CHAPTER 50

CHAPTER 50 - HIS WAYS

Kara's POV

Napabuntong hininga nanaman ako. Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ba ang nagawa ko sa araw na ito. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawing galaw ni Galen

"You look problematic" agad na nakuha ni Carrick ang atensyon ko. Piniling ko ang ulo ko at umiwas ng tingin sa kanya. Ayokong malaman nanaman niya na iniisip ko nanaman si Galen

Kahit gusto ko sabihin sa kanya na dinalaw ako ni Galen kagabi ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya dahil kahit kelan ay di pa namin napag usapan si Galen

"Carrick" tawag ko rito pero nakatingin lang ito sa likod ko. Bakas ang pag tataka sa mukha nito. Kunot rin ang noo nito. Akmang titingin ako sa likod pero nabato ako sa kinauupuan ko ng may malambot na labi ang tumama sa pisngi ko

"What the hell, Galen!" napatayo pa si Carrick dahil maging siya ay nagulat sa ginawa ni Galen. Ako naman ay parang tuod lang sa kinauupuan ko. Hindi parin pumapasok sa isip ko ang ginawa niya sa harap mismo ni Carrick

"Chill bro" ngising ngisi na umupo si Galen sa tabi ko saka ako inakbayan at inilapit pa sa kanya. Parang wala lang sa kanya ang galit at gulat sa mata ni Carrick. Ako heto parin hindi man lang siya magawang pigilan o ni suwayin man lang.

"Chill my ass dude! You kissed her in the front of me" pag proprotesta pa ni Carrick pero mahinang tumawa lang si Galen

"It's just a kiss in her cheeks. You wanna see how I kiss her lips?" mas lalo atang naging kulay kamatis ang mukha ko sa sinabi niya. Si Carrick naman ay nag dadabog na umupo at ipinakita kay Galen ang gitna ng daliri nito

"Fck you" madiing sabi ni Carrick habang masama parin ang tingin kay Galen pero ikinangisi lang ito ni Galen

"Fcking is after the marriage, bro, I thought you are a gentleman" parehas kaming hindi na makapag salita ni Carrick. Ano bang pinag sasabi ni Galen? Bakit ba ito nandirito? Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko na muna inisip ang pinag sasabi at ang kalandian nito

"Stop talking like we are close" masama ang tingin ko rito. May emosyon na dumaan sa mata niya pero agad naman itong bumalik sa dati. Hindi ko alam kung kaya ko bang ipag katiwala sa kanya ang buhay ko. Natatakot ako na baka hindi niya pa talaga ako mahal at mas piliin niya parin ang pamilya niya kesa sakin

"I don't know you. So please stay away from us" mas pinatatag ko pa ang sarili ko. Ayokong may makita siyang luha sa mata ko. Mas doble ang sakit na naramdaman ko ng makita kong malungkot siyang umuko at malalim na huminga

"You don't want to see me again?" malungkot ang pag kakasabi niya noon at mas lalo noong nadurog ang puso ko. Ayoko na. Tumayo na ako at tinignan si Carrick

"Tara na" sabi ko sa kanya at mabilis naman siyang sumunod sakin. Iniwan ko siya doon ng hindi siya sinasagot. Natatakot akong sumagot dahil gustong gusto ko pa itong makita, araw araw

NAKAUKO lang ako habang nasa harap ko si Mommy at Daddy. Galit na galit si Mommy dahil nalaman lang naman nito na may kaugnayan pa ako kay Carrick at may picture pa talaga ito nung biglang pag halik sakin ni Galen

Nahalata siguro nila Mommy na merong sumasalisi sa mgabantay niya kaya nag padala siya ng hindi ko kilala

"Kara sana alam mong pinoprotektahan ka lang namin. Ayaw naming may masamang mangyari sayo" mahinahon pero madiin ang pag kakasabi sakin ni Daddy. Tahimik lang akong tumango. Alam ko naman yun. Alam ko namang ayaw lang nila maulit ang nangyari, ang mamatayan ulit ng isang anak

Zyrene died because of not enough love. Minsan na nilang pinag katiwa ito sa mga Thales pero wala namang mabuting kinalabasan iyon. Mahirap makipag usap sa Thales iyon ang palaging sinasabi nila mommy.

"Kara wag ka na ulit makipag kita sa kahit na sino sa Empire!" sigaw ni Mommy sakin. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko.

"Lalong lalo na sa mga Thales! Hindi sila makakabuti sayo. May isip ka na, Kara kaya dapat alam mo na ang mangyayari kapag pinag patuloy mo pa yang kalokohang pag ibig na yan" huminga ako ng malalim. May tumulo na luha saking mata pero hindi ko iyon magawang punasan. Wala na akong pakielam kahit makita pa iyon nila Mommy kahit na alam kong papagalitan nila ako dahil sa pag iyak kong ito

"Malamang ay hindi ka rin mahal nung Thales na iyon. Pinapaikot ka lang niya pag katapos iiwan ka lang rin niyang walang buhay" alam kong takot lang rin si Mommy pero ang mga salita niya ay bumabaon sa puso ko. Hindi ko matanggap. Ayokong tanggapin. Hindi ko kayang marinig ulit na hindi niya na ako mahal. Tinignan ko si Mommy kahit na patuloy parin ang pag agos ng luha ko

"I promise, I won't let him get near to me again, Mom, Dad" yun lang ang nasabi ko dahil gustong gusto ko na talagang tapusin ang pag uusap na iyon. Hindi ko na kaya ang mga sinasabi nila. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi kami pwede

"Mom, Dad" halos sabay sabay kaming napatingin sa nag salita. Agad na nag silabasan ang mga tauhan nila Mommy at may dalang mga baril pero si Galen ay nanatili sa kinatatayuan niya. Wala itong pakielam kahit maraming nakatutok sa kanyang mga baril at maari siyang bumulagta anumang oras

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit siya nandirito. Ayoko na ng gulo pero bakit mas hinahatid niya pa ako doon. At ang mas malala tinawag niya pang Mom at Dad sila Mommy.

"Go to your room now, Kara" malamig na utos sakin ni Daddy. Hahakbang na sana ako pero napatigil ako sa bigla niyang sinabi

"Sorry if you find my trespasses not respectful pero dapat malaman ni Kara na ikakasal na kami" may ngisi sa mga labi nito. Nagulat ako sa sinabi niya pero sila Mommy ay mas lalong nanlisik ang mata

"Kara umakyat ka na. Kami na ang bahala sa kanya" si Daddy lang ang kalmadong nag sasalita pero may diin sa bawat sinasabi nito. Gusto kong sumunod kay Daddy pero gusto ko rin malaman kung bakit iyon nasabi ni Galen

Ngayon ay di ko na alam kung ano na bang nangyayari. Buhay ko ito pero mas marami pa ata silang alam sa sarili ko kesa sakin

"She have to know" mariing sabi ni Galen. Ni wala akong idea kung ano ba ang dapat kong malaman

"Sige. Sasabihin namin sa kanya. Alam ko namang hindi kami bibiguin ng anak namin" himala at sinabi iyon ni Mommy. Tinignan pa ako nito kaya mas lalong hindi ko ito matatanggihan. Kahit ano mang dahilan sila parin ang pipiliin ko

"A-Ano ba yung dapat kong malaman?" kinakabahan ako pero gustong gusto ko talagang malaman. Wala parin naman akong magagawa kahit ano pa man yun nakatakda ng hindi siya magiging akin

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top