09


"Anong ginagawa mo riyan?" 


Napatingin ako kay Kierra na lumabas sa smoking area para i-check ako. Ngayon ko lang napansing matagal na 'kong nakatayo rito at nakasandal sa pader. Kanina pa rin ako nag-iisip tungkol sa sinabi ni Kalix. Hindi ko maintindihan. 


Did I do something wrong? Kung nalilito siya sa 'kin, mas nalilito ako sa kaniya at sa inaasal niya. Hindi naman kami at tuwing magtatanong ako tungkol doon, hindi niya sinasagot. I asked him if he wanted to be friends or not but he didn't give an answer. Sinong mas nakakalito ngayon? 


I wasn't always like this. Kapag ayaw sa 'kin ng lalaki, titigilan ko rin naman kaagad but there was just something in him that was giving me hope. He wouldn't treat other people the same way, right? He spent time with me a lot of times and did not really reject me. Alam kong matalino siya at alam niyang may nararamdaman ako para sa kaniya. Ako ang hindi sigurado rito. 


"Umuwi na si Kalix?" Tanong ko. 


"Hindi. Nandoon pa rin, inom nang inom! Ka-stress kayong dalawa! Nag-away ba kayo, ha?" Diretsang tanong ni Kierra. 


Umiling ako. "Magjowa ba kami para mag-away?" 


"Eh, anong ginawa mo? Nakipaghalikan ka roon sa lalaking kasama mo? Akala ko ba si Kalix ang gusto mo?" Sumandal rin siya sa tabi ko. 


I ran my hands through my hair and pulled it a little. Sobrang nakakastress lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa alak o dahil sa sinabi ni Kalix sa 'kin. He was confusing me too. 


"Siya nga gusto ko e kaso gusto ba 'ko? Hindi naman! Anong mali makipag-kiss?!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. 


"Wala namang mali, sa totoo lang." 


Pero bakit feeling ko mayroon? Bakit feeling ko nagalit si Kalix dahil nakita niya? Why would he? "Imposible," bulong ko at umiling.


"Walang magagawa 'yang pa-isip isip mo dito. Tanungin mo! Para namang hindi ka palaging straightforward. Ganda ka?" Inirapan ako ni Kierra. 


Bumuntong-hininga ako at naglakad na kami papasok ni Kierra sa loob. Nadaanan ko pa 'yung table nila Kalix at nakita kong nakasandal lang siya sa couch, nakatingin doon sa basong may Black Label na pinapaglaruan ng kamay niya. Katabi niya, si Amethyst na tahimik lang din. Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta roon sa table namin para mag-ipon muna ng lakas ng loob. 


"O, bakit nandito ka pa?! Akala ko nawala ka na kasi nakipag-totnakan ka na or something!" Turo ni Yanna sa 'kin nang makitang bumalik ako sa couch.


"Nako, ewan ko ba dyan! Tanungin mo problema!" Pinasa ako ni Kierra kay Yanna. 


"Kung ano man ang problema mo, dilig lang ang katapat niyan." Yanna winked at me, obviously getting tipsy already. 


Bakit ba si Yanna pa ang tatanungin ko?! Wala naman akong makukuhang matino sa babaeng 'to lalo na't naapektuhan na ng alak 'yung pag-iisip. Nakita ko pang pawisan siya. Halatang galing sa labas, eh. 


"May kiniss kasi ako kanina tapos nag-away kami ni Kalix. Tapos naiistress ako kasi sabi niya huwag ko raw siyang paglaruan! Ano bang ginawa ko?!" Pagrarant ko. 


"Huh?! May kiniss ka?!" Iyon lang ata napansin ni Yanna. Iyon ang tumatak sa isipan niya! "Sino? Pogi?" Curious na tanong niya at umupo pa sa tabi ko para gitgitin ako. 


"Oo pero hindi na 'yon mahalaga." Napailing na lang ako. 


