kabanata 7
Kabanata 7
I'm not ready
"Handa na ba ang lahat?"
Hinahanda na nina Mercy, Lucian, Lucia at Saffira ang mga kakailanganin nilang dalhin. Nagdala sila ng mga pagkain upang ibigay sa mga tao roon.
Si Lucia ay hindi mapakali. Papari't parito siya sa kalesa at sa bahay. Napansin naman ito ni Saffira kaya kahagad niya itong kinausap.
"Lucia, ayos ka lang ba? Kanina pa kita napapansin e."
Nag-aalalang tumingin si Lucia kay Saffira.
"Ate Welliane, paano kung hindi ka nila tanggapin doon?"
Napaangat ang labi ni Saffira. Baka nga dumating sa punto na ganoon ang mangyayari. Maspipiliin ng mga taga-Calimborg na kampihan ang kapamilya kaysa iba.
"Basta, gagawin ko ang lahat at kapag nakuha ko na yung loob nila, gagawin ko silang hukbo ko na lalaban kay Beaflor."
"Mahirap po 'yon..." wika ni Lucia.
"Kahit mahirap, kakayanin ko."
Napatingin sila sa kinaroroonan nina Mercy at Lucian dahil tinatawag na sila nito.
----XXX
Patungo na sila ng Calimborg. Hindi alam ni Saffira kung ano ang nararamdaman niya dahil halo-halo ang kaniyang mga emosyon mayroong takot, pangamba, lungkot at awa dahil naghihirap sila at tuwa dahil may mapapatunayan na siya sa sarili niya.
"Ayos ka lang?" tanong ni Mercy kay Saffira.
Napansin kasi nito na malalim ang iniisip niya.
"Ayos lang po ako," wika niya sabay ngiti.
"Nandito lang kami parati, Welliane. Hindi ka namin pababayaan sa kahit anong laban mo..."
Naantig muli ang puso ni Saffira sa mga sinabi ni Mercy. Salamat sa pamilya nila Lucia kung hindi dahil sa kanila baka duwag pa rin siya ngayon. Baka 'di niya makuhang pumunta man lang sa Calimborg.
"Salamat po," wika ni Saffira.
Naging maganda ang takbo nang kanilang biyahe. Hindi ganoon kainit dahil mayroong nagbabadyang ulan. Napakarami nilang dala-dala, mayroon silang mga damit na pinagliitan, mga simpleng pagkain, bulaklak (pasalubong sa ama ni Gilbert) at ang kanilang mga sarili.
Lubos na kinakabahan si Saffira, para siyang nagsasagot sa isang pagsusulit at tatlong minuto na lamang ang kailangan para makapagsagot. Nanlalamig din ang kaniyang mga kamay pero parati niyang pinagsisiksikan sa kaniyang isip na kaya niya, na mapapagtagumpayan niya ito.
Nakatulog ang tatlo sa byahe, tanging si Lucian lamang ang gising dahil siya ang nagmamaneho.
"Gising na kayo, nandito na tayo..." 'Yan ang nagpagising kay Saffira.
Naalimpungatan si Lucia. Si Mercy ay kahagad na bumaba upang magdala ng mga gamit.
Sinalubong sila ni Gilbert. Napansin ni Saffira na tila pilit lamang ang ngiting isinalubong sa kanila ni Gilbert.
"Kamusta po biyahe?" tanong ni Gilbert habang tinutulungan sila magdala ng mga gamit.
"Ahm... maayos naman." Inilibot ni Saffira ang tingin sa paligid. Walang masyadong tao, mga bata na titingin tingin lamang ang nakikita niya.
"Gilbert, patulong nga dito." Tinulungan nga ni Gilbert si Lucian.
"Saan tayo pwedeng magsimula?" tanong ni Saffira kay Gilbert.
"Sa bahay po muna namin, kamahalan..."
Ipinasok nila ang mga gamit sa bahay nina Gilbert. Inilapag nila ito sa malaking lamesa.
Nang inilibot ni Lucia ang kaniyang tingin napansin niyang walang tao sa bahay nila.
Nagtanong siya kay Gilbert, "ikaw lang ang tao?"
"Nasa kwarto sila..."
Napangiti si Lucia at saka hinanap ang kwarto na kung saan nandoon ang tiyo at tiya niya. Tiningnan lamang ni Saffira si Lucia.
