Kabanata 8

kabanata 8

Kasalukuyang inaayos na nina Saffira ang kanilang gamit upang makauwi na. Madaling araw pa lamang, medyo madilim pa kung kaya't ang gamit nila'y gasera at lampara upang matanglawan ang kanilang daraanan.

"Maraming salamat po talaga sa inyo. Malaki po ang utang na loob namin sa inyo kung kaya't asahan niyo po ang aming suporta," pagpapasalamat ni Gilbert.

Napalunok si Saffira ng dumapo ang tingin ni Gilbert sa kaniya. Hindi pa siya sanay. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Kahit pa paano'y nakararamdam ng pagka-guilty si Saffira dahil hindi niya masusuklian ang pagtingin ng binata sa kaniya.

Para kay Saffira, kaharian muna, ang kaniyang layunin at obligasyon ang dapat munang pagtuunan ng pansin dahil kung hindi ito pagtutuunan at mas inuna niya ang ibang bagay baka maglaho na lamang ito na parang bula.

"Walang anoman 'yon. Alagaan mo ang iyong ama upang gumaling siya," singit ni Lucian.

Napatingin ang lahat kay Saffira. Naramdaman niyang hinihintay nilang magsalita siya kung kaya't pinilit niyang ibuka ang kanyang bibig.

"Ahm... m-makakaasa po kayo sa akin. Ako nga po ang lubos na magpapasalamat sapagkat buong puso niyo po akong tinanggap sa inyong pamamahay at tinulungan niyo pa po ako sa aking pakay dito."

Hinawakan ng ina ni Gilbert ang kamay ni Saffira. "Maraming umaasa sa'yo, nawa'y matupad mo ang nais mo..." Nginitian niya ito at saka niyakap.

"Magpaalam tayo kay tata Inggo," wika ni Lucian.

Tumango silang lahat kaya't inutusan ng nanay ni Gilbert na papuntahin sa kanilang tahanan si tata Inggo upang makapagpaalam at makapagpasalamat.

Uugod ugod itong pumasok ng bahay. Nagmano ang lahat bilang paggalang.

"Buti at naabutan nating gising si tata Inggo..." turan ni Lucia.

Bumulong si Mercy sa kaniyang anak. "Ganyan talaga kapag may edad na, maagang nagigising." Napatango na lamang si Lucia.

"Ay jusko! Sinumpong ako ng pananakit ng kasu-kasuan!" reklamo ni tata Inggo habang iniinda ang sakit kahit na ito'y nakaupo na.

"Tata Inggo, magpapaalam na po kami. Uuwi po muna kami dahil marami pa kaming kailangan asikasuhin sa bahay at yung trabaho pa ho namin. Pero hayaan niyo po, babalik po kami sa isang Linggo dito upang magkaroon na nang pagpupulong ukol sa gagawing paglaban kay Beaflor. Nawa po ay matulungan niyo kaming makumbinsi ang mga taga rito na pumanig sa queen
upang makaupo na siya sa trono." sabi ni Lucian.

"Mag-iingat kayo, lalong lalo na kay Beaflor. Hayaan niyo, kukumbinsihin ko sila. Nawa'y huwag na silang maging bulag pa at makita na sana nila ang liwanag," pangaral ni tata Inggo sa kanila. Tumango sina Saffira.

"O siya, maglakbay na kayo para hindi na kayo abutan ng sikat ng araw, para mas marami ang inyong magawa. Dalhan niyo ako ng cacao ha." Biro pa ng matanda. Tumawa pa ito ng malakas at dahil doo'y natawa rin sina Saffira.

"Isang sako po ba ang gusto niyo, tata Inggo?" tanong ni Lucia.

"Abay kung kaya niyo ay bakit hindi?" Muli'y humagikgik ito.

----XXX

"Nawa'y ingatan kayo ng poong maykapal sa inyong paglalakbay..."

Pinatakbo na ni Lucian ang kabayo. Malayo-layo pa ang kanilang lalakbayin kaya nakatulog sina Saffira, Lucia at Mercy sa loob ng kalesa.

----XXX

"Wahhhhhh!" Isang malakas na sigaw ang narinig nila Saffira habang kumukuha ng gamit sa kalesa.

Kahagad na nagtungo si Saffira, Lucian at Mercy sa kinaroroonan ni Lucia. Nasa tapat ito ng pinto at nanlalaki ang mata sa nakita.

"Ano iyon--" hindi na naituloy ang sasabihin ni Saffira sapagkat nagulat din siya nang makita ang mga gulo gulong gamit sa loob ng kanilang bahay.

Nakita rin ito nina Lucian at Mercy. Bakas ang pagkagulat nila sa kanilang nadatnan.

"Sino ang may gawa nito?!" sigaw ni Lucian.