"E, bakit kayo nag away? Jowa?!" Sarkastikong sigaw ni Yanna sa 'kin. "Pero ang landi landi mo rin kasi roon kay Kalix! Baka akala niya magjowa na kayo! Nako, linawin mo na hangga't maaga pa kung hindi maga-assume 'yung mga 'yan na ready ka na mag-commit kahit ayaw mo naman talaga. 'Yung tipong bored ka lang naman kaya nanlalandi ka tapos kinabukasan tatanungin ka na ng label?! Nako! Ekis 'yan, sis!" Haba ng sinabi ni Yanna. 


"Ikaw na ata 'yan, e," pagpuna ko sa kanya. 


"I mean, did I lie?!" Tumayo na ulit siya dala-dala 'yung shot glass niya nang may nakitang poging dumaan. "Chris!" Tawag niya bago umalis. 


"Inom mo 'yan." Inabutan ako ni Kierra ng tatlong shot glass. 


Tinanggap ko naman 'yon. Hindi ko alam kung ilan na ang nainom ko pero parang hindi ako tinatamaan ng alak sa gulo ng isip ko. Huminga ako nang malalim at tumayo para pumuntang C.R. Nag-retouch ako roon para presentable naman ako kahit papaano. Naglagay ako ng lipstick at inayos ang blush ko. Pagkatapos, naghugas ako ng kamay at lumabas na. 


Napahinto ako palabas nang makitang papunta rin sa C.R. si Kalix. Nang makita niya ako, tumalikod siya kaagad at naglakad sa opposite direction. Nakita kong lumabas siya ng club kaya sumunod ako sa kanya. 


"Huy! Kalix!" Tawag ko dahil binilisan niya ang lakad niya nang maramdamang sinusundan ko siya. 


Huminto siya sa sa paglalakad doon sa wala masyadong tao, sa gilid ng daan at malapit sa parking. Nakatalikod pa rin siya sa 'kin nang maglakad ako palapit. "Hey," I greeted. 


Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang akong nasa harapan niya at saka tumingin na sa ibang direksyon na parang iniiwasan talaga ang mga mata ko. Ano bang problema nito? Hindi ko na sya maintindihan. 


Nang tinanong ko kung uuwi na siya, hindi ulit ako sinagot. I saw the movement of his Adam's apple when he swallowed hard. Parang pinipigilan niya ang sariling magsalita. 


"Bakit ba hindi ka namamansin? May ginawa ba 'ko sa 'yo?" Medyo inis na tanong ko. Umiling siya pero hindi siya nagsalita. "E, ano 'to? Anong ibig mong sabihing pinaglalaruan kita? Saang banda kita pinaglalaruan, ha? Anong ginawa ko sa 'yo?" 


He smiled sarcastically. "Nothing. I guess that's just how you act with everyone."


Nilagpasan niya ako pero hinabol ko ulit siya at hinarangan ang dinadaanan niya. "Anong ibig mong sabihin?" 


"Look, Luna..." He let out a heavy sigh. Mukhang pagod na siya ngayon. "I get it now. It's my fault for assuming things. Just please leave me alone from now on." 


Naglakad na ulit siya at nanatili ako sa kinatatayuan ko. "Anong problema mo?!" I lost my patience. "Ikaw 'yung magulo rito, e!" 


Hindi pa rin siya lumilingon. 


"Ikaw nga may something kayo ni Amethyst tapos ayaw mo pang aminin!" 


Doon siya napatigil sa paglalakad at napalingon sa 'kin, nakakunot ang noo. He looked surprised when he heard his friend's name. 


"Ano? Gulat ka? Tingin mo hindi ko alam? I mean, Kalix, okay lang naman kasi kung sasabihin mo." Muntik na 'kong mautal dahil naglalakad na siya palapit sa 'kin. "Ayoko rin namang magmukhang tanga kakalandi sa 'yo tapos may iba ka palang gusto-"


"Wala akong ibang gusto." He stopped in front of me. Mariin ang pagkakasabi niya para maintindihan ko nang maayos. Pero hindi! 


"Talaga? Nakahawak pa nga siya sa bewang mo tapos nakasandal 'yung ulo. Ano? Tingin mo hindi ko nakita?" 


Nanatiling nakakunot ang noo niya. "Are you jealous?" 


Natawa ako bigla nang sarkastiko. "Kung oo, ano naman sa 'yo?!" 


"Luna, I don't like her!" 