"Nararamdaman ko ang kaba mo, kamahalan."
Nginitian lamang siya ni Saffira at muling tumulong sa pagdala ng gamit.
Nang matapos na sila sa pagbibitbit ng mga gamit ay pinaupo muna sila ni Gilbert sa kanilang maliit na sala.
"Pasensiya na po kayo sa bahay namin, kamahalan.," nahihiyang tugon ni Gilbert.
"Naku! Bakit ka naman nahihiya?"
"Ang liit po kasi ng bahay namin..."
"'Wag kang mag-alala sa akin, ganito din ang bahay namin."
Nawala ang atensiyon nila sa usapan nang mayroong lumabas galing sa isang maliit na pasilyo. Ang ina ni Gilbert kasama si Lucia na lumabas nang may nag-aalalang mukha.
Napatingin ang ina ni Gilbert kay Saffira. Seryoso siyang tumingin dito pagkatapos ay inaya si Mercy.
"Mercy, pwede ba kitang mahiram saglit?"
Tumango naman si Mercy at nagnakaw nang tingin kay Saffira.
Bago pa sila tumalikod ay tinawag ni Gilbert ang kaniyang ina, "inay..."
Pero dirediretso lamang ito sa paglalakad. Hindi siya lumingon kay Gilbert kahit na tinawag siya nito.
Nilapitan ni Lucia si Saffira at hinimas ang likod.
"'Wag kang mag-alala, ate Welliane. Konting kiliti lang dyan siguradong makukuha mo na ang loob nila..."
Patuloy niyang pinapalakas ang loob ni Saffira. Gustong umiyak ni Saffira dahil sa pinanghihinaan na siya ng loob, tingin pa lamang ng ina ni Gilbert parang ayaw na siyang tanggapin. Kung hirap na si Saffira sa nanay ni Gilbert paano pa kaya sa ibang tao?
Nang bumalik sina Mercy at ina ni Gilbert ay huminto sila sa harapan nila. Animo'y may dumaang anghel dahil sa katahimikan.
"Ikaw ba ang namatay na anak ni reyna Garmelyn?" tanong ng ina ni Gilbert kay Saffira.
Kahit kinakabahan ay magalang siyang tumango.
Humalukipkip ito at naningkit ang mata, "alam mo bang dinadala mo kami sa kamatayan?"
"Inay!" Gustong pahintuin ni Gilbert ang kaniyang ina pero ayaw nito papigil. Hinawakan na ni Gilbert ang braso nito pero pilit nitong inaalis ang kamay niya.
"Tigilan mo ako, Gilbert. Pare-parehas tayong mamamatay dahil sa babae na 'yan. Hindi niyo ba naisip 'yon Mercy? Lucian?"
"Gudencia, hindi mo din ba naisip na mamamatay din tayo kapag ang anak na ni donya Beaflor ang umupo sa trono?"
"Si Beaflorida? Mas mayroong karanasan 'yon kaysa dyan..." pang mamaliit niya kay Saffira.
Dahil sa sinabi ni Saffira ay napatayo siya at sinabing, "mawalang galang na po, hindi mo pa po ako lubusang kilala. Ni hindi mo pa nga po alam kung ano magagawa ko. Hindi pa po ako ang nakaupo sa trono pero hinuhusgahan niyo na po kahagad ang kakayahan ko. Sa pagkakaalam ko po, hindi binabase ang pamumuno sa karanasan niya, binabase po 'yon sa kung gaano siya kapursigido paglingkuran ang nasasakupan niya. Sana naman po bigyan niyo ako ng pagkakataon na ipakita sa inyo ang mga kakayanan ko."
Nagsitinginan ang lahat kay Saffira. Napangiti si Lucia na katabi lamang niya.
"Sige... pumapayag ako."
Nanlaki ang mata ni Saffira at napatalon ang kaniyang puso sa sobrang tuwa.
--XXX
"Maayos lang po ba kayo?"
Hinimas ni Saffira ang noo ng ama ni Gilbert. Nakatingin lamang ito kay Saffira habang ginagawa niya iyon. Payat at tuyo na ang balat nito.Namumula ang mga mata at hindi na makalakad.
Pinagtiyatiyagaan lamang ng pamilya nina Gilbert ang mga herbals para gumaling ang kanilang padre de pamilya dahil sa kamahalan ng gamot na binibili nila.
