kabanata 6

Kabanata 6

First Move

Nag-aagaw na sa langit ang kulay kahel at ang dilim ng napagpasiyahan nilang umuwi, ngunit doon na nila napagplanuhang kumain upang hindi na sila kumain sa bahay. Humuli ng isda si Lucian, iyon ang ginawa nilang hapunan. Pagkatapos itong hulihin ay inihaw nila ito. Ang isda ang nagsilbing laman ng kanilang tiyan sa kanilang hapunan.

Masaya ang naging araw nila. Kahit pa paano'y nasiyahan si Saffira sa araw na ito. Tama nga ang sabi nila na kapag stress ka, maglibot ka lang at i-appreciate mo lang ang kalikasang binigay ng Diyos, siguradong mare-relax ka. 'Yon nga ang nangyari kay Saffira. Tila ba na sa dagat na ang kaniyang mga hinanakit, at tinangay na ito ng alon.

Nang nag-aayos na sila ng kanilang mga gamit ay napag-usapan ni Mercy at Lucian ang tungkol sa Calimborg. Kung ano na ang mangyayari doon gayong patay na si King Vincent II na nagpadagdag ng sweldo sa mga knights at guwardiya.

Noong nasa trono pa sina reyna Garmelyn at king Javier ay hindi tumaas ang sweldo ng mga knights at guwardiya subalit nagbigay sila ng mga magandang benepisyo sa bawat pamilya ng mga ito. Ngayong wala na si King Vincent II, isa na ito sa kinakaharap na problema ng Calimborg.

"Paano na kaya sina Gilbert, hano? Ang hirap na ng kalagayan nila doon."

Napatingin si Saffira kay Lucian ng narinig niya ito.

Si Lucia ay kinakausap ang may-ari ng cottage na kanilang pinagsilungan, habang si Saffira ay tumutulong kay Mercy na ayusin ang mga plato.

"Oo nga, e, paniguradong magdadalawang trabaho na naman si Gilbert," usal ni Mercy na nagbigay interes kay Saffira na maslalong makinig sa usapan.

"Ipagpaumanhin niyo na po ang aking pagsingit. Malapit lang po ba ang Calimborg sa bahay?" pagsingit ni Saffira.

Umiling si Lucian at inalis ang tingin sa kaniyang ginagawa. "Malayo pa ngunit dito sa Atlanta, sobrang lapit lang. Hindi natin madadaanan pero makikita natin ang bungad ng Calimborg."

Napatingin naman si Mercy kay Saffira, gusto niyang malaman ang na sa isip nito.

"May balak ka bang pumunta doon, kung sakali?" tanong nito kay Saffira.

Tumango si Saffira at sinabi ang kaniyang iniisip.

"Nais ko po sanang pumunta doon upang tingnan ang kalagayan nila..."

Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabi ni Saffira. Tila hindi sila sang-ayon sa sinabi niya.

"Delikado ka doon, Welliane. Doon ang kuta ng mga guwardiya. Siguradong isusumbong ka ng mga pamilya ng mga 'yon," nag-aalalang sabi ni Mercy.

"Kung hindi po ako kikilos, walang mangyayari. Sa ngayon po magpapatulong muna ako kay Gilbert na lumaban. Para kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Parehas na tumango ang mag-asawa. Tama nga naman si Saffira, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kasama siya. Hindi sa lahat ng oras ay mayroong magliligtas sa kaniya. Kailangan ng isang tao na tumayo sa sarili niyang mga paa, huwag tayo asa ng asa sa kapwa natin.

Nang sila'y matapos ay tinawag na ni Mercy si Lucia. Napatagal ito sa pakikipag-usap sa may-ari.

"Ang tagal-tagal mo naman!" bungad ni Mercy sa anak. Dala-dala na ni Mercy ang ilang mga gamit at nilalagay na ito sa kalesa.

Nagkamot sa ulo si Lucia at ngumuso. "Ina, napadaldal lang po kina Tata Ismael. Maraming salamat din daw po dahil pumunta ulit tayo dito, pasensiya na daw po sapagkat 'di niya tayo napuntahan sa cottage kasi ang daming nagpaparenta."