"And me?!" 


Natigilan siya sa tanong ko. Napapikit ako nang mariin nang ma-realize kung ano ang lumabas bigla sa bibig ko. He was staring at me with parted lips like he wanted to say something but it wouldn't come out of his mouth. I looked back at him before shaking my head and looking away. 


"Fuck alcohol!" Inis na sabi ko at tumalikod na lang para bumalik sa loob. 


Minura ko nang minura ang sarili ko habang naglalakad. Akala ko ba hindi ako tinatamaan ng alak?! Bakit parang kung ano na lang maisip ko, lumalabas sa bibig ko?! 


God, I sounded like a demanding girlfriend! He probably thought I was crazy. Iniisip na siguro niyang napaka assuming ko, e, wala naman siyang pinapakitang motibo sa 'kin! Ako ata 'yung sinasabi ni Yanna na landian lang tapos maghahanap ng label. 


Halos sumigaw ako nang may humawak sa palapulsuhan ko at hinatak ako paalis. Muntik pa 'kong matalisod dahil sa bilis ng paglalakad niya! 


"Ano na naman?! Saan na naman tayo pupunta?!" Reklamo ko kay Kalix. Kinuha niya ang susi sa valet nang huminto ang kotse niya sa harapan namin. 


"Get in," seryosong sabi niya.


Ako naman si tangang sinunod siya kahit galit ako. Sumakay nga ako sa shotgun seat at nagsuot ng seatbelt. Umikot siya at sumakay na rin sa driver's seat bago pinaandar 'yon paalis. Saan na niya 'ko dadalhin ngayon? Mukha pa siyang galit. 


"We'll sober up," maikling sagot niya nang tinanong ko kung saan kami pupunta. 


Seryoso pa rin ang mukha niya at nakatuon lang ang mga mata sa harapan. Ang isang kamay niya ay hawak ang steering wheel habang 'yung isang siko naman ay nakasandal sa may bintana at nakahawak sa gilid ng ulo niya. He looked frustrated. 


"Hindi naman ako lasing," bulong ko. 


"You are," pakikipagtalo niya. 


"Baka ikaw ang lasing." 


"A bit," he honestly answered. 


Sumimangot lang ako at nilabas ang cellphone ko para i-text si Kierra na umalis kami ni Kalix. Hindi ko na sinabi 'yun sa GC dahil maga-assume na naman si Yanna na nakikipag-sex ako! Baka i-text ako ng maraming advice! 


"Bakit kasi uminom ka nang uminom?" Umirap ako. 


"And you care because?" Masungit na tanong niya pabalik. 


E, 'di okay! Dapat ba wala akong pakialam?! Ako na nga may concern sa 'yo dahil gusto kita, e. Mukhang ayaw niya pa, ah! 


Huh? Tama nga ata siya. Lasing nga ata ako! Bigla na lang nag-evolve ang feelings ko. Dati crush ko lang siya ngayon inaamin ko nang gusto ko nga siya?! Ano ba 'yan, Luna! Sa pagkakaalam ko, happy crush lang tayo, ah? Bakit lumalim na? 


Natatakot ako sa sarili ko dahil baka bukas-makalawa ay mahal ko na siya. I didn't trust myself anymore. 


Walang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Mayroong mga upuan at table sa loob pero mayroon din sa labas, sa may mga damuhan. May mga fairy lights na design sila sa puno at parang nasa enchanted garden. Wala masyadong tao sa labas kaya roon kami umupo. 


Umalis na siya para mag-order. Habang wala siya, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula nga ang pisngi ko dahil sa alak at hindi dahil sa blush-on. 'Yung labi ko, ganoon pa rin naman. Maayos pa rin naman ang lipstick ko.


Unless, gusto niyang guluhin. Char. 


Dapat inis ako ngayon, ah. Inayos ko na lang ang buhok ko habang naghihintay sa kaniya. Nang makabalik siya, nilapag niya ang tray na may dalawang kape at dalawang tinapay. Hindi ko alam kung anong klaseng tinapay pero mukhang masarap naman. 


