CHAPTER 52
CHAPTER 52 - YOU WILL DIE
Kara's POV
Sabuong mag damag ay tulala lang ako. Ni hindi nga ako nag lunch at kahit tapos na ang klase nandirito parin ako sa classroom. Ayokong umuwi ng bahay. Ayoko munang makita sila Mommy. Nasasaktan lang ako
Nung mag simula nanamang tumulo ang luha ko ay sumubsob nalang ako sa table ko at doon umiyak ng umiyak
Pinaniwala ako nila mommy na talagang hinahanap nila ako at hindi lang nila mapasok ang Eagles pero ang totoo ay wala itong paki sakin. Inalagaan lang ako nila para protektahan si Zyrene. At wala na nga si Zyrene ano pa bang kwenta ko
Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang tulala sa loob ng classroom. Humina na ang pag tulo ng luha ko pero di ko parin kayang humarap kila mommy. Pagabi narin at siguro akong mga janitor at ilan ilang teachers ang nandito sa school. Hindi ko nga alam kung bakit hindi parin ako nasisita dahil alam kong mga ganitong oras nag lilinis ang mga janitor at dapat wala ng estudyante ang nandirito
Mabuti narin yun. Ayoko munang kumausap sa lahat. Kahit kay Galen. Gusto ko munang makapag isip isip
"Ayos ka na ba?" agad akong napatingin sa nag salita, tinatanong ako. Pumasok ito sa classroom na pinag tatambayan ko. Nakasuot ang lalaki ng uniform katulad ng uniform ng mga guro dito sa university
"T-Teacher ka dito?" namamaos kong sabi dahil siguro sa tagal kong umiyak kanina. Binuksan nito ang ilaw dahil pawala na ang araw kaya naman nakita ko ang mukha nito
"Uh-huh. Kanina ka pa dapat papaalisin dito pero pinigilan ko muna. Mukha kasing may malalim kang problema" nakangiti siya habang sinasabi iyon. Namangha ako sa ganda ng ngiti nito, kabaliktaran ng akin
"Sana ay pinabayaan mo nalang po. Nag aantay lang rin naman ako" magalang na sabi ko rin. Nag kibit balikat lang ito saka umupo sa table na katapat ko. Ngayon nakikita ko na ng maayos at malapitan ang mukha niya. Gwapo nga ito pero ngayon ko lang ito nakita. Siguro ay Professor ito ng ibang department
"I can see that you need time for yourself alone" ako naman ang napakibit balikat dito
"Then why are you here?" pag tatanong ko rito at sinalubong ang maaliwalas na tingin niya. Wala akong pakielam kahit makita man niyang mugto ang mata ko
"You are taking to much time. Hindi mo alam baka nasasayang mo na. Whatever your problem is, you can never solve it because you're hiding here" inirapan ko ang lalaki.
Kaming dalawa lang naman ang nandito kaya bakit ko pa siya gagalangin o ituturing na guro tapos narin naman ang klase.
"I'm not hiding. I just don't want to see them yet" depensa ko sa sarili ko at saka bumuntong hininga
"Want to go somewhere? I'm sure this is not the perfect place for you" mabait sabi nito. Kumunot ang noo ko rito
"I'm also sure that I'm not the person you can easily drag somewhere" mas lalo itong ngumiti sa naging sagot ko. Ewan ko ba parang magaan ang loob ko sa kanya na hindi. Wala namang kahina hinala sa ngiti niya, sa totoo lang iyon ang mga ngiti na pag nakita mo ay mapapangiti ka rin pero dahil siguro sobra akong nasasaktan ngayon kay di ko siya magantihan ng ngiti
"Then you want to stay here?" pag tatanog ulit nito sakin. Napaisip naman ako sa tinanong nito sakin. Wala ng araw sa labas at tangging ilaw nalang sa classroom ang nag papaliwanag sa paligid
"If I stay here, would you also stay?" hindi ko alam kung anong lakas ng loob ko para sabihin yun sa hindi kilalang lalaki pero kahit papano naman ay gusto ko lang ng kasama
"I don't mind. We can stay here as long as you want. Kung gusto mo ipasara natin itong classroom para sayo" biro nito sakin. Kahit papano ay napangiti ako ng tipid hindi lang dahil sa biro niya kundi sa walang pag aalinlangan nitong samahan ako
Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka inayos ang gamit ko. Pag katapos ay sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko
"Oh san ka pupunta? Sabi mo dito lang tayo?" tanong nito sakin. Nag kibit balikat ako at saka siya nginisiha
"I've changed my mind. Bring me to somewhere perfect" sabi ko rito at nauna ng nag lakad paplabas. Rinig ko naman ang pag takbo nito papunta sakin
"Ang bilis namang mag bago ng isip mo" hinihingal pero nakangiti nitong sabi
"Ngayon lang yun" biro niya rito at katulad kanina ay ngiti lang ang sagot nito pero para sakin ay yun na ang pinaka magandang naging tugon sakin. Ewan ko ba kung anong mahika ang meron ang lalaki pero sobrang gaan ng loob ko dito at kahit ngayon ko palang ito nakikita parang gusto ko ng sabihin dito ang problema ko
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko nung nasa sasakyan na niya kami. Even his car feels so comfortable. Tinignan ako nito saglit at saka madaling tumingin sa daan ng may ngiti
"It looks like you're now interested on me. It's Vincent Fortunato, by the way" pakilala nito sa sarili.
