Kabanata 4
Kabanata 4
Flowers and Candles
Iyak ng iyak si Saffira ng malaman niyang patay na ang kaniyang kapatid nang dahil sa death penalty. Sa isip ni Saffira, wala namang ginawang masama ang kaniyang kapatid. Wala namang pinatay ito. Malambot ang puso ng kaniyang nakababatang kapatid. Musmos pa lamang ito para patawan ng ganoong parusa.
Hindi ginambala ni Lucia si Saffira. Maging ang kaniyang mga magulang ay hindi na inusyoso ang pagkukulong sa kwarto ni Saffira. Noong na laman nila Lucian at Mercy ang nangyari ay pinaulanan nila ng sermon si Lucia dahil kung hindi daw nito sinama si Saffira ay hindi nito makikita ang litrato.
Sumapit na ang gabi, hindi pa rin lumalabas si Saffira. Nag-aalala na sina Lucia. Tinatawag nila ito para kumain pero sinasabi lamang nito na wala siyang gana.
Sa tuwing nakikita niya sa kaniyang isip ang litrato ng kaniyang kapatid na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Napapahagulgol na lamang siya sa iyak. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Kung 'di niya lamang iniwan ang kapatid niya sa isang katulong sa palasyo ay hindi na sana nangyari ito sa kaniyang kapatid.
Mugtong mugto na ang kaniyang mata. Maging ang kaniyang ilong ay namumula na. Nang gigigil siyang tumingin sa kawalan. Nangakong pagbabayaran ng mga Lamberg ang ginawa nila sa buhay ni Saffira. Alam niyang si Beaflor ang nangunguna doon. Siguro'y kapag nakita ni Saffira ang mag-anak na Lamberg ay hindi na niya maiisip na kamag-anak niya ang mga ito. Dahil baka mapatay niya ito sa galit.
Narinig niyang may kumakatok sa pintuan ng kwarto pero hindi niya ito pinansin. Nang narinig na niya ang nagsalita ay kahagad siyang tumayo sa kama at inayos ang kaniyang sarili. Nakakahiya naman kung makita siyang patapon ang mukha. Patapon na nga ang buhay niya, patapon pa siya.
"Sulat po galing kay King Vincent II," wika ni Gilbert at patuloy na kumakatok, nagbabakasakaling buksan na ni Saffira ang pintuan. Hindi naman nabigo si Gilbert dahil binuksan na ito ni Saffira.
Binalutan ng awa ang puso ni Gilbert, nang makita si Saffira na mugto ang mata at halatang halata ang lungkot sa kaniyang mukha.
"Magandang gabi po, kamahalan." Tinanguan lamang siya ni Saffira. Wala siya sa sarili niya ngayon, hindi niya alam kung mayroon pang papasok na salita sa tenga niya dahil baka lumabas lamang ito sa kabila.
"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Gilbert kay Saffira.
"Maayos naman. Nasaan ang sulat?" pag-iiba niya ng usapan.
Nagtungo sila sa sala. Wala doon sina Lucia, Lucian at Mercy. Alam kasi nila na pribado ang pag-uusapan ni Gilbert at Saffira kaya binigyan nila muna sina Gilbert at Saffira ng oras.
Inabot ni Gilbert ang isang brown na sobre. Kinuha naman ito ni Saffira. Binuksan niya ang sobre na iyon at binasa.
Mahal kong pinsan,
Ako'y lubos na nagagalak sapagkat maayos ang iyong kalagayan. Nabalitaan ko ang pagkamatay ng iyong kapatid. Nang nalaman ko iyon ay kahagad ko siya pinagawa ng maayos na kabaong at maayos na lugar para doon siya'y ilibing, at doon ko nga siya nilagay sa tabi ng mga magulang mo, doon mo siya makikita. Nagpunta na ako doon at nag-alay na ako ng kandila't bulaklak. Hindi ako ang humatol ng kamatayan sa kaniya. Si Beaflor ang may hawak ng guwardiya sibil at ang kaniyang asawa. Kumbaga siya ang may hawak ng batas. Patawarin mo ako dahil wala akong nagawa.
Kamusta ka naman dyan? Nais kitang makita, mahal kong pinsan. Gusto kong malaman kung talagang maayos ang iyong kalagayan. Pumunta ka sa Plaza ng Eidenlor, Alas Tres ng Hapon. Hindi kasi ako pwede ng umaga sapagkat mayroon kaming pupuntahan ni Beaflor kasama ang kaniyang anak. Oo, mag-iingat ako dito. Hindi ako basta-basta magtitiwala. Maraming salamat dahil nagtitiwala ka sa aking kakayahan na mamuno sa ating lungsod. Mag-iingat ka dyan. Kung may kailangan ka sa akin ay magpadala ka ng sulat sa kaniya. Mabuti at nakakita ka ng isang mapagkakatiwalaang guwardiya. Aasahan ko ang iyong pagdating.
