kabanata 2

Kabanata 2

Babala

Nagpatuloy nangang lumabas ang haring araw kaya't kailangan ng pumunta ni Lucian at Mercy sa kani-kanilang mga trabaho. Si Lucia ang inutusan upang magbantay kay Saffira. Sabi pa ni Lucian ay kailangan parating nakasara ang bintana't pintuan ng bahay nila at kung lalabas naman si Saffira ay kailangan tago ang kaniyang mukha upang hindi siya makilala.

Umalis na ang mag-asawa upang pumunta sa gilid ng palayan para anihin ang mga cacao na tinanim nila doon. Ang cacao na iyon ang pinapadala sa ibang bayan upang ibenta. 'Yon din ang nagsisilbi nilang pinagkakakitaan.

Nakita ni Saffira na simple lang talaga ang buhay nila Lucia. Tinanong ni Saffira si Lucia kung ano ang ginagawa nito kung hindi man siya nakituloy sa bahay nila.

"Lucia, ano ang ginagawa mo kung hindi ako nakituloy dito?" tanong ni Saffira habang pinagmamasdan si Lucia na nagbabalat ng patatas para sa kakainin nila mamayang tanghalian.

"Taong bahay din po at nag-aalaga ng mga bulaklak ni ina sa hardin," magalang na sagot ni Lucia kay Saffira, kahit na hindi niya inaalis ang tingin sa binabalatan.

"Talaga? Maaari ba akong lumibot mamaya doon?" Ngumisi si Lucia at tumingin sa kaniya.

"Abay pwedeng-pwede, kamahalan."

---XXX

Tulad nga ng sinabi ni Lucia kay Saffira, inilibot nga niya si Saffira sa hardin ng kaniyang ina na inaalagaan niya. Maliit pa lamang ang hardin na tinutukoy niya.

"Alam mo po ba, gusto ko itong palaguin. Sampung iba't ibang klase pa lang po ng bulaklak ang makikita niyo dito. Alam niyo po ba, pangarap ko po na yung mga pinalalago kong bulaklak ay maging pangkabuhayan ko sa hinaharap. Gusto ko rin po itong pagkakitaan pagdating ng panahon," tuwang-tuwang kwento ni Lucia kay Saffira.

"Hayaan mo, kapag ako na ang nasa trono, bibigyan kita ng isang ektaryang lupa upang pagtamnan mo ng mga halaman para maging kabuhayan niyo na rin sa hinaharap. Pangako ko 'yan." Itinaas pa ni Saffira ang kaniyang palad bilang simbolo na nangangako talaga siya kay Lucia na gagawin niya. Gusto rin kasi ni Saffira na makabawi sa kabutihang ginawa ng pamilya ni Lucia sa kaniya.

Sa sobrang tuwa ni Lucia ay napayakap siya kay Saffira. "Maraming salamat po, kamahalan."

Pumitas sila ng mga iba't ibang bulaklak saka ito'y dinala sa bahay upang gawing pabango at pangdisenyo. Patuloy na inaamoy ni Saffira ang mga bulaklak na napitas nila hanggang sa makarating sila sa bahay.

----XXX

"Kamahalan, isa po sa bilin sa akin ni ina at ni ama na kailangan daw kitang pakainin sa tamang oras. Heto po at nakaluto na po ako ng tanghalian mo." Nilapag ni Lucia ang nilutong pagkain sa lamesa, ang kaibahan ngayon ay sa kusina na kumakain si Saffira.

"Halika, sabayan mo akong kumain," aya ni Saffira habang kumukuha ng isa pang kubyertos para kay Lucia.

"Nauna na po akong kumain, kamahalan," anito. Hindi na nakapalag pa si Saffira kaya kumain na nga siya.

Habang kumakain ay naisip ni Saffira na kailangan niyang kausapin ang kaniyang pinsan na si King Vincent II, kailangan niya itong balaan kay Beaflor dahil baka patayin siya nito. Hindi naman nagmamadali si Saffira na maging queen ng Gamborg. Ayaw niyang ang matirang kamag-anak niya ay ang mga lintik na third family ng Gamborg at iyon nga ay ang pamilya nila Beaflor.

Tinanong ni Saffira si Lucia kung mayroon itong kakilala sa loob ng palasyo.

"Lucia, may kilala ka bang nagtatrabaho sa loob ng palasyo?" tanong ni Saffira.

Pumangalumbaba si Lucia habang tinitingnan si Saffira.

