CHAPTER 7

CHAPTER 7 - VISITORS

Xy's POV

Nag titilian ang mga babae dahil sa kasama ko. Oo gwapo na siya pero kailangan ganyan talaga ka oa

Nang makapunta na kami sa dorm ko nagulat ako ng makita ko si Amy na nakatayo sa labas ng pinto ko. Itim na itim ang ilalim ng mata nito na para bang kagabi pa walang tulog

"Kara" tawag niya sakin nang mapansin niya ako

"Bakit ka ba tumakbo nalang kahapon" galit na sigaw niya sakin. May mga tumingin samin pero para bang takot na takot itong umalis

"She's tired. Let her rest first" napatingin si Amy kay Solon. At gulat siyang napatingin sakin

"Bakit kayo mag kasama nito?" gulat parin niyang sabi

"Amy not now. I'm really tired" malamig kong sabi at kinuha na ang susi ng room ko

"P-Pagod ka. Kasama 'tong lalaking 'to?" parang mas lalo siyang nagulat

"Hindi ko alam na madumi rin pala ang isip mo, Angel" natatawang sabi ni Solon. Hindi ko na sila pinakinggan at pumasok na ako sa kwarto ko at agad na sinarado ang pinto. Pumunta ako sa kama at nahiga doon. Andami kong gustong malaman. Saka sila Mommy at Daddy

Napabangon ako dahil may isang tanong nanaman ang ang pumasok sa isip ko

Dito sila galing school. Dito pa nga sila nag kakilala

Pero bakit nila ako pinaaral dito. Eh alam kong alam nila na hindi safe dito. Anong dahilan nila. May dapat ba akong malaman?

Amy's POV

Nagkatinginan kami ni Solon nang sinara nalang bigla ni Kara ang pinto. Wala kaming magawa kaya sabay nalang kaming lumabas ng dorm. Tahimik lang kami at pinapakiramdaman ang isa't isa

Naupo kami sa isang bench pero ni isa samin walang nag salita

"Kamusta ka na?" binasag niya ang katahimikan samin kanina

"Ayos lang. Masaya" mahina ang pag kakasabi ko pero alam kong narinig niya iyon

"Masaya pala ang binigay kong pwesto sayo" natatawang sabi niya

"Mahirap na masaya. Kasi kahit na pumapatay ako meron parin akong naproprotektahan" natatawa kunwaring sabi ko. At tama ako ng nabasa si Solon ang nag bigay sakin ng pwesto bilang guardian angle. Siya kasi ang Vice president ng Council at yun ang trabaho niya. Kumuha ng tao para sa isang position

Maswerte ako at ako ang nanalo sa lahat. Hindi lang kasi boto ng tao ang kailangan mong kunin kailangan mo ring makipag laban sa lahat ng gustong maging angle. Shempre gusto nilang mapabilang sa Council

"Tss maayos?" natatawang sabi niya. Tinarayan ko lang siya

"Ikaw lang naman nag papahirap sakin eh" nakangusong sabi ko

"Hindi rin"

"Ito kaya ang pinaka mahirap na trabaho sa Council tss" naiinis kunwaring sabi ko sa kanya

"Buti nga kayo lalaban lang. Eh ako mamimili pa" napangiti ako dahil nag aasal bata nanaman siya. Dyan kami nag kakasundo eh. Minsan lang siya ganyan pero ako laging isip bata. Siguro dahil hindi ko rin naenjoy ang pagiging bata ko

Kaya nga tinanggap ko yung alok niya nung sinabihan niya akong bantayan si Kara eh. Dahil katulad ko hindi rin naenjoy ni Kara ang kabataan niya

"Sige na, Amy, Aalis na ako" sabi niya at tumayo na "At sana hindi ka maging hadlang sa plano niya" bigla akong sumeryoso nang sabihin noya yun

"Alam mong ako ang naatasang mag bantay sa kanya" seryosong sabi ko

"Alam ko. Pero sana pag siya na ang gumawa ng hakbang tumabi ka muna" nakangiti siya pero alam kong seryoso siya "Bye Amy" pabulong na sabi niya at umalis na

