CHAPTER 53

CHAPTER 53 - UNLOVED

Third person's POV

"Hindi ko alam kung bakit mo pa kailangang pag bantaan siya ng ganon" napahawak si Galen sa kanyang sentido sa kanina pang sermon ni Aihika. Si Aihika naman ay paikot ikot sa harap ni Galen. Mukha itong mas problemado kesa kay Galen

Nasa opisina siya ngayon ni Aihika at ang pag hingi ng advise kay Aihika ay isang malaking pag kakamaling nagawa ni Galen. Halatang hindi marunong mag bigay ng advise ang dalaga

Si Anniza naman, ina ni Aihika ay tahimik lang na nag babasa ng papeles. Hindi nito pinapakielam ang dalawang mas bata sa kanya

Si Anniza ang pumalit sa pwesto ni Madam Von. Agad itong napatupad dahil hindi naman pwedeng mabakante ang matagal ang posisyong naiwan ni Madam. Pumayag naman lahat ng myembro ng Empire dahil alam nilang si Anniza ang higit na nakakaalam kung pano ang pasikot sikot sa Empire

Ang lahat ng pera ni Madam ay ngayon ay nakapalibot na sa buong Empire. Walang nag mamayari nun kundi ang lahat ng nasa Empire

"Ayoko lang na mawala siya sakin" frustrated na sabi ni Galen. Maging siya ay nag sisi sa nasabi niya kay Kara na papatayin niya ito dahil kanina pa sinasabi ni Aihika na hindi na siya mamahalin ni Kara dahil sa sinabi niyang yon

"Ewan ko nalang talaga. Wag ka ng mag taka kung hindi ka na niya mahal" naasar na sabi nito at saka nag dadabog na umalis sa sarili niyang opisina. Wala sa sariling napahilamos si Galen sa kanyang mukha. Imbis na gumaan dapat ang loob niya ay mas lalo pa iyong bumigat. Napatingin siya ay Anniza ng bigla itong tumawa ng mahina. Sinara nito ang folder na hawak niya at saka tumingin sa problemadong si Galen

"Wag mo mashadong isipin ang sinabi ni Aihika. Nasabi lang niya iyon dahil hindi niya pa nararanasang mag mahal" nakangiti ang medyo may edad na babae. Aakalain mo sa una ay isa lang itong ordinaryong Presidente ng school pero ang totoo ay sobrang layo nito sa pagiging ordinaryo

"Pano pag tama siya. Pano pag hindi na nga niya ako mahal" pati si Galen ay nahawa na sa pag ka praning
ni Aihika

"Hindi pa naiintindihan ni Aihika kung bakit mo iyon nasabi kay Kara. Hindi pa niya naiintindihan ang dahilan kung bakit mo nasabi iyon" kahit papano ay nawala na ang kabang hinatid sa kanya ni Aihika "Ikaw ba? Did you already asked yourself why did you said those words? I bet you really can't kill her" dagdag pa ng ginang sa kanya

"I was just thinking of being with her forever. Yes, I can't kill her but I'm ready to die with her" siguradong sigurado ang naging sagot ni Galen. Napatango ang ginang at saka matipid na ngumiti sa binata

"Sigurado akong natakot mo nga siya sa sinabi mo pero sigurado rin akong di mawawala agad ang pag mamahal niya para sayo" parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Galen sa sinabi ng ginang

"Sana nga" bulong ni Galen sa sarili. Ayaw niyang mawala sa kanya ang dalaga. Ito ang unang pag kakataong nag mahal siya ng ganito at paniguradong si Kara na ang huli niyang mamahalin

Ngunit sadyang mapag biro ang tadhana para iparanas sa kanila ang ganitong problema. Sobrang pag sisisi ang nararamdaman niya

Kung sana ay hindi nalang namatay si Zyrene. Kung sana ay nandoon siya para protektahan ito. Wala na sanang magiging hadlang. Masaya na dapat sila ngayon pero heto parin sila naiipit sa sitwasyon na hindi naman dapat.