Basag ang mga babasaging kagamitan. Nagkalat ang mga gamit nila sa lapag. Nang sila'y nagtungo sa kwarto nila ay nadatnan nilang nagkalat ang mga damit nila, wala na ito sa aparador. Gulo-gulo ang mga ito at lukot lukot na. Naiwang nakatiwangwang ang mga bukas na kabinet animo'y may hinahanap ang mga gumawa nito. Maging ang sapin ng kanilang kama ay hindi pinatawad, sinira ito't tinanggal.

Sa kusina naman ay basag basag ang mga plato, platito, baso at nagkalat naman ang mga kutsara't tinidor. Maging ang mga kabinet sa kusina'y ininspeksyon din.

"Ano ba ang hinahanap nila!!" mangiyak ngiyak na sabi ni Mercy.

Nagtungo si Saffira sa pintuan. Tiningnan niya ang lalagyan ng padlock nito. Nakita niyang sinadyang sinira ito. Nakita din ni Saffira na sira ang kandado ng pintuan. Nilibot niya ang kaniyang paningin. Ang mga bintana'y may mga nakasulat na ekis. Muli niyang nilibot ang kaniyang paningin nakita niya ang isang magandang papel na nakalagay sa lamesa ng sala.

Binuklat nita ito at saka binasa ang nakasulat.

"Wir werden zurückkommen, wenn Sie Saffira morgen nicht in Flesco bringen würden, zehn Uhr abends.." (Babalik kami kapag hindi ninyo dinala si Saffira, bukas sa Flesco. Alas Gis ng gabi.)

Walang nakalagay kung sino ang nagsulat at nagpadala nito ngunit batid ni Saffira na may kinalaman si Beaflor dito.

Nakakabasa ng German si Saffira dahil tinuruan siya noong bata siya dahil alam ng kaniyang mga magulang na kakailanganin niya ito kapag napunta siya sa posisyon bilang queen.

Nanggigil siya nang mabasa nga ang nakasulat. Nilamukos niya ito at hinagis.

Napadaan si Lucia dahil unti-unti niyang inaayos ang mga ginulong gamit. Napatingin si Lucia kay Saffira sapagkat nakakunot ang noo nito kaya nag-alala si Lucia.

"K-kamahalan? Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Lucia. Napansin kasi niya na mabilis ang paghinga nito at tila balisa.

"Ah, ayos lang ako. Sige na, huwag mo na ako alalahanin. Tulungan mo ang iyong ama't ina." Pilit na ngumiti si Saffira kay Lucia upang kahit pa paano'y gumaan ang pakiramdam nito.

Nagtungo si Saffira sa kwarto nina Mercy dahil alam niyang nandoon ito.
Kumatok si Saffira sa hamba ng pintuan.

"Oh, Welliane, may kailangan ka ba?" anito habang tinitiklop ang mga damit.

Lumapit si Saffira kay Mercy at umupo sa kama.

"Pabigat na po ba ako sa inyo?" tanong ni Saffira.

Kahagad inalis ni Mercy ang tingin sa ginagawa at seryosong tiningnan si Saffira dahil sa sinabi nito.

"Isa kang pampaswerte sa aming pamilya..." sagot ni Mercy.

Naiiyak na tumingin si Saffira. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa kaguluhang ito. Alam niyang pinaghahahanap na siya ng mga kawal ni Beaflor. Siguradong madadamay at madadamay ang pamilya nila Lucia hangga't hindi nila binibigay si Saffira. Paniguradong may nagsabi sa mga knights at sa kawal ni Beaflor na narito sa pamamahay nila Lucian si Saffira kaya't pinuntirya nila ang pamilya ni Lucia.

"P-pero ako po ang d-dahilan..." Hindi maituloy ni Saffira ang gusto niyang sabihin dahil naiiyak siya. Hindi siya makahinga.

Nginitian siya nito at saka niyakap. "Welliane, para nakitang anak. Huwag mo sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari dahil hindi mo kasalanan 'yon. Nandito lang kami parati..."

Napahagulgol sa iyak si Saffira hanggang sa makatulog siya sa balikat ni Mercy. Doon sa kwarto nina Lucian siya nakatulog.

----XXX

"Ina, paano na n-ngayon tanging sa cacao na lamang tayo umaasa. Ito na lang ang tanging hanap buhay natin tapos mawawala pa!"

"Shhh huwag ka maingay. Baka marinig ka ni Welliane..."

Naalimpungatan si Saffira sa mga bulungan at pag-uusap.

"Pero ina doon lang tayo kumukuha ng pang araw-araw natin!" Narinig ni Saffira ang hagulgol ni Lucia.

Kinagat ni Saffira ang kaniyang labi. Parati niyang sinisisi ang kaniyang sarili.

