Chapter 20
"your majesty, permission to leave first."
Nagtatanong na lumingon sa akin ang Hari.
"ah eh..kasii.." hindi ko alam kung anong pwedeng kong isagot.
Pati si Lucius nakasilip na sa akin, habang si Selene ay inirapan lang ako.
"ahmm...tinatawag ako ng kalikasan!" mabilis na sagot ko at pumikit para hindi makita ang reaction nila.
Pagmulat ko ay tulalang nakatingi sa akin ang Hari. Dahan-dahan siyang tumango.
"then I'll give you two soldier to accompany you." Saad ni Lucius.
Napangiwi ako.
"Lucius, mag c-cr ako tapos ipapasama mo sa akin ang dalawang kawal?" nakangiwing saad ko.
Napanganga siya.
"oh." Tanging sagot niya kaya bumaba ako sa kabayo.
Kinuha ng isang kawal yung tali saka ako sa nakisiksik sa mga tao.
Lumingon ulit ako sa kanila at nakitang nagpatuloy sila kaya sinundan ko ang direction kung saan tumakbo kanina ang lalaki.
Kung saan saang eskinita na ako napadpad. Pero sa huli ay naabutan ko ang akto kung saan apat na naglalakihang katawan ng mg alalaki habang binubugbog ang lalaking nakita ko kaninang tumatakbo. Ilang tadyak at sipa ang ginawa nila.
"sa akin mo pa talaga nagawang magnakaw ha!" sigaw ng isa.
Walang siyang nagawa kundi tanggapin ang lahat ng mga sipa ng apat na mga lalaki.
I aimed the arrow in front of them pero wala akong tinamaan. Sapat na yun para mapaatras sila sa impact ng arrow. It's my energy that's why it will dispersed once it hit an object.
Napacover sila sa mata nila at napaatras.
"O-orion?" sambit ko nang makumpirma ang hinala ko.
Siya nga!
Patakbo akong lumapit sa kanya. nang makita ako ay para siyang nakakita ng pag-asa.
How did he become like this? He's great in fighting and he can save himself from these people. but what happened? Pumayat siya at butas butas na ang mga damit niya. nagagalit na lumingon ako sa mga apat na lalaki pero kumaripas na sila ng takbo.
Muli akong humarap kay Orion na mahigpit na hawak-hawak ang isang tinapay.
Hindi ko mapigilang maawa sa kalagayan niya. Anong nangyari? Bakit humantong siya sa ganito?
He looks like a beggar.
Tumalikod ako saglit para magpunas ng luha at kalmahin ang sarili. Pagkalingon ko sa kanya ay halos sugurin niya ako sa mga mahigpit na hawak niya sa mga braso ko.
"O-opheria. T-tulungan mo si Opheria! Si Opheria!" desperadong sambit niya.
Sumama ako sa kanya sa isang sira-sirang kubo. Medyo malayo ito sa mga tao at sa gitna ng kakahuyan. mukhang dito tumutuloy minsan ang mga mangangaso kapag nagagabihan at saktong ito ang nahanap nila na pwede nilang tuluyan.
"A-ano bang nangyari?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
Pagpasok namin sa butas-butas na kubo ay bumungad sa akin ang nakahigang Opheria.
Mabilis na hakbang ang ginawa ko.
Hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit medyo malamig ito.
Napailing iling ako at nagsilabasan ang mga luha. Gusto kong patunayan sa sarili ko na sana dahil lang iyon sa lamig ng panahon pero hindi ko maloloko ang sarili ko. she's dying.
"Opheria!" sigaw ko while crying her name.
I tried my best to heal her using my healing power. But a force inside her body is trying to fight back my power. medyo napaatras ako dahil don.
Pinunasan ko ang dugo sa bibig ko. The force inside her body is too strong for me to fight it. mukhang ito ang dahilan kung bakit siya unti-unti nawawalan ng energy.
I tried again...and again...and agin.
Nakailang suka na ako ng dugo pero hindi ako makaramdam ng panghihina. Kaya naman tinuloy ko pa rin. Ang ipinagtataka ko lang ay imbes na manghina ako sa kada pilit kong gamitin ang ang aking kapangyarihan ay bakit parang mas nakakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na dumadaloy sa buong katawan ko dahilan para mas lumakas pa ito.
Muli kong hinawakan ang kamay niya at nang maramdam ang normal na init ng katawan niya ay naginhawaan ako. hindi man siya nagising, but I know that she will wake up anytime.
Kinausap ko si Orion na aalis muna ako at babalikan ko sila.
Bumalik ako sa city. Pero ang naabutan ko ay ang pagatake ng mga abyssal shadow.
