Prologue

10,000 years ago in Izacaetopia.

I was standing here in front of my father's tree. It's been years when he died. The most painful thing is I am the one who killed him. I killed him because it is the right thing to do.

Bata pa lang ako, he always makes me feel that everything's fine and okay. Ayaw niya akong pinapalabas sa palasyo dahil sa sobrang pag-aalala niya sakin. Takot siyang saktan ako ng mga sinasabi niyang kaaway niya na gustong manakit sakin. Wala pa akong muwang noon kaya kahit wala akong maintindihan, naniwala ako sa kanya. My mom died after giving birth of me, yan ang sabi niya. Pero kahit ganon, hindi siya nagkulang nang pag-aalaga sa akin. Sa bawat pag alis niya sa palasyo ay halos hindi mabilang na mga lalaking nakaitim naman ang nagbabantay sa akin, mapa labas man o sa loob ng palasyo.

I was a child back then, I am always proud of him. I love my dad so much, every time he comes home he always make it up to me the days he's not here. Pero habang lumalaki ay unti-unting nabubuo ang mga katanungan sa aking isipan sa mga nangyayari. Unti-unti kong naiintindihan ang mga pinag-uusapan nila, at dahil hindi pa halata sa katawan ko ang pagkamatured they still think I am not be able to understand what are they talking about. Hindi nila alam na lahat ng iyon ay naiintindihan ko hanggang sa magdalaga.

I hate to say this but, my father is an epitome of evil. He's greedy in power, a selfish man. Gusto niya sa kanya lahat. Gusto niya siya lang ang sinusunod.

Until one day, i overheard what they are talking. May father wants to kill the King. The king whom i admired dahil sa maayos na pamamahala niya sa malawak niyang kaharian dito sa Izacaetopia.

Ang buong Izacaetopia ay nahahati sa anim na kaharian. Every kingdom have its own King or leader who leads and handle its own people. And my father are one of them.

King Dion Magnius, siya ang may pinakamalaking kaharian. Siya rin ang mas mataas sa lahat ng hari sa buong Izacaetopia. Lahat ng tao ay pinag-uusapan siya, malaki ang paggalang sa kanya kahit ang ibang hari sa iba't-ibang kaharian. Sa kanya sila palagi lumalapit kapag nagkaroon ng matinding problema sa kanilang kaharian na hindi na nila kayang masolusyonan.

That's why, i am so eager to meet him. Gusto ko ring masilayan ang mga naririnig kong usap usapan ng mga serbidora dito sa palasyo, ang kakisigan at malinis na mukha ng lalaki. Kung totoo bang sa kabila ng mistersoyo at seryosong mukha nito na nakakapanginig balahibo ay mas lalong mamangha ka sa kagwapuhan nito.

Siya lang kasi ang pinakabata sa lahat ng nga hari dito sa Izacaetopia. Kamamatay lang ang kanyang ama dalawang taon na ang nakalipas at agad na siya ang pumalit sa trono nito. Sa dalawang taon na yun ay mabilis na tiningala siya ng lahat dahil sa magandang pamamalakad niya sa kaharian Gamarenth.

Mula sa balak ni papa na paslangin ang hari ng Gamarenth Kingdom hanggang sa lahat ng mga naririnig kong usapan nila ng kanang kamay niyang si Dem, napatunayan ko kung gaano siya kasama.

Dahil sa sobrang pagkasakim ng aking ama sa kapangyarihan, kinumbinsi niya ang hari ng ibang mga kaharian na umanib sa kanya para pagtulungang paslangin si king Dion at paghatian ang malawak na lupa ng Garamenth. Determinado sa planong iyon si papa kaya nakumbinsi niya ang dalawang hari.

Doon nagsimula ang away at digmaan sa magkabilang panig. Ang dalawang hari na hindi pumayag sa gusto ni papa ay pumanig kay King Dion. Hangga't hindi napapatay ni papa si King Dion ay hindi sila titigil sa pagsugod.

