CHAPTER 6

CHAPTER 6 - SOLON

Xy's POV

Pag labas ako wala naman akong gulong nakikita. Posible kayang nabibiro lang si Amy. Hindi eh mashado siyang seryoso habang binabanggit ang mga sinasabi niya kanina

"Dahil ang mga tao dito pumapatay ng tahimik"

Naalala ko yung sinabi ni Amy. Pero bago ko pa malibot ang mata ko isang dagger na ang papalapit sakin. Sobrang bilis na hindi agad ako nakagalaw. Biglang may tumulak sakin dahilan ng pag tumba ko pero nag papasalamat parin ako dahil nailigtas niya ako

"Tss yan ba ang dapat katakutan ni hindi nga mailagan ang isang maliit na sandata" napatingin ako kay Amy. Siya pala ang tumulak sakin. Napatingin ako sa dagger na papalapit sakin kanina nasa lapag na ito

"Show yourself to me" sigaw ni Amy

"G-Guardian Angel" nanginginig ang boses ng lalaking bilang lumabas sa pinag tataguan niya

"Name"

"Arix Dizon" nanginginig parin ito. Parang takot na takot ito sa nagawa

"You'll have your punishment tomorrow, Mr. Dizon, Attempting to hurt my friend is not a really good idea" nakangiting sabi niya pero nakakakilabot iyon. Maging ako ay naapektuhan

"Angel please. I don't want to die" lumuhod na ito at nag mamakaawa na. Nagulat ako ng biglang tumingin sakin si Amy nakangiti ito. Tinulungan niya akong makatayo at saka ulit tumingin doon sa nag pakilalang si Arix

"Anong gusto mong parusa sa pangahas na nag tangka sa buhay mo, Kara" tanong niya sakin

"Pakawalan mo na siya" nag iwas ako ng tingin dito. Sabi ko na nga ba hindi talaga maganda ang idudulot sakin ng school na 'to

"What?! Ang boring mo naman, Kara" lumalabas nanaman ang pagiging childish niya

"Basta pakawalan mo na siya" malamig na sabi ko at umalis na. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Nag mamakaawa para mabuhay. Nag mamakaawa para sa kakaunting simpatya nila

Hindi ko kayang makita ang sarili ko sa ibang tao. Nakakatakot. Ayoko ng bumalik pero dapat kong balikan ang naiwan ko roon

Tumakbo ako para makalayo kay Amy ayoko muna sa tao. Dinala ako ng paa ko sa likod ng school. Dahil ito na ata ang pinaka safe na lugar dito sa buong school. Pag kaupo ko sa upuan na gawa sa simento doon lang ako nakadama ng pagod

Andami kong tanong. Kung tatanungin ko si Amy baka mainis lang ulit ako. Saka hindi ko alam kung mapag kakatiwalaan ba siya. And who the hell is Angel?!

Kinamot ko ang kaliwa kong braso dahil parang kinagat ako ng lamok. Malamok pala sa lugar na 'to. Pero kinakain ako ng antok ko kaya di ko maiwasang makatulog

Third person's POV

"Where the hell are you, Kara" naiinis na ibinulong ni Amy. Kanina pa siya palibot libot sa campus pero ni anino ni Kara hindi niya makita. Wala rin siyang makitang tao at nag didilim narin

"Fck this" malutong siyang nag mura ng mawalan siya ng pag asang makikita pa si Kara

"What seems to be the problem, Guardian Angel" natigilan siya nang marinig ang boses na yun

'Bakit sa lahat ng pag kakataon ngayon pa"

Naibulong niya sa sarili niya. Hinarap niya ang lalaking nakamaskara

"Hulaan ko. Hindi mo nabantayan ang pinababantayan sayo 'no" naka half mask lang siya kaya kitang kita ang mapag larong ngisi nito sa mukha

"You are out of here Mr. Thales" pinipigilan niyang wag sigawan ang lalaki dahil nahinto ang pag hahanap niya sa dalaga

"Naturingang Guardian Angel ng Empire hindi man lang mahanap ang binabantayan" sarkastiko itong tumawa

"Sinusubukan mo ba ako" nagalit saya ng maliitin siya ng lalaki. Pinipigilan niya talagang magalit dahil mas lalo siyang mapapatagal

"You know short tempereds can't win in this school, Angel" nakakaloko ang pag tawa nito kaya mas lalong nainis si Amy

"Wala akong panahon sayo" seryosong sabi niya. Ngumisi lang ang lalaki

"Sige mag hanap ka lang. Tignan natin kung mahanap mo siya" ngumisi ang lalaki at lumapit sa kanya

