Chapter 17: True colors, revealed
Keisha's POV:
"Mmm!"
May nagtakip ng aking bibig at hinablot ako papunta sa madilim na bahagi ng kalsada.
Agad na pinunit nito ang damit ko. Nanlaki ang mga mata ko at sinubukang sumigaw.
Nagpupumiglas ako at pilit na kumakawala mula sa pagkakaipit niya sa akin sa pader.
Napatingin ako sa lalaking sumuntok sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa taong nasa harapan ko.
"Keisha...".
Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Sorry, natagalan ako. Sorry. Sorry."
Mas humigpit ang yakap ko at mas lumakas ang paghikbi ko.
"Shhhhh... Shhhh.... Don't worry, you're safe now. "
~*~
"Dadalhin kita sa langit." Pagkasabi niya non ay nanlaki ang aking mga mata at sinalakay ng kaba ang dibdib ko.
"Maglalaro tayo." At sinundan ito ng mala-demonyong tawa.
Biglang napamulat ang mga mata ko at habol-habol ko ang aking hininga. Hindi ako makapaniwala sa panaginip na iyon, parang totoo.
Bumangon ako at napahawak ako sa aking dibdib upang pakalmahin ang aking sarili.
Nang medyo umayos na ang aking pakiramdam ay iginala ko ang aking tingin. Pagbaling ko sa aking kanang kamay, may dextrose ito.
Ipinikit ko saglit ang aking mga mata at napabuntong-hininga na lamang ako nang mapagtanto ko na nasa ospital ako.
May narinig akong bumukas na pinto at may mga paparating na nag-uusap.
Dali-dali akong humiga patalikod sa pinto upang hindi nila makita na ako ay gising na.
"Sigurado ba kayo sa nakita niyo sa stock room?" Sabi ng isang pamilyar na boses.
Devin? Anong ginagawa niya rito?
"Oo, malinaw na malinaw sa aking isipan ang tagpong iyon. Hindi ako maaring magkamali. Walang malay si Keisha na nakahiga sa sahig, bukas na ang isang butones ng uniporme nito habang hinahalik-halikan ni Marco ang kanyang leeg."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko mula kay Kuya Ron. Napahawak ako sa aking bibig upang hindi ako makagawa ng ingay.
"Hindi alam ni Kei kung ano ang nakita ni Kuya Ron dahil ayaw niyang makinig sa amin. Binalaan na namin siya na iwasan si Marco pero hindi siya nakinig. Nahuli pa namin silang dalawa sa banyo, ang sabi niya ay pinupunasan niya ang dugo sa hita ni Kei pero dahil may hinala na kami sakanya, hindi kami naniwala, alam kong hinihipuan niya si Kei." Paliwanag din naman ni Ate Jaise. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mga mata.
Napapikit na lamang ako habang tahimik na humihikbi.
Yung paghawak niya sa kamay ko, yung pag-akbay niya, lahat ba 'yon ay dahil may pagnanasa siya sa akin? Buong akala ko ay kapatid ang turingan namin kaya hindi ko binibigyan ng malisya ang bawat paghawak at paglapit niya sa akin.
Narinig kong nagpatuloy si Ate Jaise sa kanyang kwento.
"Hindi lang yon, sa bawat pagkakataon na naiiwan silang magkasamang dalawa, nagpa-panic attack si Kei. Kung anu-anong sinisigaw niya pag lumalapit sa kanya si Marco. " Pinigilan kong gumawa ng tunog sa aking pag-hikbi dala ng aking pagkabigla sa mga naririnig.
Yung panaginip ko kanina, hindi pala iyon isang panaginip kundi isang alaala. Iyon ang mga pagkakataong pinagtangkaan ako ni Kuya Marco.
Ang tanga-tanga ko pala dahil hindi ako agad naniwala sa mga babala nila. Buong akala ko ay dahil kay Devin kaya nat-trigger ang trauma ko. Dahil pala kay Kuya Marco.