Nagmamahal,
Vincent II Luxen
Sa nabasa niyang sulat ay mayroong lumandas na luha sa kaniyang pisngi. Lalo na ng nabasa niya ang tungkol sa kaniyang kapatid. Na doon sa libingan ng kaniyang magulang makikita ang libingan ng kaniyang kapatid. Hindi akalain ni Saffira na mayroon pa palang natitirang luha sa kaniyang mata. Ang akala niya ay nailabas na niya ito. Akala niya, tapos na ang pag-iyak niya.
Itinatak niya sa isip niya ang Alas Tres y Media. Doon niya sisiputin si King Vincent II sa Plaza ng Eidenlor. Plaza ng mga katulong sa palasyo. Sa Eidenlor, doon lumaki si Saffira. Parating nakakulong sa bahay dahil 'di siya pwedeng makita ninuman. Kapag pumunta siya sa plaza ng Eidenlor, iyon ang unang punta niya doon. Ni hindi pa niya nalilibot ang buong bayan ng Eidenlor dahil parati siyang pinagbabawalan.
Dinaluhan naman siya ni Gilbert. Pinapatahan si Saffira sa kaniyang pag-iyak.
Nagkaroon siya ng kaunting pag-aalinlangan doon sa sinabi ng hari na mayroon silang pupuntahan ni Beaflor. Saan naman kaya iyon? At ano gagawin nila doon? 'Yan ang tanong ni Saffira sa isip niya.
"Gilbert, base sa sulat. Saan pupunta si Beaflor at ang hari?" tanong ni Saffira kay Gilbert.
"Pasensiya na po kamahalan, ngunit hindi ko po alam kung saan," sagot ni Gilbert sa katanungan ni Saffira.
Marami pa ring bumabagabag sa isip ni Saffira. Baka kung ano ang gawin ni Beaflor kay King Vincent II. Baka nais na nitong patayin ang hari upang ang mamuno na ay ang anak niyang si Beaflorinda. Hindi dapat mangyari iyon.
"Gilbert, sana'y parati mong babantayan ang kilos nila Beaflor. Bantayan mo parati ang aking pinsan. Paigtingin mo pa ang seguridad mo sa kaniya." 'Yan ang huling wika ni Saffira. At umalis na si Gilbert.
Hindi na naabutan pa ni Lucia si Saffira. Nakatulog na kasi ang dalaga dahil sa pagod. Kaya ang natirang gising ay si Mercy. Siya ang nagsara ng pintuan at siya din ang naghatid kay Gilbert sa labas ng bahay.
Maging ang kaniyang asawa ay bagsak na rin sa kama dahil sa pagod sa trabaho. Bukas ay magpapahinga muna sila. Sa isang linggo, dalawang araw ang kanilang pahinga. Mainam na rin ito upang mabigyan ng ng mas maiging seguridad si Saffira dahil parating nakakalabas ng bahay. Parating nagpapaawa kay Lucia.
Nang nasa kwarto na si Saffira. Iniisip niya ang mga posibleng mangyari bukas at ang mga dapat niyang gawin. Una, pupuntahan muna niya ang libingan ng kaniyang kapatid. Maging ang libingan ng kaniyang mga magulang. Pangalawa, tutulungan niya si Lucia sa pagpitas ng mga bulaklak sa hardin. At ang huli ay pupuntahan na ni Saffira si King Vincent II sa plaza ng Eidenlor at magpapahatid siya kay Lucian.
Kinaumagahan, pagkatapos ng almusal ay nagpaalam si Saffira kay Lucian at kay Mercy na pupuntahan niya ang libingan ng kaniyang kapatid. Matamlay pa rin si Saffira dahil nga hindi siya nakakain at puro iyak ang tinrabaho niya.
Pinayagan naman nina Lucian at Mercy si Saffira ngunit dapat ay kasama si Lucia upang magbantay sa kaniya doon. Pinasuot siya ng mahabang damit na abot hanggang ankle ni Saffira at pinasuot din siya ng balabal upang hindi makita ang kaniyang mukha.