"Naku! Ayos lang kamo 'yon..." si Lucian.

"Lucia, kargahin mo na itong bag na may lamang pagkain," utos ni Mercy.

Nakita naman ni Saffira na nahihirapan si Lucia kaya naman tinulungan niya ito. Matapos nilang magkarga ay nagsimula na ang andar ng kabayo. Habang sila'y na sa daan, muling tinanong ni Saffira ang Calimborg.

"Lagpas na po ba tayo sa bungad ng Calimborg?" tanong ni Saffira na patuloy na nililibot ang tingin sa mga dinadaanan nila.

"Hindi pa, Welliane... Ayon! Nakikita mo ba yung mayroong nakasulat na 'Pamilya ng mga matatapang'?" sabay turo ni Mercy doon. Tiningnan naman iyon ni Saffira. Narinig ni Saffira ang hagikgik ni Lucia sa gilid. Napasabay na rin siya kay Lucia dahil nakakatawa ang tawa nito.

Tumango si Saffira bilang sagot kay Mercy. Mga puno ng Narra din ang gamit ng mga tao doon sa kanilang bahay, yung iba'y mga semento na ngunit kupas ang pintura. Maraming mga bata ang nakikita ni Saffira mula sa malayo.

"Balak mo ba talagang pumunta doon?" tanong ni Mercy.

Mabilis na tumango si Saffira kay Mercy. Para sa kaniya kapag tumungtong siya sa Calimborg ay tila isa na siya sa miyembro ng pamilya ng mga matatapang kaya tinatapangan na rin niya ang loob niya na pumunta doon kahit na mayroong panganib na naghihintay sa kaniya sa lugar na iyon.

"Bukas po ay nais ko ng pumunta doon, kung gusto niyo po akong samahan ay ayos lang po sa akin."

Ayon nga ang naging usapan nila sa habang sila'y pa uwi na ng bahay. Hindi nakikisingit sa usapan si Lucian. Seryoso siya sa kaniyang pagpapatakbo ng kabayo. Si Lucia naman ay naidlip na, ng malayo sila sa Atlanta at Calimborg.

---XXX

Nang sila'y makarating sa bahay ay nagpahinga sila saglit. Si Lucia ang pinakapagod sa lahat dahil siya ang langoy ng langoy sa dagat kahit napakatindi ng sikat ng araw. Si Saffira, hinihintay niya lang na dumating si Gilbert upang makapag-ensayo na sila. Si Lucian ay nakatulog dahil pagod sa pagmamaneho. Si Mercy lamang ang nanatiling gising sa mag-anak.

Hapon na noon, si Mercy ay naghahanda ng gabihang pagkain nila. Kinuha ni Saffira ang espada ng kaniyang yumaong pinsan. Tiningnan ito at iwinasiwas sa hangin.

Ang espadang iyon ay bigay kay King Vincent II ng kaniyang ama. Pinagpasa pasa sa iba't ibang salinlahi ngunit ang mga pinapasahan lamang ng espadang ito ay ang anak ng king and queen na lalaki.

Narinig na ni Saffira ang mga yapak ng kabayo na patungo na bahay nila. Kahagad niyang sinalubong si Saffira dahil sabik na siyang matuto at gusto niyang ipaghiganti ang kaniyang buong pamilya. Gusto na niyang magsimula ang laban.

"Magandang gabi po, kamahalan," bati ni Gilbert na kakababa lang sa kabayo. Pagkababa nito'y yumuko si Gilbert kay Saffira upang magbigay galang.

"Magandang gabi din," bati rin ni Saffira kay Gilbert.

Medyo nagdidilim na ngunit mayroon pa namang liwanag na nakikita. Mas mainam na rin na ngayong oras na ito sila mag-ensayo para malamig at medyo malakas ang panghapong hangin.

"Magsisimula na po ba tayo?"

Kinuha ni Saffira ang espada sa sala, iniwan kasi niya ito saglit dahil medyo may kabigatan din ito. Hindi alam ni Saffira ay sinundan siya ni Gilbert.

