Chapter 8



"Lucius, huwag." mahinang ani ko.

Dahan-dahan naman niyang binaba ang sandata niya at pumirmi.

"No matter what happen, don't leave my side." saad ni Lucius sa aming lahat.

Nasa likod lang kaming dalawa ni Opheria habang yung dalawang lalaki ay nasa harapan. This place is too weird. Sobrang tahimik at walang masyadong mga tao. Nang tignan ko ang mga bahay ay parang halos lahat nakasara.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Walang nagsasalita sa amin at nagpapakiramdaman lang. Habang nililibot namin ang lugar ay may mangilan-ngilan na din akong nakitang mga naninirahan dito. Kaso nga lang ay mga bata.

"ba't mga bata lang tao rito? Sa laki ng lugar---" naputol ang sasabihin ko nang nagsalita si Lucius.

"Because the adults is concentrating to tract any traces of the Queen's whereabouts. It's the King's order to all the sorcerers here because they lost the Queen's body. No one knows if she successfully revived or not. If possible, stay silent and avoid making noises to not distract them." babala niya sa huli.

Isang binata na mas bata pa sa amin ang sumalubong. Yumuko siya kay Lucius bilang paggalang.

"May bagong utos ba ang hari?Patawad dahil busy ngayon ang mga elder para salubungin ka." magalang na saad ng binata.

Napatingin naman kaming lahat kay Lucius sa pagtataka. Anong koneksyon ni Lucius sa Hari?

Umiling si Lucius at hindi kami pinansin.

"I'm not here to discuss something important. I am just patrolling around to see if you'll following the orders. Where's the common people here?" tanong ni Lucius.

"ah yun po ang pinagkakaabalahan ng elder ngayon. Inipon niya lahat ng mga ordinaryong tao rito para sa pulong." sagot ng binata.

Hindi naman nagtagal ang usapan nila at tinapos iyon agad ni Lucius dahil parang may naramdaman siyang kakaiba.

Habang ako rito ay nakakaramdam din ng pagkabalisa. Parang yung pakiramdam na may malapit na kalaban sa paligid. Mas malakas ito kaya medyo nahihilo ako. Napahigpit ang kapit ko kay Opheria kaya napansin niya yun.

"Genevieve, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Napahawak ako sa dibdib at ulo ko dahil sa malakas na aurang nararamdaman ko sa paligid. Sa mga naencounter kong kalaban, parang ito na yata ang worst na naramdaman ko. It makes me sick.

Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napasandal ako kay Opheria.

Napasigaw na din si Opheria dahil hindi niya alam kung anong gagawin sa akin. Yung dalawang lalaki kasi ay nauuna naglakad kaya napag-iiwanan kami.

Mabilis naman silang lumapit.

"anong nangyari?" tanong ni Orion pero walang maisagot si Opheria dahil hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari.

Kinuha ako ni Lucius mula kay Opheria at tinignan ang leeg ko. Nang parang hindi makuntento ay medyo hinawi niya ang damit ko.

"anong ginagawa mo!?" sigaw ni Opheria sa kanya pero parang wala lang siyang narinig. Pinipigilan lang din siya ni Orion hanggang sa napatigil siya at napatingin din sa leeg ko.

"A-ano yan? Bakit may itim na ugat ang lumalamon sa kanya!?"

Napapikit ako at napapahiyaw sa sakit na nararamdaman ko.

"You activated the power of Astral Projection!?" sigaw niya sakin pero hindi sigaw ng isang galit. He's just shock about this.

Hindi ako makapagsalita.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Orion.

"Anong mangyayari sa kanya kapag tuluyan siyang nilamon ng itim na ugat na 'yan?" naiiyak na tanong ni Opheria.

"The evil inside her body will devour her consciousness until she become a whole evil itself. The only way to avoid that to happen is to purified it using the the power of purification. But that is impossible, so her last resort is to control it so that it won't backfire." Paliwanag niya.

"Genevieve, can you hear me?" tanong niya kaya tumango lang ako.

"Close your eyes. I'll try to lessen the pain and delay the consumption of your power to your own energy." saad niya.

Pumikit ako tulad ng sinabi niya.

Naramdaman ko ang kakaibang init na dumadaloy sa katawan ko. Nakakapaso at the same time I felt relief. Ilang segundo lang ay nawala ang sakit na naramdaman ko kanina.

Dumilat ako.

"how do you feel?" tanong ni Lucius.

"I feel better."

Tumango-tango siya at huminga ng malalim.

"pero hindi pa nawawala ang itim na ugat sa leeg niya." ani Opheria.

"Mabuti at nandito na rin naman tayo sa Arcanum. We'll try to seek help to the elder to help you regulate your Astral power. It is not simple as your healing power to deal with. Yung mga nakaharap natin na kalaban ay mga low level na Abyssal Shadow lang. And the way you reacted earlier means it is not an ordinary member of Abyssal Shadow. How you feel right now? do you still feel their presence?" tanong niya sa huli.

"medyo humina na. Hindi ko alam kung epekto ba yun ng ginawa mo o baka umalis na. But I still felt some traces. Dun sa banda dun." tinuro ko yung sa may kakahuyan.