"I'm Xy Kara and I'm not interested on you, by the way" sarkastikong sagot ko ulit sa kanya. Napatawa naman siya ng mahina
"Ok lang ba kung itanong ko kung bakit ka umiiyak kanina?" napatingin lang ako kay Vincent nung itanong niya iyon. Ito na yung pag kakataon ko para may masabihan ng problema pero bakit di ko magawang ibukas ang bibig ko "I was your last subject. Sub ako ni Mr. Almazan. Palagi akong napapatingin sayo. Nakatingin ka sa mga nakasulat sa board pero halatang di ka nakikinig tapos parang di mo alam na uwian na at nakaupo ka parin nakatulala ka lang. Nung wala na yung mga kaklase mo bigla kang umiyak. Gusto na kitang lapitan pero pinigilan ko yung sarili ko parang gusto mo kasing mapag isa kaya hinayaan ko nalang" paliwanag nito sa kanya kahit hindi naman niya hinihingi
"Eh bat ka parin lumapit?" kunot noong tanong ko rito
"Kasi naman nakaalis na ako tapos nakabalik na lahat lahat nandoon ka parin umiiyak. Kaya nilapitan na kita" sabi nito sakin saka ako nginitian. "To tell you honestly, Kanina pa ako nag iisip kung saan kita pwedeng dalhin para sumaya ka naman. And when you wish a perfect place, I think you mean my favorite place" sabi nito at tinigil ang sasakyan. Lumabas ito sa sasakyan kaya naman sumunod ako
Napabukas ang bibig ko sa sobrang ganda ng view mula sa ibaba. Nung nasa sasakyan kasi ay di pa mashadong makita pero ngayon ay kitang kita ko na
May railings ito kaya safe namang lumapit ng hindi nahuhulog. Vincent leaned in the railing to have a better view. Gustong gusto ko talaga ang matatas na lugar. A memory flashed on my mind. A memory of me with Galen in the hot-air balloon. Namiss ko nanaman tuloy siya pero kahit na ganon ay di ko magawang lumapit dito
"I don't know if I should call you sir" sabi ko rito. Nag simula kasi kami na hindi mag estudyante at guro kaya hindi ko alam kung hindi na ba o kailangan ko pa itong tawaging sir
"Ikaw bahala kung anong gusto mong itawag sakin" tumango ako sa sagot nito sakin
"Yung tinanong mo kanina kung bakit ako umiiyak--" nakita kong umiling iling ito kaya naman ay napatigil ako sa pag sasalita
"Wag mo na palang sabihin sakin. Mas mabuting wala akong alam" iba ang ngiti niya ngayon kaya napatango nalang ulit ako kahit ang totoo ay di ko maintindihan kung bakit niya sinabi iyon. Siguro ay ayaw narin niyang ungkatin para di ko na maalala
Marami kaming napag kwentuhan nito kahit maliit na bagay ay hindi namin pinalampas hanggang sa napag desyonan na naming umalis roon at pinangako ko sa sarili ko na muli akong babalik para makita ang magandang view na ito
"Salamat sa pag hatid, Sir Vincent" masaya kong sabi sa kanya. Kahit saglit ay nag enjoy rin akong kasama siya.
