng ngiti. "Masaya ako para sa 'yo, Luna."
Ngumiti lang rin ako sa kanya habang inaayos ang mga pinamili ko. Tinulungan niya rin ako mag glue-glue doon para mapabilis ang ginagawa ko. Nagkalat na ang mga papel at karton sa sahig, pati mga gunting, tape, at glue.
Mag-10 PM na nang maka-receive ako ng tawag galing sa Mommy ni Kierra. Tinigil ko muna ang ginagawa ko para sagutin.
"Tita?" Bungad ko.
[Luna, 'nak...] Narinig ko ang iyak niya sa kabilang linya. Napatayo ako kaagad at nanginig ang kamay ko sa sobrang kaba.
"Tita, bakit po?" Halos hindi ako makapagsalita. Napatigil din si Sevi at tumingin sa 'kin, nag-aalala sa boses at itsura ko.
All I heard were her loud cries. Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak. For some reason, tumulo rin ang luha ko kahit hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin niya. Parang naramdaman ko na kaagad na may masamang nangyari kay Kierra.
[Can you check your cousin's condition? Nasa hospital siya... We're still in Cebu, Luna. Bukas pa ang flight namin pabalik.] She cried more so I felt more nervous.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napaiyak na lang ako kaagad at tumango tango sa mga sinasabi ni Tita. Nang ibaba ko ang phone, agad lumapit si Sevi sa 'kin para yakapin ako.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.
"Nasa hospital si Kierra." Umiyak ako sa dibdib niya at yumakap kaagad siya sa 'kin para patahanin ako. I was breaking down even before seeing her condition.
Abala ako sa pag-tawag kila Sam habang papunta kami ni Sevi sa hospital. I cried once more when the nurse said she was in the ICU. Naghintay ako sa labas habang hinihintay sila Sam. Nakatakip lang ako sa mukha ko habang nasa tabi ko si Sevi at hawak ang balikat ko, pinapakalma ako.
"What happened?!" Nagpapanic si Sam nang makarating.
Nanlambot ang tuhod niya nang makita si Kierra sa may salamin, machines attached in her body full of bruises. Hinintay namin si Via at Yanna at gaya ko, umiyak rin si Via. Si Yanna lang ang hindi umiyak at tila galit na galit, hindi na niya kinayang umiyak.
"Sinong bumugbog? Si Miguel?" Nagtitimping tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ko alam. Siguro. Siya ang kasama niya kanina."
"Putangina." Napasabunot si Yanna sa sarili niya at inis na hinampas 'yung pader at nanatiling nakasandal ang ulo doon na parang malalim ang iniisip.
It was a tiring day. I had to go home to shower. Sinamahan ako ni Via sa condo. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang plates ko at ang plates ni Kierra. I stayed up all night crying while finishing my plates, and hers. Kaunti na lang naman ang tatapusin sa kanya kaya ako na ang gumawa.
"Kalix, sorry, nagmamadali ako. I have to cancel our date," sabi ko sa call.
Nakaipit ang phone sa gitna ng tenga at balikat ko habang buhat-buhat ko sa kamay ko ang plates ni Kierra na ako ang magpapasa. Pumunta ako sa faculty para ilapag 'yon doon. Inuna ko ang sa kanya bago ang sa akin kahit late na ako. Alam kong may excuse letter naman pero para mabawasan ang gagawin ni Kierra pag gising niya, ginawa ko na rin. Para rin written exams na lang ang ite-take niya kung sakaling magising siya.
3 days na pero hindi pa rin siya nagigising. Nilipat naman na siya ng kwarto kaya nakikita na namin siya at nabibisita nang maayos. Sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita ko ang mga pasa at sugat niya sa katawan kaya hindi ko siya masyadong binibisita.
Abala na rin ako sa mga deadlines. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
[It's okay, love. Take your time. I have finals, too.]
Good thing Kalix remained so patient with me. Hindi ko na ata kaya kung dadagdag pa siya sa problema ko. Ni wala na kong oras para matulog at kumain. Kung hindi ako nag-aaral ay ginagawa ko ang mga kailangan ipasa ni Kierra.
Pinatay ko na ang tawag kahit hindi pa 'ko nagpapaalam. Kailangan ko lang talagang makahabol sa susunod na klase ko.