"Sa palasyo po ba talaga? O sa Flesco?"

"Sa palasyo," sagot ni Saffira.

"Mayroon po akong kakilala, isang guwardiya sa loob ng palasyo."

Napatingin si Saffira kay Lucia.

"Maaari ko kayang ipabigay ang sulat ko sa pinsan ko?" tanong ni Saffira.

"Humigpit daw po ang seguridad sa palayo pero susubukan ko pong ipabigay sa aking kamag-anak ang gusto niyo pong ipabigay. Teka, kampi po ba sa inyo si king Vincent II?"

Lumagok muna ng tubig si Saffira bago magsalita.

"Hindi ko alam kung saan siya nakakampi. Kung sa akin ba o kina Beaflorinda," wika niya at waring uurungan na ni Saffira ang ginamit na kubyertos ngunit inako ulit ni Lucia ang Gawain.

"Hindi ka po dapat pinag-uurong, kamahalan. Kung gusto niyo po ay bibigyan ko na lamang po kayo ng papel at panulat upang makapagsimula na po kayong magsulat para kay king Vincent II. Maaari niyo pong gamitin ang kwarto ko upang lubusan niyo pong masabi sa iyong liham ang gusto mo pong sabihin sa kaniya," sambit ni Lucia.

Sadyang napakalaki ng pasasalamat ni Saffira sa Diyos dahil dininig nito ang panalangin niya na sana'y bigyan siya ng tutulong sa kaniya.

---XXX

Binigyan nga ni Lucia si Saffira ng panulat, malinis na papel at tahimik na lugar upang makapag-isip. Umupo si Saffira sa kama ni Lucia at doon sinulat ang mga gustong sabihin ni Saffira sa kaniyang pinsan na isa rin sa naiipit sa kaguluhan.

Mahal kong pinsan,

Ako'y sumulat sa iyo upang balaan kita sa mga posibilidad na mangyari sa iyo dyan sa palasyo. Mahal kita, mahal ko ang iyong ama dahil sa kabaitang ipinakita niya sa akin noong nabubuhay pa siya. Gusto kong ipaabot naman sa'yo ang ganti ko. Binabalaan kita, mag-iingat ka sa palasyo, ang mga taong akala mo'y malapit sa'yo, imbestigahan mo. Baka kasi sila ang kumitil ng buhay mo. Kung gusto mo akong makita ay hayaan mong magpadala ka ng sulat sa taong pinadalhan ko rin ng sulat. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mag-iingat ka.

Nagmamahal,

Saffira Fareign L. Hovard

Matapos itong isulat ni Saffira ay itiniklop niya ito at inilagay sa isang sobre na bigay din sa kaniya ni Lucia.

Lumabas na ng kwarto si Saffira at iniabot kay Lucia na nagkakape.

"Kamahalan, gusto mo rin po ba ng kape?" aya ni Lucia. Umiling si Saffira, naisip niyang hindi na siya nakakatulog ng maayos sa gabi. Pagising gising ang nangyayari sa kaniya. Ayaw na niyang mangyari iyon dahil naiisip niya ang mga nangyari sa kaniya sa palasyo.

Habang hinahalo ni Lucia ang kaniyang tinimplang kape ay nagtanong si Saffira. "Lucia, sino ang magbibigay ng sulat sa aking pinsan?"

"Si Gilbert po, malayong kamag-anak namin nila ina. Hayaan niyo po, papapuntahin ko siya dito upang makita niyo po talaga siya. Siya po ay mapagkakatiwalaan talaga kaya't huwag po kayong mag-alala." Sabay kindat ni Lucia kay Saffira. Tumango tango na lamang si Saffira kay Lucia.

Ilang saglit ay narinig na nila Lucia at Saffira ang pagkatok ng mga magulang ni Lucia galing sa trabaho.

Masayang binuksan ni Lucia ang pintuan at saka nagmano dito. Nang makita ng dalawa si Saffira ay yumuko ulit ito.

"Magandang hapon, Welliane," sabay nilang bati kay Saffira.

"Magandang hapon din sa inyo." Ngayon lang ngumiti ng totoo si Saffira na ngayon ay Welliane. Naging totoo na ang kaniyang ngiti dahil sa ginagawang pag-aaruga sa kaniya ng mga taong ito.

"Napagsilbihan mo ba ng maayos si Welliane?" tanong ni Lucian sa anak na si Lucia na nahihiya.