Napalingon silang lahat don.

Tinitigan iyon ni Lucius at tumingin sa akin.

"Let's find the elder first. He's elder Shan. He is also one of the Ancestors aside from the King. They are all live in the same era. Elder Shan is one of the sorcerers who revive the King and Queen. He is the most loyal and trusted subject of the King." paliwanag niya at pagkatapos ay nauna na siyang naglakad.

Para kaming mga bata na bumubuntot sa kanya dito.

Namamangha naman kaming tatlo.

Hinanap nga namin si Elder Shan. Pinapasok kami ng binata na kausap ni Lucius kanina dito sa isang hall kung saan yata naglalagi si Elder Shan.

Yumuko si Lucius dun sa matanda na biglang lumabas sa kung saan. Nagulat naman kaming tatlo pero agad din namin ginaya yung ginawa ni Lucius.

"Katatapos lang ng pulong namin. Anong maipaglilingkod ko Knight--" hindi natapos ang sasabihin ni Elder Shan dahil pinutol agad iyon ni Lucius.

Hinablot ni Lucius ang damit ko sa likod na parang bata at pinaharap dun sa matanda.

Walang pake na tinignan lang ako ng matanda at bumaling kay Lucius.

"anong ibig mong sabihin?" tanong ng matanda.

"I need you to help her regulate the Power of Astral Projection she accidentally activated." sagot ni Lucius.

Napa-hmm ang matanda. Humawak siya sa balbas at busisi akong tinignan sabay tumango-tango.

"May kakaiba nga akong nararamdaman sa kanya. Pero hindi na yun importante." tumingin siya kay Lucius.

"Alam ba ito ng Hari?" tanong nya kay Lucius.

"It's my own decision. Walang kinalaman dito ang Hari. But I need her to help me in my mission." seryosong sagot ni Lucius.

Tahimik lang ako rito sa gitna nila.

Nag-aalanganin man ang matanda pero pumayag parin siya.

Nakatayo ako ngayon dito sa gitna ng isang circle formation. Until a yellow light up from that formation encircling me. He instructed me to close my eyes.

"Let go all your inhibitions until your mind will be blank."

Naramdaman kong unti-unti akong lumulutang at tumataas. I felt something wind that encircling me.

"Subukan mong huwag madisctract sa mga nangyayari sa paligid mo."

I tried to concentrate and follow the elder's instruction.

"Let go of your fears and keep a deep breath. As you exhale, recognize that you are more than just you physical form and open yourself to the idea of exploring beyond its limitations. Let go of any mental clutter that prevents you from being present and open to the astral realm. Remember, as you possess Astral projection, astral realm is not the same to the physical realm. Do not let your astral body to stuck in the astral realm."

As I follow all his instruction, I felt something in my body. Parang may gustong kumawala.

"Let go of the need for control and your ego's desire to dictate the outcome. Adopt a mindset of surrender and receptivity to the astral realm."

Napapasigaw na ako sa sakit. Hanggang sa unti-unti ay parang namanhid ang aking buong katawan.

Nagmulat ako ngunit sarili kong katawan ang bumungad sa akin. Nakayuko at walang malay dito sa ere.

"Anong nangyari!?" rinig kong sigaw ni Opheria. Tumingin ako sa kanila sa baba at kita ko ang pag-aalala sa muka niya.

Tumawa naman ang matanda. Tinignan lang siya ni Lucius.

"Success! This kid has an extraordinary talent and ability." ani ng matanda.

Anong nangyayari?

Pabaling-baling ang tingin ko sa katawan kong walang malay at kina Opheria. Hindi ba nila ako nakikita?

Nang maramdaman kong lumilipad pala ako sa ere ay saka ko lang napatanto ang lahat. I smiled.

"bumalik ka na sa katawan mo. Mahina pa ang katawan mo kaya hindi ka pwedeng magtagal na nakahiwalay dito dahil baka hindi ka na makabalik. Remember, you can leave your body and travel through astral projection only in 5 minutes and it has a distance limit. You need to cultivate it properly if you want it to improve."

Pumasok naman ako sa katawan ko at para akong nakahinga galing sa matagal na pagkakalublob sa tubig.

"Genevieve!" masayang tawag sa akin ni Opheria at mabilis na niyakap ako pagkalapag ko dito sa lupa.

After that ay wala kaming sinayang na oras kaya pinuntahan namin yung lugar kung saan may enerhiya ng Abyssal shadow na hanggang ngayon ay nandon pa rin.

Pagkarating namin dito ay wala kaming naabutan kahit isa. Pinagmasdan namin ang paligid. Tanging mga puno at ilang mga halaman lang na hindi ako pamilyar.

"bakit?" tanong ko kay Lucius dahil naging alerto siya at napatingin sa ilang mga halaman na nandito.

Sinundan namin siya. Marahas na pinitas niya ang isang kulay violet na halaman. Napapalibutan ito ng itim na usok.

Nilapit niya sa akin iyon kaya biglang nagreact ang katawan ko.

"A-anong klaseng bulaklak yan?" tanong ko.

"I finally understand it. I found it!" malakas na sabi niya at muling hinagod ng mga tingin niya ang buong paligid. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top