Inilagay ni Lucia ang bulaklak na dala nila sa isang vase sa tabi ng kama ng ama ni Gilbert.
Medyo hirap na magsalita ang kaniyang ama dahil sa sobrang panghihina.
"Salamat dahil nagpunta kayo dito..." mabagal na utas nito.
Nginitian ito ni Saffira at nagpasalamat din, "ako nga po ang dapat magpasalamat dahil tinanggap niyo po ako sa tahanan niyo."
"Kumain na po ba kayo? Mayroon po kaming inihandang pagkain para sa mga tao dito," tanong ni Saffira.
"hindi pa, dalawang beses lang kami kumakain, minsan isa pa... salamat ulit iha."
Nginitian lamang ni Saffira ito. Kumuha siya ng pagkain, siya rin ang nagsubo ng pagkain sa tatay ni Gilbert. Nahihiya ang nanay ni Gilbert dahil si Saffira pa ang nag-asikaso sa kaniyang asawa. Unti-unti ay nagbabago ang naiisip ni Gudencia kay Saffira.
Napatingin siya sa kapatid ni Gilbert. Nakita niyang ubos na ang pagkain nito at nakatingin pa rin sa kaniya.
"Gusto mo pa? Halika, sumunod ka sa akin. Bibigyan pa kita." Masayang sumunod ang bata kay Saffira.
"Maraming salamat po!" masayang masayang wika ng kapatid ni Gilbert.
"Manang mana ka sa 'kin!" biro ni Lucia sa kapatid ni Gilbert.
Sinimangutan siya nito at saka umalis ng bahay.
---XXX
"Kinakabahan ako..." utas ni Saffira habang ginagalaw ang kaniyang mga kamay para mawala ang kaniyang kaba.
Hapon na, napagdesisyunan ng ina ni Gilbert na tulungan sina Saffira sa pagbibigay ng pagkain sa mga taga-Calimborg.
Naantig ang puso ng ina ni Gilbert dahil hindi niya akalain na ganito ang gagawin ni Saffira, na ganito ang balak niya. Nabago ang pakikitungo nito kay Saffira at mas napalapit dito.
"Pumila kayo! Hindi bibigyan yung mga hindi nakapila ng maayos!" sigaw ito ni Gudencia, ina ni Gilbert.
Nakapila ang mga gutom na gutom na bata. Animo'y mauubusan sila ng pagkain.
Nagsanib pwersa ang lahat, ang kapatid ni Gilbert ang isa sa nag-aya. Sila Lucian at Mercy ang nagbibigay ng inumin sa mga bata. Si Saffira at Lucia naman sa damit at pagkain.
Nakangiti si Saffira habang nagbibigay sa mga bata. Tuwang tuwa siyang nakikita na masaya ang mga ito.
"Maraming salamat po!" ani ng isa.
"Hulog po kayo ng langit!" sabi ng kasunod.
"Mukha ngang anghel sa mukha e..." wika naman ng isa.
Napahagikgik sila sa sinabi ng bata.
Napatingin siya sa batang iyon, sinundan niya ito nang tingin. Nakita niyang pumasok ito sa kanilang bahay.
Nagpatuloy lamang sila sa pagbibigay. Mayroong mga matatanda na uugod ugod na, ito'y inaya ni Saffira na kumain. Tuwang tuwa ito sa ginawa ni Saffira.
Nang malapit na silang matapos ay nakita na niya ang bata na palabas ng bahay ngunit kasunod ay ang ina nito.
Napatingin ito kay Saffira. Bumilis ang tibok ng puso niya nang lumapit ito sa kaniya.
"Ikaw ba yung nagbigay nito sa anak ko?" tanong nito kay Saffira.
"Opo..."
"Maraming sala--- teka, pamilyar ka sa akin," turan nito sabay usisa kay Saffira.
Napayuko siya sa sinabi nito. Mas lalong tumindi ang kaba ni Saffira nang naningkit ang mga mata ng kausap.
"Teka! Ikaw yung hinahanap nila donya Beaflor!" sigaw nito. Dahil doon ay nagsilapit ang mga kasama ni Saffira upang protektahan siya.
Napasinghap ito nang nakita niya ang ina ni Gilbert na pinoprotektahan si Saffira.
"Anak, tawagin mo ang papa mo! Itapon mo yang pagkain na 'yan!"