"Opo, ama. Ginawa ko po yung utos ninyo ni ina. Ama, pwede po bang tawagan si Gilbert, gusto daw kasi ni ahm... ng kamahalan na ibigay ang kaniyang sulat kay king Vincent II at upang personal din niyang makilala si Gilbert," kwento ni Lucia sa kaniyang ama't ina. Medyo nalilito pa siya sa itatawag niya kay Saffira kaya siya ay nag-aalangan pa.

"Sige, siguradong mamaya na ang balik niya sa bahay nila. Pupuntahan ko na lang," wika ni Lucian.

Nagpaalam saglit si Mercy dahil pawis na pawis daw siya at ayaw daw niyang maamoy siya ni Saffira kung kaya't kahagad siyang umalis. Hindi naman niya mapagalitan si Lucian na magbihis na dahil isang kawalan ng respeto ang pagsingit sa usapan. Lalong lalo na't kaharap niya nag tunay na reyna ng Gamborg.

"'Di ba po'y sa Calimborg ang lugar kung saan doon naninirahan ang mga knights at mga guwardiya sa palasyo?" tanong ni Saffira.

Lumaki kasi si Saffira sa Eidenlor, na kung saan doon naman nakatira ang mga katulong sa palasyo. Hindi katulad sa simpleng kaharian ang Flesco. Mayroong mga nakatira doon na iilan. Mga medyo mataas na ranggo tulad ng mga kanang kamay ng King and queen, mga mananahi ng damit ng king and queen, mga nakatatandang nagsisilbing guide ng hari at reyna sa pamumuno, mga nag-aalaga ng kabayo (mababa ang kanilang ranggo ngunit pinahihintulutan silang manirahan sa loob ng Flesco o ng kaharian.)

"Tama ka, Welliane. Pahinga na ni Gilbert mamaya at bukas makakabalik na siya sa palasyo upang ibigay ang liham mo na gusto mong ipaabot sa hari," utas ni Lucian.

"Magpapalit lang ako ng damit at pupunta na ako sa Calimborg," paalam ni Lucian.

"Maraming salamat po," wika ni Saffira.

"Walang anuman, kamahalan," anito bago umalis.

Nang umalis na si Lucian ay siya namang pagdating ni Mercy na napansin ang mga sariwang bulaklak na pinitas nila Lucia kanina sa hardin.

"Welliane, nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" tanong ni Mercy na tila komportable na sa presensiya ni Saffira sa bahay nila.

Tumango si Saffira at saka lumapit sa mga bulaklak at inamoy ito muli. "Bukas ulit, kung gusto mo pa ng marami, ikukuha ka ni Lucia."

Nagtaka si Saffira dahil 'di man lang siya nabanggit na dapat kasama siyang kukuha din ng bulaklak. Napansin naman yata ito ni Mercy kaya't lumapit ito kay Saffira at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Welliane, kung maaari ay sa bahay ka muna. Ito'y para sa seguridad mo. Parating lumilibot ang mga guwardiya sibil kahit saan kaya kailangan nating mag-ingat."

Huminga ng malalim si Saffira at saka niyakap si Mercy. "Maraming maraming salamat po sa inyong lahat, kung hindi po dahil sa inyo baka po patay na ako." Tumulo ang mga luha sa mata ni Saffira. Naiyak siya hindi dahil nalulungkot siya, naiyak siya sa saya.

----XXX

Magpapaalam na si Lucian dahil susunduin na niya si Gilbert, alam na niyang pahinga na ni Gilbert ngayon at oras na para sa ibang guwardiya. Sa likod pala ng kanilang bahay ay doon nakatali ang isang kabayo nila na ginagamit nilang transportasyon papunta sa ibang bayan.

Nasa labas ngayon ng bahay si Lucian at nakadungaw naman sa bintana si Mercy at si Lucia. Kumakaway sila sa pag-alis ni Lucian.

Naglinis muna ng katawan si Saffira, ang damit na ginamit ni Saffira ay kay Lucia. Sakto lang naman sa kaniya ang damit. Ang pinapasuot naman sa kaniya na damit ay ang mga pinakadesente at pinakamaganda niyang damit. Para kay Lucia, isang karangalan na pahiramin ng damit ang reyna.

Si Lucia ang nagsuklay ng buhok ni Saffira. Pinusod niya ito ng braid na bumagay naman kay Saffira. Binigyan din niya ng pabango si Saffira.

