Chapter 15: He's coming back

Keisha's POV:

Pagmulat na pagmulat pa lamang ng aking mata ay tila ba sinalakay na ng kaba ang aking dibdib.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang ganitong pakiramdam at hindi ako mapalagay.

Ano bang meron at noong nag-inat inat ako ay nalaglag ako sa aking kama. Habang kumakain naman ng almusal, napaso ang dila ko ng iniinom kong kape. Pagligo ko naman ay napasigaw ako sa lamig ng tubig dahil nawala sa loob ko ang mag-init ng tubig.

"Aaaaah! Ano ba naman yan Keisha!" Bulalas ko sa aking sarili paglabas ko ng banyo nang mapagtanto ko na hindi pa pala ako nakakapag-ahit ng kili-kili.

Nakakahiya naman kung ganoon kaya agad akong bumalik sa banyo upang mag-ahit.

Pagkatapos ay naghanap na agad ako ng susuotin.

Pero pagharap ko sa salamin ay natigilan ako at nawala ang ngiti sa aking labi.

Umupo ako sa aking kama upang sandaling mag-isip.

"Ano ba itong ginagawa ko?" turan ko sa aking sarili habang hawak ang dulo ng suot kong pulang dress.

"Ang tanga tanga mo talaga Keisha." Bulalas ko sa aking sarili nang mapagtanto ko kung bakit tila ba ako ay balisang balisa.

Oo nga pala, hatid sundo ako ni Devin mula ngayon. Kaya naman pala hindi ako mapakali at hindi matapos tapos sa pag-aayos ng sarili.

Ganitong ganito kasi kami noong nagliligawan pa lamang kami.

Ito ang eksaktong nararamdaman ko noong mga panahong masaya pa kami at maayos ang pagsasama.

Ngayon bang pinatawad ko na siya ay nakalimutan ko na rin ba ang mabuhay ng wala siya?

Tumigil na ako sa paninisi sa kanya sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pero dapat ba na bigyan ko muli siya ng lugar sa buhay ko?

Napahawak ako sa may kaliwang bahagi ng aking dibdib.

"Dapat ba may lugar ulit siya sa puso ko?" Saglit akong natigilan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang lahat ng masasayang araw namin ni Devin.

Ang sarap palang ma-inlove. Pero nakakatanga.

Hindi ko na nga rin alam kung paano pa ba ang ma-inlove?

Itong nararamdaman ko ngayon para kay Devin, hindi ako sigurado kung pagmamahal ba ito o naalala ko lamang ang pinaramdaman niya sa akin noon kaya ako nagkakaganito.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay may tumulong luha.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa ko.

Nahuhulog na naman ba ako kay Devin? O nadadala lang ako ng nakaraan namin?

Parang kailan lamang ay kinamumuhian ko siya. Ngunit bakit ngayon pakiramdam ko'y sinusuyo niya ako at ako namang tanga eh tuwang tuwa?

Napatakip na lamang ako sa aking mukha at humagulhol.

Mga ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko nang tumahan at magpalit ng damit. Simpleng t-shirt at pantalon nalang.

Isa lang ang paraan para masagot ang mga tanong sa aking isipan.

Kailangan kong makasigurado kung ano ba talaga itong nararamdaman ko at hindi ko ito malalaman kung iiwasan ko si Devin.

Matapos makapag-ayos ay may narinig akong bumusina sa tapat ng aking bahay.

Tumalon ng bahagya ang aking puso, tila ba nasabik na makitang muli si Devin.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at nang siya ay makita ko, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko kaya napahawak ako sa aking dibdib.

"Keiley! I mean, Keisha, I'm sorry medyo late ako, hang-over eh." Bungad niya sa akin nang ako ay makita niya. Napakamot pa nga siya sa kanyang batok.

Ngumiti ako sakanya.

"Ayos lang yon. Tara na!" Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse gaya ng ginagawa niya noon.

Pagsakay niya ay agad niya namang kinuha ang seatbelt ko. Gaya pa rin ng dati, palagi kong nakakalimutan mag-seat belt.

Saglit kaming nagkatitigan.

Ang mga mata niya....

"Ah, ako na." Sabi ko upang putulin ang nakaka-ilang na pwesto namin.

Hinayaan niya naman akong magkabit ng seat belt ko at ganoon din siya.

Napahawak na naman ako sa dibdib ko.

Ilang minuto lamang ay nandito na kami sa...

