CHAPTER 51

CHAPTER 51- HE WHO SAVED ME

"Dad look what I've found" lumapit si Galen sa kanyang Ama. Buhat buhat ang isang dalagang walang malay.

Nanlalaki ang mata na tumayo sa kinauupuan niya ang ama niya at tinignan ng mabuti ang dalaga. Nung makita na niya ito ay lumapit siya sa intercom niya

"Heraclea, you need to be here now" tawag niya sa dalaga. Alam niyang agad na pupunta ang dalaga sa kanyang study room. Habang nag hihintay kay Hera ay dahan dahang nilapag ni Galen ang walang malay na babae

"Pinatawag mo ko, Tito" sabi ni Hera nung makapasok ito sa loob ng study room

"Tignan mo nga kung sino siya" kahit may pag dududa sa mukha ng isang may edad na Thales ay di parin mawala ang kasiyahan na sumisilay sa mga mata nito

Agad namang pumunta si Hera sa tabi ng babae at katulad ng ginawa ni Alexander Thales ay tinignan rin niya ng mabuti ang babae. Hinawi pa nito ang kanyang buhok kaya kitang kita ang koronang tattoo sa noo nito

"Congratulations, brother, You've got the fake Zalirous" malamig na sabi ni Hera nung pag katapos niyang tignan ang babaeng wala paring malay hanggang ngayon

"She is still a Zalirous" napatingin naman silang lahat sa biglang nag salita. Tinignan ito ni Alex saka ito tumikhim. May ngisi sa labi nito kaya alam na agad ni Galen at Hera kung anong binabalak ni ng bagong dating "I'll cut her neck and send it to the Zalirous" pag babalak nito ng masama kay Kara

"Dad" suway agad ni Hera sa kadarating na ama. Agad siyang nabalutan ng kaba sa klase palang ng pag ngisi ng ama

"I don't like the idea, tito" nakay Galen na agad ang atensyon ni Hera, Alex at ama ni Hera nung hindi ito sumangayon sa desisyon ng tiyuhin. Sa mahabang panahon ngayon lang sila nag kaiba ng iniisip ng ama

"Then what do you like to do with her?" pag tatanong ng ama niya sa kanya. Tinignan muna ni Galen ang dalaga bago ulit bumaling sa kanyang Ama na ngayon ay nag tataka sa mga kinikilos niya

"I would like... to marry her" agad na kumunot ang noo ni Hera pero kakaiba ang naging reaksyon ng ama ni Hera dahil ngumisi pa ito ng masmalaki kesa kanina

"You can do whatever you wish, son" seryosong sabi ng kanyang ama sa kanya saka siya tinapik ng mahina sa balikat

"Bring her to your room now" mahinang sabi nito sa kanya na agad naman niyang sinunod

Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatingin sa maganda pero puro sugat na mukha ng dalaga. Hindi na siya lumalabas ng kanyang kwarto simula nung dalhin niya ang babae rito

Sigurado rin siyang matagal na itong pinag hahanap ng angkan ng mga Zalirous pero sa dami ng pag kakataon ay siya pa ang nakakita dito

Walang katok katok na pumasok si Solon sa kwarto niya at saka tumabi ng upo sa kanya. Parehas lang silang nakatingin sa walang malay na babae

"Totoo ngang nakita mo siya" may hindi maipaliwanag na lungkot sa boses ni Solon habang nakatingin kay Kara

"Swerte lang talaga ako" sagot ni Galen sa kanya. Maririnig mo ang malakas na pag buntong hininga ni Solon pag katapos ay ang malungkot na ngisi nito

"Kahit kelan ang makahanap ng isang Zalirous ay hindi matatawag na swerte, Galen" sagot pa nito kay Galen pero nag kibit balikat lang ang binata

"Though, I still want to consider myself lucky" may munting ngiti sa labi ni Galen. Hindi iyon nagustuhan ni Solon dahil alam niyang sa una lang ang mga ngiting iyon pag katapos ng masasayang araw doon ka na makakaranas ng sakit

"Bakit mo siya papakasalan? Do you love her?" pag didirekta nito kay Galen. Ayaw niyang matulad sa kanya si Galen kaya mas mabuti na iyong sigurado

"Is it love when you wanted to see her everyday?" hindi na magawang mag tanong pa ulit ni Solon dahil lahat ng itinanong niya noon sa sarili niya ay parehas lang ng sagot niya noon sa sagot ni Galen ngayon

Nung lumabas si Solon ay dala nito ang alalahanin kay Galen. Nakita niyang nakasandal ang kapatid sa tabi ng pinto ni Galen. Halata sa mukha nito ang pag iisip ng malalim

"Hera" tawag niya sa atensyon ng kapatid. Agad naman itong napatingin sa kanya at pumunta sa harap niya