"Mag iingat ka, Angel, Kasi kapag hawak ko na siya di na siya makakawala pa" nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nung umalis ang lalaki ay doon lang niya naramdaman ang panginginig ng tuhod niya. Alam niya kung ano ang kayang gawin ng lalaki. At hindi maganda kung mapapasakamay nito ang nag iisang anak ng Zalirous

"Nasan ka na ba kasi, Kara" bulong niya sa hangin. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o mag aalala

"Dapat hindi mo hinayaang tumakbo siya, Amy, Ikaw ang may kasalanan nito" paninisi niya pa sa sarili niya

Xy's POV

Bumangon ako hinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod ako na para bang tinakbo ko ang napakalayong lugar ng hindi umiinom ng tubig

Tinignan ko ang balat ko. Ang iba doon ay kumukulubot. What the hell happen to me

"Uminom ka muna" kahit di kilala ay kinuha ko ang tubig na inaalok niya. Pag katapos ko doon lang ako napatingin sa nag salita. Lalaki ito at halatang may ipinag mamalaki sa buhay. Hindi din papahuli ang mukha nito pag dating sa kagwapuhan. Kahit di kilala ay kinuha ko ang tubig na inaalok niya. Doon ko lang rin napag tantong hindi ko ito kwarto at nasa isang malambot na kama ako

"Who are you?" kunot noong tanong ko. Pero sigurado akong old student siya dahil ngayon ko lang siya nakita

"Solon" nakangiting sagot niya. Umupo siya sa harap ko "Aren't you going to ask me why are you here" nakangiti parin siya. Tss parehas sila ni Amy

"Tss then why am I here?" I sarcastically said

"Because..."

"Because you saw me sleeping alone and the mosquitoes were biting me at the back of the school" putol ko dun sa sasabihin niya sana

"You..."

"You insist to brought me here because you can't see a girl sleeping in that kind of place. You really have a good heart, Mr. Solon, I'm leaving" putol ko ulit. Ako narin ang sumagot sa sarili kong tanong. Natatawang tumingin siya sakin pero nung akmang tatayo na ako pinigilan niya ako

"That's not the reason" bago pa ako makaangal mahina niya ng sinabi iyon pero nakangiti parin siya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Then why?" kahit kunot ang noo ko nag tataka parin ako

"Umayos ka muna ng higa. Kahit naman umalis ka ng kama hindi ka parin makakatayo ng maayos dahil nanlalambot ang tuhod mo" sabi niya at inayos ako sa pag kakahiga. At ngayon ko lang nanaman napag tantong wala palang pakiramdam ang mga tuhod ko

"A-Ano bang nangyari?" pag tatanong ko nang maayos na akong nakakahiga. Umupo ulit siya sa harap ko

"You've been poisoned" deretsong sabi niya sakin

"W-What?!" mahina kong sabi. Nanginginig ang labi ko hindi ako makapaniwalang sa mga oras na yun nalason na pala ako

"Nung makita kita nag hihingalo ka na. That poison can lead you to death in just a minute. Maswerte ka parin dahil alam ko kung sino ang nag mamayari ng poison na yun at nahingan ko ng antidote" hindi mawala wala ang ngiti nito habang nag sasalita

"Pwede kang mag stay dito over night. Hindi mo pa kayang maglakad at ayoko na ring ihatid ka" natatawa pang dagdag niya

"Ano bang nahithit ng mga tao dito at may bigla nalang mang babato ng dagger at lalasunin ka" inis na bulong ko pero narinig niya ata

"Yung sa poison tumuntong ka kasi sa teritoryo niya kaya ka niya nilason. Pero hindi ko alam na may nambato pala sayo ng dagger" napatingin ako sa kanya ng biglang sumeryoso ang pananalita niya. Seryoso ngunit nakangiti. Inikot ko ang mata ko

"Pano mo malalaman eh wala ka naman dun" pabalang na sagot ko naman sa kanya

"Tss Nakuha mo ba ang pangalan ng nambato sayo" pag tatanong niya

"Arix Dizon daw pangalan niya" mahinang sabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla na siyang may hawak na dagger at pinag lalaruan ito

"You see this dagger" nakakalokong sabi niya at pinakita ang dagger sakin. Meron itong tatak na rose ngunit kulay itim at maraming tusok. Hindi ko magawang salita. Ang mga ngiti niya ay parang nakakahulugang may gagawin siyang masama "Use this to rip his neck" nakangising sabi niya at nilagay sa tabi ko ang dagger

"Good night" paalam niya sakin at hanggang sa masarado na niya ang pinto ay hindi parin ako makasagot sa kanya