"Mcdo? Anong ginagawa natin dito?" Sabi ko nang bigla kaming tumigil.

"Para sa almusal mo. Hot Choco at Hushbrown." Ngumiti siya sa akin at hindi na ako nakasagot pa nang umorder na siya.

Napahawak naman ako sa aking dibdib.

Alam niya pa rin kung anong paborito ko...

"Bumili na rin ako para sa mga kasama mo sa Café." Sabi niya pagka-abot ng kanyang mga binili. Kaya pala ang dami nito.

"S-salamat. Hindi mo naman kailangang gawin pa 'to." Muli, isang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

Hindi na lamang ako umimik pa hanggang makarating kami sa Café.

"Salamat sa paghatid. Kahit huwag mo na akong sunduin mamaya. Okay lang." Pakiusap ko sakanya bago pa man makababa ng sasakyan.

"Pero bakit, Keisha? Akala ko ba ayos lang?" Isang ngiti lang din ang ibinigay ko sakanya at tinanggal ko na ang aking seatbelt upang bumaba na.

Dali dali naman siyang nag-tanggal ng kanyang seatbelt at akmang bababa marahil upang pagbuksan ako ng pintuan.

Hinawakan ko naman ang kanyang kamay upang pigilan siya.

"Okay lang Devin, ako nalang." At bumaba na ako dala dala ang kanyang mga binili.

Agad din naman siyang bumaba para kuhanin sa akin ang dala dala ko.

Hindi na ako tumanggi pa dahil baka matapon lamang ang Hot Chocó doon, mapaso pa kaming dalawa.

"Magkano nga pala ang nagastos mo riyan? Babayaran ko." Medyo nawala ang mga ngiti sa kanyang labi. Tila ba nadismaya siya sa mga sinasabi ko.

"Keiley, ano ba itong ginagawa mo? Akala ko ba ay ayos na tayo?" Ayan na naman siya sa pagtawag ng Keiley sa akin.

"Hindi ko rin alam, Devin." Iyon lamang ang aking nasabi sabay iwas ng tingin.

Akma pa siyang may sasabihin ngunit may biglang nagsalita.

"Keisha? Bakit magkasama kayo nito?" Lumapit siya sa amin at seryoso ang kanyang mukha pagharap kay Devin habang nakapamulsa ito.

Napalingon naman si Devin sa nagsalita at sumeryoso din ang mukha nito.

"Magkakilala kayo? Kilala mo si Devin? Paano?" Pagtataka ko habang nagpapapalit palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Masyadong seryoso ang kanilang mga mukha habang magkatitigan sa mata ng isa't isa.

"Kilalang kilala ko." Sagot naman ni Kuya Marco na may halong pagbabanta sa kanyang tono pero naka-ngiti siya, abot hanggang tenga.

Ngayon ko lamang nakita ang ganitong pagmumukha niya. Nakakatakot ang kanyang awra ngayon.

"Don't mind him, Keiley. Hindi lang maganda ang unang pagkikita namin dito sa Café kaya ganyan siya sa akin." Seryosong sagot naman ni Devin habang hindi pa rin ako nililingon.

"Bakit? Ano bang nangyari sainyong dalawa?" Usisa ko naman pero hindi ko pa rin magawang putulin ang pagtitigan nilang dalawa.

Ano ba talagang meron sakanila? Bakit parang may lihim silang galit sa isa't isa na hindi ko maintindihan saan nanggaling.

"Gusto mong malaman anong ugnayan naming dalawa?" Lalo lamang lumapad ang ngiti ni Kuya Marco. Isang sarkastikong ngiti.

Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi. Kanina lamang ay may hindi magandang nangyari sakanila kaya sila galit sa isa't isa. Ngayon naman ay ugnayan? Ano bang meron sa kanila?

Nabigla naman ako ng hinawakan ni Devin ang kamay ko. Napatingin ako sakanya pero wala sa akin ang tingin niya, hindi niya pa rin ito inaalis kay Kuya Marco.

Napahawak naman ang kaliwa kong kamay sa may dibdib ko.

"Huwag kang magpapaniwala sa mga sinasabi niya, Keiley. Huwag ka ring sasama sa kanya na kayong dalawa lang. Layuan mo siya. Mag-ingat ka sakanya, hindi mo siya kilala." Malinaw naman ang mga sinabi ni Devin pero hindi ko iyon naintindihan.