Gumawa muna siya ng ingay kunwari upang malaman nila na gising na siya, alam niya kasi sa sarili niya na ayaw nilang iparinig kay Saffira iyon.

Lumabas siya ng silid nakita niya si Lucia na tumalikod at nagmadaling lumabas ng bahay. Si Mercy naman ay ngumiti sa kaniya kahit batid na ni Saffira sa mga mata nito na malungkot siya sa mga sinapit ng kanilang mga ari-arian na alam niyang matagal nilang hinintay.

"Welliane, kumain ka na, sa sobrang puyat mo nalipasan mo na rin pati ang tanghalian. Kumain ka na rin ng panghapunan mo." Inaya niya si Saffira papuntang kusina, medyo maayos na sa kusina pero kita pa rin ang bakas ng pagkakagulo dito. Buti at may natira pang mga kubyertos.

Napagmasdan ni Saffira na tuyo ang ulam nila. Sabi niya sa kaniyang sarili, Wala ako sa lugar para magreklamo dahil ako rin mismo ang naging sanhi kung bakit ito nangyayari sa pamilya nila.

"Pasensiya ka na, Welliane. Buti at may awa pa ang gumawa nito, tinirhan pa tayo ng limang pirasong tuyo kahit papaano." Ngumiti siya kahit alam ni Saffira kumikirot na ang puso niya.

Magbabayad kayo sa akin Beaflor... Makikita niyo rin ang paghihiganti ko...Nanggigigil na wika ni Saffira sa kaniyang sarili.

---XXX

Gabi na, hindi pa rin makatulog si Saffira dahil nga nakatulog siya ng matagal na oras. Tulog na ang mag-anak.

Hinanda na niya ang kaniyang sarili. Kinuha na rin niya ang itak at espada ni Lucian.

Buo na ang kaniyang loob. Wala nang makapipigil sa desisyon niya, kahit na ikapapahamak pa ito ng kaniyang buhay.

Mariing pinusod ang buhok at tinago ang sarili sa isang itim na balabal.

Inalis niya ang pagkakatali ng kabayo. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay. Dahan- dahan niyang nilakad ang kabayo. Pilit niyang pinatatahimik ang kaunting pagwawala nito.

Pinaamo niya muna ang ito at saka siya sumakay dito.

Bago siya umalis sandali niyang tiningnan ang buong bahay nina Lucia. Maslalong napahigpit ang kaniyang paghawak sa kabayo at dali-dali na siyang umalis.

----XXXX

"Hanapin niyo siya! Huwag kayo titigil hangga't hindi ninyo napapatay ang babaeng iyon!" Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni Beaflor nang nalaman niyang hindi pa rin nakikita ng kaniyang mga kawal ang anak ni Reyna Garmelyn.

Hingal na hingal siya at nanggigigil na dinuduro ang walong kawal na nakatingin na lamang sa pinakintab na sahig. Nasa kwarto sila ng palasyo na kung saan doon lamang puwedeng mag-usap ang mga kawal, knights, mga opisyal at mga nakatataas na posisyon sa kaharian.

"Ipagpaumanhin niyo po. Hayaan niyo po naglagay po kami ng sulat sa kanilang bahay. Paniguradong mamayang Alas Gis ng gabi ay narito na po siya." Wika ng isa sa nakatataas sa walong kawal.

Humalukipkip si Beaflor at taas kilay na tiningnan ang nagsalita. Tila kinakalma ang sarili. "Sa palagay niyo ba'y ibibigay nila ang anak ni Garmelyn?" Nanlilisik ang mata ni Beaflor.

Sabay-sabay silang tumango ngunit hindi pa rin kumbinsido si Beaflor kung kaya't mas lalong umigting ang panga niya.

"Mga inutil! Kapag hindi ibinigay ang anak ni Garmelyn sa oras ng Alas Gis, isa-isa ko kayong ipapapatay maging ang pamilya ninyo!"

Nanlamig ang mga kawal nang narinig nilang na sa bingit na ng kamatayan ang kanilang mga sarili at ang kanilang pamilya kaya nang sila'y pinalabas na ni Beaflor ay nagpulong silang lahat upang gumawa ng plano.

"Kailangan nating kausapin si Gilbert, sa pagkakaalam ko ay malayong kamag-anak niya ang pamilya nila Lucian," wika ng isang kawal na may kaliitan.

Napahalukipkip ang nakatataas na kawal at napakunot ang noo. "Nararamdaman kong kampi si Gilbert doon... at tinatago lang niya. Sa tingin ko ay hindi gagana ang plano na 'yan."

Napaisip ang lahat... siguro'y tama nga ang sinabi nito. May naisip na ideya ang isang kawal na sobrang kisig ng katawan, kahagad niyang sinabi ang kaniyang ideya.

"Dakpin natin ang anak ng yumaong reyna..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top