"Magkakasakit ka sa ginagawa mo," sabi ni Sevi nang makasalubong ako sa Dapitan. Street food lang ang dala ko para mabilis makain.
"Hayaan mo na. Wala akong oras, Sevi," stressed na sabi ko.
"Tignan mo nga itsura mo." Inayos niya ang buhok kong bagsak bagsak na mula sa ponytail. "Natutulog ka pa ba?!"
"Tingin mo kaya ko pang matulog?" I snapped and rolled my eyes.
"Mukha ka nang zombie," pag-puna niya. "Baka sumunod ka niyan kay Kierra sa hospital kung hindi mo aayusin 'yang ginagawa mo. Hindi ka ba pinagbabawalan ni Kalix?"
"Busy din siya, okay?" Sabi ko at nilagpasan ko na lang siya.
Pumasok ulit ako sa klase at pagkatapos, dumiretso ako sa hospital room ni Kierra. Umalis sila Tita para kumuha ng damit kaya naiwan ako sa room. Nag-aral lang ako habang hinihintay magising si Kierra. Nakatulog din ako for 2 hours pero nagising rin ako nang dumating si Sam.
"Umuwi ka kaya muna?" Sabi ni Sam at hinaplos ang noo ko.
"Uuwi na 'ko. Wala lang kasama si Ke kaya nandito ako." Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko.
I stayed up all night, unaware of the time. Nalaman ko lang na umaga na nang mag-chat si Kalix ng 'Good morning'. May oral exam daw siya ngayon.
lunavaleria: goodluck bb!!
kalixjm: You're up early. Did you sleep? You need to rest. Let's see each other later.
lunavaleria: babe i can't. may mga gagawin pa 'ko sorry
kalixjm: Okay, I understand. Just rest first. Don't stress yourself too much. I love you.
lunavaleria: i love you
Napabuntong-hininga ako at napahawak sa ulo ko. Nahihilo na 'ko sa sobrang pagod. I decided to cut classes so I can sleep dahil sabi ni Kalix. It was a long sleep. I kind of regretted cutting classes pero nangyari na at mabuti na 'yon para mawala ang hilo ko. Baka mamatay na 'ko sa ginagawa ko, e.
I was keeping everything inside for days. Lahat ng emosyon hindi ko mailabas. Lahat ng pagod, stress sa finals, at kakulangan sa tulog, ininda ko nang ilang araw. Halos hindi na gumagana nang maayos ang utak ko. Hindi na 'ko makapag-isip nang maayos. Ang focus ko ay wala na. Hindi ko kayang makita si Kierra na ganoon. Parang araw-araw akong bothered, hinihintay na magising siya.
Hindi na rin ako nakatulog nang maayos. Nagising ako sa katok sa unit ko kaya nagmamadali akong bumangon para buksan ang pinto.
"Kalix!" Gulat na sabi ko nang makita ko siya sa tapat ko.
May dala siyang madaming pagkain. Hindi niya 'ko pinansin at tuloy-tuloy lang na pumasok sa unit ko. Sinulyapan niya ang mga kalat sa sahig. Pagkalapag niya ng pagkain sa lamesa, lumuhod siya para linisin 'yun.
"Rest. Ako na rito," sabi niya habang pinupulot ang mga ginupit-gupit ko doon.
"No, ako na." Lumuhod rin ako para tulungan siya pero hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko.
"Luna, look at you!" Galit na sabi niya. Napatigil ako at tumingin sa kanya. "You look like you're barely living."
I bit my lower lip. "I'm sorry."
Bumuntong hininga siya at inakay ako para makahiga ako sa kama. I watched him clean my unit. Tahimik lang siya at mukhang galit.
"If you want to cry, cry on my shoulders," he said after a few minutes.
Umiling ako. "I don't want to cry."
"How's the case between Miguel and Kierra's family?" Tanong niya ulit.
Ngumiti ako nang malungkot sa kanya. "Mukhang hindi mananalo. He's the son of the Mayor. His family's powerful. Hindi hahayaang madungisan pangalan niya."
Lumapit siya at hinalikan ang noo ko. "Justice will be served, Luna."
Ngumiti ako nang malungkot sa kanya. "I surely hope so. I'm praying so hard for it."
"I will make sure of that." He gave me a small smile.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top