CHAPTER 57

CHAPTER 57 - CONFUSED

Kara's POV

Hindi ko alam kung pano sisimulan ang araw ko. Pag gising ko ay pumasok agad ako sa banyo para maligo at saka inayos ang gamit na dadalhin ko. Habang nag babalot ng ilang damit na dadalhin ko ay saka ko lang naisip. Ako palang ata ang mag lalayas ng tirik na tirik na ang araw at alam kong marami ng makakakita sakin. Nag kibit balikat nalang ako at pinag patuloy ang ginagawa ko. Mashado akong busy sa pag iisip kagabi at di ako makapili agad pero sabagay kahit rin naman siguro sa gabi ako mag layas ay makikita parin nila ako

Lumampas agad sa dining room para hindi ako makita nila Mommy. Kung hindi ako makikita nila Mommy. Siguradong mas maraming makakakita sakin sa labas

Maayos akong nakaalis ng tahimik sa bahay. Tumakbo agad ako patungo sa sasakyan ko pero nabigo ako ng naalala akong naiwan ko pala ang susi sa kwarto ko. Nag dadalawang isip ako kung babalikan ko pa ba ito o mag cocommute nalang ako. Pag bumalik ako posibleng makita na ako nila Daddy. Napakamot nalang ako sa noo ko

"Bahala na nga" bulong ko sa hangin at tila ba parang sinusugod ko ang sarili naming bahay. Hindi naman nila ako mapipigilan. Hindi ako mag papapigil

Nagulat pa si Daddy nung biglaan ang pumasok sa bahay. Nag katinginan kami. Lumunok ako nung bunuka niya ang bibig niya para mag salita

"San ka galing ng ganitong oras?" kunot noong tanong niya at umupo sa sofa. Pinatong rin nito ang kapeng hawak niya

"Actually, dad ehem Papaalis palang ako" huminga ako ng malalim nag taas naman siya ng kilay "Mag lalayas ako at hindi mo ko mapipigilan" deretsa at seryoso kong sabi

"Bat nag papaalam ka sakin?" sabi niya at uminom ng kape niya

"I'm not. Naiwan ko yung susi ng kotse ko" mataray na sabi ko sa kanya at nilampasan siya

Pag bukas ko ng kwarto ay nakita ko naman si Mommy doon hinahaplos yung kamang naiwan ko. Kahit may onting lungkot na bumalot sakin ay di ko ito pinansin. Mabilis akong pumasok sa loob at pumuntang study table ko para kunin doon ang susi ko. Lalabas na dapat ako nung mag salita si Mommy

"Alam naming mangyayari 'to pero hindi namin alam na isang Thales ang magiging dahilan. Malaki ka na. Marunong ka nang mag mahal" ngumiti sakin si Mommy "Tinago namin sayo lahat ng may kinalaman sa Empire para hindi ka matulad sa mga taong walang puso doon. Pinalaki ka namin sa normal na paraan lang pero mabait. Hindi namin pinakilala sayo ang iba't ibang uri ng baril at iba't ibang paraan ng pag patay dahil yun din ang dahilan kung bakit namatay ang anak namin" alam kong malapit ng umiyak si Mommy at mashado noong dinudurog ang puso ko

"Those stories can't change my mind, mom" halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ngumiti lang ito sakin

"Hindi ko naman 'to sinasabi para mag bago ang isip mo. Gusto ko lang maalala" tumayo ito at lumapit sakin. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Ayoko talaga. Ayokong mapunta ka lang sa mga Thales" tumulo ang luha ni mama. Siya ang pinaka malakas na babae para sakin. Alam kong pareho sila ni Daddy na ayaw mag pakita ng kahinaan pero ngayon hinang hinang umiiyak si mommy sa harap ko. Ito ba ang taong kaya kong iwan. Ito ba yung taong ipag papalit ko

"Kung pwede lang kitang pigilan. Kung sana kaya kitang pigilan" napauko ako. Ang lungkot ng boses niya. Ayokong marinig ang mga sasabihin niya dahil muli nanamang nag tatalo ang loob ko. Kahit kanino ako pumunta merong may masasaktan. Hindi rin ako magiging masaya kung isa man sa kanila iiwan kong nasasaktan

"Hindi kami sapat para pigilan ka. Hindi kami sapat na dahilan para manatili ka dito" kahit umiiyak siya ay patuloy parin siya sa pag haplos ng buhok ko "Lumaki kang maganda at malakas. Alam mo na kung anong mas makakabuti sayo pero ayaw ka naming mawala samin" napaiyak ako ng malakas at niyakap siya. Hindi ako makapaniwalang nasasaktan ko ang mommy ko ngayon

"A-Ayaw ko rin pong mawala kayo sakin" sabi ko sa pagitan ng pag iyak ko "Ayokong may mawala sa inyo sa buhay ko" kumalas ako ng yakap dito "Pero ma, ayoko ring mawala siya sakin" napatitig si mama sakin habang patuloy parin ang pag iyak "Pag bigyan mo lang ako huli ko na tong hinihiling sayo, Ma, hayaan mo lang akong makasama siya" nanghihina siyang napaupo sa kama ko. Umuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya

"Walang masamang mangyayari sakin. Proprotektahan ako ni Galen. Nag mamahalan kami. Kahit huli na 'to. Ito nalang, mommy" pag mamakaawa ko sa kanya. Kita ko ang bawat pag iling niya na halatang hindi nagustuhan ang pag susumamo ko

"Hindi, Kara" yun lang ang huli niyang sinabi at iniwan akong mag isa sa kwarto ko

Nang hihina akong napahiga nalang sa malamig na sahig ng kwarto ko. Ayokong mawala sila sakin. Hindi rin ako sasaya kung isa man sa kanila ay iiwan kong umiiyak.