"Napakaganda mo po, kamahalan," hangang-hangang wika ni Lucia habang nakatingin sa ayos ni Saffira.

"Salamat. Ikaw din naman. Lucia, Welliane na lang rin sana ang ipangalan mo sa akin."

Nagdadalawang isip pa si Lucia.

"Pero kamahalan, masmatanda po kayo sa akin," aniya kay Saffira.

"Ate Welliane, 'yan na lamang ang itawag mo sa akin," pagbabago ni Saffira.

"Masusunod po, kamahalan ay este ate Welliane," at saka ito yumuko kay Saffira.

Hindi pa talaga komportable si Lucia na tinatawag na ate Welliane si Saffira. Una, dahil hindi ito ang tunay niyang pangalan, ikalawa, parang wala siyang galang.

Nagtataka si Lucia kung bakit Welliane ang naisip ni Saffira na itawag sa kaniya.

Ang tanging sagot lamang ni Saffira ay, "May naaalala lang ako sa pangalan na 'yan."

----XXX

Matapos ang lahat ay lumabas na sina Lucia at si Saffira. Nagluto ng piniritong isda si Mercy at pasta para lamang kay Saffira. Dinoble niya ang niluto dahil alam niyang takam na takam si Lucia sa isda sapagkat malayo sila sa tabing dagat at mahal ang isda sa kanila. Puro kasi tanim ang trabaho nila dito kung kaya't ganoon na lamang kasabik si Lucia. Ang isa pang dahilan ay dadating si Gilbert, at nahihiya naman siyang walang maipakain dito.

Handa na ang lahat, nasa hapag na ang pagkain. Narinig nila ang mga yapak ng kabayo, dahil doon ay isinalubong na ni Lucia ang kaniyang ama at ang kaniyang kamag-anak.

Nang iniluwa ng pinto si Gilbert, Lucia at Lucian ay nagmagandang gabi si Saffira.

"Magandang gabi, kamahalan," bati ni Lucian ngunit si Gilbert ay nanatili ang tingin sa mukha ni Saffira. Nang napansin ito ni Lucia ay kinurot ni Lucia ang tagiliran ni Gilbert upang bumalik ito sa kanyang sarili.

At doon nga'y bumalik na siya sa wisyo.

"Ipagpaumanhin mo po, kamahalan. Nagulat lamang ako sa iyong kagandahan. Magandang gabi po." Sabay yuko kay Saffira.

Napahagikgik na lamang si Lucia at si Lucian. Nag-aya ng kumain si Mercy. Mula sa sala ay amoy na amoy ang kaniyang niluto kumbaga amoy palang ulam na para sa kanila.

Sabay sabay silang umupo at nagkamustahan ang mag-anak. Nagmano rin si Gilbert kay Mercy. Nakatingin lamang si Saffira at kunwari'y nakangiti habang sila'y pinagmamasdan. Sabi niya sa kaniyang sarili, kumpleto pa sana sila ngayon kung hindi pinatay ang kaniyang magulang. Biglang pumasok sa isip niya ang kaniyang kapatid na lalaki, hindi niya alam kung saan ito dinala. Ang ginawang pang pakalma na lamang niya sa kaniyang sarili ay 'maayos lang siya, Saffira. Iingatan siya ng Diyos.'

"Kamahalan?" tawag sa kaniya ni Gilbert.

Nabigla si Saffira sa pagtawag sa kaniya kung kaya't binigyan niya ito ng nalilitong tingin.

"Ah, bakit?" Sabay tingin ni Saffira sa mga kasama niya sa hapag kainan.

"Malalim siguro ang iyong iniisip," turan ni Gilbert sabay ngiti.

"A-ano ba ang sinasabi mo?" Tila tuloy napahiya si Saffira kaya namula siya.

"Ahm, wala na po ba kayong ipapabigay kay king Vincent II?" tanong niyang muli sa pangalawang beses.

"Ah, oo. Baka kasi mahalata ng ibang mga trabahador sa palasyo, mainam na kung liham lang. Maraming salamat kahagad sa iyong kabutihang loob."

"Wala po 'yon, kamahalan. Isang pribelehiyo na ikaw ay paglingkuran," anito at saka ngumiti.

Nakatingin lamang sina Mercy at Lucian habang si Lucia ay kain ng kain ng isda.