"Anong ibig mong sabihin na layuan ko siya?" Pero hindi siya sumagot at mas hinigpitan niya lang ang hawak sa aking kamay nang tinawanan lang siya ni Kuya Marco.

Sinamaan lang siya ni Devin ng tingin at hinila na ako papasok ng Café.

Pagbukas ng pintuan ay agad akong sinalubong ni Ate Jaise ngunit nawala ang kanyang ngiti nang makita ang aking kasama.

"Keisha! Kamusta na? Pwede bang--- oh! May kasama ka pala." Napatingin siya sa magkahawak naming kamay at ibinaling ang tingin sa akin. Isang tingin na hindi mo malaman kung maiihi na ba sa kilig o maiinis.

Alam ko ang iniisip nito kaya ako na lamang ang nag-adjust, agad kong binawi ang kamay ko kay Devin.

"Ah h-hi! I'm Devin. May dala akong breakfast para sainyo." Alok niya na may halong hiya, agad naman siyang tinugunan ni Ate Jaise.

"Uy! Keisha di mo naman sinabi agad na may dala pala kayo!" Ngiting-ngiting sabi ni Ate Jaise sa amin.

Ang bilis talaga magbago ng mood nito basta pagkain. Kanina lang parang medyo inis siya nang makita kami tapos ngayon close na sila.

Niyaya niya naman si Devin papunta sa aming kusina upang doon kami kumain ng almusalan.

Habang inaayos niya ito ay inuusisa niya si Devin.

"Ano nga ulit pangalan mo? Devin dba? So anong meron bakit mo kami dinalhan ng pagkain? Are you trying to win her back?" Walang pakundangang tanong ni Ate Jaise.

Nasamid naman ako sa biglaang tanong niya kaya natapon sa damit ko ang iniinom kong chocolate. Mabuti na lamang at hindi na ito ganon kainit kaya hindi ako napaso.

Sinamaan ko lang ng tingin si Ate habang pinupunasan ni Devin ng tissue ang damit ko.

Wala talagang preno ang bunganga nito! Ngingiti ngiti lamang siya sa akin. Labas na naman ang kanyang bente-kwatrong ngipin.

Napatingin naman ako kay Devin habang alalang-alala sa nangyari sa damit ko.

Muli, napahawak na naman ako sa aking dibdib.

Hindi ko na maintindihan itong puso ko. Bakit parang apektado pa rin siya sa bawat kilos ni Devin? May nararamdaman pa nga ba talaga ako para sa kanya?

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Kuya Ron at Kuya Marco.

"Kain tayo!" Pag-aalok naman sakanila ni Ate Jaise sabay higop sakanyang Hot Choco.

"Devin, araw-araw na ba kaming may pagkain sa'yo?" Hirit niya habang kumakagat sa burger.

"Ate!" Nilakihan ko siya ng mata. Nakakahiya jusko! Baka isipin ni Devin sinasamantala namin siya.

Tumawa lang naman si Devin. "Oo naman, basta ba protektahan niyo lang si Keiley at ilayo kay Marco." Napalingon naman ako sakanya. Hindi pa rin sila tapos ni Kuya Marco sa pagbabangayan?

Saglit nagkaroon ng katahimikan. Nagpalitan lamang kami ng tingin nila Ate Jaise at Kuya Ron.

Habang nagtititigan na naman silang dalawa.

Binasag ni Ate Jaise ang katahimikan.

"Ah! Ano Devin, malapit na kasi kaming magbukas, ano, kasi, ahh, kailangan pa naming maglinis, ganon, maghanda ng mga gagamitin. Hehe." Isang pilit na tawa mula kay Ate Jaise, halatang hindi siya komportable sa narinig.

Lumapit siya kay Devin at sinamahan niya na ito palabas.

Paglabas na paglabas nila ay agad ipinukol ni Kuya Ron ang tingin niya kay Kuya Marco.

"Baka gusto mong sabihin sa amin Marco kung anong totoo?" Nagtaka naman ako sa klase ng tanong niya.

Saan na naman ba pupunta ang usapang ito?

"Anong totoo?" Sagot naman ni Kuya Marco na naka-ngiti pero hindi ito isang masayang ngiti. Isang ngiti na tila ba hindi makapaniwala sa tanong na binato sakanya.

"Yung totoong pagkatao mo. Yung totoong balak mo kay Keisha." Seryosong sabi ni Kuya Ron habang nakakunot ang noo at titig na titig kay Kuya Marco.