Habang padami ng padami ang nakikilala ako. Padami ng padami din ang tanong ko. Pinasok nila ako sa isang Mafia Academy na puro gulo lang ang alam. Gusto ko pang tawagin si Solon para mag tanong ng mga bagay bagay ngitin kinain na ako ng antok

Someone's POV

"Damn it! Hindi mo kasi siya binabantayan ng maayos" dyahe galit na galit siya sakin "Pano kung hindi ko siya nakitang nag hihingalo doon. Sabihin mo nga sakin kung anong pwede kong gawin sayo" grabe lakas na ng tama niya

"I can't forgive Hera for poisoning her. That was so damn close. Fck this" galit na galit talaga siya. At ako nanaman ang mapag bubuntungan. Kung hindi lang kasi may nakisali edi sana kasama ko siya

"Kanina rin pala may nanbato sa kanya ng dagger" kahit ayokong sabihin sinabi ko narin dahil alam kong makakarating rin naman sa kanya iyon

"I know, And he already died" malamig niyang sabi. Langya ang bilis huh

"And to Hera I'm giving her punishment tomorrow. That's stupidity" inis na sigaw niya. Yari ka talaga Hera. Buti nalang mabait ako

"Nabaliw ka na ng tuluyan sa isang Zalirous" hindi ko mapigilang sabihin

"Leave" umalingaw ngaw ang boses niya sa buong kwarto kaya umalis na agad ako. Baka mamaya hindi na ako makalabas eh

K I N A B U K A S A N

Xy's POV

Nagising ako dahil sa tumatama saking sinag ng araw. Pero napaatras ako nang makita kong sobrang lapit ng mukha ni Solon sakin

"Are you trying to kiss me?" kunot noong tanong ko. Natatawang umiling siya at nilayo narin yung mukha niya sa mukha ko

"Nakapikit ka nung una kitang makita pero alam kong maganda talaga ang mata mo. Gusto ko lang makita ng malapitan" seryosong sabi niya pero parang iba ang sinasabi niya. Parang hindi yung nangyari kagabi ang tinutukoy niya

"Pft At maganda rin ang korona mo" nagulat ako sa sinabi niya. Kinapa ko ang buhok ko wala na mga doon ang bonnet ko at dahil kakagising ko lang ay hindi pa maayos ang bangs ko. Talagang tatambad sa kanya ang tattoo ko

"Nasan na yung bonnet ko" nag aalala kong sabi. Hindi ako pwedeng lumabas na nakikita ang tattoo na 'to

"Ayos lang sakin yan. Mamaya nalang kita bibigyan ng cap" sabi niya at tumayo na "Kaya mo na sigurong mag lakad. Hindi na kita kailangang buhatin pa" hindi ako sumagot sa kanya at tumayo na. Napahawak pa ako sa kama nung hindi ko maramdaman ang paa ko pero hindi din nag tagal ay umayos na ito at aayos na akong nakakapag lakad

"Dito ka narin mag almusal"

"Ikaw nag luto?" tanong ko at nakatingin sa nakahandang pagkain. Pero halata namang siya ang nag luto siya lang naman ang nakatira dito

"Hindi"

"Huh?"

"Basta kumain ka nalang" natatawang sabi niya at pinag hila na ako ng upuan. Umupo nalang ako. Kung hindi siya ang nag luto. Sino? Tss malamang nag bibiro lang siya malamang hindi masarap 'to kaya sa iba niya isisisi

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko ulit pero umiling lang ulit siya at umupo sa harap ko

"Papanoorin nalang kita" nakangiting sabi niya. Tss hindi nga siguro masara--

Wow huh lalaki ba talaga siya. Bat ang sarap nito

"Masarap?" tanong niya sakin. Dahan dahan naman akong tumango

"Yun oh" sabi niya na para bang naka jackpot siya. Natawa naman ako sa inakto niya pero nagulat ako nung marinig ko nalang ang pag click sa cellphone niya

"Burahin mo yan, Solon" seryosong sabi ko nang makabawi ako sa pag kagulat ko

"Bawal" nakangiting sabi niya pa at tinago ang cellphone niya. Wala akong nagawa at kinain nalang ang pag kaing hinain niya para sakin

"Tara hatid na kita. Saturday ngayon kaya walang pasok. Mag pahinga ka nalang ulit pag dating mo sa room mo" bilin niya sakin habang inaayos yung cap siya narin ang nag ayos ng bangs ko

"Hmm salamat" mahina kong sabi. Kahit ayaw ko ay utang ko sa kanya ang buhay ko kung hindi dahil sa kanya siguro binuburol na ako ngayon

Ngumiti lang siya sakin at inihatid na niya ako sa dorm ko

To be continue~

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top