Napatingin ako sa paligid. Marami ang mga kawal ang lumalaban para iligtas ang mga common people. nakita ko rin sina Lucius sa nakikipaglaban.
I shot my arrow to that one enemy nang inatake niya ang isang matandang lalaki. Napahiga siya sa sahig kaya agad ko siyang nilapitan. Marami rin ang mga nagsihandusay.
Tinulungan ko muna si lolo na tumayo at inalalayan siya na pumunta sa gilid. Ganon din ang ginawa ko sa iba. Tinipon ko sila sa iisang pwesto. Habang pinapaligiran kami ng mga kawal at hinaharangan ang mga kalaban na gustong lumapit sa amin.
"Protect the lady!" rinig kong sigaw ni ng Hari habang sinusubukan niyang protektahan ang maraming tao na sinasalakay ng mga abyssal shadow.
Napalingon sa pwesto namin si Lucius.
"surround them!" sigaw niya sa mga kawal matapos niyang sipain ng malakas ang isang human formed na abyssal shadow. It means that it is not a lowly kind of abyssal shadow.
Nagulat ako ng mas nadagdagan ang mga kawal na nakapaligid sa amin at halos hindi ko na makita ang nangyayari sa harap.
Tumingin ako sa mga kasama ko. may mga bata pa na may galos sa mukha at ilang mga matatanda.
Lumapit ako sa mga may sugat at mga may natamo para gamutin sila.
"salamat."
"salamat binibini. Hindi ko na alam kung saan ako magtatago kanina."
Wala akong ibang narinig sa kanila kundi ang pagpapasalamat nila na kung hindi sa akin ay baka patay na sila.
Huling nilapitan ko ang matandang lalaki.
Nang akmang gagamutin ko siya ay hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba.
"kung maari, huwag mo munang gagamitin ang kapangyarihan mong manggamot." Nahihirapan na sabi niya.
"pero kailangan niyo po. Nabigyan ako ng kapangyarihan na ganito para gamutin ang mga may sakit."
Umiling-iling siya.
"kung ito ay puro at walang bahid ng itim na enerhiya ay maaari mo itong gamitin hanggat kaya mo pa."
"ano pong ibig niyong sabihin? Hindi naman ako nakakaramdam ng panghihina kapag ginagamit ko ito. At wala naman ito bahid ng itim na enerhiya dahil nalulunasan lahat ng nagagamot ko." mahinang saad ko.
Lumapit sa akin ang isang bata.
"ate, ikaw ba ang Saintess ng Serendell?" cute na saad ng bata dahil medyo chubby siya kaya hindi niya masyadong mabuo ang mga words.
Umiling ako at hinawakan siya sa balikat.
"bakit?" mahinhong tanong ko.
"kasi ang kapatid ko may sakit siya. At ang sabi ng manggagamot dito sa Gamarenth ay hindi raw niya kayang gamutin ang sakit na iyon. Kahit daw ang mga manggagamot sa Serendell, pwera na lang kung ang Saintess mismo." Sabi niya.
"hmm...Hindi ko kilala ang Saintess nila don. Pero meron naman ang Hari. Huwag kang mag-alala, magpapatulong tayo sa Hari." Saad ko sa kanya.
Napatingin ako sa mga kawal at napansin na konti na lang ang natira. Hindi naman kasi pwedeng palibutan na lang nila kami dahil marami rin ibang buhay na kailangan nilang iligtas.
Dinala ko siya sa pinakagilid.
"halika, dito muna kayo—"
"binibini sa likod mo!" sigaw nila.
Pagtingin ko sa likod ay isang abyssal shadow ang papalapit na sa akin. Hindi na ako nakagalaw at nakapag-isip kaya natulala lang ako dito.
Pero bigla itong tumigil nang halos isang dangkal na lamang ang pagitan mula sa mukha ko.
Lumipad ito palayo at naghanap ng ibang aatakehin.
Napakurap-kurap ako sa nangyari.
"binibini ayos ka lang?"
"ate!"
Saka lang ako nabuhayan ulit nang hinawakan ng bata ang kamay ko at hinila-hila.
"w-what did just happened?" tanong ko sa sarili ko pero narinig nila.
"hindi ka nila kayang atakehin."
Napalingon ako sa matanda dahil sa sinabi niya.
"b-bakit?"
"dahil---" ubo siya ng malalakas.
Lumapit kaming lahat sa kanya.
Sinubukan ko pa siyang gamutin ulit pero hindi siya pumayag.
"tandaan mo, mula ngayon iwasan mong gamitin ang kapangyarihan mong manggamot hanggat maari." Saad niya at muli siyang umubo.