Tila nabigla si Kuya Marco sa binatong tanong sakanya ngunit nang makabawi siya ay tinawanan niya lang ito.

Isang malakas at mahabang tawa. Akala ko nga ay hindi na siya titigil ngunit natigilan siya ng pagbalik ni Ate Jaise ay may sinabi ito na ikinabigla ng lahat.

"Aminin mo na Marco. Bago ka pa namin kasuhan ng attempted rape." Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Ano? Anong sinasabi mo Ate? Ano na naman bang kalokohan to?" Medyo inis kong sabi sakanya.

Hindi pa rin ba sila tapos sa mga walang ka-kwenta kwentang hinala nila kay Kuya Marco na dahil sakanya kaya nat-trigger ang trauma ko? Ngayon kakasuhan nila ito?

"Devin told me everything why we need to protect you from him." Harap-harapan niyang tinuro si Kuya Marco.

Nagdilim naman ang awra ng mukha nito, marahil ay alam niya kung ano ang tinutukoy ni Ate.

"Marco tried to rape you, several times already." Seryoso at diretsong sabi ni Ate Jaise. Titig na titig siya sa mga mata ko.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Kilala ko si Ate Jaise. Seryoso siya at sigurado siya sa sinasabi niya oras na mag-english na siya.

"Ano, Marco? Naubusan ka ata ng sasabihin?" Gatong naman ni Kuya Ron kay Ate Jaise nang makabawi rin ito mula sa pagkagulat. Marahil ay hindi na siya gaanong nagulat sa nalaman.

Dahil ito na siguro ang sagot sa mga hinala nila ni Ate Jaise.

Napatulala nalang ako kay Kuya Marco. Tinitigan ko siya ng mga ilang minuto.

Hindi ko alam ano bang dapat kong isipin. Hindi ma-proseso ng isip ko ang mga narinig ko.

Tila ba nanghina ang mga tuhod ko, bigla nalang akong bumagsak sa sahig.

Agad naman akong dinaluhan ni Ate Jaise. Iniangat ko ang tingin ko sakanya.

"A-attempted rape?" Titig na titig kong sabi sakanya.

Ito na ata ang pinakamabagal na oras sa buong buhay ko. Dahan dahang tumango si Ate Jaise.

Nangingilid na rin ang mga luha ko pero lakas loob pa rin akong lumingon kay Kuya Marco. Nawalan na ng kulay ang kanyang mukha. Naubusan na rin siguro siya ng sasabihin, ng paliwanag o kahit pa palusot sa paratang sakanya.

Dahil kahit anong sabihin niya, hindi ko na ata kayang paniwalaan.

Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang lahat...

Kung saan at kailan ang sinasabi nilang 'attempted rape'.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Sumisikip na naman ang paghinga ko.

"Keisha! Anong nangyayari sayo!" Sigaw ni Ate Jaise nang mapakapit ang isa kong kamay sa braso niya.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko nang pumikit ako dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit na nararamdaman ng puso ko o dahil nat-trigger na naman ang trauma ko.

Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili ngunit bawat minutong lumilipas ay lalo lamang tumitindi ang pagsikip ng dibdib ko kasabay ng sunod sunod na pagbuhos ng aking mga luha.

"Keisha!" Humihikbi na si Ate Jaise.

Nagtama ang mga mata namin ni Kuya Marco nang yakapin ako ni Ate.

Tila humiwalay na ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Pawis na pawis na siya at mukhang hindi na rin alam ang gagawin.

Patuloy lamang ako sa pag-iyak. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa sobrang galit, sa takot at sa sakit.

Hindi ako makapaniwala... Hindi ko maintindihan...

Napapikit ako at lalong humigpit ang pagyakap ko kay Ate Jaise nang unti unti ay kinakapos na ang aking paghinga.

"Marco, bumalik ka dito!"

"Keisha, gumising ka! Ron! Devin! Tulong!"

At iyon na ang mga huling salitang narinig ko...

°°°
Posted on:
May 27, 2020, 8:20AM
°°°

A/N:

Any thoughts? Comments? Suggestions? Violent Reactions? Charot. 😂

Thank u for reading this! 😊

Sulitin ko na ang pag-susulat kasi pagbalik sa work, busy na naman. Hehe. Ingat sa lahat! 😘

Sending Love,
~PrincessM. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top