Minsan nakakasuko ang sakit na nararamdaman niya. Ang pag tataboy sa kanya ni Kara ang mas lalong nag papakirot ng puso niya. Pero sa tuwing iisipin niyang magiging masaya rin silang dalawa ni Kara ay muli niyang naibabalik ang lakas niya. Kahit anong pag tataboy nito ay tatanggapin niya kahit na sobrang sakit na ng kanyang loob

Pero may mga bagay talaga na kahit anong pilit mong gawin ang lahat. Hindi mo parin makukuha

Nag ring ang telepono ni Galen kaya agad naman niya iyong kinuha. Bumungad sa kanya ang umiiyak na boses ni Hera

"Galen... Si Solon p-pupunta siya sa mga Zalirous. Galen, pigilan mo siya"

---------

"Solon! sinasabi ko sayo wag ng tumuloy" pilit na pinipigilan ni Hera ang kanyang nag pupumilit ng kapatid

Desidido si Hera na pigilan si Solon. Ayaw niyang may mangyaring masama sa kapatid niya. Minsan na itong napahamak nung mag subok itong pumunta sa mga Zalirous

Hinding hindi makakalimutan ng mga Zalirous ang pumatay sa kanilang anak. Hinding hindi nila mapapatawad ang pamilya nila Solon

"Umalis ka sa daraan ko, Hera" malamig ang boses nito. Mas lalo siyang nag alala sa kapatid. Alam niyang sinisisi nito ang sarili kung bakit nag dudusa ngayon si Galen at hindi rin imposibleng pumayag ito kung buhay man ang kapalit

"Kuya wag mong gawin 'to. Ginagawan naman ni Galen ng paraan para mapasakanya si Kara" sigaw ni Hera sa kapatid pero napaatras na lamang siya ng makita niya ang nanlilisik na mata ni Solon na nakatingin sa kanya

"At ako nakatunganga lang? Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako rin ang gagawa ng paraan para kahit papano mabawasan ang galit ng Zalirous satin" galit na balik nito ng sigaw sa kanya. Tuluyan ng nag landas ang luha niya sa mata

"Hindi. kuya, nangyari itong lahat dahil sa kahinaan ko" sisi naman ni Hera sa sarili niya

"Babalik rin naman ako sa isang linggo. Wag ka ng ngumuso dyan" natatawang sabi ni Solon habang sinusuklay ang buhok ni Zyrene

"Ang tagal kitang di makikita" reklamo ni Zyrene at saka nag lalambing na umakap kay Solon. Napatawa ng mahina si Solon at ginantihan siya ng yakap

"Babalik ako agad basta matapos ko lang yung dapat kong matutunan sa business ni dad sa Davao" malambing na sabi ni Solon

"Balik ka agad. Mamimiss kita" nakangiting sabi ni Zyrene. Tumango tango si Solon at niyakap pa ng mas mahigpit si Zyrene

"Babalik ako agad sayo, mahal" masuyong sabi ni Solon at puno ng pag mamahal at respeto na hinalikan nito ang noo ni Zyrene

...

"Talaga po? bumalik na po si Solon jan?" tuwang tuwa si Zyrene nang tumawag si Glenard Thales ang ama ni Solon para ipaalam sa kanya na nandoon na ang binata. Nag taka siya kung bakit hindi mismong si Solon ang tumawag sa kanya. Nag karoon siya ng munting tampo sa binata pero mas lamang noon ang kagustuhan niyang makita ang binata

"Sige po pupunta na po ako agad dyan" dahil sa pag mamadali ay di na niya nagawa pang tawagan si Solon para manigurado pero naging tiwala siya sa sinabi ng ama ng binata

"Hahampasin ko siya mamaya at mag kukunwari akong nag tatampo sa kanya. Gagantihan kita, mahal" excited na bulong ni Zyrene sa sarili. Gustong gusto na niyang makita ang minamahal

"Zyrene san ka pupunta?" napatigil sa pag baba ng hagdan si Zyrene ng marinig niya ang boses ng ina.