May nag aalalang katulong sakin at tinatawag ako para kumain pero di ko ata alintala ang pangangawit ko at hindi ko lang sila pinapansin. Wala akong lakas. Kung sana ay kayang maresolba ng pag tulala ko ang problema ko

Nung makapag isip isip ako ay dahan dahan akong bumangon at bumuntong hininga. Hindi ko kaya. Yun lang ang nasa isip ko. Gusto kong mapag isa nalang. Gusto kong takbuhan lahat. Ayoko ng mag kagulo gulo ang lahat

Lumabas ako ng kwarto ko. Kahit di ko nakikita ay alam kong may mga matang nakatingin sakin. Pinapamanhid ako ng sakit na bumabalot sakin ngayon. Kailangan ko munang mag pahangin para makapag isip pa ako ng maayos. Para na akong mababaliw kakaisip. May mga nag tatangkang lumapit sakin pero alam kong nag dadalawang isip silang umapit sakin dahil hindi ko alam kung may natitira pa akong pasensya para makipag sagutan sa kanila.

Ayokong ibuntong sa iba itong nararamdaman ko. Sobrang sakit na nakakatakot na papunta sa galit.

Nang makalabas sa bahay ay napunta ako sa di kalayuang park sa village. May nag lalarong mga bata na nakapag bigay aliw sakin. Hindi ko inisip ang dumi ng lupa at umupo doon. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti gayong di naman ako masaya. Pero kahit papano ay nakatulong ito sa pag papagaan ng loob ko

"There you're smiling" napaangat ako ng tingin sa batang lalaking nag salita. Sa tingin ko ay nasa 5 years old na ito. Seryoso ang mukha niya pero hindi parin matakpan noon ang cute nitong boses at ang mukha nito. Humakbang pa ito ng dalawang hakbang papalapit sakin

"I was keep on looking at you the whole time and It seems like you're enjoying the view... but your eyes is like hoping for something to happen" nagulat ako sa pagiging mapag masid niya sa paligid. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na may nakapansin sakin eh. Pero ito may lumapit at isang bata pa. Hindi ako makakuha ng salitang sasabihin. Nakatingin lang ako sa medyo mataba nitong mukha "Are you really sure you're okay?" pag tatanong nito ulit sakin.

"I'm just sad but I'm okay" sagot ko dito at nginitian siya

Everything will be okay. Tumango ang bata sa sinabi ko ngunit alam kong di siya kombinsido. Nag paalam na ito sakin at umalis na. Now I'm all alone. Wala ng batang nakakapag bigay aliw sakin

Siguro ay di nalang muna ako uuwi saamin. Mag hohotel nalang muna siguro ako. Wala kasi akong naging kaibigan simula nung makalabas ako sa Eagles kaya wala akong mapuntahan

Nag taxi nalang ako papunta kung saan since di ko nadala yung sasakyan ko. Bumababa ako sa tapat ng isang hotel. Malaki ang gusali at marami ring nag lalabas pasok na mga guest. Hindi lang ata basta bastang hotel ang tutulugan ko ngayon

Pumasok ako at pumunta agad sa receptionist.

"Good evening, Madam, how may I help you?" magalang na pag bati nito sakin

"I want a room even if just for a night" nag aalinlangan kong sabi.

"Do you have any reservation, Madam?-- Kara?" nagulat ako ng mag angat siya ng tingin

"A-Amy?" gulat kong sabi. Hindi ko siya mashadong nakikita at wala rin akong balita sa kanya. Nandirito lang pala siya

"Kara? Ikaw talaga yan?" hindi makapaniwalang sabi niya. Nanlalaki parin ang mata niya nung iwan nalang niya bigla ang pwesto niya at saka ako hinila kung saan

Nang makarating kami sa isang malaking pinto dito sa hotel. Hinarap niya ako sa kanya

"Nag hihirap ka na ba, Amy, kaya ka nag tatrabaho dito?" gulat kong tanong sa kanya. Ang alam ko talaga mayaman sila kaya siya nakapag aral at nasali sa sikat na grupo sa Empire

"Mahabang kwento, Kara" halatang ayaw niya iyon pag usapan kaya di narin ako nag usisa "Bakit ka nga pala nandito?" tanong nito

"Gusto ko munang umalis sa bahay" pag sasabi ko dito saka umiwas ng tingin. Bumuntong hininga ito at saka nilahad sakin yung card

"Sige dito ka na muna tumuloy" tumango ako at walang pag aalinlangang kinuha ang card sa kamay niya

"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Mag enjoy ka sa stay mo dito" masayang sabi niya at nag mamadaling umalis. Hindi ko maintindihan ang sitwasyon ngayon ni Amy kaya nag kibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob pero pag kapasok ko palang parang gusto ko rin tumakbo ng mabilis gaya ng ginawa ni Amy

Dahil sa ingay ng pinto nung pabagsak itong sumara ay isang malutong na mura ang narinig ko

"G-Galen?"

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Maraming maraming salamat Beverly Gacusana sa pag papaalala saking mag update. Ikaw talaga yung nagiging dahilan kung bakit ako nag uupdate. Love yah girl ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top