"Bye Kara" yun lang ang sinabi nito at saka pinaharurot ang kotse nito. Kinuha ko ang susi ng bahay ko. Dito muna ako tutuloy habang ayoko pang makita sila Mommy. Pinagawa nito para sakin na hindi ko akalaing magagamit ko na
Nung buksan ko ang pinto ay agad na tumambad sakin ang isang lalaking nakatalikod. Agad ko itong nakilala kaya naman nag mamadali akong tumalikod at nag lakad paalis
"Kara" agad na tumulo ang luha ko nung sambitin niya ang pangalan ko pero ayokong lingunin siya. Hindi ko pa kaya
"baby please" hindi pa man ako nakakalampas ng gate nung nahabol ako nito at pinigilan ako
"Lumayo ka muna sakin, Galen, please lang" pag mamakaawa ko rin rito. Ayokong malapit siya sakin. Nakakatakot. Natatakot ako sa sarili ko pag malapit siya sakin
"Hindi ko na kayang ipag tabuyan mo pa ako" mas naiiyak ako sa lungkot ng boses nito. Hindi ko kayang marinig
"Do you love me less now?" dagdag na tanong nito. Hindi ko kayang sagutin ito dahil sa sarili ko mismo hindi ko maitatanggi ang sagot diyan
"Your family killed Zyrene. It's your family's fault kaya hindi tayo pwede. Kaya lumayo ka na sakin, Galen" kahit mabigat sa loob ko ang mga sinabi ko hindi na ako gagawa ng paraan para bawiin pa iyon
"Please Kara don't do this to me" para na itong maiiyak "I can't see you with another man. It kills me. Kahit bawal na, gusto ko akin ka lang" malungkot na malungkot ang boses nito parang hindi siya nung nakita ko ito noon
"Hindi ka ba nakakaintindi ng hindi. Hindi Galen. Tama na. Tumigil ka na" sigaw ko sa lalaki. Kita ko ang pag ukom ng kamao niya kasabay noon ang pag luwag ng hawak nito sakin. Nababaliw na ata ako dahil mas lalo akong nalungkot sa naging galaw niyang iyon
"I... I can't stop" mahina nitong sabi pero rinig na rinig ko ito. "Matagal na kitang inaantay. Pinilit kong wag mainip kahit pakiramdam ko isang taon ang nag dadaan sa isang araw ko. Pinag bigyan ko silang wag ka munang lapitan bilang pag respeto narin sa desisyon nila. Gusto kong patunayan sa kanila na hindi ko kayang gawin sayo ang nawaga ng pamilya namin noon kay Zyrene" malungkot paring sabi nito. Patuloy parin ang pag luha ko at alam kong paunti unti ng nadudurog ni Galen ang pader na hinarang ko mismo sa pagitan naming dalawa
"Ano bang pinag kaiba ko kay Zyrene? Oo ampon lang ako pero Zalirous parin ako. Hindi mo maalis sakin ang takot sayo at sa pamilya mo" onti nalang, Kara. Kahit matapang ang pag kakasabi ko rito ay sa loob loob ko ay gusto ko ng matumba sa sobrang pagod
"You're choosing your family over your love for me, I understand. Ito yung ganti mo sakin dahil sa nagawang atraso ng pamilya ko sa pamilya mo. Para mo narin akong pinatay" hinang hina nitong sabi. Tumingala ito sa langit, pinipigilan ang mga luhang nag babadyang tumulo
"This is my punishment for not protecting Zyrene. I can't also be with you" nung tumingin ito sakin ang mas lalong nag padurog ng puso ko "I just can't let you go, baby, you're mine" may nanunuong luha sa mata niya na hindi niya hinahayaang tumulo. Hinawakan nito ang mag kabila kong balikat. Wala akong nagawa kundi ang tumingin sa mga mata niyang punong puno ng sakit
"I'm sorry if I can't give you up, baby" he said and gave me soft kisses in my face "So, I'm sorry if you don't have a choice but to marry me" mahina parin nitong pag kakasabi sakin parang sakin lang nito pinaparating. Napapikit ako nung halikan nito ang mga luha ko. "I'm sorry if my decision is killing you when you say no" pag katapos nitong sabihin iyon ay malambot ako nitong hinalikan sa labi. Nag pumiglas ako sa pag kakahawak nito sakin sa balikat pero sadyang malakas siya at pinigilan ako
"So say yes, Kara, I don't want you to die" yun na ang huling sabi niya sakin. Ang huling halik niya sakin ay sa noo saka na ito umalis
Nung marinig ko na ang pag aalis ng sasakyan nito ay napahawak ako saking dibdib. Hindi ko alam kung anong klaseng pananakot ang ginawa ni Galen pero iba ang dating noon sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot dahil hindi ko naman alam kung kaya niya ba talaga akong patayin o hindi
Pero hindi narin ako mag tataka kung kaya niya nga. Oo at sinabi niyang mahal niya ako pero sa panahon ngayon hindi na sapat yung mahal mo lang dahil minsan mas nangingibabaw ang takot at sakit na dinulot sayo nung tao at doon unti unting guguho yung pag mamahal na nabuo mo para sa kanya
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
S M I L E 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top