Hindi parin talaga siya nag babago. Napabuntong hininga nalang ako

Xy's POV

"You are the Queen but you don't have a crown" nakangisi niyang sabi. Nag pupumiglas ako pero mashado silang marami

Naramdam ko nalang ang pag tusok ng karayom sa braso ko dahilan para mawalan ako ng malay. At matuloy nila ang balak nila sakin

Yung panaginip ko kanina. Naalala ko nanaman siya. Hindi na ata siya mawawala sa isip ko. Anlaki ng epekto nila sakin. Hanggang ngayon natatakot parin ako

Humigpit ang pag kakahawak ko sa lapis na gamit ko. Ginuguhit ko ngayon yung koronang tattoo ko sa noo. Kahit hindi ko siya tignan ng tignan sa salamin. Alam na alam ko ang itsura niya

Wala naman akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko lang. Kung nasa naging mas matalino ako. Kung nasa alam ko ang gagawin ko pero hindi. Pinalaki ako ng magulang ko na lagi maging pala kaibigan pero hindi niya sinabing tumanggap ako ng bagay sa hindi ko kilala. Kaya kung bakit ako napunta doon ay dahil sakin

*Knock* *Knock*

Napatingin ako sa pinto nang may dalawang beses na kumatok doon. Tumayo ako para makita kung sino yung istorbo. Pagbukas ko walang tao. Hinanap ko pa sa mag kabilang gilid ng dorm pero wala na akong makitang tao. Nag kibit balikat nalang ako at akmang isasarado na ang pinto nang mahagip ko ang isang sobre. Kinuha ko ito at pumasok na ulit sa loob

Pag kaupo ko sa study table ko ay agad kong bunuksan ang sobre

Err? Invitation?

Morach Academy

Welcome Party for New Students of Morach Academy

Sunday

6:00 pm

Wow huh nag effort pa silang gumawa ng invitation card. Eh kung in-announce nalang nila. Naligo na ako para makapag libot ako sa school na hanggang ngayon ay di ko parin nakikita ang ibang parte

Nang makalabas na ako. Maraming nag kalat na istudyante mapa-old o new ay nandito nakakalat sa loob ng campus. May kanya kanya silang mundo. Habang nililibot ko ang mata ko nagulat nalang ako ng may tao na sa harap ko

Babae ito. Nalalamangan ko siya sa tangkad pero hindi siya maliit. Medyo kulot ang buhok nito na bumagay sa walang emosyon niyang mukha

Titig na titig ito sakin na para bang may nakagawa akong malaking kasalanan sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero parang nangungusap ang mata niya at parang kinikilatis ako

Wala akong nagawa kung hindi makipag titigan sa kanya. pero siya ang unang umiwas at bumuntong hininga

"Ikaw ba si Kara?" nagulat pa ako sa lamig ng boses niya. Pero mas nagulat ako ng alam niya ang pangalan ko

"Yeah" kahit gulat ay pinilit ko paring hindi mautal

"Nakaligtas ka pa pala" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pa man din ako nakakasagot sa kanya ay umalis na siya

Sino ba siya?

Hindi ko nalang iyon pinansin at mag lakad lakad nalang ulit ako

"Attention Everyone" napatigil ang lahat nang mag salita ang speaker

"Our lights off for today is at 6:30 pm. All students weather you are old or new should be in your dorms in that time. We have a visitors at 7:00 in the evening and they don't want to see Students that are still outside when they arrive. Thats all. Thank you" sabi nito at pinatay na ang speaker

Nag kibit balikat nalang ako at tinignan ang relos ko

5:00 pm

Nagugutom narin ako kaya pumunta nalang ako sa canteen. Madali lang ako nakakuha ng pag kain ko dahil wala pang pila

"Kamusta ka naman?" napatingin ako sa nag salita. Si Amy nakangiti nanaman ito. May kakaiba sa ngiti niya

"You look excited" walang gana kong sabi at pinag patuloy nalang ang pag kain ko

"Am I?" sabi niya at tumawa tawa pa. Umupo siya sa harap ko ng hindi parin mabura bura ang ngiti niya

