CHAPTER 5

CHAPTER 5 - WALLS

Xy's POV

Friday 1:00 pm

Nakatingin lang ako sa orasan dahil tamad na tamad na ako sa tinuturo ng teacher na 'to.

*sigh*

Iniisip ko parin si President bakit ganon nalang katakot si Amy sa kanya. Hindi ba dapat ay magkasundo sila dahil pareho silang old students. Pero dapat din alam na ni Amy na bawal mambastos ng teacher dahil matagal na siya dito

"Maraming mag babago lalo na sa katauhan mo pag pinagpatuloy mo pa ang pambabastos mo sakin"

Magbabago? Sa katauhan ko? Yun na ba yun? Dahil ba sa President na yun. Ano bang kaya niyang gawin. Ano bang parusa ang kaya niyang gawin

Fck! this boredom is killing me. Sana mag kahimala at bigla nalang matigil ang klase

"Attention to all teachers and students please proceed to the gymnasium"

"Attention to all teachers and students please proceed to the gymnasium"

"Dininggin agad" takang bulong ko sa sarili ko

"That must be the announcement" nakangiting malungkot ang teacher namin sa Science "Sana walang mag bago sa kung paano kayo sumagot sa klase ko. Don't forget what I've discussed" may kakaiba sa malungkot niyang ngiti parang may hindi magandang mangyayari

"Class dismiss" mahina niyang sinabi at tumuloy na papalabas. Nag kibit balikat nalang ako at inayos ang gamit ko

Kanya kanya silang yayaan para may kasama sila sa gym at para rin may kadaldalan sila pero nanatili lang akong tahimik at nag mamasid. Makikita mong ako lang ang walang pakielam may kasama man ako o wala

"Kara" seryoso ang pag tawag sakin ni Amy

"May kailangan ka?" hindi ko parin siya nililingon pero alam kong sumusunod siya sakin

"Gusto ko lang sumabay sayo sa gym" sabi niya. Kumunot ang noo ko pero hindi parin ako tumitingin sa kanya

"Diba old student ka dito? Bakit ka pa nag papasama sakin?" malamig kong sabi

"New student din ako dito" nakangising sabi niya. Kaya naman napahinto ako

"Oh bakit?" pag tatanong niya pa at napahinto rin

"Kung new student ka lang dito bakit parang andami mong alam" takang tanong ko habang nakatingin sa kanya doon ko lang napansin ang pasa niya sa bandang leeg niya at may cut din siya sa labi niya pero hindi mo naman ito mapapansin kung hindi mo lalapitan. Mas minabuti kong hindi na alamin kung anong nangyari sa kanya. Dahil wala rin naman akong pake sa kanya

"Dahil mapagmasid lang talaga ako" nakangiti niyang sabi. Pero di gaya ng mga nakaraan niyang ngiti may kakaiba dito na hindi ko maintindihan. At hindi ko rin alam kung kaya ko bang maintindihan

"Tara na baka nag hihintay na ang Vice President ng school na 'to" sabi niya at hinila na akong papuntang gym

Wait... nakapunta na ba siya doon kay President? Ano kayang naging punishment niya? Bakit ba ako nag tatanong wala naman akong pake

Pag dating namin sa gym andami naring mga studyante kaya humanap narin kami ng upuan. Hindi nag tagal ay may umakyat na sa stage

"I'm Carlos Lahar the school President of Morach Academy" pakilala niya sa sarili niya nagulat naman ako akala ko yung babae kanina ang president. Gusto kong tanungin si Amy pero mas gusto kong manatiling walang pakielam "I'm here to welcome all the old and new Students" tumikhim ito at saka ngumisi. Katulad ng ngisi ni Amy kanina may kakaiba rin dito

"Almost everyone know that the start of class was on Monday. But I know most of us also wondering why only new students were here in the past three days. Hmm bakit nga ba?" nakangisi parin siya at nangalumbaba pa "Para mag karoon kayo ng kaibigan shempre. But the other reason is..." pambibitin niya lahat naman ay nakatingin sa kanya hinihintay ang sasabihin niya at naiinis ako dahil maging ako ay hinihintay ang sasabihin niya

"... Nothing"

"What?" mahina kong bulong sa sarili ko

"Hahahaha" tumawa si Carlos at halos umalingaw-ngaw yun sa buong gymnasium "Mashado naman kayong seryoso. Wala naman akong sasabihin hindi niyo magugustuhan" hindi parin mawala sa mukha niya ang ngisi niya

"Today is the official start of class. Back to rules. The one week for new students and teachers day is already done" nagtaka ako sa sinabi niya. What the hell is he talking about?