"Makikipag kita ako kay Solon" malamig na sabi niya sa kanyang ina. Nakatira siya sa isang bahay na malayo sa totoong bahay nila. Araw araw siyang pinupuntahan ng kanyang ina pero hindi man lang ito tumatagal ng isang oras. Kakamustahin lang siya nito at mag mimiryenda sila saglit saka na ito aalis

Sobrang lungkot ng naging buhay niya dahil sa paulit ulit iyon lang ang nangyayari sa kanya. Kung hindi lang dumating si Solon sa kanyang buhay ay baka maabutan nalang siya ng kanyang ina bulagta at wala ng buhay

Hindi niya maintindihan kung bakit siya pinapalayo ng mga magulang niya siya sa kanila. Nung sinubukan niyang dalawin ito sa mansyon nila ay di nakaligtas sa paningin niya ang batang limang taon lang ata ang bata sa kanya na masayang nag lalaro kasama ang kanyang ama

Sobrang inggit ang naramdaman niya. Ni hindi niya alam kung saang lupalop nanggaling ang batang yun pero mas masaya pa ito sa piling ng kanyang mga magulang. Wala naman siyang nabalitaang nagkaroon siya ng kapatid. Kung meron man bakit hindi nila pinaalam iyon sa kanya. May karapatan rin naman siyang malaman

Doon niya nalamang hindi na siya ang pinag tutuunan ng pansin ng kanyang mga magulang. Kahit kelan ay di pa niya naranasang maging ganon kasaya kasama ang mga magulang niya. Buti pa ang batang iyon

"Ah ganon ba. Mag ingat ka, anak ah" ngumiti ng alanganin ang ginang sa kanya. Ngumiti siya ng malaki kahit na kada makikita niya ang kanyang ina ay naluluha siya. Tinawag niyang anak si Zyrene pero hindi naman maramdaman ng babae na may ina pa siya

"Wag kang mag alala sakin, ma. Ligtas ako pag si Solon ang kasama ko" sabi niya sa kanyang ina ng may pag mamalaki. Totoong kay Solon niya naramdaman na ligtas siya, na may nag mamahal sa kanya

At katulad ng mga dating nangyari. Sobrang ikli lang ng pag kakataon para makausap niya ang ina. Umalis na ito agad at kahit masakit iyon sa kanya ay pilit parin siyang ngumiti dahil ayaw niyang makita siya ni Solon na malungkot

Nag mamadali siyang lumabas sa kanyang sasakyan nung makarating na siya sa mansion ng mga Thales. Sumalubong pa sa kanya si Hera, ang kapatid ni Solon, na nag babasa ng magazine sa garden. Ngingitian niya sana ito pero nag mamadali itong umalis at pumasok ng bahay

Nag kibit balikat nalang siya. Laging mailap sa kanya ang kapatid ni Solon pero pinabayaan nalang muna niya iyon. Sigurado siyang makukuha rin niya ang loob ng kapatid nito

Masaya siyang pumasok sa loob. Nag plaplano na siya na salubungin ng yakap ang binata pag katapos ay kagatin ito pero iba ang bumungad sa kanya. Bigla na lang siyang tumumba nung may naramdaman siyang karayom na tumusok sa leeg niya

Bago pa siya mawalan ng malay ay kitang kita niya ang nakangising mukha ni Glenard

"T-Tito" nang hihinang tawag niya dito pero sinabunutan lang siya nito

"Kalaban ka Zalirous. Kailangan mong mamatay" parang baliw nitong sabi habang patuloy parin ang pag hila kay Zyrene sa buhok

Nakita niya si Hera sa di kalayuan at nanghingi ng tulong dito pero para itong walang narinig o ni nakita man lang. Para lang itong tuod na nakamasid sa kanila

"Solon" tawag niya sa binata. Pero walang dumating. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. Napalarisa ang kanyang katawan. Kung ano ano ang tinusok ng ama ni Solon sa kanya na nag palabas ng kanyang dugo hanggat sa hindi na niya kaya pang huminga

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Kaway kaway ka naman Jannelle 😂
PAGING NICAH APATAN
buhay ka sa chapter na 'to

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top