CHAPTER 56

CHAPTER 56 - CAN'T STOP

"Gago ka talaga, Solon" inis na tinadyakan ni Galen ang hospital bed kung nasaan nakahiga si Solon. Tumawa lang ito ng mahina. Mabuti nalang at hindi sobrang lala ng natamong injury ni Solon

"Balak mo bang mag pakamatay?" sobrang nag alala si Galen dahil alam niya ang hirap na pinag daraan ngayon ni Solon. At kung mahina lang ang loob ni Solon ay hindi impossibleng mag pakamatay ito

"Hindi ako mag papakamatay, bro, wala ng makakasama si Hera pag namatay ako" natatawa ng mahina si Solon pero alam niyang seryoso ito nang sabihin niya iyon

Sa ngayon ay silang dalawa lang ang mag kasangga sa problemang dinadanas nila pareho. Ang tagal na nung namatay si Zyrene pero heto parin si Solon araw araw ay pakiramdam niya lagi parin siyang nag luluksa. Hindi niya kayang kalimutan ang namayapang minamahal. Hanggang ngayon hindi niya parin ito kayang palitan

Nabubuhay nalang siya para sa kapatid. Siguradong pag nakita ito ni Galen ay magagalit ito kay Hera dahil sa pang iiwan sa kapatid.

"Solon?" agad silang napatingin ng may biglang bumukas sa pinto ng kwarto. Bumungad sa kanila ang pawis na pawis na si Amy

Nanlalaki ang mata nito ng tumingin ito kay Solon. Nawala ang pag aalala sa mukha nito na kanina ay kitang kita. Pag katapos ay kumunot ang noo. Padabog itong nag lakad deretso kay Solon ni hindi nga nito napansin si Galen na nakaupo sa tabi ng gilid ng kama ni Solon

"Nakakainis kang lalaki ka! Akala ko mamatay ka na" pinag papalo ng bagong dating na babae ang sugatang si Solon. Todo ilag si Solon dahil sa sakit pero kasabay noon ang mahinang pag tawa niya na nakapag- paiyak kay Amy

"Nakakainis ka talaga" kahit lumuluha ay nagawa parin nitong hampasin si Amy

"Tama na, Amy. Nakakasakit ka na" kunwari ay nainis na sabi ni Solon at kunuha ang dalawang kamay ng babae. Nakatulala lang sa kanya si Amy nung bigla siyang ngumiti

"Nag... Nag alala ako sayo" parang bulong lang ito nung sabihin ni Amy ito kay Solon. Si Galen ay kunot noo lang na nakatingin sa kanila. Walang alam kung ano bang nangyayari

"Alam ko. Sorry" may munting ngiti si Solon habang masama naman ang tingin sa kanya ni Amy.

"Mabuti di ka mashadong nasaktan--" napahinto sa pag sasalita si Amy nung bigla nalang pumasok si Aihika kasama ang iba. Agad na napatingin si Aihika sa nag tititigang si Amy at Solon at nangunot ang noo. Maging ang mga myembro ng Empire ay hindi alam kung anong meron sa kanilang dalawa.

Tamad na umupo si Aihika sa tabi ni Galen. Ang iba naman ay nag kanya kanyang upo.

"What's happening?" kunot noong bulong ni Aihika kay Galen habang nakatingin sa dalawa na ngayon ay nag uusap parin at tila walang pakielam sa taong nanonood sa kanila

"Don't ask me. I don't have an idea either" sabi ni Galen at nag kibit balikat. Tumikhim si Aihika

"Solon" malamig niyang banggit sa pangalan ng binata. Sabay na napatingin si Amy at Solon dito. Hindi mukhang galit si Aihika pero naiinis siya

"Sinusubukan mo bang mag pakamatay?" tangging ang malamig lang na boses ni Aihika ang maririnig sa kwarto. Ni walang nag tangkang mag salita. Kahit si Solon ay napayuko lang

"Hmm Aihika, Hindi naman ginusto ni Solon yun--" napatigil sa pag sasalita si Amy nung bumaling sa kanya ang nanlilisik na mata ni Aihika

"Si Solon ka na pala ngayon! Sana sinabi mo ng mas magaang gusto mo pala maging siya para nakahiga ka na rin ngayon jan" lahat ng mata ay nakatutok na sa nakangising si Aihika. Makikita ang pag kabigla ng lahat lalo na ang kay Amy. Oo lagi siyang binabara ni Aihika pero hindi kapag seryosong bagay at yung hindi siya nangungulit

Walang inis sa mukha ni Aihika pero sa pag sasalita naman niya ito nailalabas.

"Aihika, she's just explaining my side" sabi ni Solon sa babae. Halatang hindi nagustuhan ang pag papahiya kay Amy

"And I was just asking you. Hindi ba pwedeng ikaw ang sumagot ng tanong at hindi yung may spokesperson ka pa. Hindi ka naman importante" natatawang tumikhim si Alduxe at kanyang kanyang iling naman sila. Hindi nila alam ang dahilan kung bakit nag kakainitan ang dalawa

"What's wrong with you?" nakakunot narin ang noo ni Solon. Nakakamatay na irap ang binigay ni Aihika sa binata

"Ako dapat ang nag tatanong niyan sayo. Mag papakamatay ka na nga lang hindi mo pa tinuloy" napanganga nalang si Solon sa naging sagot ni Aihika. Parang walang makakatalo ngayon sa barahan si Aihika