Umingay sa buong paligid. Hindi din nila alam kung anong nangyayari. Maraming bulong bulungan. Maraming nag tataka

"Oh easy people mashado kayong hot" ngising ngisi parin siya. Nanatili akong kalmado kahit nag kakagulo na sila. Maraming estudyante ang gustong malaman kung ano bang sinasabi niya

"Like what I've said tapos na ang araw niyo New students at Teachers napag bigyan na namin kayo kami naman ang babawi sa inyo" nag ingay ang lahat. Nag lalaban ang sigawan ng mga old students at ang mga tanong ng mga new students. Nakita ko naman ang mga teachers at lahat siya ay nakatungo lang ng tahimik na para bang alam nilang mangyayari ito

"This is the official start. This will be the most exciting start of class in your life, Students. Lagi namang may bago sa Morach eh. Diba old students" baling niya sa mga old students nag sigawan ang mga ito "At kayo ang dahilan mga bago" yung ngisi niya gusto kong burahin yun.

"At 6:00 pm wag niyong palalampasin ang pinaka mahalagang event dito sa Morach kailangan niyo yung masaksihan. Lalo na sa inyo new students" kumindat pa ito samin

"Thats all for now" sabi nito at umalis na sa stage

"And that is Carlos Lahar. Wala paring pinag bago" mahinang bulong ni Amy. Mag tatanong sana ako pero bigla itong tumayo

"Alis na muna ako, Kara, Kita nalang tayo mamaya sa harap ng gate" hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang siya umalis sa harap ko. Wala akong nagawa at tumuloy nalang sa room ko

Naguguluhan parin ako. Kulang na kulang parin ang mga sinabi nung Carlos na yun. Butil butil lang ang sinasabi niya kanina. Parang pinapahirapan niya talaga kami. Hahayaan na niya ata kaming mangapa ng sagot sa walang katapusang tanong namin

Natulog muna ako dahil mamaya pa nalang alasais ang sinasabi nilang 'pinaka mahalagang' event dito sa Morach

Someone's POV

"Nababantayan mo ba siya ng maayos?" napakalamig ng pag kakatanong niya sakin. Basta talaga pag dating sa kanya nagiging seryoso siya

"Oo kamahalan nababantayan ko po ang prinsesa niyo" sarcasticong pag kakasabi ko

"Keep your eye on her lalo na ngayon mag sasara na ang Morach" seryoso parin siya

"Sigurado ka na bang siya na ang gusto mo? Pwede mo pa siyang patayin" seryoso ko ring pag tatanong sa kanya

"Hindi ako mag hihintay sa kanya ng ganito katagal kung hindi ako sigurado" napangisi ako sa sinabi niya. Tinamaan na nga

"Sabi ko nga. In love ka na" bulong ko

"I heard you" malamig na sabi niya

"Edi maganda wala kang tutuli" sabi ko sa kanya. Pero binato niya lang ako ng dagger na lagi niyang hawak pero agad ko rin naman itong naiwasan

"Wag naman laging mainit ulo mo. Makukulong mo na nga siya dito hindi ka parin masaya" natatawa kong sabi sa kanya

"Just go out and keep your eye on her" malamig parin ang pag kakasabi niya. Wala talaga 'tong sense of humor tignan natin kung magustohan ka ng babaeng yun

Xy's POV

5:30 pm nandito na kaming lahat sa harap ng gate. Waiting for the most important event here in Morach Academy. Lahat ay nag tataka kung ano ba iyon at bakit dito gaganapin sa harap ng gate

"The most special event in Morach Academy"

Sabi ng isang computer voice. Nagulat ako nung baglang may fireworks display. Lahat kami ay nakatingin lang sa itaas pinag mamasdan ang langit na napupuno ng kulay dahil sa fireworks

Pero nararamdaman kong may nakatingin sakin. Nilibot ko ang mata ko para hanapin kung sino yung nakatingin sakin. At hindi ako nag kamali

Nakita ko siya. Kahit mata at labi niya lang ang nakikita ko masasabi kong napaka magandang lalaki niya. Nag ka titigan kami pero hindi ata nakaramdam ng pag kailang ang lalaku dahil hindi niya inalis ang tingin niya sakin. Maging ako wala akong lakas bawiin ang tingin ko sa kanya. Na para bang mas maganda pa ang mata niya sa fireworks display at sa kanya lang ako nakatutok