Uminom ako sa kape ko habang nakatingin ako sa may daan. Tahimik ang daan at walang sasakyang dumadaan. "Bakit ka pumunta? Akala ko may family dinner kayo?" Tanong ko sa kanya nang maalala. 


"It ended around 8," sagot niya naman habang nakatingin din sa daan. Lumingon ako sa kanya. Our seats were adjacent to one another. 


"Are you close with your family?" I tried to ask but realized how sensitive it was because he didn't answer. He just pursed his lips and looked down. 


I figured it was because of the law thing. Ayaw niyang i-kwento pero napapansin ko naman dahil nakikita ko sa itsura niya tuwing nagtatanong ako. 


"Are you?" Tanong niya pabalik. 


"We're... fine, I guess." Hindi ko na rin alam ang isasagot ko. "I see them like, once a month. Minsan hindi pa. They're both busy with the business."


"What business?" 


"Construction... Real Estate Developers," sagot ko. 


"Is that the reason why you're pursuing Architecture?" Tanong niya bigla. 


Umiling ako. "It's for myself. My parents actually wanted me to take business instead." 


Hindi siya sumagot at sumimsim na lang doon sa kape niya. Nakalimutan ko na tuloy kung bakit ba kami nandito ngayon. I didn't like talking about my family that much. Iniisip ko kasi na hindi naman talaga importante ang background ko. Nagugulat lahat ng tao kapag sinasabi ko kung sino ang magulang ko at ang business namin. 


I had good relationship with my parents but because they were always out, we didn't really see each other that much. Hindi naman sumasama ang loob ko dahil may kasama pa rin naman akong pamilya sa condo. Si Kierra. Her mother was my Dad's sibling. 


"I think we're already sober," sambit ko. Tinignan niya lang ako at pinagmasdan ang mukha ko. "I'm sorry. Doon sa kanina when I snapped. Hindi mo deserve, sorry. Lasing nga lang ata talaga ako," paghingi ko ng pasensya. 


Tumango siya. "But you were jealous." 


Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi ko alam kung aaminin ko ba o hindi. Wala pa rin namang mangyayari kahit anong gawin ko. 


"I just had too much alcohol. That's all." Hindi ko sinagot nang diretsahan 'yung sinabi niya. 


VISA ba 'ko? Deny lang nang deny? 


"Maybe I had too much alcohol too," mahinang sabi niya habang nakatingin sa malayo. 


"Hindi talaga maganda ang alak sa katawan kaya huwag na tayong iinom, ha? Tubig na lang." 


Natahimik kami saglit. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero kanina pa niya hawak 'yung baso ng kape at nakatingin sa malayo. Narinig ko ang pagsinghap niya. 


"Was that your boyfriend?" 


Napakunot ang noo ko nang lumingon ako sa kanya. Sinong boyfriend tinutukoy nito? Naalala ko bigla 'yung La Salle boy na hinalikan ko kanina. Shit lang. Bakit ko nga ba ulit ginawa 'yon? Tinamaan talaga ako ng alak, ah. 


Napailing kaagad ako sa kaniya, defensive na ngayon. "Oh, so kissing random guys is your normal... thing," he said like he hated the word 'thing'.


"Hindi rin! Lasing nga lang ako!" Pagdedepensa ko pa sa sarili ko. 


Lasing ako! Totoo naman! Pero nagselos din kasi ako! Ito kasing Amethyst na 'to, kung makahawak at sandal! Nakakainis tuloy! Bakit ba ako gumanti? Ganoon na ba talaga ang ugali ko, ha? 


"Nagseselos ka ba?" Pagbibiro ko. 


Hindi siya sumagot at tinignan lang ako. See? Hindi siya sumasagot kaya hindi ko rin mabasa kung ano ba talaga ang iniisip niya. Ang hirap kasing mag-assume sa kaniya, e. 


"Kung makapagsalita ka naman dyan, parang nagseselos ka, e! I mean, hindi naman sa guilty ako pero seryoso, lasing nga lang ako kaya ko ginawa 'yon. Hindi rin naman nagtagal, e! Bumitaw kaagad ako kaya huwag ka nang magalit dyan. Baka isipin kong nagseselos ka talaga, e." Tumawa pa ako para hindi mag-tunog seryoso. 


