Chapter 11: Past that haunts

Keisha's POV:

"Keisha, sigurado ka ba na kaya mo umuwi mag-isa? Nasaan na ba kasi yung boyfriend mo?" May pagaalalang tanong sa akin ng co-dancer ko matapos ang racket namin dito sa kabilang bayan.

"Hayaan mo na, busy lang talaga siya. Wag ka na mag-alala sa akin. Kaya ko na 'to. Okay?" Wala siyang nagawa kundi ang sumangayon sa akin. Marahil nadala siya ng aking magandang ngiti.

Matapos ng aming maikling usapan ay umalis na rin siya para umuwi na, malapit lamang siya dito. Mga sampung hakbang lang ay nasa bahay na siya.

Tiningnan ko naman ang daan pauwi sa amin. Kahit sabihin kong okay lang ako, alam ko sa sarili ko na hindi. Napakadilim ng daang aking tatahakin. Ni hindi ko pa ma-contact si Devin para sunduin ako. Wala ng mga sasakyan dahil dis oras na ng gabi. Wala na ring tao dito sa plaza dahil mga nagsi-uwian na matapos ng palabas.

"Kaya mo 'yan Kei! Idaan mo lang sa ngiti! Masayahin kang tao at wala kang sinusukuan, kaya go!" Pagpapalakas ko sa aking loob sabay buntong hininga.

Inilagay ko na ang aking cellphone sa bag at saka nagsimulang humakbang. Habang papalayo mula sa kinatatayuan ko kanina ay unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi. Nabalot na rin ng kaba ang aking puso. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng lamig kaya napahaplos nalang ako sa aking sarili.

"Konting bilis lang Kei, makakauwi ka rin." Pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Dahan dahan na ngang bumibilis ang aking lakad maging ang kaba sa aking dibdib ay sumasabay pa. Hindi ko alam kung kinakabahan ba talaga ako o hinihingal ako sa ginagawa kong pagmamadali.

Nagsisimula na rin akong pawisan kahit na malamig ang simoy ng hangin. Nangingilid na ang aking mga luha dahil alam ko at hindi ako pwedeng magkamali na may sumusunod sa akin!

Ramdam na ramdam ko ang bawat yabag niya mula pa kanina pag-alis ko doon sa plaza.

"Shet na malagkit! Keisha Samantha! Ano ba kasing katangahan mo 'yan? Sana di ka na muna umuwi diba? Sana nakitulog ka muna diba? Sana nag-antay ka nalang muna na sumikat ang araw diba! Tanga ka talaga kahit kailan! Pero sana naisip ko 'yan kanina diba! Kainis." Sumbat ko pa sa aking sarili sa aking isipan. Niyakap ko nalang ang bag ko at ang kaninang lakad ay naging mas mabilis pa.

Napapakagat labi nalang ako sa sitwasyon ko ngayon habang naiiyak.

Tulungan niyo naman ako...

Ang mga butil ng pawis ko ay nadagdagan na ng paunti-unting pagpatak ng ulan. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko, sinamahan ko na ito ng takbo at nang tuluyang bumuhos ang ulan ay tumakbo na ako paliko sa isang kanto at....


"Ahhhhhhhhh! Hindi hindi! Ayoko! Huwag po! Bitawan mo ako!" Malakas na sigaw ko habang nagpupumiglas sa taong nakahawak sa akin at patuloy na nagwawala.

"Keisha! Keisha! Ano bang nangyayari sa'yo? Si Ate Jaise 'to! Kei!" Ang higpit ng pagkakahawak sa akin ng tao na 'to sa aking braso habang niyuyugyog ako. Ngunit malabo ang paningin ko dahil sa aking mga luha. Hindi ko makita kung sino siya kaya natatakot ako. Lalo na at bumabalik na naman sa akin ang isang masakit na alaala.

"Kei, pakinggan mo ang boses ko! Si Janna Louise 'to, yung Ate mo sa Cafe!" Napatigil naman ako at tila nabalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang boses na 'yon.

Tinitigan ko siya at nang mapagtanto ko na siya nga si Ate Jaise, napayakap ako sakanya.

"Ate, hindi. Ate..." Sabi ko nang muli tumulo ang aking mga luha at lalong humigpit ang pagkakayakap ko sakanya.

"Shhhhh..." Pilit niya naman akong pinapakalma habang hinahaplos haplos ang likod ko. Narinig ko naman ang medyo paghikbi niya, marahil ay natakot rin siya sa inasal ko kanina.