Hinagis niya ang pagkain na hawak ng anak. Natatakot na ito at hindi alam ang gagawin. Napapatingin siya kay Saffira. Nang gigilid na ang kaniyang luha. Gutom na gutom na siya pero tinapon lamang ito ng kaniyang ina dahil sa galit. Nang nakita siya ng kaniyang ina na hindi gumagalaw ay pinagalitan siya nito.
"Tumigil ka nga, Thessa!"
"Ikaw ang tumigil! Alam mo namang matagal na siyang hinahanap ng mga guwardiya!"
Lumapit si Gilbert at saka sumali sa gulo.
"Aling Thessa, kaya tayo naghihirap ay dahil dyan kina donya Beaflor."
"Bulag ka ba? Naghihirap lang tayo dahil namatay na si King Vincent II na nagpapasweldo sa atin ng malaki!"
Sumingit si Saffira, "Sino po ang may hawak ng mga guwardiya at knights ngayon? Hindi ba si Donya Beaflor. Pero bakit po hindi niya kayo pinapasweldo? Bakit ni kakarampot ng kayamanan niya ay hindi niya ipamahagi sa inyo?"
"Si King Vincent II ang may kapakanan sa amin," sagot nito kay Saffira.
"Pero si donya Beaflor po ang namamahala sa inyo, dahil sumakabilang buhay na si king Vincent II, siya na ang may kapakanan sa inyo."
"Teka, sinisiraan mo ba siya?!"
Natakot si Saffira dahil maslumapit ito sa kaniya. Para siyang kakainin nito sa galit.
Sumingit si Lucia sa sagutan, "mali naman po ang kinakampihan niyo, ginagawang alila ang mga knights at mga guwardiya..." diniinan niya ang pagbigkas ng alila para matauhan ito.
Napatingin sila Saffira sa isang makisig na lalaki na kasama ng batang pinagalitan ng kaniyang ina. Tumayo ito sa tabi ni Aling Thessa.
"Siya yung hinahanap niyo hindi ba?" Dahil sa lakas at taas ng boses ni aling Thessa ay maraming mga tao na ang nagsilabasan ng bahay.
Tiningnan nito si Saffira at nagulat ito.
"Siya nga, siya yung matagal na naming hinahanap..." wika nito.
"Ipahuli niyo na 'yan, baka ipapatay pa tayo ni donya Beaflor," wika ng isang babae na nakikiusisa.
Nagkakagulo na, mas lalong rumami ang mga tao. Hinaharangan na nila Lucian si Saffira upang hindi hulihin si Saffira. Mayroong mga bata na naiipit sa gulo.
Nakakita si Saffira ng malaking bato sa kaniyang likuran at saka siya tumungtong doon upang makita niya ang lahat.
"Tumigil kayo!" sigaw niya.
Nagsitigil nga ang lahat at tiningnan si Saffira sa kaniyang mga gagawin.
"Nagbubulag-bulagan po ba kayo?"
Tila nagtataka ang mga taong nagkakagulo kanina.
"Bakit naman?!" galit na tanong ng isa.
"Sa tingin niyo, bakit ako pinapahanap ni donya Beaflor? Ni minsan ba ay sinabi sa inyo ni donya Beaflor ang dahilan niya kung bakit niya kayo inuutusan? Nagbubulag-bulagan po kayo! Ni hindi niyo man lang alam kung ano ang sinusunod niyo."
Natigilan sila sa sinabi ni Saffira.
"Siguradong alam niyo na rin na namatay ang kapatid ko, noong kapanahunan nila reyna Garmelyn, walang ipinapatupad na death penalty sa mga bata. Pero bakit noong si donya Beaflor na ang namumuno sa inyo, pinapatay na pati ang walang kamuwang muwang na bata?! Bakit noong nalaman ni Beaflor na pupunta kami sa palasyo, kahagad siyang nagpatupad ng death penalty sa mga bata at matanda? Isa lang ang sagot... para patayin kami! Wala kaming ginagawa! Gusto lang naming kunin ang sa amin talaga!"
Nakikinig lamang sila sa sinasabi ni Saffira. Pero hindi mapagkakaila sa kanilang mga mukha ang gulat.
"Matagal akong tinago ng mga magulang ko dahil ipapapatay ako nila donya Beaflor. Matagal na silang may pagnanasa sa trono. At yung sinabi niyang taga-Betenlor ang mga pumatay kay king Vincent II? Totoo 'yon, pero inutusan ni donya Beaflor ang ilang mga taga-Betenlor para patayin ang hari!"