"Your smile is creepy" naiinis na sabi. Wala naman kasing dapat ikatuwa

"Ang sama mo" nakangusong sabi niya pero halata paring hindi mabura ang ngiti niya

"Just spill it" alam ko naman na may gusto siyang sabihin eh

"Kyaaa" sigaw niya. Napauko nalang ako. Nakakahiya 'tong babaeng 'to. May napatingin samin pero agad din silang umiwas "May party. May party" masayang sabi niya

"Oh ano ngayon. Ngayon ka lang ba makakapunta sa party" tinatamad kong sabi. Para naman 'tong baliw

"Hindi yun. Yung mga bisita ang nakaka excite" nakangiting sabi niya. Lumipat pa siya ng pwesto sa tabi ko at saka ako inalog alog

"What's so special about them?" tss malapit na talaga akong mainis dito

"Wala naman" nakangiting sabi niya at salamat naman dahil tinigilan na niya ang pag alog sakin "Council" mahina pero irig ko iyon

Council?

Ano yun?

Bigla akong nag taka kung bakit ganon nalang ang reaksyon niya

7:00 pm sila darating dito. Napangisi ako

Pwede ko naman sigurong suwayin ang patakaran dito kahit isang beses lang diba

"Hindi ko gusto ang ngisi mo, Kara" napatingin ako kay Amy nang sabihin niya yun. Nabura ang masayang ngiti niya kanina

"Wala lang 'to" balewala kong sabi

"No, You're planning for something. And I don't like it" seryoso parin siya

"H-Hey I'm not okey" hindi ako sanay na seryoso siya

"Basta gusto ko bago mag 6:30 nasa kwarto mo na ikaw" hindi parin mawala ang kaseryosohan sa boses niya kaya napatango nalang ako

Marami pa siyang kinuwento sakin pero ni sa buong pag kwekwento niya ay hindi siya nag banggit tungkol doon sa Council na narinig ko. Ingat na ingat siya habang nag kwekwento kaya mas lalo akong nagduda kung sino ba ang Council

"6:10 na napahaba ang kwentuhan natin. Hatid na kita sa dorm mo" nakangiti niyang sabi

"Hindi tayo nag kwentuhan ikaw lang ang nag kwekwento. At kaya ko ang sarili ko" walang emosyong sabi ko

"At least nakinig ka parin. At hindi. Ihahatid na kita" kahit ayoko ay pumayag narin ako. Ayoko ng mapahaba pa ang usapan

"Wag kang lalabas huh" paalala niya pa sakin. Tumango nalang ulit ako.

6:50

10 minutes nalang at darating na sila. Nag hahanda narin ako sa pag alis

Palabas na sana ako pero nung pipihitin ko na sana yung door knob naka lock ito

"Fck Amy" inis na sabi ko. Wala akong maisip na iba kung hindi si Amy lang

Dahil desperada na akong malaman kung anong meron sa labas ay ang bintana lang ang naisip kong daanan

Mabuti nalang at hanggang third floor lang itong buong dorm at pahaba na. At nasa second floor ang room ko kaya kahit medyo mataas ay kakayanin kong makababa

Kinuha ko ang kumot ko at pinag dugtong dugtong iyon ineksakto ko para makaabot sa first floor. Binuksan ko ang bintana. Humanap ako ng makakapitan. At dahan dahan akong bumaba. Pero dahil sa pag mamadali ko rin ay hindi ko napansin na hindi pala matibay ang pag kakakapit nito at tuloy tuloy akong bumagsak

"Arggg" naing ko pa ng maramdaman ko ang lupa sa likuran ko

"Antanga ko naman kasi" paninisi ko pa sa sarili ko. Kahit masakit ay tumayo ako at paika-ikang nag lakad

Tama nga ang sinabi nila

Curiosity Kills

Badtrip! Nasa lang may mapala ako sa ginagawa ko

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Hugot for the day

Wag ka kasi mashadong mag tiwala sa bagay na akala mo ay hindi ka bibitawan. Kagaya niya tiwala ka ng tiwala sa kanya pero sa huli bibitawan ka rin niya at ikaw nanaman ang uuwing luhaan at nasasaktan

• Kayo din mag lagay kayo ng hugot niyo

Kalokohan ni Author 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top