Napatuloy lamang ako sa pag-iyak habang yakap yakap niya ako. Hindi ko maalis ang takot na namamayani sa aking puso. Takot na hindi lamang ngayon naramdaman. Takot na mula pa sa nakaraan. Paano matatakasan? Paano maiibsan muli ang sakit? Kung gayong lahat ay bumabalik?

Humagulhol lang ako ng humagulhol sa mga bisig ni Ate Jaise.

"Si Devin..." Sambit ko nang hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang pangyayaring 'yon. "Kasalanan niya 'to..." Sambit kong muli dahilan para kumalas si Ate sa pagkakayakap.

"Anong ginawa sa'yo ni Devin?" Titig na titig si Ate sa mga mata ko. Tila ba naghihintay siya ng sagot.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong oras na 'to para magtanong. Pero naalala mo ba nung nasa stock room tayo bago ka ma-ospital? May sasabihin ka, hindi ba? Tinatanong mo sa akin paano kung naisuko mo na ang pechay mo at kay Devin pa? Ngayon ikaw ang tatanungin ko, bumukangliwayway ka na ba? Umamin ka Keisha! Bumigay ka na ba? Wala na ba?" Inalog alog niya pa ako mula sa pagkakahawak niya sa magkabila kong balikat.

Napakagat labi lamang ako sa tanong niya habang sinusubukang pigilan ang aking mga luha para ihanda ang sagot ko ngunit nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Unti unting napuno ng pagkabigla ang mukha ni Ate Jaise. Pabulol bulol pa siyang nagsalita.

"B-bumukangliwayway ka na Kei?" Maluha luha niyang sabi na siya namang pinagtatakhan ko.

Niyakap niya naman ako habang umiiyak iyak pa siya.

"Kei, okay lang 'yan. Tanggap kita at naiintindihan kita." Sabi pa niya habang humihikbi hikbi.

"Ate..." Pero pinutol niya ako.

"Wag ka na magsalita Kei, alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Wag kang mag-alala, nandito ang Ate ha, gagabayan kita sa pagiging single mom mo kung sakaling mabuntis ka." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napakalas ako sa mga yakap niya.

Nagpahid siya ng kanyang mga luha at hinawakan ang kanang pisngi ko, habang ang kabila niyang kamay ay hawak naman ang isa kong kamay.

Naluluha na naman siya kaya nakabusangot ang kanyang mukha.

Natulala na lamang ako sa kanya. Maging ang aking mga luha ay natuyo na lang. Wala na akong nasabi.

Maya maya ay kumuha siya ng tubig, akala ko naman ipapainom niya sa akin dahil ako yung nagwawala kanina. Pero halos ubusin niya lang yung isang pitsel ng tubig.

Kinuha ko na ang pagkakataon na ito upang makapagpaliwanag. Sigurado akong hindi na niya mapuputol ang sasabihin ko dahil umiinom siya.

"Ate hindi naman ako bumukangliwayway. Walang nangyari sa amin ni Devin gaya ng iniisip mo kaya hindi ako mabubuntis." Malumanay kong sabi ngunit napabuga si Ate Jaise ng kanyang iniinom na tubig. Nasamid rin siya kaya naman nilapitan ko siya para himas himasin ang likod.

Nang maka-recover ay tumingin lamang siya sa akin na punong puno ng pagtataka. Pamulat mulat pa siya habang titig na titig sa akin.

Pinanliitan ko lang siya ng mata.

Siya namang dating ni Kuya Ron dito sa kusina kaya hindi ko na natalakan pa si Ate Jaise.

"Ah pasensya na kung ngayon lang ako. Kinausap ko kasi si Marco tungkol sa nangyari kanina." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ano bang kinalaman ni Kuya Marco sa lahat ng nangyayari sa akin? Bakit parang lagi nalang dawit ang pangalan niya sa tuwing may ganito? Imposibleng siya ang dahilan ng mga sunod sunod na pagbabalik sa akin ng trauma ko.

"Anong sinabi mo sa kanya? Saka nasaan na siya?" Usisa naman ni Ate Jaise na nakapag-ayos na ng kanyang sarili.

Ito na naman silang dalawa, seryosong nag-uusap tungkol kay Kuya Marco.

"Sinabihan ko lang siyang wag na munang maglalapit kay Kei dahil napapadalas ang pag-trigger ng trauma ni Kei." Seryosong sabi ni Kuya Ron habang nakapamulsa.