"Seriously?" gulat na tanong ni Rowswelle pero agad ring napayuko dahil bumaling sa kanya si Aihika

"Stop being grumpy just because in one question, Aihika" pigil ni Solon sa kanya. Inirapan lang ito ni Aihika. Maging siya ay di alam kung bakit siya umakto ng ganon. Basta naiinis siya

"Pang tanga kasi yung sagutan niyo" nag katinginan silang lahat sa sagot ni Aihika. Nag kibit balikat nalang sila at hindi na ginantihan pa ang dalaga

Kara's POV

Ilang araw rin ang lumipas nung huli kong nakita si Galen. Hindi ko alam yung gagawin ko nung mga oras na yun. Andaming tanong rin ang pumasok sa isip ko

Hindi kaya mahal niya parin ako. Nung makita ko siya nung araw na yun ay walang pag dadalawang isip na tumakbo ako papalapit sa kanya para lang makumpirma kung siya ba talaga yung nakita ko

Hindi ako nabigo na siya nga yung nakita ko pero para namang dunurog muli yung puso ko sa lamig ng boses niya. Parang hindi niya ako kilala nung batiin ako nito at nag mamadali pa itong umalis.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang kailangan kong maramdaman. Siya na mismo ang kusang umalis na matagal ko ng gustong gawin niya pero bakit hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa tuwing naalala ko ang mga pag alis niya. Gusto siyang habulin at pigilan. Gusto kong sabihin sa kanya na tanggap ko parin siya. Na handa kong harapin ang takot ko makasama lang siya.

Napaigtad ako nung may biglang humampas sa lamesa. Nag aalmusal kami nila daddy at heto ako ni hindi man lang magalaw ang pag kain ko kakaisip.

"Ayoko ng tulala ka habang kumakain, Kara. Sabi ko sayong tigilan mo na ang pag iisip sa Thales na yun" galit na sigaw sakin ni dad. Agad na nag si alisan ang mga maid na nakapalibot samin dahil usapang pamilya na ito

Napapikit nalang ako sa sakit. Hindi ko kaya. Kaya ko bang ipag laban si Galen sa mga tumayong magulang ko. Utang ko sa kanila ang lahat. Pano ko sila susuwayin

"Tigilan mo ang pag iyak. Tandaan mong ginagawa namin ito para sayo." sabi naman ni Mommy. Yun ang palagi nilang sinasabi. Na para sakin talaga ang ginagawa nila. Naiintindihan ko naman. Ako talaga ang may problema dahil ayokong tanggapin yun sa sarili ko

"Ayoko na" mahina pero parang iyon ang nakapag patigil ng mundo nila mommy at daddy.

"Anong sinabi mo?" kunot noo at bumalot agad ang galit na mukha ni daddy. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko pero anong magagawa ko. Araw araw nalang akong umiiyak dahil sa pangungulila. Hinahanap hanap ko parin siya

"Narinig niyo ko, mom, dad. Di ko na kaya. Ayoko na" kahit patuloy ang pag agos ng luha ko ay wala na akong pakielam. Gusto kong makita nila kung gano ako nasasaktan dahil sa pinag bawal nilang pag iibigan namin

"Kara!" suway sakin ni Mommy. Pumikit ako at umiling

"Mahal ko parin siya. Alam kong malaki ang utang na loob ko dahil sa pag ampon niyo sakin pero ang sakit sakit na" nakita ko ang pag tulala sakin ni Mommy at ang pag higpit ng hawak ni daddy

"Hindi niyo nakikita pero araw araw akong umiiyak. Araw araw kong iniiyakan ang desisyon niyong bawal kong mahalin ang taong mahal ko. Sinusunod ko kayo sa abot ng makakaya ko pero ma, pa pagod na akong pigilan. Pagod na akong umakto na parang wala lang. Dahil mahal na mahal ko parin siya" hindi ko alam kung maiintindihan nila pero ayoko na. Walang mangyayari kung uupo lang ako sa isang sulok at iiyak ng iiyak. Gusto ko ng ipag laban 'to

"Pagod ka ng sumunod samin?" matigas na pag kakasabi ni dad. Kahit natatakot ay tumango ako. Tatanggapin ko lahat kahit sabihan niya pa ako mg masasakit na salita. Hindi ko na kayang tagalan pa ito

"Pagod na kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya, daddy" huminga ako ng malalim at tinignan siya "Nag papasalamat po ako at kayo ang naging mga magulang ko pero gusto ko rin pong malaman niyo na nasasaktan na ko sa desisyong pilit niyong pinapagawa sakin. Kung may mangyayari man sakin masama. Huwag niyong isipin na kasalanan niyo yun. Pinili ko siyang mahalin dahil mababaliw na ako kung wala akong gagawin. Mababaliw ako kung hindi ko susubukan" umiiyak ako pero sila ay tila parang tuod lang na nakatingin sakin. Hanggang sa tumayo si Mommy

"Hindi na mag babago ang desisyon namin. Matuto kang umintindi" mahinahon niyang sabi at umalis sa hapag. Nung tignan ko si daddy ay tumikhim lang siya at ni hindi man lang niya ako tinignan nung iniwan rin niya ako

Nang hihinang napahilamos nalang ako sa mukha ko. Sino bang ang hindi ko kayang pakawalan? Hindi ko sila kayang pag sabayin pero hindi ko rin kayang mawala kahit isa man sa kanila

Hindi ko kayang mamili!

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

May pa update ako dahil masaya ako hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top