"Hindi naman sinabi ni Galen na mahal niya ang babaeng yun, hindi ba?" pagtatanong ng kapatid sa kanya. Maging si Hera ay ayaw ng maulit ang nangyari. Wala ng Zalirous ang pwedeng mamatay sa mismong bahay nila at kagagawan mismo nila

"Mag handa ka sa pwedeng mangyari" yun lang ang nasabi ni Solon at sinubukan lampasan si Hera pero agad itong pinigilan ni Hera

"Pigilan mo siya, Kuya, please" hawak hawak ni Hera ang laylayan ng T-shirt ni Solon habang nakauko ito. Naging malambot ang eskpresyon ni Solon ng makita ang malungkot na mukha ng kapatid

Sino ba ang hindi gustong pigilan si Galen. Parehas silang gusto na wala ng mamatay at papatay sa pamilya nila pero hindi ata sumasangayon ang tadhana sa kanila.

Hinila ni Solon papalapit sa kanya si Hera at inakbayan ito. Wala siyang maisagot na nakababatang kapatid. Alam niyang mahirap kausap si Galen at hindi rin ito nag papatalo. Kahit ang tatay nito ay hindi siya makokontra sa gustong gawin ni Galen

Ang tangging magagawa nalang niya ay bantayang mabuti ang babae at wag hayaang makalapit ang ama niya sa babae

Tinignan muna ni Galen ang mukha ni Kara. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito saka siya ngumiti nang makita niya ang maaliwalas na mukha nito

Hindi niya alam kung bakit aliw na aliw siya makita lang ang mukha ng babaeng walang malay ngayon sa kanyang higaan pero makita lang niya ito ay gumagaan ang lahat

Alam niya ang iniisip ni Hera, Solon at ng Ama niya. Ang gustong angkinin ang isang Zalirous ay isang kalokohan nalang para sa kanila. Dahil kahit kelan hindi na maibabalik ang buhay na kanilang kinuha

Pero hindi niya alam kung bakit desidido siyang makuha ang ampon ng mga Zalirous

Napailing nalang siya at lumabas ng kwarto niya pero sinigurado niyang nakasarado ang pinto nito at walang makakapasok o makakalabas. Pero nanigurado rin siya nag lagay siya ng pag kain ni Kara kung sakaling magising ito at magutom

Pinuntahan niya ang ama niyang seryosong nag iisip. Tumingin agad sa kanya ito nung maramdaman nitong papalapit siya

"Lets go, dad" aya niya sa kanyang ama.

"You sure about this?" tanong sa kanya nito. Ang totoo ay hindi talaga siya sigurado kung tama ba ang gagawin niya pero yun ang gusto niya kaya yun ang gagawin niya

"Yes" matapang na sagot niya. Parang siguradong-sigurado. Gusto niyang makita araw araw ang babae. Hindi yun sapat na dahilan para pakasalan siya pero katulad ng sinabi niya kanina gagawin niya ang gusto niya

Dahang dahang tumango ang kanyang ama at nauna ng mag lakad. Pumunta sila sa parking sa loob ng bahay nila at sumakay sa isa sa mga kotse nila

Nung makita na nila ang malaking bahay ng mga Zalirous ay nawala lahat ng naiisip niyang sabihin. Ang ama niya ay prenteng nakaupo lang sa gilid ng kotse

Pumunta sila sa bahay ng Zalirous dahil gusto niyang personal na kunin ang kamay ni Kara. Alam niyang maaring mapamahak ang buhay nilang mag ama pero wala na siyang pakielam roon. Meron naman siyang dahilan para hindi sila sugurin agad ng mga ito

Matindi parin ang galit ng mga Zalirous sa kanila at alam nilang kahit kelan ay maaring hindi na maibalik ang tiwala na ibinigay sa kanila

Dumeretso ang kotse nila sa tapat ng gate ng Zalirous pero gaya ng inaasahan ay di sila madaling makakapasok roon kaya naman ay lumabas na sila sa kotse nila at sila mismo ang nag doorbell sa gate nito

Hindi niya inaasahang mag bubukas ang gate pero kumunot ang noo niya ng makitang ang mga tauhan ng mga Zalirous ang nakaabang sa kanila at may dala dala itong mga hand gun

Napaatras ang mga ito nang tumayo sa tabi niya ang kanyang ama. Kilala rin kasi ito sa pagiging magaling sa pag hawak ng baril at sa pag laban narin. Ito ang nag turo sa kanya simula bata palang siya

"Hindi kami nandito para makipag laban. Bring us to your boss, we're here to talk about Xy Kara Zalirous" Alexander speak with full of authority. His dad will always stand in his side and support the things he wants to do

"Pano kami makakasigurado?" sabi ng isa pag katapos nilang mag tinginan.