Nagpaalam na sina Lucia at Saffira sa dalawa. Ang sinakyan nila ay kabayo lamang. Sanay na si Lucia sa pagmamaneho ng kabayo sapagkat tinuruan siya ng kaniyang ama. Medyo malayo sa kanilang bahay ang sementeryo na kung saan nandoon ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang kapatid. Ang sementeryong iyon ay sementeryo ng mga maharlika. Kumbaga dito inililibing ang mga former queen's at king's, prince's at princess.
Walang bahay doon na nakatayo dahil pinapanatiling pribado ang sementeryong iyon. Minsan nga'y may mga guwardiya na naroon upang magbantay dahil mayroong mga magnanakaw na kinukuha ang damit ng mga nakalibing doon maging ang mga lumang crowns ay ninanakaw kaya mahigpit ang seguridad.
Habang sila'y patungo doon ay tinanong ni Lucia si Saffira.
"Ate Welliane, papapasukin kaya tayo ng guwardiya doon? Baka ipahuli ka," wika ni Lucia habang nanatiling nakatingin sa daan.
"Papapasukin ako doon. Ang guwardiya sa sementeryo ay walang kinalaman sa guwardiya ng palasyo." Doon ay na satisfied na si Lucia sa sagot ni Saffira.
Nang makarating sila sa sementeryo ay mayroon ngang guwardiya doon. Balot na balot ng kumikinang na armor ang kaniyang katawan.
Nang bigla itong magsalita ay nagulat si Lucia. Nagtago sa likod ni Saffira.
"Sino kayo? Sino ang pinunta niyo dito?" tanong ng knight slash guwardiya.
Seryosong sinagot ni Saffira ang guwardiya at sinabi ang kaniyang tunay na pangalan.
"Saffira Fareign Hovard," anito sa guwardiya. Tumingin ng seryoso ang knight kay Saffira.
"Kung ikaw nga 'yan, alisin mo ang iyong balabal." Sinunod nga ito ni Saffira. Nang nakita ito ng knight ay kahagad siyang pinapasok sa sementeryo. Sa kasamaang palad ay hindi pinapasok si Lucia dahil 'di daw pwede ang walang kamag-anak sa loob o walang koneksyon sa mga maharlikang nakalibing doon.
Patakbo ng pumunta si Saffira sa libingan ng kaniyang magulang. Kahagad siyang humagulgol ng makitang tatlo na nga ang nakalibing doon. Hawak-hawak niya ang iaalay niyang bulaklak at kandila. Iniligay niya ito sa lagayan ng mga bulaklak sa gilid. Sinindihan din niya ang kandila na dala niya. Nandoon nga ang lantang bulaklak at kandilang lusaw na, bakas ni King Vincent II na pumunta nga siya dito.
Hinawakan niya isa-isa ang mga lapida at binasa ang mga nakasulat.
Rest in Peace our majesties..
Garmelyn Saffiel L. Hovard
Death: August 13, 2015
Javier Jordan R. Hovard
Death: August 13, 2015
Raiden Criford Hovard
Death: May 01, 2017
Mas lalong nang hina si Saffira na naramdaman niyang mag-isa na lang siya. Na mag-isa na lang siyang lalaban. Minsan na isip niya, patayin na lang kaya niya ang sarili niya upang makapiling na niya ang kaniyang mga magulang pati ang kaniyang kapatid. Pero hindi, sabi niya sa sarili niya, dapat bago siya mamatay ay maipaghiganti muna niya ang kaniyang mga magulang pati ang kaniyang kapatid. Dapat makapuntos man lang siya sa kalaban. Kahit mag-isa na lang siyang lalaban, kakayanin niya.
May 1, 'yon ang araw na kung saan ay napakinggan ni Saffira ang tulong na hinihingi sa kaniya ng kaniyang kapatid. May 1, ang araw na kung saan dinala siya ng Diyos kina Lucia. May 1, ang araw na kung saan nawalan siya ng kapatid.
Katulad lang ng tao ang bulaklak at kandila. 'Di mo inaasahan na mawawala na lang ang apoy dahil hinipan na ng malakas na hangin. 'Di mo alam, yung kahapong inaamoy amoy mong bulaklak, kinabukasan ay lanta na.
"Ipaghihiganti ko kayo..." utas ni Saffira habang patuloy na tumutulo ang kaniyang mga luha. Isang malakas na hangin ang yumakap sa kaniya.
Doon ay nagkaroon siya ng lakas. Parang ang pamilya niya ang yumakap sa kaniya, na kahit na wala na sila ay nakatingin pa rin sila sa laro. Na hindi nila hahayaang hindi makita ang pagkapanalo ni Saffira laban sa mga nang sira ng buhay niya.