"May sasabihin lang po ako kamahalan, kay tiya Mercy. Pumunta muna po kayo sa labas, susunod po ako." Sa sinabing ito ni Gilbert ay may naramdaman si Saffira na kakaiba. Parang mayroong problema si Gilbert.

Ayaw namang pakinggan ni Saffira ang pag-uusap ng magtiyahin dahil masama ito ngunit mayroon talagang nag-uudyok sa kaniya na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Dahil doon ay nagtago si Saffira sa labas ng kusina at pinakinggan ang usapan.

"Tiya, kailangang kailangan po talaga namin ng pera ngayon. Nagtatatlong trabaho na po ako para pangtustos kay ama. Lumalala po kasi ang sakit niya at napakamahal ng gamot sa bayan. Ayaw ko naman pong makita na unti-unting pumipikit na ang mata ng ama ko. Si ina ay tatlo na rin ang trabaho pati ang bunso kong kapatid ay nakikitulong na rin sa pangtustos. Kayo na lang po ni tiyo Lucian ang pwede kong hingan ng tulong sapagkat hirap na hirap na po kaming lahat na taga-Calimborg."

Malungkot na boses ni Gilbert ang narinig ni Saffira.

Napakagat na lamang sa labi si Saffira. Napakaraming pumapasok sa isip niya, isa doon ay kung karapat dapat nga ba siyang maging reyna ng Gamborg gayong ni isa ay wala siyang nagagawa at natutulungan. Nahahabag siya kay Gilbert, lalo na noong napakinggan niya ang kwento nito.

"Sige sige, buti at mayroon akong ipon. Sana ay maging queen na kahagad si Welliane dahil alam kong may magagawa siya sa problema mo," wika iyon ni Mercy. Base sa tono ng boses ni Mercy ay awang awa rin ito sa kaniyang kamag-anak.

Marami talagang nagtitiwala kay Saffira. Kahit na hindi pa siya ang nakaupo sa trono ay may nagtitiwala na kahagad sa kaniya. Sabi niya sa sarili niya, sana ay hindi niya mabigo ang mga taong parating nandyan na nakasuporta sa kaniya at patuloy na nagtitiwala sa kaniya hanggang sa huling laban niya.

"Oh, ayan. Sana makatulong 'yan.."

"Maraming salamat po, tiya. Babayaran ko po ito kapag nakaluwag luwag na po ako," pangako ni Gilbert kay Mercy.

"Naku! Kahit 'wag mo na bayaran... Puntahan mo na doon si Saffira, baka naiinip na 'yon doon." Dahil sa sinabi ni Mercy ay kahagad na umalis si Saffira sa kaniyang pinagtataguan at mabilis na nagtungo sa labas. Kunwari wala siyang nadinig. Kunwari ay wala siyang nalaman.

Habang hinihintay ni Saffira si Gilbert inisip niya ang mga dapat niyang gawin. Baka ito na ang pagkakataon niya upang maipakita niya ang katangian ng isang queen. Alam niyang marami pa siyang dapat na malaman, pero sa bawat natututunan niya ay hinuhubog siya.

"Pasensiya na po, kamahalan. Napakwento lang po ako kay tiya," ngumiti pa siya para hindi mahalata ni Saffira ang lungkot ni Gilbert.

"Ayos lang, Gilbert. Magsimula na tayo..." hindi na inusisa pa ni Saffira si Gilbert.

Finocus niya ang sarili niya sa mga ituturo ni Gilbert sa kaniya dahil isa ito sa magdadala sa kaniya sa pagkapanalo niya. Kapag nanalo siya, siya ang magiging queen at matutulungan na niya ang mamamayan ng Calimborg pati ang ibang mamamayan na ngayo'y naghihirap.

---XXX

Nagsimula na nga silang mag-ensayo. Kinuha rin ni Gilbert ang kaniyang sariling espada. Ngayon ay pinaaalalahanan muna ni Gilbert si Saffira sa mga dapat gawin.

"Kamahalan, magsisimula muna po tayo sa pinakasimple hanggang sa turuan na po kita kung paano lumaban." Tumango si Saffira sa sinabi ni Gilbert.

