Chapter 2

GENEVIEVE ASHBOURNE'S POV


Pagkagising ko ay tunog ng machine agad ang narinig ko. Nang maka-adjust ako sa paligid ay alam kong isa na akong pasyente dito sa hospital. Ang tahimik ng paligid, wala man lang nurse na nagbabantay or any relative o kilala ko ang nandito. May kanyang buhay naman si Aurora dahil busy iyon sa trabaho niya. Anyway, I'm an orphan kaya wala akong parents or distant relatives man lang. Nagawa ko lang buhayin ang sarili ko dahil kay mother Visca na nag-alaga sa akin nung bata ako sa bahay ampunan hanggang sa napagdesisyunan kong umalis doon para buhayin ang sarili ko.

Ang lamig ng paligid at sobrang tahimik. I feel empty and loss. Inabot ko ang tubig na nasa side table para uminom dahil feeling ko ilang araw akong nakahilata rito kaya sobra akong nauhaw. I remember what happened in the accident, ang taas ng bangin na pinagbasakan ko. Buti buhay pa ako. Natawa na lang ako sa naisip ko. Pagkababa ko ng baso ay siyang pagpasok ng nurse.

"doc, gising ka na pala." casual na saad ng nurse.

"ilang araw akong na admit dito?" tanong ko.

"tatlong araw kang nahospital sa public hospital doon sa pinuntahan mo. Kulang sa mga kagamitan ang hospital kaya mabuti at nalaman nila agad ang identity mo na isa kang doctor na nagt-trabaho dito kaya kinontak agad nila ang director ng hospital para ipaalam ang nangyari sayo. Agad naman kumilos ang director para itransfer ka rito. Pang tatlong araw mo na rin dito." paliwanag niya.

The director of this hospital have his favor on me. Dahil laging ako ang nagdadala ng pangalan ng hospital niya.

"doc, ang strange lang kasi aside sa injury niyo sa ulo na agad naman naagapan agad nung natransfer ka rito, bigla na lang naging flat line ang EGC monitor. Even Doc. Crester who's incharge of you ay nataranta rin. Ilang ulit niyang chineck ang heartbeat niyo in different ways kasi ayaw niyang maniwala sa monitor baka nagkaproblema lang. Alam mo ba doc..."

Lumapit siya sa akin para maituloy niya ang sasabihin niya sa mahinang boses na parang nakikichismis lang. Na intriga naman ako kaya kinuha ko ang isang apple sa side table at kumagat.

"ituloy mo.." pang e-encourage ko sa kanya.

"nung nalaman ni Doc. Manuel ang nangyari na nagstop na ang heartbeat niyo, pumasok siya agad at chineck din kung totoo ba. Tapos nung naprove niya hindi na kayo humihinga, siya na mismo ang nagdeclare ng time of death niyo. Parang gusto pa niya ang nangyayari. Pero nagalit si Doc. Crester! Sinugod niya si Doc. Manuel at sinuntok sa panga! Kung nakita mo lang ang nangyari, halos maihiwalay na ang pang ibabang panga ng matandang doctor na yun sa ginawa ni Doc. Crester." Kwento niya na may halong action pa at exaggerated.

Nabulunan ako sa huling sinabi kaya inabutan ako ng tubig at nagpatuloy sa kwento niya.

"tapos nung medyo nahismasmasan si Doc. Crester ay bumalik siya sayo. Tantiya ko mga 15 minutes ka nang hindi humihinga pero ayaw parin mag give up ni Doc. na iligtas ka. Tanging nagbibigay sa kanya ng pag-asa ay mainit pa ang buong katawan mo. Kaya nung bumalik siya ay walang pagdadalawang isip na hinalikan ka sa labi para bigyan ka ng hangin!" halos may halong action pa ang ginawa niya gamit ang dalan daliri niya sa magkabilang kamay.

Nabuga ko ang iniinom ko dahil don.

"doc! Ayos ka lang?" tumango-tango ako at tinuro ang pintuan para palabasin siya. Lumabas siya habang ako ay minamasahe ang dibdib ko habang nauubo parin.

Ilang beses ko lang makita at makasalubong ang Doctor na yun dito dahil siguro hindi kami pareho ng shift. Pero hindi nakakaligtas minsan sa tenga ko ang mga usapan at admiration sa kanya ng mga nurse at maging mga dalagang pasyente rito dahil katulad ko, achiever din siya. Wala nga kaming interaction don eh.

Isang oras yata na nagpahinga ako dito sa bed at pumasok ulit ang nurse. She says that I can be discharge now after she remove the bandage on my head. Nung lumapit siya sa akin para tanggalin iyon ay may pumasok ulit sa pinto.

"let me." sabi ng pumasok.