"bakit? Lolo bakit?" hindi na niya ako nasagot dahil sa sunod sunod na pag-ubo niya. hanggang sa unti-unti na siyang pumikit.
Chineck siya ng isang kasama namin hanggang sa dahan-dahan siyang umiling.
Napasinghap kaming lahat.
Unti-unti ay natigil ang gulo.
Bumalik kami agad ng palasyo.
"what's with the sudden attack of the enemy?" tanong ko habang ginagamot ang mga sugat ni Lucius.
Hindi siya sumagot. Maging siya mismo ay napapaisip din.
Hindi ko pa siya tapos gamutin nang hawakan niya ang wrist ko saka hinila.
"t-teka.. hindi pa tapos."
"we needs to see the King first."
Pagbalik kasi namin dito sa palasyo ay naghiwa-hiwalay kami agad.
He forcely open the huge door of Ascendace Pavillion. Where the King lock himself up when his energy acting up again. Pagkabukas niya ay isang hirap na hirap na hari ulit ang nakita ko.
But this time, Selene was beside him trying to help him regulate his power.
I felt a pang inside my chest. Pero hindi ko iyon pinansin dahil ginagawa niya lang iyon para tulungan ang hari. Looking at her trying her best to help the king makes me feels worthless. I want to help him too.
She was thrown up when the strong energy that surrounding the king blown up. Tumama siya sa batong pader.
Napahigpit ang hawak sa akin ni Lucius nang maramdam niyang sinubukan kong lumapit sa kanila.
Nakipagtitigan ako kay Lucius. He slowly shake his head while looking at me. he's telling me not to think of stupid thing again. Pero hindi ako nagpatalo. Marahas na tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.
Alam kong nag-aalala siya sa Hari pero heto ako at dinagdagan ang pag-aalala niya. he's worried about me and the king.
Muling bumangon si Selene at pumasok sa malakas na enerhiyang nakapalibot sa hari. Muli niyang pinasahan ng energy ang hari para makontrol nito ang kanyang kapangyarihan. Pero hindi pa rin iyon sapat. Her energy as a saintess of the sorcerers can regulate the strong power of the king but it is just for temporary.
Hindi pa ako nakakalapit ngunit napapaso na ako sa enerhiyang nakapaligid sa Hari.
Ngunit nagulat ako nang biglang may pumalibot sa akin na puting enerhiya dahilan para malaya akong makapasok sa nakapaligid sa Hari. Lumingon ako kung saan si Lucius. He's helping me. Lucius help me kahit alam kong ayaw niyang gawin ko ito. In the, he still respect my decision and support me even it against his will. As long as I am safe.
Napangiti ako.
"Go! It's your turn! Do what you want to do. I just use a portion of the King's purification power he gave me! It is enough to resist the energy for 5 minutes!" sigaw niya.
I gave him a determined nod at saka lumapit sa Hari.
I was planning to help him by healing his inside and outside pain while Selene is doing her task.
Sa una ay ayos pa at parang walang kahirap-hirap para sa akin. Medyo kumalma din ang Hari. Napatingin sa akin si Selene, she wants to say something to me again pero dahil sa kalagayan niya ay inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Habang tumatagal ay paubos na rin ng paubos ang protecting barrier na ginawa ni Lucius. Sumisigaw na rin sa akin si Lucius para tapusin na ang ginagawa ko at lumayo dito.
Pero nang tatapusin ko na ay biglang tumilapon si Selene. Napatingala ang Hari at pareho kaming napasigaw. The energy of healing power I am transfering to him suddenly stop. Ngunit ang sarili ko namang enerhiya ang tila hinihigop ng katawan ng Hari. Napapasigaw ako. parang humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan. Isang enerhiya galing sa katawan ko ang kusang lumilipat sa katawan ng Hari.
"Aahhhh!"
"S-stop! Nooo!" sigaw ng Hari habang nakatingin sa kalagayan ko. maging siya ay hindi mapigilan ang nagyayari.
Sinubukan lumapit sina Lucius pero tumilapon lang sila.
"Genevieve!"
Pareho kami ng Hari na umangat sa ere.
It takes a long minutes while I am enduring the pain of losing my energy. Napapikit na lang ako at hinintay matapos ang lahat. Ilang minuto pa alam kong mauubosan na ako ng enerhiya.
A loud shout from the King that cause everything to be shaken of. Dahilan para matigil ang energy tranfusion na nangyayari. Wala na akong lakas para dumilat at wala na akong pake kung mahuhulog ako sa sahig. But lucky me, the King held my waist at naramdaman kong dahan-dahan kaming lumanding sa sahig. Sa sobrang panghihina ay gusto kong matulog na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top