Chapter 7: Kei's childhood

Keisha's POV:

Napatalon kami sa gulat ni Ate Jaise at nagkayakapan kami. Dahan dahan kaming napatingin sa isa't isa na may nanlalaking mga mata. Napalunok kami dahil mukhang pareho kami ng iniisip.

"May multo!" Sabay naming sigaw ng pagkalakas lakas habang nagtatatalon at tumatakbo paikot dito sa stock room. Sa sobrang pagkataranta, hindi na namin alam kung saan dapat pumunta. Kung saan saan nalang kami tumatakbo at maging ang mga gamit dito ay nanlalaglag na.

Nagkabangga kami ni Ate Jaise, nagkatinginan habang patuloy na nagsisigawan. Naghawakan lang kami ng kamay at lalong sumigaw na parang nagpapalakasan ng aming tili.

Pareho kaming takot ni Ate Jaise sa multo. Bakit ba kasi dito namin naisipan pumunta!

"Keisha, Ate Janna! Bakit anong nangyari?" Sigaw ni Kuya Marco pagkabukas ng pinto habang humahangos. Sabay kaming tumakbo at napayakap sakanya dahil sa sobrang takot.

"Kuya Marco! M-may M-multo!" Pagsusumbong ko na parang isang bata habang nakasiksik sa kanya at nakapikit ang mga mata.

"Multo? Ano bang pinagsasasabi niyo?" Pagtataka niya.

"Totoo, Marco! Kumalabog ang pinto eh wala namang hangin at hindi magkakahangin dito dahil nasa stock room tayo!" Sabi ni Ate Jaise habang niyuyugyog ang braso ni Kuya Marco at halatang taranta pa rin siya dahil sa boses niya.

"Ha? Ano naman kung nasa stock room tayo?" Sagot naman ni Kuya Marco. Bahala kayo jan! Basta ko magtatago dito sa may kili-kili ni Kuya Marco!

"Eh kasi stock nga diba! Hindi ha-hangin dito kasi na-stock bago pa makarating!" Sigaw ni ate Jaise. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro pa rin siya. "Kaya tara na, umalis na tayo!" Sigaw muli ni Ate Jaise na may halong pagmamadali at kaba. Saka tumakbo palabas ng stock room at kumalabog pa muli ang pinto sa lakas ng kanyang pagbukas at biglang pagsara dito.

Tatakbo na rin sana kami ni Kuya Marco ngunit nabangga lamang kami sa pintuan.

"T-teka, bakit sarado? Ate Jaise! Wala namang ganyanan! Sabi mo walang iwanan pero bakit pag takbuhan nauuna ka huy! Wag mo kami pagsarhan ng pinto! Buksan mo 'to Ate!" Sabi ko habang kinakalampag at pilit na binubuksan ang pinto pero kahit anong kalabog at pihit ko ay hindi ito nagbubukas.

Nararamdaman ko na ang pag-init ng aking mga mata.

"Ate! Huwag ka magbiro ng ganyan!" Sigaw ko pa habang patuloy sa pagkatok sa pinto para gumawa ng ingay pero mukhang wala ng tao sa labas.

"Keisha, hindi. Hindi tayo pinagtitripan ni Ate Janna, dahil sira nga pala ang lock nito at hindi pa namin naaayos. Sht!" Sabi niya habang sinisipa ang door knob ngunit wala itong epekto.

"Ano! Bakit naman hindi niyo inayos agad! Naman ehhhhh!" Pagrereklamo ko habang nagwa-walling at sumipa sipa nang makaupo ako. Nasabunutan ko rin ang sarili ko.

Natagpuan ko na lamang na lumuluha na ako. Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa takot ko sa multo o may ibang dahilan.

Niyakap ko na lamang ang aking sarili.

Sa pagtulo ng aking luha ay kasabay nito ang butil ng pawis na nagsisimulang mamuo sa aking noo. Maging ang bawat paghinga ko ay nagsisimula na ring bumigat na parang iniipit nito ang puso ko sa sobrang hirap makahinga.

Napapikit na lamang ako kasabay ng pagpatak ng aking luha na nagdala sa akin sa mga alaala ng kahapon...

"Wag po! Manong wag po! Tama na po. Ayoko na po." Sabi ko habang nakasiksik sa gilid ng isang kwarto at akap akap ang sarili. Tinitiis ang bawat hampas ng sinturon na nagmumula sa lalaki sa aking harapan.

"Manahimik ka! Gagawin ko kung anong gusto ko! Wala kang karapatang magreklamo!" Muli niyang hinampas sa akin ang kanyang sinturon na tumama sa aking tagiliran. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw dahil sa sobrang hapdi, pakiramdam ko nasugatan ako ng bakal sa kanyang sinturon.

Lalo lamang akong napaluha at nanginginig na ang aking buong katawan habang patuloy na nagmamakaawa.

Mommy... tulungan mo ako....