Si Doc. Crester. Lumapit siya at siya ang pumalit sa pwesto ng nurse. Dahan-dahan niyang tinanggal ang bandage sa ulo ko ng walang nagsasalita sa aming dalawa. Ano ba naman pag-uusapan namin diba? Naexplain na rin naman ng nurse ang kalagayan ko at ayos na ako. He only need to remove my bandage pagkatapos ay ididischarge ako, then balik sa normal life at work.

We're both adult and we know the work ethics, kaya naman casual lang at buti na lang walang awkward moment sa aming dalawa.

Pagkatapos niyang tanggalin ang bandage ay nagkatitigan kami. Ako na lang ang unang umiwas kasi parang may mali na.

Narinig ko ang malalim nabuntong hining niya bago sila lumabas ng nurse.

Pagkalabas nila ay ako naman itong bumuga ng hangin, diko napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng paghinga.

After I discharge that day, nagpatuloy nga ang dating buhay ko. Pero sa bawat paggising ko sa umaga, feeling ko may isang part sa buhay ko na nakalimutan ko. Pilit kong inaala pero pinagsasabihan ko na lang ang sarili ko. Baka isa lang iyon sa mga panaginip na hindi ko na maalala. You know the nostalgia? Parang ganon.

Isang araw nagising ako na basang basa ng pawis. I know I had a nightmare. Pero nung pagkagising ko, hindi ko na maalala ang panaginip ko.

Naglalakad ako rito sa hallway habang binabasa ang record ng pasyente na binigay ng nurse. Hanggang napahinto ako at tumapat ako sa isang room. Kitang-kitang sa bintana ang mga nasa loob, nakahawi kasi ang kurtina.

Ito pala ang room ng batang tinulungan ko. Successful nga pala ang operation niya. At nakakalimutan kong bisitahin dahil na rin sa busy sa trabaho, idagdag pa na medyo distracted ako sa sarili ko dahil sa araw-araw na nightmares at feeling ko may importante talaga na gusto kong maalala but it feels like there is something that blocking my mind from thinking about it.

I saw how happy the child is habang kinakain ang isang cake na bigay ni Doc. Crester. Yes, nasa loob siya at kausap ang bata. Parang may sinabi siya na nag bigay ng saya sa mag-ina. Hanggang sa hindi ko napansin na nakangiti na rin ako at gumalaw ang mga paa ko papalapit sa pinto. Pipihitin ko na sana ang doorknob para pumasok pero tinawag ako ng isang nurse kaya binaba ko ang kamay ko.

"doc. Kailangan ka na sa room 106." humahangos na saad ng nurse.

Muli akong sumulyap sa loob gamit ang maliit na transparent glass dito sa may pinto bago naglakad takbo na puntahan ang pasyente.

Inabot kami ng siyam-siyam sa operation at sa huli ay successful naman. Paglabas namin ng operating room ay kita sa mga mukha ng mga kasama ko ang saya sa mga mata nila. I know the feeling. Yung isang buhay na naman ang nailigtas mo. We congratulate each other and I don't dare to take the credit all alone of course. Kung wala sila, hindi magiging successful ang operation.

"cograts doc!" sigaw nila sa akin.

Tumawa ako.

"congrats din sa inyo! Ganito, libre ko kayo ng dinner mamayang gabi. Anong say niyo?" nakangiting saad ko habang naglalagay ng alcohol sanitizer sa kamay.

"yown! Barbeque!?" sigaw nila.

"kahit ano hahaha!" we continue to tease each other nang may isang nanay ang lumapit sa akin at lumuhod at halos nagmamakaawa.

Nagulat ako sa ginawa niyang yun kaya medyo nablanko ako ng 3 secs. Mabilis naman akong hinila ni nurse Anna sa tabi niya to make me safe kasi sobrang bilis ang pangyayari.

Kaso natahimik kami ng umiiyak na ang nanay at nagmamakaawa akin na tulungan ko ang anak niya.

Lumapit si nurse clifford sa kanya at para sana tulungan na tumayo pero ayaw magpahawak.

"nay, tumayo po muna kayo." saad ni nurse Clifford.

Umiling iling ang nanay at halos hindi na makalma.

"anak niya yata yung nasa kabilang operating room na nakasabay natin kanina." sabi ni nurse ayesha na habang nilalapitan si nanay para pakalmahin.

Marahan na hinawi ko ang kamay ni Anne na nakahawak parin sa braso ko para malapitan ko rin si nanay. Tinanguan ko si clifford kaya gumilid siya at ako ang pumalit sa pwesto niya dito sa right side.