Unti-unti nang nabubuo sa aking isipan ang mga tagpong iyon.
Nung pauwi ako ng apartment galing sa party ni Boss. Hinatid niya pa ako non pero mga ilang hakbang lamang ay may umatake sa akin, siya pala yon.
Pati na rin yung sinasabi nila sa stock room na wala akong kamalay-malay na pinagsasamantalahan na ako.
Nong namatay ang ilaw sa locker room at pinatulog ako.
Nagising na lamang ako na nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay at paa sa isang bahay.
Lahat pala 'yon ay walang iba kundi si Kuya Marco.
Naiintindihan ko na...
Pero may isang piraso sa puzzle na hindi ko mahanap kung saan dapat ilagay. Si Devin... na palagi akong nililigtas sa mga tagpong 'yon.
Napatigil ako nang may maalala akong sinabi ni Kuya Marco.
"Gusto mong malaman anong ugnayan naming dalawa?"
"Sandali, panic attack? May sakit ba si Kei?" Rinig kong tanong ni Devin. Pero mga ilang minuto pa ay wala akong narinig na sagot.
Doon na ako bumangon at hinarap sila. Sari-sari ang emosyon sa kanilang mga mukha; nag-aalala, masaya, takot, kaba at lungkot.
"Kei! Mabuti naman at nagising ka na!" Agad akong niyakap ni Ate Jaise. Pagkalas niya sa kanyang pagkakayakap ay inayos ayos niya ang buhok ko para maalis ito sa may bandang mukha ko.
"Salamat naman sa Diyos dahil gising ka na, Kei. Alam mo bang alala---" Napatigil siya nang mapansin niyang umiiyak ako at nakatitig lamang kay Devin.
Hindi naman maipinta ang mukha nito.
"Ano ba talagang ugnayan niyo ni Kuya Marco?" Bungad ko sakanya na siya namang ipinagtataka nilang lahat.
Muli na namang nangingilid ang aking mga luha.
"Kei? Anong sinasabi mo? Si Devin na naman ba ang sisisihin mo sa lahat?" Sabat ni Kuya Ron. "Alam mo ba—"
"Alam ko na ang lahat Kuya Ron, narinig ko ang usapan ninyo." Pagputol ko sakanya pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Devin.
"Sagutin mo ang tanong ko, ano ang ugnayan mo kay Kuya Marco?" Titig na titig na tanong ko kay Devin pero hindi siya sumasagot. Tinititigan niya lang din ako.
Lalo lamang nag-alab ang puso ko sa galit.
"Sumagot ka!" Sigaw ko sakanya. Pinipigilan naman ako ni Ate Jaise na sugurin ko si Devin.
Napakuyom ang aking kamao sa kama.
"Bakit ka palaging nandon kapag pinagtatangkaan niya ako?" Desperada kong tanong kay Devin ngunit iniiwas niya lang ang kanyang tingin sa akin.
Lalo lamang lumakas ang aking hagulhol dahil naguguluhan na ang aking isipan. Siya lang ang nag-iisang piece ng puzzle na hindi ko alam saan ilalagay para mabuo ko na ang mga misteryong naganap sa akin.
"Devin ano ba! Bakit ka nandon sa kanto ng apartment ko nung unang beses niya akong pinagtangkaan?" Napatingin siya sa akin at tila ba nag-iisip ng maisasagot.
"Keisha! Ano ka ba naman? Niligtas ka na nga noong tao, bakit ka ba nagkakaganyan?" Sabat naman ni Kuya Ron kaya hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin.
"Sinabi niya na sa amin yun Kei, mabuti na nga lamang at sinundan ka niya sa iyong pag-uwi, dahil kung hindi baka nagalaw ka na ni Marco." Pagtatanggol naman ni Ate Jaise sa dalawang nasa harapan ko habang hawak hawak niya ako sa balikat.