Umiiyak si Saffira nang sinasabi niya ang mga iyon. Sinabi ito sa kaniya ni Gilbert noong nag-eensayo sila, napakinggan niya kasing mayroong kausap si Beaflor kwarto nito at 'yon nga ang narinig niya.
"At bakit naman kami maniniwala sa mga pinagsasasabi mo?" sabi ng isang knight.
Lumapit si Gilbert kay Saffira at saka sinabi ang mga nalaman niya.
"Totoo ang mga sinasabi niya, kilala niyo po ako bilang guwardiya sa palasyo. Ako po mismo ang nagsabi sa kaniya ng mga sinabi niya kanina..."
Dahil doon ay napasinghap ang lahat ng mga nandoon. Halos lahat ng mga taga-Calimborg ay nandoon dahil sa kaguluhan.
Nilakasan ni Gilbert ang boses niya upang marinig ng mga nasa dulo, "noong naatasan akong magbantay sa loob ng palasyo ay hindi ko na iwasan na makinig sa pag-uusap ni donya Beaflor at ng isang 'di ko kilalang bisita. Sabi ni donya Beaflor, dadagdagan pa daw niya ang perang ibibigay niya dahil magaling daw ang ginawa ng taga-Betenlor noon. Ang isa ko pang narinig ay si Reyna Saffira naman ang ipapahuli at ipapapatay, 'yon lamang ang narinig ko pero sana ay maniwala kayo sa kaniya. Alam kong magiging mabuti siyang reyna sa atin..."
Nagulat ang lahat nang lumapit kay Saffira ang matandang binigyan niya kanina.
"Tata Inggo..." wika ng isang guwardiya.
"Nakalagay sa karatula natin ay pamilya ng mga matatapang... matagal na akong retiro sa pagiging knight. Kapanahunan pa ng lola niya ay nagsisilbi na ako sa palasyo." Sabay turo nito kay Saffira.
Itinuloy niya ang kaniyang sinasabi, "Dati, matatalino ang mga knights at mga guwardiya, dahil ang mga guwardiya at knights noon ay mayroong mga utak! Ngayon? Mga bobo at duwarog na ang mga guwardiya at knights! Alam niyo kung bakit? Matagal ko nang sinasabi sa inyo na magprotesta na kayo sa Flesco, may kapakanan naman tayo dahil tayo dapat ang pinaglilingkuran ng mga nasa trono, dapat hindi tayo inaalila at pinapahirapan... dapat hindi kayo matakot sa kanila dahil tayo rin ang tauhan. Kapag wala tayo, sino ang magliligtas at magpo-protekta sa kanila sa mga rebelde? Hindi ba wala? Paano kapag wala ang mga katulong ng kaharian, sino ang magsisilbi sa kanila? Hindi ba wala? Mga bobo kayo! Nasa harapan niyo na ang hinahanap nating reyna hindi niyo pa makita? Hindi lang pala kayo duwarog at bobo, bulag din pala kayo! Alisin niyo na nga ang karatula sa harapan natin."
Maslalong tumahimik ang lahat sa sinabi ni tata Inggo. Para silang pinagalitan ng magulang dahil sa kanilang mga reaksiyon.
Napatingin ang lahat kay Saffira. Tumigil na siya sa pag-iyak niya at napatingin sa katabi.
"S-salamat po," anito.
"Wala kang dapat ipagpasalamat."
"Tata Inggo! Bakit kayo kampi dyan kahit alam mo na maaari tayong ipapatay ni donya Beaflor?" sabi ng isa sa mga tao doon.
Aalis na sana siya kaso dahil sa nagtanong ay lumingon siya, "dahil ito ang tama, dahil siya ang dapat na mamuno. Hindi baling mamatay nang dahil sinunod ko ang tama kaysa sa kamalian. Gamitin niyo utak niyo..."
Umalis na siya pagkatapos.
---XXX
"Sino po si tata Inggo?" tanong ni Saffira habang kumakain nang inihandang pagkain nina Gilbert.
"Siya ang pinakamatandang knight dito sa Calimborg. Mataas ang posisyon niya dati at siya rin ang nagsisilbing leader namin dito," sagot ng nanay ni Gilbert.