Sigaw ng aking isipan ngunit gaya kanina ay wala iyang magagawa. Nakakadagdag lamang ito sa aking mga luha at sakit na dinadala.

Walang humpay na pag-iyak. Walang katapusang pagdurusa.

Bakit nangyayari sa akin ito? Bakit ako?

Napahawak na lamang ako sa aking bibig upang pigilan ang ingay ng aking paghikbi. Siguradong mapapalo na naman ako ng sinturon oras na mag-ingay ako.

"Pare, ano bang plano mo sa batang yan? Bakit mo ba kasi sinama pa yan? Anong mapapala natin sa kanya?" Rinig kong sabi ng isa pang lalaki.

Mommy... Daddy... help me please....

"Paglalaruan natin siya hanggang sa magsawa ako." Sagot nong lalaking suminturon sa akin.

"Pwede nating hingin ng ransom ang magulang niya." Suhestyon naman nung isa pa.

Lalo lamang akong napaiyak sa aking mga narinig. Hindi na rin maalis alis pa ang kaba sa aking dibdib, tila lalo pa nga itong nadagdagan. Napakabigat sa pakiramdam.

Pakiramdam ko ako'y nag-iisa. Walang maaasahan at mahihingian ng tulong.

"Mommy...." Bulong ko habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha kasabay ng lalong paninikip ng dibdib ko na siyang nagdudulot ng aking hirap sa paghinga.

Posible pa bang makaalis ako sa kamay ng mga masasamang loob na ito?

Niyakap ko na lamang ang aking sarili at humagulhol ng tahimik. Umaasa na may darating na tulong.

"Tsk. Kei, ayaw talagang magbukas ng pinto kahit na anong gawin ko. Teka ha hanap lang ako ng---Kei? Kei! Bakit ka umiiyak? Anong nangyayari?" Niyugyog ni Kuya Marco ang magkabila kong braso at para naman akong nabalik sa katotohanan dahil don. Napatingin ako sakanya at napayakap.

"Kuya Marco..." Sabi ko kasabay ng isang malakas na hagulhol. Hinaplos haplos niya naman ang aking likod upang pakalmahin ang aking pag-iyak.

Ngunit tila hindi nito nabawasan ang anumang nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko ang unti-unting paninikip ng aking dibdib.

Inihiwalay niya ako sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Keisha, makinig ka sa akin. Makakalabas tayo dito, okay? Wala kang dapat ipagalala kaya tahan na ha." Hinawakan niya ang ulo ko at hinaplos haplos ito na para bang nagsasabing magiging maayos din ang lahat.

Pero hindi ko magawang sumagot dahil lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos, walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko dahil hinahabol ko ang bawat paghinga ko.

Bawat segundong lumilipas lalong sumisikip ang bawat paghinga ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Napakapit ako kay Kuya Marco.

"Kei anong nangyayari sa'yo!" Taranta niyang tanong nang mapansin niyang iba na ang paghinga ko. Hindi niya malaman kung anong gagawin sa akin.

"K-kuya..." Pilit kong sambit habang nakahawak sa aking dibdib at lalong humigpit ang hawak ng isang kong kamay kay Kuya Marco. Nagdulot naman ito ng lalong pagkataranta sakanya.

"Kuya Marco..." Sambit kong muli habang lalong sumikip ang bawat paghinga ko at lalo lamang akong napapaiyak.

"Kuya..." Sabi ko nang hindi ko na talaga makayanan ang pagsikip ng dibdib ko kaya naman tumulo na lamang ang aking mga luha, nagpakawala rin ito ng isang impit na hikbi at wala akong nagawa kundi pumikit na lamang.

"Sht! Anong gagawin ko! Kei! Anong nangyari? Gumising ka! Kei! Kei!"

Takbo lang ako ng takbo, hindi ako humihinto kahit na wala na akong suot na sapatos. Hindi ako pwedeng tumigil. Kahit gaano pa kalamig ang hampas ng hangin sa aking mukhang lumuluha at kahit gaano pa kasakit ang mga bato batong natatapakan ko, tuloy lang ang pagtakbo ko.

"Mommy..." Sabi ko habang lumilinga linga.

Ano nga ba ang gagawin ng isang batang nawawala? Hindi ba ang hanapin ang kanyang ina at ama. Ngunit nasaan nga ba sila? Pinabayaan na ba nila ako?

Madilim. Wala na akong makita. Pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Saan nga ba ako pupunta? Bakit tila ba walang katapusan ang daan na tinatahak ko?

Maaring senyales na ito kung dapat pa ba akong magpatuloy sa buhay ko gayong mukhang wala naman itong patutunguhan.

Ang isang kagaya ko na walang katapusan ang pagtakbo sa dilim ay di na kailanman makakaalis pa sa dilim. Mananatili na lamang ako rito habang buhay.

Ngunit, hindi kaya ang ibig sabihin nito ay di ko matatakbuhan kailanman ang aking madilim na nakaraan?