Alam naman niya iyon dahil hindi pwedeng sabak ka lang ng sabak sa laban dapat may alam ka rin kung ano ang mga iniisip at dapat alalahanin.

"Tandaan mo po, kamahalan. Accuracy is more vital than power, mas importante po ito dahil baliwala ang lakas mo kung puro naman mali ang ginagawa mong pagsugod, paano kung malakas ka nga pero dahil sa mga kamalian mo po ay napagod ka naman? Bali wala lang rin po 'di ba? Kaya kailangan mo pong tatandaan na kailangan tama parati ang mga galaw mo."

Tumango si Saffira sa mga sinabi ni Gilbert. Interesadong interesado talaga siya sa mga pinag-aaralan niya. Alam ni Saffira na matagal tagal pa bago matutunan lahat ni Saffira upang makaya na talaga niyang lumaban. Isa pa sa tinuro ni Gilbert kay Saffira ay dapat kapag lumalaban siya, huwag niya masyadong isipin ang galit na nasa puso niya dahil baka ito pa ang ikatalo niya. Marami pang tinuro si Gilbert kay Saffira.

Madilim na ng sila'y natapos sa pag-eensayo. Nang maslumalim ang gabi ay pumasok na sila sa bahay upang magpahinga.

"Pawis na pawis kayo ah?" wika ni Mercy sabay lapag sa mesa ng malamig na tubig. Umupo rin siya sa isang tabi upang kausapin sina Saffira't Gilbert patungkol sa kanilang pag-eensayo.

"Opo, mabilis po kaming napunta sa actual na labanan dahil mabilis matuto ang kamahalan," sagot naman ni Gilbert. Pinunasan niya ang butil ng pawis na lumandas sa kaniyang sentido.

"Hindi naman, magaling ka lang kasi magturo..." Humagikgik si Mercy sa narinig. Napansin naman ni Saffira na hindi na gumising si Lucia.

"Hindi pa din po gising si Lucia?" tanong ni Saffira. Tumango si Mercy bilang sagot kay Saffira.

Naalala ni Mercy ang balak ni Saffira sa Calimborg kaya binuksan niya ang usapan doon upang malaman din ni Gilbert ang balak gawin ni Saffira gayong doon nakatira si Gilbert, baka matulungan siya nito sa mga dapat gawin.

"Gilbert, bukas daw ay balak ni Welliane na pumunta sa Calimborg para tingnan ang kalagayan ng mga tao doon," utas ni Mercy kay Gilbert na nagpatigil sa pag-inom ng tubig.

Napatingin si Gilbert kay Saffira at tumango naman ito, ibig sabihin ay seryoso nga siya sa kaniyang gagawing pagpunta roon.

"Kamahalan... baka kung ano ang mangyari sa'yo doon."

Nginitian lamang siya ni Saffira. Basta kay Saffira, hindi siya natatakot sa anumang mangyayari sa kaniya dahil alam niyang ito ang tama.

"Sinabi ko na rin ito sa kaniya pero buo na daw ang loob niya. Sasamahan namin siya ni Lucian at Lucia para may kasama siya..."

Nanatili lamang ang tingin ni Saffira kay Gilbert. Tinitingnan niya ang reaksyon nito sa kaniyang balak at ang nakita naman ni Saffira ay pagkabigla.

"Kung gusto niyo po talaga, kamahalan, tutulungan ko po kayo," sambit ni Gilbert na nahimasmasan na sa kaniyang pagkabigla.

"Salamat, Gilbert. Nais ko tingnan ang kalagayan nila at gusto ko din tulungan ang mga dapat tulungan kahit walang wala ako ngayon ang isa lamang na maibibigay ko sa kanila ay ang pagmamahal ko sa kanila kahit na hindi pa ako ang nasa trono bilang reyna..."

Humanga ang dalawang nakikinig sa katapangan ni Saffira. Isa talaga siyang queen... Ang tunay na queen... Ang dapat na nakaupo sa trono ngayon.

---XXX

A/N: Last 4 chapters :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top