"Lucia, h'wag mo nga ipakita sa reyna na masyado kang sabik sa isda," bulong ni Mercy kay Lucia. Doon ay nabilaukan si Lucia. Kahagad na tumayo si Saffira upang ikuha siya ng tubig. Doo'y napatingin ang lahat kay Saffira. Na-concious si Saffira kaya tinuro niya ang kaniyang sarili at nagwikang "M-may ginawa po ba akong mali?"

Nag-ilingan silang lahat at ngumiti kay Saffira.

"Sadyang nakatutuwa talagang makita na nasa iyo ang katangian ng isang mabuting reyna," wika ni Mercy na ikinainit ng pisngi ni Saffira.

"Mas gumaganda ka, mahal na reyna kapag nag-iinit ang pisngi mo," utas naman ni Gilbert.

Inapakan ni Lucian ang paa ng kamag-anak at saka nag-ngitian sa isa't isa.

"Walang ibig sabihin doon si Gilbert, kamahalan," pagpapaumanhin ni Lucian. Natawa na lamang si Saffira sa inaasta nila. Nakitang nahimamasan na si Lucia ng binigyan siya ng tubig ni Saffira.

"Salamat po, kamahalan," anito.

"Walang anuman," aniya kay Lucia.

Nang matapos silang kumain ay pinaiwan ni Mercy ang mga kubyertos sa lamesa dahil siya na daw ang magliligpit nito at mag-uurong. Pumunta sa sala si Lucian, Lucia, Gilbert at Saffira at doo'y umupo.

"Salamat po sa pagkain, tiya Mercy!" sigaw ni Gilbert mula sa sala para marinig ni Mercy.

"Wala 'yon , iho!" sigaw pabalik ni Mercy.

Nagtawanan silang lahat maging si Saffira ay natawa din.

"Gilbert, kung maaari ay tulungan mo akong mag-espada upang malabanan ko kung sino man ang magtangkang pumatay sa akin o lumaban sa akin." Isa talaga iyon sa kulang ni Saffira, kung sa palasyo lamang siya lumaki ay baka kasing galing na niya ang guwardiyang heneral. Dahil kapag sa palasyo ka lumaki, hahasain lahat sa'yo.

"Sige po, kamahalan. Kailan niyo po ba nais na simulan ito?" tanong ni Gilbert.

"Kung pwede ka bukas?" medyo nahihiya si Saffira dahil siguradong pagod si Gilbert sa trabaho niya.

"Walang problema, kamahalan,"

Tumayo si Lucia at nagpaalam na kukunin ang sulat sa kaniyang kwarto.

"Kamusta naman si King Vincent II?" tanong ni Lucian.

"Maayos naman po siya, hindi naman po siya masyadong namomroblema sa ating lungsod ngunit kay donya Beaflor siya namomroblema," sagot ni Gilbert.

Doo'y tila nag-focus ang tenga ni Saffira.

"Pinapabago kasi ni donya Beaflora ang pamamalakad ni King Vincent II, e, si King Vincent II ang dapat may karapatan doon kaya naiinis siya."

Umayos ng upo si Saffira at mastinalasan ang pandinig.

"Mayroon ka bang naririnig na may balak si Beaflor?" tanong ni Saffira.

"Ahm, opo kamahalan, nais ni donya Beaflor na ipasyal si King Vincent II sa pinaganda niyang lupain. Dahil mukha daw itong napapagod sa gawain sa palasyo. Kahit hindi naman talaga siya doon namomroblema." Tumawa pa si Gilbert dahil sa kaniyang sinabi. Dahil sa sinabi ni Gilbert ay doon kinabahan si Saffira. Baka iyon na ang balak ni Beaflor kay King Vincent II. Baka doon sa sinasabing pinaganda niyang lupain ay doon siya kitilan ng buhay at sementeryo na ang bagsak.

Naging seryoso ang usapan, nang dumating na si Lucia dala ang isang plastic ng pagkain upang pasalubong ni Gilbert sa kaniyang pamilya, mga mababangong bulaklak na pinitas ni Lucia kaya siya'y nagtagal at shempre ang sulat ni Saffira na ipapadala sa hari.

"Lumalalim na ang gabi kailangan ko ng umuwi. Paalam sa inyo tiyo Lucian, Lucia at kamahalan. Paalam tiya Mercy!" pagpapaalam ni Gilbert.

"Paalam din," wika ni Saffira.

"Mag-iingat kayo, ama," turan ni Lucia habang nakadungaw sa bintana't tinitingnan ang pag-alis ng kamag-anak at ng kaniyang ama.

-----XXX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top