Medyo nakalma naman ang nanay ng ako na ang tumulong sa kanya para tumayo. Kaya nung nakatayo na siya ay halos magusot at masira na ang suot kong lab gown sa pagyugyog niya sa akin. Mahilo-hilo man sa pagkalog niya sa akin pero hindi ko iyon ininda.

"tulungan mo ang anak ko! Diba ikaw ang pinakamaling na doktor dito!? bakit hindi ikaw ang nag operate sa kanya!?"

Mas nagiging aggressive na siya kaya inawat siya ng mga lalaking kasama namin. Napapatingin din sa amin ang ilang mga nurse na napapadaan dahil sa gulo. Muli akong hinila ni Anna at niyakap dahil para akong nirape ng ilang lalaki sa itsura ko ngayon. Hindi ako makapagsalita at wala rin naman akong maisip na sasabihin. Para akong nablanko sa mga oras na ito.

Muli sana akong susugurin pero buti na lang humarang sa amin ang tatlong lalaking nurse para pigilin siya.

"mawalang galang na po ma'am pero wala pong kasalanan si Doc. Genevieve kung bakit hindi siya ang nakatoka sa anak niyo. May kanya-kanya pong duty ang mga doctor maging ang mga nurse." saad ni Clifford gamit ang mahinahon na boses out of courtesy kahit naiinis na.

Tumahimik kaming lahat at napalingon doon sa kabilang operating room nang lumabas ang ilang mga nurses. Napahinto rin ang nanay na kanina pa nagwawala.

Sumunod na lumabas ay ang apat na nurses habang tunutulak ang isang stretcher. Sa ibabaw no'n ay isang pasyente na natatabunan ng puting tela. Napasinghap kaming lahat ng marealize ang nagyari. Huling lumabas ang doctor na nag-operate. Kita sa expression niya ang disappointment sa sarili. Hindi ko man naranasan na may isang hindi nakaligtas sa mga patients ko, bilang isang doctor, ramdam ko rin ang nararamdaman niya ngayon.

Tahimik pa rin kami hanggang sa tumapat na sa amin ang stretcher. Pinahinto iyon ni clifford. Lumapit siya at dahan-dahang hinawi ang puting tela. At doon tumambad sa amin ang isang bangkay ng dalaga. As a person who practice medicine, we may look calm and normal outside pero deep inside napapasinghap pa rin kami kapag nakakakita ng bangkay ng tao. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Anne sa braso ko, she look calm but she can't hide how she trembled the way she grasp my arm.

Mas lalo nang umiyak at nagwawala na ang nanay. Halos mahulog na ang bangkay sa pagyakap niya sa anak. Wala nang nakapigil sa kanya. Hinayaan na lang namin. Kaso muli kaming nagulat nang tumayo siya at sinugod ang lalaking doctor na medyo bata pa, halos magkakasing edad lang kami. Parang ngayon ko lang siya nakita dito. Mukhang bago pa lamang.

"bagong doctor yata. Ngayon ko lang siya nakita rito." bulong ni nurse Anne.

So bago nga.

"wala kang kwentang doctor! Pinatay mo ang anak ko! Walang kwenta ang hospital na ito!" pagsisigaw ni nanay habang walang pigil na pinghahampas ang bagong doctor. Hinayaan lang niya ang nanay na hampasin siya habang nakayuko. Wala rin kaming magawa. Nang halos bugbog sarado na ang doctor ay hindi na nakatiis si Ayesha.

"ano ba! Papanoorin niyo lang ba hanggang sa magulpi siya!" Sigaw niya sa mga tatlong kasama namin na lalaki.

Nang walang gumagalaw na lalaki para awatin si nanay ay napalingon kaming lahat kay Clifford.

Nasa likod namin siya. Sa dati niyang kinatatayuan. Habang tulala at titig na titig sa bangkay ng dalaga.

Nagkatinginan kaming lahat. We all concluded na baka kilala niya ito. Sinenyasan ko na lang ang dalawang lalaki na silang dalawa ang umawat dun sa nanay. Kasi hanggang ngayon ay hindi parin pumapalag ang doctor. Parang gusto niya pa niya ang nangyayari. Maybe he's thinking that it's better if he'll die too to atone for his mistake. But as long as he did all his best in the operation and still ended up tragically. It's not his mistake anymore, it is just the patient's fate.

Nang maawat siya nina Liam at Mark, sakin naman siya muling sumugod.

"kasalanan mo ang lahat ng ito! Kasalanan mo ang lahat ng ito!" pagsisigaw niya sa akin habang hinihila siya ng mga security na kakarating lang.

"she's gone crazy." bulong ni Anne. Sinita naman siya ni Ayesha sabay tapik sa balikat niya. It's improper to label that to a mother who lost her own child.

Sinundan lang ng tingin ni Clifford ang ang cadaver ng dalaga habang dinadala ito sa morgue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top