Pero naagaw ng atensyon ko ang ingay ng tao na para bang nag rereklamo sila. Kahit ayaw ko ay kusang umalis ang mata ko sa pagtitig sa kanya. Tumambad sakin ang dalawang malalaking pader. Tinatakpan ang gate ng Morach

Maraming nag tatakbuhan papunta sa labas ng gate. Gusto nilang lumabas sa Morach. Parang ngayon ko lang naintindihan ang sinabi ni Miss Jane

"But once the doors are closed there's no way out"

Gusto ko ring tumakbo gaya ng ginagawa nila. Hindi ko man alam kung anong meron dito pero sigurado akong natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ayoko lang na maulit ulit

I don't want to enter another hell

"Kara" pigil sakin ni Amy nang akmang tatakbo rin ako

"Wala ka ng magagawa" mahinahon ngunit seryoso niyang sabi

"No" bumabalik nanaman yung takot ko. Bumabalik nanaman yung dati

"Umalis na tayo dito" seryosong sabi niya at inakay na ako papaalis sa nag kakagulong tao dito. Pero nung tumingin ako sa mga pader na ngayon ay tikom na. Nabasa ko ang nakasulat dito

Mafia Academy

Pinunta niya ako sa hindi pamilyar na kwarto

"Ito ang room ko" sabi niya at sinarado ang pinto. Mas malaki ang room niya sakin meron itong second floor at meron ring kitchen

"Can you tell me what's happening" hindi ko pinahalata ang takot sa boses ko. Sana... sana hindi ito katulad ng dati. I hope this is not an another hell

"This school is exclusive for mafia kids" pag sisimula niya. Pero hindi parin ako maliwanagan

"Pero wag kang mag alala ito na ang pinakatahimik na school kung ikukumpara mo sa tatlo pang school" mas lalo akong nag taka dahil hindi ko alam ang sinasabi niya

"Ang nakita mo kanina ay isa sa pag wewelcome nila para sa mga new students" binigyan niya ako ng tubig at umupo sa harap ko

"Taon taon meron silang ginagawa para iwelcome ang mga bagong dating. At ngayon ang gusto nila ay ikulong tayo dito. Mas magiging masaya" paliwanag niya pero binulong niya ang huli niyang sinabi. Kakaiba rin ang ngiti sa labi niya

"Anong ito na ang pinakatahimik. At ano yung tatlong school?" gusto kong malaman lahat. Lahat lahat

"Dahil ang mga tao dito pumapatay ng tahimik. Hindi tulad sa Wilson, Arvisian at mas lalo sa Empire" sagot niya. Pero hindi ako makuntento kulang na kulang parin

"Pumapatay" naibulong ko

"Yeah" parang tamad na tamad na sagot niya

"Can you explain. Hindi yung isang tanong, isang sagot ka lang" inis na sabi ko

"Ang pagiging mainitin ng ulo mo ay hindi makakatulong habang nandito ka, Kara" naiinis ako dahil sa tamad na tamad na boses niya

"Then what should I do while I'm living in this hell" sigaw ko sa kanya pero mas lalo akong nainis nang tumawa lang siya

"Damn! don't laugh" saway ko dito nung tumawa siya sa sinabi ko

"Wala kang gagawin hayaan mo sila" natatawa parin siya at mas lalo akong naiinis sa kanya

"Wala naman akong makukuhang sagot sayo. I'm going back to my room" naiinis na talaga ako sa kanya. Ngunit ng akma ko ng pipihitin ang pintuan bigla niyang hinawakan ang braso ko

"Handa ka bang lumaban?" nakangising sabi niya. Hindi na ito si Amy na nakilala ko nung una kaming mag kita

"What do you mean?" kinakabahan kong sabi kahit ayoko kinakain parin ako ng kaba ko

"Kapag lumabas ka dito makakasalubong mo ang mga old students" tumingin pa siya sa bintana na para bang may sinisilip

"Ang tanong kaya mo ba sila?" seryosong tanong niya pero di parin mawala wala ang ngisi niya sa labi. Pero ngumisi rin ako sa kanya

"Kailangan pa nila akong katakutan" nakangisi kong sabi. Hinablot ang braso ko sa kanya at walng sabi sabing lumabas ako ng room nila

Tignan nga natin kung ano bang kayang gawin ng mga tao sa Morach Academy

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top