Isang di makapaniwalang tawa ang kumawala sa aking bibig.
"Niligtas? Tangina! Paano niya naman ipapaliwanag yong pagligtas niya sa akin sa bahay ni Kuya Marco? Ha? Ano sinundan niya rin ako? Hanggang sa loob ng kwarto ni Kuya Marco nakasunod siya?" Pasigaw kong sagot sakanila na tila ba ikinagulat naman ng dalawang nasa harapan ko.
Nagpalit palit lang ang tingin ko sakanilang dalwa.
Nakayuko naman si Devin. Marahil ay nagiisip ng mga tamang salita na isasagot niya sa akin.
"Ano! Hindi niyo alam yon? Yung pinatay ni Kuya Marco ang ilaw sa locker room at pinatulog ako? Paggising ko nasa isang bahay na ako. Paano mo ipapaliwanag yon? Tangina Devin! Ano ba talagang ugnayan niyo ni Kuya Marco!" Pasigaw at halos nagwawala kong tanong sakanya. Rumaragasa na ang galit sa puso ko at hindi ko na kaya pa itong pigilan. Ang dami daming tumatakbo sa isipan ko. Kailangan ko ng sagot!
Amba akong bababa ng kama ngunit pinigilan ako ni Ate Jaise. Tinulak ko lamang siya palayo sa akin. Nilapitan ko si Devin at niyugyog ito. Wala akong pakialam kung maputol ang nakakabit na dextrose sa akin.
"Sagutin mo ako! Devin sumagot ka!" Sigaw ko sa mukha niya habang patuloy lamang ang pagbuhos ng aking mga luha.
Sinubukan akong pigilang muli ni Ate Jaise pero hinawi ko lang ang kanyang kamay, dinaluhan naman siya ni Kuya Ron nang matumba siya.
"Sumago—"
"Magkapatid kami." Sagot ni Devin habang nakatitig sa mga mata ko.
Tila ba nawalan ako ng lakas sa sinabi niya. Napabitaw na ako sa pagkakahawak sa kanyang braso.
Nadagdagan ang luhang tumutulo sa aking mga mata at bahagyang napa-atras.
Mga ilang segundo rin akong hindi nakasagot.
"So ano pinagplanuhan niyo 'to? Bakit? Dahil ba pinagtabuyan kita? Nagpanggap kang knight in shining armor ko para mapalapit ka ulit sa akin. Ha? Ganoon ba?" Hindi makapaniwalang sabi ko kay Devin nang makabawi ako sa aking pagkagulat.
Lumuluha na rin siya habang titig na titig sa mga mata ko.
"Oo, nung una!" Pasigaw niyang sabi. "Pero---"
Natigilan siya nang sampalin ko siya. Nabigla naman ang aming mga kasama.
"So totoo nga? Tangina, Devin!" Napasabunot na lamang ako sa aking sarili.
"Niloko mo ako! Niloko mo na naman ako!" dinuro duro ko siya.
Napaupo na lamang ako at napatakip sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Nagsimula na namang manikip ang dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak ko.
"Sana hindi ka nalang bumalik." Sabi ko habang naka-yuko at dahan-dahan akong tumayo para harapin siya.
"Sana hindi nalang kita pinatawad. Buong akala ko ay nandyan ka para protektahan ako dahil dumating ka noong kailangan ko ng tulong." Titig na titig kong sabi sakanya habang may diin ang bawat salita dahil sa galit na nararamdaman ko.
"Pero ano! parte lang pala 'yon ng palabas niyo!" Sigaw ko sakanya at tinulak siya gamit ang buong lakas ko.
"K-Kei, t-tama na. Kumalma ka, makakasama sa'yo yan. Please." Pakiusap ni Ate Jaise sa akin at sinusubukan niya akong awatin.
Pero hinawi ko lang muli ang mga kamay niya.
"Bitawan niyo ako! Huwag kayong makialam dito!" Pasigaw kong sagot sa kanila. Natigilan naman sila.