Wala akong magawa dahil kinukulong ako dito sa palasyo.

Minsang umuwi ng palasyo ni papa kasama ang kanyang kanang kamay na si Dem, halos nag-aagaw buhay si papa noon. Siguradong napuruhan siya sa pagsugod na ginawa nila. Hindi man ako lumalabas ng palasyo ngunit alam ko naman ang mga nangyayari sa labas dahil sa mga usap usapan dito.

"Anong nangyari, Dem!"

Patakbo akong sumalubong sa kanila at tinulungan maihiga si papa sa sofa. Kita kong may malalim na saksak si papa sa tiyan.

"A-ayos lang ako. Bumalik ka na sa kwarto mo, Genevieve Ashbourne!" Maotoridad na utos ni papa kahit hirap na sa pagsasalita.

Umiiyak na umiling ako.

"Papa, b-bakit hindi niyo na lang sila hayaan. T-tama na pa. Marami nang buhay ang nadadamay sa g-ginagawa niyo. Malakas ang hari ng Gamarenth---" nanginginig ang bibig na saad ko pero pinutol lang ako ng mga sigaw niya.

"Stop crying, Genevieve! I didn't raise you to be weak. At huwag mo akong inuutusan. Papatayin ko ang Dion Magnius na yun!" Galit na sigaw ni papa.

Sa araw na yun. Napatunayan kong wala nang pag-asa para mapigilan ko si papa. I love him, yes, but I also loath him nang mapag-alaman na kasinungalingan ang sinabi niya na namatay si mama pagkapanganak sakin. He killed her. My dad killed my mom, his own wife.

Dahil sa nalaman kong yun ay natakot ako sa sarili ko. Kung kaya niyang patayin si mama, alam kong walang pagdadalawang isip na patayin din ako. That's why I find a way to escape. 

And I did.

Napadpad ako sa kaharian ng taong kinamumuhian mismo ni papa. Things happened and we fell in love to each other. Not knowing that we really are meant to be. I am his mate, at tadhana na ang naglapit sa akin sa kanya.

My dad did not stop in his plan. Mas lalo siyang nagalaiti sa galit ng malaman na ikinasal ako kay king Dion. Until my dad declare an intense war.

Mga ingay ng espada, sigaw at daing ng mga nasusugatan ang maririnig sa paligid. I can't remember what happen exactly in that war. All i remember is that i stab my dad in his chest.

Muling bumalik ang kapayapaan ng buong Izacaetopia pagkatapos ng pangyayaring iyon. Sumuko na din ang dalawang hari na kinumbinsi ni papa.

Humangin ng malakas at naramdaman kong nililipad ang aking buhok.

I am here again. In the land of Deads called Deafronds. Dito tumutubo ang mga puno ng mga namatay. Ang katulad ni papa na namatay na may masamang budhi at hindi napatawad sa kasalanan ay magiging isang puno. Ibig sabihin ay ito ang kanilang kaparusahan sa kasalanang nagawa nila. Ang puno ay sumisimbolo nang pagkakulong. Dahil ang puno ay mananatili sa kinatitirikan nito habang buhay. Hindi katulad ng isang ibon na malayang nakakalipad at nakakapunta sa gusto nitong puntahan. Ang namatay na may mabuting budhi ay magiging isang normal na ibon. Ang ibon ay isang sumisimbolo ng kalayaan.

Dahil sa malamyos na hangin mula sa punong nasa harapan ko ngayon ay muli kong naramdaman ang pangungulila. My dad failed his duty as king but i know myself he never failed to be a father to me. I miss the time when he's still kind. His genuine smile at me. He used to lift me up in the air and never failed to catch me.

"Pa, i'm sorry. I'm sorry. You may not fulfilled your dutu as a king but for me, you did all your best to protect me...you are the best father for me. I may despite you from all you did pero hindi nawala sa akin ang pagmamahal sayo bilang ama." Nabasa ang mata ko dahil sa luha.