"Ah... sa tingin niyo po ba, lalaban na sila kay Beaflor?"
"Mainam nga yung labanan na nila si Beaflor habang wala pa sa trono ang anak niya," singit ni Lucian.
Sabay sabay silang kumain. Ipinaghanda sila ng nanay ni Gilbert. Napagpasyahan nilang doon na muna sila manuluyan dahil lumalalim na ang gabi.
"Kamahalan, tuturuan ko po kayo mamaya. Mag-eensayo po muli tayo..." paalala ni Ggilbert kay Saffira.
Nginitian siya ni Saffira, "maraming salamat , Gilbert sa pagtitiyaga mo sa akin."
"Wala po 'yon..."
Nang matapos silang kumain ay inaya na ni Gilbert si Saffira na magpunta sa sinasabing training ground ng mga knights at mga guwardiya. Mayroon ding mga nag-eensayo soon ngunit hindi na nila pinapansin si Saffira at Gilbert. Hindi nila maiwasan na mapatingin kina Saffira at Gilbert.
Napili nila dito mag-ensayo dahil kumpleto ang mga equipments. Mayroong mga gulong na nakakalat, mga makikitid na tulay na kailangang lampasan, mga putikan na dadaanan at marami pang iba. Malaki din ang espasyo dito na nakadisenyo lang talaga sa pag-eensayo.
"Kailangan mo pong tawirin lahat 'yan ng mabilis. Kumbaga isipin mo po na 'yan ang lugar na kung saan mayroon kang makakalaban. Pagkatapos mo po dyaan ay sasama ako sa'yo, lalabanan kita hanggang sa dulo."
Ganoon nga ang ginawa ni Saffira. Sa una ay hindi pa siya sanay, pauli-ulit siyang nadadapa, nadudulas at natatalisod pero parati siyang tumatayo. Kalaunan ay medyo bumibilis na siya.
Dumating sa puntong kasama na si Gilbert. Hirap na hirap si Saffira dahil isa pa sa pinoproblema niya ay ang tinatapakan niya.
"Saglit lang, Gilbert. Ang dulas..."
"Kamahalan, 'yan ang aalisin mo sa sarili mo. Kahit na madulas ka ituloy mo pa rin ang laban mo. Hindi mo masasabi sa kalaban na 'saglit lang, madudulas yata ako.' Baka doon na makaisip ng paraan ang mga kalaban kung paano ka patayin."
Natawa naman si Saffira pero noong nakita niyang naging seryoso ang mukha ni Gilbert, nagseryoso na rin siya at mas ginalingan pa niya sa susunod.
Pagkatapos nilang mag-ensayo ay nagpahinga sila saglit bago umuwi. Nakikita na nila ang mga ilaw ng bawat bahay-bahay dahil madilim na. Wala ng tao sa training ground dahil gabi na. Sila na lamang ang natira doon. Umupo muna sila saglit sa bench upang magpahinga.
"Kamahalan..."
Nagtatanggal ng putik si Saffira sa kaniyang binti nang tinawag siya ni Gilbert.
"Bakit?" tanong ni Saffira.
"Minsan ba naisip mo na magmahal?" seryosong tanong ni Gilbert.
"Nako! Gilbert, bakit? May napupusuan ka ba?" kinukutya pa niya si Gilbert. Pero napatigil siya dahil seryoso ang mukha ni Gilbert.
Huminga ng malalim si Saffira at inilipat ang tingin sa mga kabahayan.
"Lahat nang mahal ko sa buhay namatay na. Baka kapag nagmahal ulit ako, madamay ang taong 'yon dahil sa akin... baka mamatay din siya at iwan ako sa laban ko, mahirap na." Humarap muli siya kay Gilbert at saka nginitian.
Hinawakan ni Gilbert ang kamay ni Saffira. Doon ay nanlaki ang kaniyang mga mata't napatingin sa pagkakahawak ni Gilbert.
"Kamahalan, ikaw ang napupusuan ko... mas gusto kong mamatay nang dahil sa'yo at sa ating bayan."
Napapikit si Saffira at itinanggal ang pagkakahawak ni Gilbert sa kaniya.
"Patawad, Gilbert... pero hindi pa ako handa sa ganyan."
---XXX
A/N: huhu, hindi po kasi romance ang genre ko. Sorry Gilbert. T-T
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top