"Keisha!" Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Kuya Ron at Ate Jaise na tumatawag sa akin.

Nilibot ko ang aking mga mata at napansin kong hindi na ito ang stock room.

"Oo puti ang paligid Keisha, pero hindi ito ospital. Nasa langit ka na Kei." Umiyak si Ate Jaise at napakunot lamang ako ng noo.

Nakatanggap naman siya ng malakas na batok mula kay Kuya Ron. Sinamaan siya ng tingin nito pero di na lang niya pinansin.

"Keisha, kamusta na ang pakiramdam mo? Hindi rin kasi namin alam kung anong gagawin sa'yo kaya dinala ka na namin dito sa ospital. Ano bang nangyari?" Pag-aalalang sabi naman ni Kuya Ron habang nakatayo sa kanan ko, sa may bedside table.

"S-si Kuya M-marco?" Iyon lamang ang nasambit ko nang mapansin ko na wala siya dahil ang pagkakatanda ko siya ang kasama kong ma-trap.

Naupo si Ate Jaise sa kama ko kaya napalingon ako sa bandang kaliwa ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang nangingilid ang mga luha niya at nanginginig ang kanyang mga labi. Tila ba nahihirapan piliin ang salitang dapat sabihin.

"K-keisha..." Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil napaluha na siya at napahawak na lamang sa kanyang bibig para mapigilan ang kanyang hikbi.

Nagsimula na rin akong kabahan at mapa-isip. Wala namang masamang nangyari sa kanya, hindi ba?

"Bumili lang siyang pagkain, wag kang nagpapaniwala jan kay Jaise. Puro yan kalokohan." Medyo inis na sabi ni Kuya Ron. Nagpalitan na naman sila ng masasamang tingin.

Nahampas ko na lamang si Ate Jaise.

"Hindi ka dapat nagbibiro ng ganyan, Ate!" Sigaw ko sakanya.

"Oo na." Inis na sabi niya. Pinunasan niya ang mga nangingilid niyang luha at tumitig sa mga mata ko. "Pero yung nakita namin ni Ron ang hindi biro." Seryoso at diretsong sabi niya.

Napakunot naman ang aking noo.

Natahimik sila pareho at nagkatinginan.

Nagbigay naman ito ng kaunting kaba sa dibdib ko at tiningnan ko silang mabuti. Naghihintay ng salitang manggagaling sakanila.

"Keisha makinig ka, wag ka magtitiwala kay Marco. Wag na wag kahit anong mangyari." Mahinang sabi ni Kuya Ron.

"Wag ka na ring sasama sa kanya at wag na wag mong hahayaan na maiwan kayong dalawa sa isang lugar. Ipangako mo sa amin 'yan, Keisha. Para sa'yo yan." Sincere na sabi ni Ate Jaise. Walang halong biro at di mo siya makikitaan ng kahit anong bakas na nagloloko siya.

"Para sa kaligtasan mo 'yan Keisha." Sambit pa ni Kuya Ron.

"P-pero bakit?" Tanging sagot ko sa mga sinabi nila.

"Basta. Wag ka na munang magtanong, magi-imbestiga pa kami. Sa ngayon, ingatan mo ang sarili mo." Sagot ni Ate Jaise sa akin.

"Wag mo ring babanggitin sa kanya ang mga napagusapan natin." Bilin naman ni Kuya Ron sa akin.

Napakagat na lamang ako ng aking labi dahil hindi nagsi-sink in sa akin ang mga pinagsasabi nila. Wala akong maintindihan. Parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kanina lamang ay magkasama kami ni Kuya Marco sa stock room ngunit ngayon ay kailangan ko na siyang iwasan at magpanggap na normal pa rin ang lahat.

Pero pwede ko rin naman hindi sundin ang mga sinabi nila. Kaya lang, paano ku---

Nawala ako sa iniisip ko sa biglang nagsalita.

"Ang layo pala ng bilihan dito. Nakakapagod!" Laking gulat naming tatlo dahil sa biglang pasok niya. Niluwa ng pinto na iyon ang taong kanina pa namin pinaguusapan.

Lahat kami ay napatingin sa kanya nang may iba't ibang reaksyon.

"Bakit?" Iyon na lamang ang nasambit ni Kuya Marco habang papalapit sa amin.

"Anong meron? Ako ba pinaguusapan ninyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya at hindi ko alam anong sasabihin.

•••

A/N: Hi everyone! Sorry for the super duper late update! I'm hoping na magugustuhan niyo ito. Please give me comments. 😁 Tell me what is your thoughts! That would be a big help for me.

Thank you so much to all Queenies who waited for this update. Don't you worry, i'll write the next chapters so that I won't keep you waiting. Hihi.

Sensya na, busy sa internship ang gradwaiting student na si PrincessMela. 😝

Love you all! 😘

~PrincessMela. ❤

°°°

Posted on:

March 29, 2018, 6:30PM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top