Muling humangin, alam kong naririnig niya ako.

Nagulat ako nang makita ang isang bunga ng puno ni papa.

Sa pagkakaalam ko, hindi bumubunga ang mga puno ng mga patay. P-pero bakit?

"Diba sinabi ko sayong ayokong nakikita kang umiiyak? Pumapayat ka na rin, anak. Halika, kunin mo ang bunga na ito. Kainin mo at hayaan mong kahit sa ganito man lang mabayaran ko ang mga kasalan ko sa iyo." Natigil ako sa pagtangis ng marinig ang boses na yun.

Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong nakitang tao.

Papa? Binalingan ko ang puno at muling humangin.

"I-kaw ba yun pa?"

"Halika, anak. Kunin mo ang bunga na binibigay sayo ni papa. Ayokong nakikita kitang pumapayat." Muling tinig ni papa.

Tumingala ako sa isang bunga na naroon sa itaas. Pulang pula ito. Bago pa man ako makapagsalita ay nahulog ito kaya mabilis kong sinalo.

"Iyan na lang ang kaya kong ibigay ngayon sayo, anak. Kahit ngayon lang sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko."

Muli bumalik sa alaala ko kung paano niya ako asikasuhin noon. Hindi niya talaga ako titigilang pakainin kapag hindi ako kumakain.

Napangiti ako.

Hinawakan ko ang prutas at nilinis muna. Nang kakagat na sana ako pero....

"No! Genevieve!" Nagulat ako sa sigaw na yun ni king Dion sa likod ko.

"Dion?"

Kita ko sa mukha niya ang takot na ngayon ko lang nakita mula sa kanya.

"B-bakit?"

"Don't eat that, pleasee..." pagmamakaawa niya.

Napatingin ako sa hawak kong prutas at nagdududang tumingin sa puno.

Muling nagsalita si papa mula sa hangin.

"Anak, maniwala ka sa akin kahit ngayon lang. Hindi ko kayang ipahamak ka kung yan ang nasa isip mo. Ito na ang huling interaksyon ko mula sa mga tao."

Tumingin ako kay Dion kung naririnig niya rin iyon. Pero base sa mukha niya ay parang hindi.

Si papa. Gaano man siya kasama ay wala akong naalalang sinaktan niya ako. Oo nga't sinisigawan niya ako minsan pero alam kong normal lang iyon sa isang magulang na gustong disiplinahin ang anak.

"No! No! Genevieve pleasee..don't do that." Sigaw ni Dion.

Kita ko pang sinusubukan niyan lapitan ako pero parang may pwersa na pumipigil sa kanya.

On that day, I did the greatest mistake. Hindi ko sinunod ang aking hari. The fruit has a curse.

Lumindol ng malakas habang kaming dalawang ni Dion ay nakahiga na sa lupa at nauubusan ng hininga. Nadamay siya sa kasalanang ginawa ko. I am his mate. Kaya kung mamamatay ako ay mamamatay din siya.

Gumuho ang buong Izacaetopia. Nawala na parang bula ang mga tao. Luminis ang piligid at halos iilang puno na lamang ang natira, maging ang puno ni papa ay nawala din. It's look like, the whole Izacaetopia rebooted. Tanging naiwan lamang ay ang mga sorcerer.

While me, ako ang pumalit sa pwesto ng kinatitirikan ng puno ni papa. Yes, i became a tree, hindi dahil may masamang budhi kundi dahil sa ginawa kong kasalanan na pagkain ng prutas ng isang puno ng patay. And i accepted my fate, to be cage in this ground. My king became a bird, i am happy for him. He fly high like the others.

At ngayon, ang Izacaetopia ay isang lugar kung saan muling magsisimula ang buhay ng isang taong namatay mula sa earth.

Izacaetopia, is where you live your life again after your death in earth.


_____________









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top