"Sinabi mo na dahil sa kanya?" Medyo nagaalalang sabi naman ni Ate Jaise habang papalapit kay Kuya Ron.

"Syempre hindi, ang sabi ko lang kapag may lalaking lumalapit kay Kei." Mukhang nakuntento naman si Ate Jaise sa sagot nito kaya hindi na siya sumagot pa.

Hindi na ako nakatiis at nakisingit na ako sa usapan nila.

"Sandali, dahil kay Kuya Marco? Impossible." Tila ba pagtatanggol ko pa sa kanya. "Matagal na natin siyang kasama, diba? Kilala niyo rin naman siya. Kung dahil sa kanya, sana noon pa ako nagkaganito. Pero hindi, ngayon lang. Nito lang mga nakaraan matapos nung mangyari sa pagitan namin ni Devin." Iwas tingin kong sabi habang nakapamewang at kagat labi.

"So bumukangliwayway ka na nga? Wala na ang perlas ng silanganan? Naisuko na ang pechay? Akala ko ba sabi mo kanina, walang nangyari sa inyo." Pagtatakang sabi ni Ate Jaise at napakamot pa siya sa ulo. Medyo naiinis niyang sabi.

Tahimik lang si Kuya Ron siguro dahil pinili niya nalang na wag makisabat sa usapang babae.

Medyo nauubusan na rin ako ng pasensya sa kanilang dalawa.

"Pwede ba? Tumigil ka na, Ate. Hindi kami nag-sex, okay?" Medyo nabigla siya sa sinabi ko.

"Na-gets mo na ba ang gusto kong sabihin? Hindi kami nag-sex at wala akong balak makipag-sex kay Devin. Ang ibig ko lang naman sabihin, nagsimula ang trauma na ito mula nung bumalik siya sa buhay ko. Kaya tigil tigilan niyo na rin ang pagsasabi na kasalanan ni Kuya Marco ang lahat nang ito dahil hindi! Wala siyang kinalaman sa lahat nang 'to."

Medyo may pagtataas ng boses kong paliwanag sa kanilang dalawa na siya namang nakapagpatahimik sa kanila. Naparahas na din ang paghawi ko sa aking buhok dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Bakit ba kasi kung sino pa yung mabuting tao sa akin siya pa yung ginagawang masama? At kung sino pa yung taong masahol pa sa hayop, siya yung masaya ang buhay at hindi miserable!

"Kei, huminahon ka. Hindi kasi si Devin ang pinag-ugatan ng lahat ng nangyayari sa'yo. Nagsimulang ma-trigger ang trauma mo doon sa stock room noong kasama mo si Marco. Tapos kanina nong magkasama kayo sa banyo." Pagpapaliwanag ni Kuya Ron pero hindi ko na siya pinatapos pa.

"Kuya hindi! Kahit sino pang kasama ko doon, walang magbabago sa mga nangyari. Si Devin ang dahilan ng lahat ng ito! Wala siyang ibang dulot sa akin kundi ang sakit ng nakaraan. Lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng hirap na dinanas ko sa loob ng nakalipas na dalawang taon, dala dala niyang muli ang lahat ng iyon ngayon sa buhay ko!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Nakakaubos ng pasensya ang ginagawa nilang pagtatanggol sa hayop kong ex.

"Kei makinig ka naman sa amin!" Sigaw sa akin ni Ate Jaise. May sasabihin pa siya pero sinagot ko na agad siya.

"Kayo ang makinig! Hindi niyo ba nakikita na si Devin yung may kasalanan nito! Alam niyo naman kung anong pinagdaanan ko sakanya diba? Kayo ang kasama ko 2 years ago nung mapadpad ako dito para kalimutan siya. Alam niyo gaano ako naghirap para lang maalis siya sa puso at isip ko. Kayo ang kasama ko nang mga panahon na iyon, hindi ba? Pero sabagay, hindi niyo nga pala alam lahat ng nangyari sa akin kaya siguro ganyan nalang kayo kung ipagtanggol si Devin."

Sarcastico kong sabi sa kanilang dalawa. Wala akong panahon para makipagtalo pa sa kanila. Kailangan ko ng hangin, ayoko ng ganito.

"May kailangan ka kasing malaman, Kei! Yung nakita namin sa-- Kei! Sandali lang." Hinawakan niya pa ang kamay ko para pigilan ako. Ngunit inalis ko lang ang pagkakahawak niya sa akin.

