CHAPTER 8

CHAPTER 8 - FIRST OFFENCE

Xy's POV

Iika-ika akong nag lakad dahil sobrang nanakit na ang balakang at likod ko. Mashado atang malakas ang pag kakabagsak ko

Pumunta ako sa dating entrance ng Morach na ngayon ay wala na ang nakaharang na pader. Mukhang binuksan talaga nila iyon para sa mga darating na bisita

Biglang may dumating na limousine kaya agad akong nag tago sa madilim na bahagi ng school para hindi nila ako mahalata

May mga bumaba doong dalawang body guard at pinag buksan ang dalawang pinto ng limo. May lumabas doong apat na babae. Kahit na madilim kitang kita ko parin ang mukha nila. At isa doon kung hindi ako nag kakamali ay siya ang tinawag na President ni Amy

Nag lakad sila pinapangunahan nung si President and dalawang body guards naman ay bumalik sa limo at pinaandar ulit ito papaalis ng school

Narinig ko pa ang mahinang tunkg dahil sumasara nanaman ang dalawang pader na haharang ulit sa gate ng Morach

Kung yan lang ang pasukan dito sa school malamang yan lang rin ang daan papalabas

Nang mag sara ng tuluyan ang mga pader muli kong nabasa ang nakalagay doon

Mafia Academy

Ano bang ginagawa ko dito sa school na 'to. Bakit ba dito ako dinala nila Daddy

Iniwas ko na ang tingin doon at muling tinignan ang apat na babae. Nakita kong sinalubong ito ni Carlos. Nag kamayan sila. Sobrang pormal nila sa isa't isa. Nag usap usap sila at dahil medyo malayo ako ay hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila

Lumapit pa ako ng kaunti dahil narin sa pag tataka kung ano ba ang pinag uusapan nila

"Would you like to go to your room now, Master" rinig kong sabi ni Carlos sa Supreme President

"No" malamig na tugon sa kanya ng Supreme President

"It looks like someone likes to taste my punishment" hindi ako makagalaw sa narinig ko. Ako ba ang tinutukoy niya? Impossibleng hindi ako dahil siguradong ako lang ang nag lakas loob na suwayin ang utos nila

Mas lalo akong nagulat nang lahat sila ay nakatingin sakin. Hindi rin ako makagalaw nung nag lakad papalapit sakin ang Supreme President. Gusto kong umatras. Gusto kong tumakbo pero yung mga tingin niya ay parang sinasabing 'If you run, You'll die'

Anlaki laki ng daan na pwede kong takbuhan. Pero may matatakbuhan ba talaga ako sa school na 'to. Napapalibutan kami ng mga matataas na pader at ang iisang daan ay sarado rin

"Do you know what time is it?" naka cross arms ito habang nakatingin sakin ng deretso

"P-Past 7:00" hindi ko mapigilan ang panginginip ng boses ko. Mashado akong apektado ng presensya niya

"And your lights off is...?" pag tatanong niya ulit pero hindi parin nag bago ang lamig ng boses niya ni mabawasan man lang

"6... 6:30" parang hindi na ata ako makakasagot sa kanya ng hindi nanginginip ang boses ko

"Then you're still here in this moment" mununot ang noo niya. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Kung pano siya mag salita ay nakaka kaba na para bang ang pag labag sa patakaran nila ay isang malaking katangahan

"Your name?" napaigtad pa ako sa tanong niya pero agad ko rin itong sinagot

"Xy Kara" nag papasalamat ako dahil hindi na ako nautal nung sabihin ko ang pangalan ko

"Should I put an x on your name now" parang nanghina ang tuhod ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi parin nag puputol ang tingin namin. At habang nakatingin ako dito hindi ko mapigilan ang pagkain sakin ng kaba ko

"First offence, Lady"

Anong sinasabi niya?

Pag katapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya sakin at nag lakad ulit papalapit doon kila Carlos. Huminga ako ng maluwag. Para ang nabunutan ng tinik

Nakaligtas--

"Bring her to the White Room" nagulat ako nang sabihin niya yun. A-Akala ko tapos na. Na aalis na siya at hahayaan na niya ako. Bigla nalang akong hinila ni Carlos

"A-Anong gagawin niyo?" tanong ko sakanila pero si Carlos lang ang humarap sakin ng may ngisi sa labi. Kakaiba ang ngiti niya. Parang sinasabi niyang ito na ang huling araw ko

Huminto kami sa isang puting pintuan. Simple at ordinaryo lang ang pinto pero kinakabahan ako kung anong mangyayari sakin kung papasok ako diyan

"Enjoy the White Room" bulong sakin ni Carlos at tinulak nalang ako papasok

Mamatay na ba ako

Solon's POV

Dumating na ang Council pero kahit na ako ang Supreme Vice President ay hindi ako pumunta doon para salubungin sila. Mas mahalaga siya. Ikamamatay ko pag may nangyaring masama sa kanya

Nililibot ko ngayon ang buong paligid ng dorm nila. Dahil kahit nakandado ang pintuan niya alam kong makakatakas parin siya. At yun ang pipigilan kong mangyari

Ilang beses ko palang siyang nakita pero alam ko na agad kung may tumatakbo ba sa utak niya na ikapapahamak niya

Inutusan ko si Amy na ikandado ang labas ng pintuan niya para kung sakaling makaisip nanaman siya ng gagawin

Napahinto ako ng may matapakan akong malambot na bagay. Pagtingin ko

Kumot?