"Oo," he whispered. 


Natigilan ako at napakurap. Tama ba ang pagkakarinig ko? Saan ang oo? Saang parte?  "Huh?" Naguguluhang tanong ko. 


He sighed. "Oo, nagseselos ako." 


Napaawang ang labi ko. Gusto kong magsalita pero parang naubusan ako ng sasabihin. I tried to open my mouth but no words really came out and my throat felt dry. Parang may bumara sa lalamunan ko na hirap kong ilabas. Napakurap ulit ako sa kanya nang ilang beses bago niya iniwas ang tingin sa 'kin dahil sa titig ko. 


"L-lasing ka pa ata. Haha!" Inayos ko ang upo ko at pekeng tumawa. 


Hindi siya nagsalita at uminom lang ng kape. Natahimik din ako bigla, iniisip ang sinabi niya. Sinagot niya... For the first time, may sinabi siyang pwede kong pang-hawakan. Parang nag-init ang pisngi ko. O baka 'yung kape lang 'yon?! Uminom na lang rin ako habang nanginginig ang kamay ko. 


Binalik niya ang tingin sa 'kin at binaba ang tingin sa kamay kong nanginginig na hawak 'yung cup. Binaba ko kaagad 'yon at pekeng umubo habang nakatingin sa daan. 


"Whoo, lamig na 'no?" I tried to continue being casual. 


Hindi siya nagsalita kaya mas nailang ako. Natatakot ako na baka lasing lang siya kaya niya nasabi 'yon. Ang hirap pa rin umasa. 


"Let's go. I'll take you home," tumayo na siya bigla. 


Inubos ko muna 'yung kape ko bago ako sumunod sa kanya pabalik sa kotse. Ang bilis niya kasing maglakad kaya tumakbo pa ako. Sa buong byahe pauwi sa condo ko, naghahanap ako ng sasabihin. Nag-search pa nga ako sa google ng questions for awkward moments pero hindi ko rin nagamit! 


"You okay?" He asked while driving. 


Tinago ko ang cellphone ko. Baka makita niya 'yung sinesearch ko, e. 


"Oo naman! Ikaw ba?" Tumango siya at natahimik ulit kami.


Ano ba 'yan! Bakit wala akong masabi?! Ang hina ko naman, oh! Ayun na nga, e! Sinabi niya na nga na nagseselos siya! Kinikilig ako at masaya ako pero hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. May gusto ba siya sa 'kin o nagseselos lang siya kapag 'yung atensyon ko nasa iba? 


"Anong favorite mong breakfast?" Tanong ko bigla. He just shrugged. "Sige na, sagutin mo na! Kahit ano na lang para may mapag-usapan tayo. Cooperate ka naman dyan, oh!" 


Natawa siya sa sinabi ko at nag-isip na ng isasagot niya. "Fried rice, bacon or spam, with egg. Scrambled with salt." Detailed pa ang sagot, ah. 


"Okay!" Tinake note ko na 'yon sa utak ko. Lulutuan ko siya noon sa susunod! Nag-isip ulit ako ng itatanong ko. "Hmm.. Ano naman ang favorite mong brand ng calculator?" 


Kumunot ang noo niya. "Is that a serious question?" Tanong niya pabalik. 


"E, 'di ano na lang ang favorite mong temperature ng aircon?" 


"Ask other things." 


"Anong type mo?" 


Doon siya nagulat. Hah, akala niya, ha! Nagpaligoy-ligoy lang ako slight pero matagal ko na rin 'yan gustong itanong. 


"I don't have any specific type." He was playing safe! May ganoon ba? Siguro naman kahit kaunti may hinahanap pa rin siya sa isang tao, 'di ba? 


"Sige na, sagutin mo na! Ang boring mo naman, e!" 


He pursed his lips, offended by my last statement. I giggled when I saw how serious he was. Mas lalo siyang gumagwapo kapag masungit ang mukha, e. 


"Just someone nice, someone who can respect my time, and someone who won't deprive me of my life, liberty, or property without due process."