Muli kong hinarap si Devin, nilapitan at sinampal sa magkabilang pisngi.
"Ano? Hindi ka makaimik? Kasi totoo. Bumalik ka para lang paikutin ulit ako! At ako! Na tanga! Naniwala! Nagtiwala!" Sabi ko habang sinusuntok suntok ang aking dibdib.
"Hindi ako makapaniwala, Devin. Hindi ako makapaniwala sa kung anong klaseng tao ka. Wala kang konsensya. Wala kang awa!" Kinuha ko ang pagkaing nasa bed side table at binato sakanya.
Sinangga niya lang ito ng kanyang kaliwang braso.
Nagkalat ang mga ito sa sahig at natapon. Rinig ko ang lalong paglakas ng paghikbi ni Ate Jaise.
Pinulot ko ang Hot Choco sa sahig at lumapit sakanya.
"Dahil sa putang inang Hot Choco na 'to, nahulog na naman ako sa'yo! Kaya eto! Sirang sira na naman ako!" Ginusot ko ang paper cup ng Hot Choco kaya't natapon ang natitira pa nitong laman sa aking kamay. Wala akong pakialam kung mapaso ako.
"Keiley, huminahon ka. Please. I will explain." Pakiusap niya habang tuloy tuloy na rin ang pagluha niya.
"Explain what? Malinaw sa akin ang lahat, Devin. Malinaw na malinaw kung paano kayong nagkampihan na dalawa." Pinahid ko na ang mga luha na tumulo sa aking pisngi.
"Keisha, kay Marco ka dapat magalit hindi kay Devin. Siya ang nagtangkang gumahasa sa'yo! Hindi lang yon, nagtatago na siya. Kailangan natin ang tulong ni Devin para mahanap at mahuli na siya." Singit ni Kuya Ron sa usapan.
Nilingon ko naman siya, nakaguhit sakanyang mukha ang pag-aalala habang sa tabi naman niya ay si Ate Jaise na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Bumuntong hininga na lamang ako upang habulin ang aking hininga, medyo kinakapos na naman ako dahil sa aking pag-iyak.
Sandali kong nilibot ang aking tingin sa buong kwarto at nang makita ko ang aking damit at gamit ay agad ko itong kinuha at tumakbo palabas ng kwarto.
"Keisha, san ka pupunta? Hindi ka pa pwedeng lumabas ng ospital!" Iyan na lamang ang sigaw na narinig ko mula kay Ate Jaise bago ako tuluyang makalabas.
Agad akong dumiretso sa may fire exit upang doon magbihis ng damit ko. Hindi ako makakalabas kung nakasuot ako ng hospital gown.
Pagkatapos ay agad akong nagmadali na makalabas ng hospital upang hindi na nila ako maabutan pa.
Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa mapagod ako at huminto muna.
Napahawak naman ako sa aking dibdib habang habol habol ang aking hininga.
Ngunit sa may di kalayuan ay may narinig akong sigaw ng aking pangalan. Hindi ako pwedeng maabutan nila Devin. Ayoko silang makita.
Pag-angat ng aking tingin ay may nakita akong isang lugar na maingay at maraming ilaw. Mukhang nagkakasayahan ang mga tao rito.
Napag-desisyunan kong pumasok upang doon muna magtago. Pero pwede ring makisaya rin muna. Kailangan ko rin naman ng break mula sa mga kaguluhang nagaganap sa buhay ko.
°°°
Posted on:
June 18, 2020, 9:40 AM
°°°
A/N:
Hello Queenies! 😂
Sana nagustuhan niyo kasi sobrang damang dama ko ang pagkakasulat dito. I was crying. Lahat ng mga kilos ni Kei at sinabi niya ay nauna ko iyong gawin bago maisulat. Bwahahaha.
Thank you sa patuloy na pagbabasa. Keep safe everyone!
Sending Love,
~PrincessM. ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top