Kumot nga at hindi lang ito isa parang pinag dugtong dugtong talaga ito para tumakas-- Napatingin ako sa second floor at halos gusto ko ng manuntok ng makita kong nakabukas ang bintana nito

"Sht! Kara!" Tumakbo ako papunta sa dorm ni Amy

"Amy. Fck. Open this goddamn door" halos sinuntok suntok ko na ang pintuan niya

"Bakit ba nambubulabog ka, Solon?" nakakunot ang noo niya pero kita rin sa mukha niya ang pag tataka

"Si Kara nakatakas" sigaw ko sa kanya

"What? Kinandado ko na yun. Impossible namang dumaan siya sa bintana--" napatigil siya sa pag sasalita

"Dumaan siya sa bintana?" gulat na tanong niya sakin

"Yeah. She did" pabulong na sabi ko. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko

"Tara puntahan natin sa dorm para kasasigurado tayo" sabi niya at nag mamadaling pumasok ulit sa loob para kunin ang susi sa kandado

Habang nag lalakad kami ay nililibot ko ang mata ko nag babakasakaling makita ko siya

Pero nakaabot na kami sa dorm wala parin akong makita ni anino niya

Nang nasa harap na kami ng pintuan niya agad itong sinusian ni Amy at pag bukas namin walang tao

"Kara" sigaw pa ni Amy para makasiguradong nandito ba si Kara o wala. Pero walang sumagot tinignan pa niya sa banyo pero wala parin

"Fck this! Where the fck are you, Kara" naibulong ko nalang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sayo

Aihika's POV (Supreme President)

Pag ka alis na pag ka alis ni Carlos bitbit si Kara ay biglang lumapit sakin yung tatlo

"Aihika, What are you doing?" kunot noong tanong sakin ni Georgia

"I know you know her" sabi naman sakin ni Shin

"You shouldn't have done that" malamig na sabi ni naman ni Ira

Tss itong talagang tatlong 'to iisa lang ata ang utak. Pareparehas silang mag isip eh

"Don't ask me damn questions. I did that because she doesn't follow my rules" giit ko sa kanila

"Are you aware that she is the only child of the Zalirous?" tanong ulit sakin ni Georgia

"Of couse. I'm not stupid" kumunot na ang noo ko. Ano bang akala nila. Na wala akong alam sa pinag gagagawa ko "And this is also the best way for her to show us what she got" sabi ko sa kanila ng seryoso

"Pano kung di niya kayang lumaban" si Shin naman ang nag salita

"Kaya niya. Dapat kaya niya" sabi ko habang nakatingin sa mata niya

"Hindi naman tanga si Mr. Zalirous para pag aralin dito ang anak niya na ni wala man lang kaalam alam kahit konting martial arts lang. Alam niya kung ano ang patakaran ng school" mahaba pang sabi ko sa kanila

"The first requirement in this school is you should have the ability to fight in any moment" seryoso pang dagdag ko. Gusto kong maliwanagan sila. Mashado silang natataranta. Tss parang wala naman akong desisyon na hindi ko pinag iisipan

"Sa White room ko lang siya dinala. Kaya mag kayong mag alala" sabi ko pa at nag lakad na papunta sa kwarto ko. Mashado na akong maraming ginawa sa araw na 'to

Ang hirap maging presidente ng apat na school. Araw araw kang mag lilibot sa school para mag parusa ng mag parusa. Ako lang naman ang nag bibigay ng parusa hindi ako ang gumagawa ng parusa

Mas gumulo pa nung pasok si Miss Kara Zalirous. Mashado rin kasing maraming pinagawa samin si Mateo. Tatay ni Kara. Puro pag papabantay

Malapit ko na nga isipin na lalampa lampa yung anak niya kaya nag papatulong siya sa Council pero yung nangyari kanina

Hindi ko talaga siya mapapansin kanina kung hindi ko palihim na nilibot ang mata ko. Malakas ang pakiramdam ko sa mga tao sa paligid sakin pero yung sa kanya matagal ko pa bago mahalatang nandyan lang pala siya

Kaya gusto ko rin malaman kung ano bang kaya niyang gawin. Para malaman ko rin kung kailangan pa ba siyang bantayan o hindi na

Malalaman ko yan bukas

"Carlos" tawag ko sa makakasalubong ko na si Carlos

"Yes Master?" magalang na tanong niya sakin

"Yung si Kara. Wag mo siyang pakainin hanggang sa bukas ng hapon at doon mo narin simulan ang parusa" pag bibilin ko sa kanya

"Masusunod" sagot niya ulit sakin

"Wag na wag mo siyang bibigyan ng pag kain ni inumin. Maliwanag" pag uulit ko pa

"Yes, Master" sagot niya tumango nalang ako at dumeretso na sa kwarto ko at nahiga

May ibubuga ka kaya, Miss Zalirous

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Vote kayo para masaya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top