Napasimangot ako. "Ano ba namang terms 'yan!" Reklamo ko. Tinawanan niya 'ko. Mukhang sinadya niya 'yon."Ano pa, dali? 'Yun lang?" Parang masyadong maikli! 


"Someone who will inviolate my privacy of communication, someone who will not deprive me of my freedom of speech or expression." 


"Nakakainis ka! Huwag ka na ngang sumagot!" Siraulong 'to! Alam niya namang hindi ko maiintindihan ang mga sinasagot niya. Mukhang kumuha pa siya sa Constitution para roon. 


Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib at tumingin na lang sa harapan. Narinig ko ang tawa niya sa itsura ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nawala rin 'yon nang may maisip ako. 


"Masyadong mahaba ang sinabi mo para sa 'magaling mag-drawing at mag-design'." I smirked. 


"That's not included," he argued. 


"It is!" Pakikipagtalo ko rin. "Ako na ang sasagot sa mga type mo. Type mo, maganda, madaldal, magaling mag drawing, magaling mag-design, Dean's lister, Thomasian, Archi student, mga 5'7 ang height, 'yung buhok hanggang baba ng dibdib, maganda mga mata, kissable lips, tapos palaging tambay sa Dapitan." 


"Okay." 


Ngumiti ako. "'Yun na dapat isasagot mo kapag may nagtanong sa 'yo, ha!" 


"Haba naman," reklamo niya. 


"Anong mahaba? Siyempre, paiikliin mo nang kaunti. Ikaw bahala," pang aasar ko. 


"Sige, pangalan mo na lang."


Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis na lumingon sa kanya. "Grabe!" 


Nahulog ata ako bigla! Napaka-paasa ng lalaking 'to pero ako naman 'tong si tangang kinikilig pa! Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko at namumula ako hindi dahil sa alak o blush-on. Dahil na 'to sa kilig. 


"How about you? What's your type?" Siya naman ang nagtanong. 


"Ikaw," maikling sagot ko. 


He bit his lower lip to hide a smile but I caught that. I bit the insides of my cheek so I can stifle a smile, too. Baka mapunit na labi ko kakangiti sa kilig. He looked so adorable when he did that. Nahahawa naman ako sa mga ngiti niya. 


"Landi mo," sabi ko at umirap na lang. 


Hindi niya 'ko sinagot at pinagpatuloy lang ang pagda-drive. I saw him putting his fist on his mouth to stop himself from laughing. 


"Kaya siguro ang dami mong flings gaya ng sabi mo, kasi may tinatago kang landi sa katawan, e, 'no?" Pagpapatuloy ko pa. "Ilan na nga ulit nakalandian mo?" 


Hindi ulit siya sumagot. "Ang duga. Ako sinagot ko 'yan noong tinanong mo 'ko." 


"I have the right to remain silent."


I scoffed out of disbelief. Grabe, lagi talagang may pinaglalaban! Hindi na lang ako nakipagtalo pa. I won't go against the law. 


"Dapat ang pangalan mo KaLEX." Umirap ako. 


LEX meant law. Bagay sa kaniya. KaLEX. Hala, natawa ako sa sarili kong joke. Kailan ko lang naisip 'yon, ah. Kapag ganitong mga bagay, ang bilis kong makaisip ng ideya pero sa mga requirements ko, walang lumalabas. 


Narinig ko ang mahinang tawa niya sa joke ko. At least naman bumenta sa kanya. Ang sarap sa ears ng tawa niya, parang handa na akong i-alay buong buhay ko sa kanya. 


Kung ano-ano pa ang tinanong ko sa kanya. 'Yung iba hindi niya sinasagot hanggang sa makarating na kami sa tapat ng lobby ng condo ko. Tinanggal ko na ang seatbelt ko para bumaba.


"Thanks for the ride," pagpapaalam ko. "Do you have plans for tomorrow?"


"I have to study."


"So hindi tayo magkikita? Sayang naman," malungkot na sabi ko. 


"We can study together," he suggested. 


Lumiwanag ang mga mata ko. "Sure! See you tomorrow!" 


Kumaway ako at tumakbo na papasok ng lobby. Hindi ko na kaya at tumili na ulit ako sa elevator dahil sa kilig. Nagtatalon pa ako pero tinigil ko rin dahil baka ma-stuck 'yung elevator at hindi ako makalabas.