"Tama na Ate! Wala akong dapat malaman dahil malinaw sa akin ang lahat!" Sabay talikod at kahit na ano pang sabihin nila, hindi nila mababago ang isip ko na si Devin ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari.

"Pero--" Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Jaise." Pagpigil ni Kuya Ron kay Ate na humabol sa akin."Buksan mo 'yang mga mata mo Keisha. Wag kang magbulag-bulagan at wag kang tanga." Maikli ngunit sapul ako sa puso sa sinabi ni Kuya Ron. Ano bang ibig niyang sabihin?

Tuluyan nalang akong umalis sa kusina at pumunta sa locker room upang doon magbihis. Inalis ko nalang sa aking isipan ang mga sinabi nila.

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi inis.

Habang tinatanggal ko ang butones ng aking uniform ay bigla na lamang namatay ang ilaw.

Hindi ko nagawang makasigaw ngunit sinalakay ng kaba ang aking dibdib.

Hindi maaari.

Alam ko ito.

Nangyari na 'to.

Tandang tanda ko 'to.

"Ahhhhh! Hindi hindi! Ayoko! Huwag po! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko sa taong may hawak sa akin.

Madilim ang paligid, walang kahit na anong ilaw.

Hindi ko maaninag ang mukha ng taong ito.

Mas humigpit pa ang hawak niya sa akin.

Hindi lang siya isa, dalawa silang may hawak sa akin.

"Hindi... hindi... please. Umalis ka sa utak ko, ayokong maalala." Sabi ko habang nakapikit at tinatakpan ang dalawa kong tainga, pilit na kinakalimutan ang pangyayaring 'yon. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko.

Sinasapok sapok ko na ang ulo ko para maalis sa utak ko pero patuloy pa rin.

May isang nagsalita, galing sa may harapan.

"Bakit siya pa rin ha? Akala mo ba hindi ko malalaman na nakipag-sex ka sa ex mo? Lahat ginawa ko para sa'yo!" Napasigaw ako dahil sa gulat nang sumigaw siya at binato ang boteng hawak niya.

Nakakatakot siya. Kahit na hindi ko maaninag ang kanyang mukha, alam kong galit siya base sa tono ng kanyang boses.

"H-hindi ko alam ang---"

"Manahimik ka!" Bigla namang tumulo ang mga luha ko nang dahil sa pagsigaw niya. Diyos ko, tulungan niyo po ako. Baka kung anong gawin sa akin ng mga lalaking 'to.

Hindi ko naman sila kilala at wala akong natatandaan na kaaway. Kaya bakit ako?

"Tama na! Ayoko na! Ayoko maalala!" Sigaw ko habang nakapikti at tinatakpan ang aking tenga. Ayoko ng marinig ulit ang lahat ng iyan.

"Akala mo ba papayag ako na matapos lang tayo ng ganun ganun lang? Hindi ako papayag na tapakan mo ang pagiging lalaki ko, Alyanna. Humanda ka sa akin ngayon dahil dadalhin kita sa impyerno!" Hudyat iyon para kaladkarin ako ng mga lalaking may hawak sa akin.

Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa dahil sa higpit nang hawak nila sa akin.

"Tama na sabi!" Pagkasigaw ko ay napamulat ako at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa aking harapan ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Dadalhin kita sa langit." Pagkasabi niya non ay nanlaki ang aking mga mata at sinalakay ng kaba ang dibdib ko.

N-nagbalik ba siya? Humakbang ako paurong ngunit dead end, locker itong nasa likuran ko, wala akong matatakbuhan. Walang anu-ano'y nakalapit agad siya sa akin at nilagay ang isang panyo sa aking ilong at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng aking mga mata.

~°~

A/N:

HELLOOOOOOOO!!!!! FIRST UPDATE OF 2020! Once a year ata ako mag-update? Charot. 😂 Sana yung mga dating nagbabasa nito ay samahan pa rin ako hanggang matapos ko to. 😭 Pasensya na talaga sa napaka tagal na update, it's just that, 2019 is not my year. Masyadong maraming nangyari at plot twist sa buhay ko. 😅

Anyways! THE QUEENS ARE BACK!!! 😍 Sana samahan niyo ulit sila sa journey ng buhay nila. HEHE.

Any thoughts about this Chapter? Comments will be highly appreciated. Thank you so much Queenies! 👑

Sending Love,
PrincessMela. ❤

PS. Stay at home and keep safe. Di natin alam kung kelan ba talaga mali-lift ang ECQ.

~°~
Posted on:
May 5, 2020, 7:30 PM
~°~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top