Isang oras siyang namalagi sa sementeryo. Isang oras ding naghintay sa labas si Lucia. Inip na inip ang dalaga ngunit hindi niya lamang ito ipinahalata kay Saffira.
"Tutulungan kita magpitas ng mga bulaklak. Dalhin mo ito ulit sa matandang lalaki kahapon. Paniguradong hinahanap ka no'n," ani ni Saffira habang pababa ng kabayo.
Nanatiling kurap ng kurap lamang si Lucia sa sinabi ni Saffira. Nang makita niyang papasok na ng bahay si Saffira ay kahagad na rin siyang bumaba ng kabayo at itinali ito sa likod ng bahay.
Sinalubong siya ng bati ni Lucian at Mercy. Saktong Alas Dose na ng tanghali, inaaya na ni Lucia si Saffira na kumain ngunit tumatanggi si Saffira dahil busog pa daw siya. Nag-aalala na rin ang mag-asawa kay Saffira. Gusto kasi ni Saffira na pumitas na ng bulaklak.
Ang tugon naman ni Mercy dito ay, "Dapat umaga po kayo pumipitas, matumal ang benta sa palengke kapag tanghaling tapat kayo nagbenta. At sobrang init ngayon, baka magkasakit kayo kapag ngayong oras na ito kayo namitas."
Sinunod na lamang ni Saffira ang utos ni Mercy. Nananghalian na muna sila. Habang kumakain ay seryosong nakatingin lamang si Saffira sa pagkain, tila 'di niya dama ang presensiya nila Lucia, Lucian at Mercy. Inuunawaan na lamang nila ang sitwasyon ni Saffira.
"Welliane, kamusta ang pagpunta niyo sa sementeryo?" tanong ni Lucian. Nakita ni Saffira na inismiran at inirapan ni Mercy ang kaniyang asawa. Alam kasi niya na masyadong sensitibo ang usapang iyon at iyon din kasi ang isa sa dahilan kung bakit malungkot si Saffira.
"Maayos naman po," tipid niyang sagot.
Nang matapos silang kumain ng tanghalian ay nagpasyang si Saffira na ang maghuhugas ng pinggan dahil nababagot na din siya at kapag wala siyang ginagawa ay para bang kinakain na ng mga alalahanin ang kaniyang utak. Ngunit humindi si Lucian, Mercy at Lucia.
"Ibigay mo na lamang 'yan kay Lucia," sambit ni Lucian.
"Oo nga naman, Welliane. Dapat hindi ka nag-uurong," wika naman ni Mercy.
"Sabi ko po sa'yo e! Ako na po.." pangungulit ni Lucia.
"Ako naman," sabi naman ni Saffira.
Pinag-aagawan na nila ang isang plato ng bigla itong dumulas sa kamay nilang parehas na dahilan upang ito'y mabasag sa lapag.
Napasinghap ang lahat maliban kay Saffira at kay Lucian.
"Hay naku! Ako na bahala dyan. Doon na kayo sa sala, Welliane at Lucia." Utos ni Mercy sa dalawa.
Habang naglalakad sila parehas ni Lucia ay bigla siyang kinalabit ni Lucia at sinabing, "Pasensiya na po kayo, kamahalan."
Tinanguan lamang siya nito. Hindi mapalagay si Saffira. Alam niyang mayroong nangyaring hindi maganda. Hindi siya mapakali kahit nakaupo na siya.
Pagpatak ng Alas dos y media ay gumayak na si Saffira at Lucia upang puntahan na si King Vincent II. Ngunit noong pagkalabas ni Saffira sa kwarto ni Lucia ay nadatnan niya si Gilbert na tila hindi rin mapakali. Pinaglalaruan ng binata ang kaniyang mga daliri at napatingin kay Saffira ng narinig nito ang pagbukas ng pintuan.
"Kamahalan.." anito kay Saffira at saka nagbigay galang.
"May balita?" tanong ni Saffira. Hindi talaga siya mapakali tila mayroong antenna ang katawan niya na nakaka-absorb ng mga nangyayari.
Tumango si Gilbert at saka sinabing..
"Kamahalan, sumakabilang buhay na po si King Vincent II."
Nanlaki ang mata ni Saffira. Tama siya, ito ang dahilan ng kaniyang pagkabahala. Kung bakit hindi siya mapakali. Kung bakit nabasag niya ang pinggan. Patay na ang hari.
---XXX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top