Marami pa kong gagawin pero hindi ko ginawa pagkauwi dahil plano kong gawin lahat bukas habang nilalandi ko siya. Excited na tuloy ako. Maaga nga akong pupunta roon para ipagluto siya ng breakfast. Alam ko pa naman ang unit niya. 


Pagkatapos kong maligo, magbihis, mag-toothbrush at skincare, humiga na ako at kinuha ang phone ko. Nakita ko ang notification sa screen. 


Kalix Jace Martinez accepted your friend request. 


Napasigaw ako sa excitement. Agad akong nagpunta sa profile niya para i-stalk siya dahil halos lahat ng pictures at information niya ay naka private noong huli kong tinignan. Nadismaya ako dahil kaunti lang din ang nakita ko! Talagang hindi nga siya nagfe-facebook. 


May mga pictures lang. May mga DP Movement ng org. May isa siyang picture na nakangiti at stolen. Naka-side view siya kaya parang gusto kong pisilin ang ilong niya. May isa ring picture na nasa beach. 


Napasinghap ako nang makita ang picture niyang walang damit pangtaas. Naka-board shorts lang siya na navy blue at suot niya 'yung pendant niya. Naglalakad siya sa buhanginan, may dalang surf board na blue, at medyo hinahangin ang buhok. His body looked so nice! I didn't expect this! He was always covered up! 


Hay, ang ganda ng genes. Sana ibahagi niya sa magiging anak ko. Charot. 


Nag-scroll pa ko ng mga post kaso halos walang ka-post post! 'Yung sa akin pa naman ay puro memes. Puro katarantaduhan ata laman ng profile ko. Mas marami pang memes kaysa pictures ko. 


Napatigil ako nang may mag pop-up sa taas ng screen ko. 


kalixjm: Done stalking? 


Binuksan ko kaagad ang Instagram. 


lunavaleria: huh?! hindi kaya! 


kalixjm sent a photo. 


Pagkabukas ko, nakita ko ang screenshot ng notification sa Facebook niya. Na-like ko pala 'yung picture niya last year! 'Yung naka topless siya sa beach! Jusko! 


lunavaleria: ay napindot 


lunavaleria: hiya ka pa gusto mo lang pusuan ko, e. sige mamaya. 


kalixjm: That's the only picture you liked. 


lunavaleria: and so?!?!


kalixjm: It means you only like me when my shirt's off. 


Muntik na 'kong masamid sa sarili kong laway. Agad-agad akong nagpanic at nag-type. Grabe, mas tumindi ang pag-iisip niya nang masama sa akin, ah! 


lunavaleria: HUY HINDI NAMAN SA GANON NAPINDOT KO NGA LANG KASI TSAKA KAHIT NAMAN MAY SHIRT E CHAROT 


kalixjm: Perv. 


lunavaleria: EXCUSE MEEEEE NAPINDOT KO NGA LANG 'YON SIGE LALIKE KO LAHAT NG PICS MO MAMAYA 


lunavaleria: teka, "you only like me"? kapal ata ng mukha natin sir 


kalixjm: Napindot. 


Natawa ako mag-isa at dumapa sa kama habang nakangiti pa rin. Madilim na at ilaw na lang sa cellphone ko at nagpapaliwanag ng gabi ko. 


lunavaleria: matulog ka na huwag mo nang sabihing 'hintayin muna kita para sabay tayo magsleep' o kaya 'mauna ka na susunod na lang ako' :)


kalixjm: Goodnight. 


lunavaleria: hala? wala man lang talagang paligoy ligoy? magpabebe ka naman kunwari para masaya ako ganon


kalixjm: I'll sleep when I want to sleep. 


lunavaleria: k whatever sige baka you're already tired from driving


kalixjm: Yeah


lunavaleria: driving me crazy 


kalixjm: Lol what the fuck 


Tumawa ulit ako sa reply niya. Bakit ba kahit wala namang nakakatawa, natatawa ako sa kanya? Malala na ata ako. 


lunavaleria: aakjndjknk goodnight see you tomorrow bb <3 


Seen

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top