"Let me talk to Leila Zalirous" madiing sabi ng niya. Nag tinginan ulit ang mga ito pero bago pa ulit ito makapag salita ay lumabas na ang may edad na babae pero mababakas parin dito ang kagandahan

"Bakit niyo ko hinahanap?" katulad ng dati ay nakakunot parin ang noo nito at masungit parin ng boses nito. Halatang laging masama ang timpla

"It's about Kara" sagot ng binata rito. Mas lalong kumunot ang noo nito

"Sumunod kayo sakin" malamig na sabi nito at nauna ng mag lakad. Agad na nahawi ang daan para paraanin sila

Nasa likod sila ng bakuran nito dinala ni Leila. Tahimik na nag babasa ng dyaryo roon si Mateo Zalirous. Walang salita salita na umupo sila ng mag kakaharap

"Talk, Thales, ayokong nakikita ko kayo dito sa pamamahay ko" halata ang pag kairita sa mukha ni Leila pero pinag sawalang bahala lang iyon ng mga Thales

"I have found your Kara" nanlalaki ang matang napatingin sa kanya si Leila maging ang tahimik na si Mateo ay napatigil rin sa pag babasa

"W-Where is she?" gulat nitong sabi

"Ibibigay ko siya sa inyo kung papayag kayo sa kundisyon ko" hindi alam ni Galen kung papayag ba ang mga ito pero kailangan niyang subukan

"Anong kundisyon?" pag tatanong nito. May pakiramdam na ang ginang kung anong gusto nitong gawing kondisyon dahil ganitong ganito rin ang ginawa ng isang Thales sa kanila nung kunin nito ang kamay ng kanyang anak

"I want to marry her" direktang sabi niya sa mga magulang ng babae. Kung hindi lang nakaupo si Leila ay siguradong natumba na ang ginang.

"Umalis na kayo dito, Thales" galit na sigaw niya sa mga ito pero hindi parin siya nag patinag

"Wala na naman kayong pake sa kanya hindi ba. Bakit hindi niyo nalang siya ibigay sakin" napatigalgal sa kanya si Leila.

"Hindi yan totoo!" nanlilisik ang mata nito habang sinasabi iyon.

"Kahit ang Eagles ay kaya niyong pasukin kung gugustuhin niyo lang pero hindi niyo ginawa. Hinayaan niyo lang siya" paninisi ni Galen dahil alam niyang iyon ang totoo. Wala na kasi ang mahal nilang anak kaya wala naring kwenta sa kanila si Kara

"Ibigay mo siya samin, Thales, at hindi totoo yang sinasabi mo. Hinanap namin siya" pag tatanggol pa nito sa sarili niya

"Not unless you agree in my condition" hindi alam ni Galen kung bakit pa siya pumunta rito kung pwede naman niyang angkinin nalang agad ang dalaga ng walang kahirap hirap. Eh nasa poder nanaman na niya ito

"Not again" matapang na sabi ni Leila "Minsan na namin kayong pinag katiwalaan at hindi na yun mauulit"

"Wag kang mag salita na para bang may pake ka pa sa kanya, Leila" napatigilko si Leila nung mag salita ang ama ni Galen "Hindi nga nag sasalita si Mateo dahil kahit siya ay gusto ng pabayaan ang batang iyon" mapangahas na sabi ulit nito

"My wife alone can handle the both of you" kalmado paring sabi nito "And for Kara she is still our daughter at away naming mapunta siya sainyo" hindi pag papayag nito

"Nasamin na si Kara. Kung ayaw niyo mamatay siya" sabi ni Galen. Napatingin silang lahat dito. Sarkastikong ngumisi si Leila

"Nagawa niyo na iyan. Wag niyo kaming takutin. Mas malala pa ang gagawin namin kapag pinatay niyo siya" hamon ni Leila sa binata

"Niligtas ko siya. Ginawa ko lang naman ang bagay na dapat dati niyo pa ginawa" sabi ni Galen "Nasamin si Kara at wala na kayong magagawa sa desisyon ko. Mamatay siya o papayag kayong ikasal kami" dagdag pa ng binata. Kita ang pangingilid ng luha ni Leila. Agad na kinuha ni Mateo ang kamay ni Leila upag ipakita ang suporta nito ano man ang maging desisyon ng asawa

"Pumapayag ako. Basta hindi pa ngayon. Hayaan mo muna siya samin" kahit labag sa loob ni Leila ay yun ang naging desisyon niya.

"It's settle then" sabi ni Galen at tumayo na "Have a good day ahead, Mom and Dad" dagdag nito at saka ngumiti ng tipid. Naningkit lang ang mata ni Leila sa sinabi ng binata pero walang nagawa

Sabay silang nag lakad ng kanyang ama hanggang sa makarating sa kotse nila. Nung makasakay na sila roon doon sila nag usap ng ama

"Pwede namang hindi na tayo pumunta dito. You can already have Kara anyway" pag tatanong ng kanyang ama pero nag kibit balikat ito

"I don't need their opinion, I just want them to know" sabi ng binata "I'm going to marry her no matter what happen"

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

The whole chapter was about what happen in the past. Sana naliwanagan kayo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top