CHAPTER 49
CHAPTER 49 - GALEN THALES
Kara's POV
Pasok na sa eskwela. Papasok ako pero hindi na sa Empire Academies. Isa paring sikat na paaralan pero malayong malayo na sa dati kong buhay sa Empire
Siguradong dito ibang iba na. Napangiti nalang ako habang inaalala yung mga nangyari sakin sa Empire. That was the best experience ever.
"Your name, Miss?" napabaling ako sa Professor namin ng natuning nito ang pangalan ko
"Xy Kara Zalirous, sir" magalang na sagot ko rito. Ang totoo ay ayoko ng gamitin pa ang apilyedong ipinahiram sakin pero dahil ayoko ng mas lalo pang malungkot si Mommy at daddy kaya hinayaan ko nalang ito
Lumipas ang oras at nag handa na ako para sa pag labas ng school. Nung nag lalakad ako patungo sa gate ng school agad akong napangiti ng makita ko si Carrick na nag aantay sakin sa labas
Tuwing nakikita ko siya ay napapangiti ako. Buhay parin sakin yung alaala nung nag pakilala na siya sakin. Hindi na devil ang tawag ko sa kanya ngayon dahil alam ko na ang totoo niyang pangalan
Tumakbo ako patungo sa kanya saka siya niyakap. Isang linggo rin siya di nag pakita sakin
"How are you?" tanong nito sakin ng kumalas kami sa yakap.
"I'm fine. You?" malambing kong sabi saka ngumiti ng malaki. Ngumiti ito ng tipid at saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya
"I got bored not having you around" seryosong sabi niya. Napatawa ako ng mahina. Namula kasi ito kaya napakamot siya sa batok niya
Pinag masdan ko lang siya. He looks more mature and handsome now. Biglang nawala sa katauhan niya yung batang nakita noon sa Eagles
"Totoo ba yan?" I teased him. Kunot noo niya akong tinignan. Ewan ko ba pero mas gumagwapo siya kapag napipikon siya.
"Oh yes, lady, If only I can be with you always" napangiti nanaman ako sa sinabi niya. Kung makapag salita talaga siya parang mas matanda ito sakin. Hindi rin kasi alam nila mommy na nag kikita kami ni Carrick. Sadyang gumagawa lang talaga ng paraan silang dalawa ni Hole para makita ako
"Ano namang ginawa niyo sa mga bantay ko ngayon?" natatawang tanong ko rito. Inakbayan niya ako at nag lakad kami papuntang sasakyan niya. Marami narin kasi silang ginawa para umalis ang mga bantay ko kakabantay sakin para makalapit sakin si Carrick
"Hole drugged them" simpleng sagot nito saka ako pinag buksan ng pinto. Nag kibit balikat nalang ako saka sumakay sa passengers seat. Siya naman ay umikot at sumakay rin
"Where do you want to eat?" tanong nito sakin saka ngumiti ng tipid.
"I'm craving for pasta" sagot ko rito
"Italian restaurant then" agad nitong pag sangayon. Ganito lagi ang ginagawa namin kahit nakakatakas ako sa mga bantay ko
Pinag masdan ko lang siya habang nag didrive siya. Nakatulong talaga sila Hole para madaling maka recover si Carrick sa nangyari sa Eagles Org.
Masakit alalahanin yung pagiging tulala ni Carrick nung siya ay nasa hospital pa lang. Pero ngayon parang wala lang yung nangyari sa kanya. Sana naging kasaling lakas rin niya ako
"Stop thinking while staring at me" napangiti ako sa pag susungit niya. Mukhang may nakuha rin siya sa ugali ni Hole
Nalaman kong kahit nung nasa loob palang sila ay nag uusap na silang dalawa. Plano talagang mailabas si Carrick pero pasalamat narin at dumating ang Empire para tuluyang mapabagsak ang Eagles
Ngayon kasalukuyang si Cedric ang namununo sa Eagles. Binabalik nito ang dangal na tinanggal ni Frances sa mahabang panahon. Lahat ng tungkol sa Eagles ay sinasabi ni Carrick pero ni madulas ay di niya nababanggit ang kahit na sino sa pamilya ng Thales
"Let me rephrase it. Stop looking at me while thinking of him" may iritasyon na sa boses nito. Kung ibang tao siguro ay matatakot na pero dahil kilala ko na siya ay natawa nalang ako. Its a good thing that I can still hide my true feelings
"I was thinking how handsome you are" ngumisi ito at saka umirap sakin
"I hate to think that you always lie" hindi ko pinansin ang pag seseryoso nito bagkus ay mas lumapad pa ang ngiti ko sa kanya
"You still love me though" umikot ang mata niya sa sinabi ko
"Yeah whatever" sagot nito sakin saka pinark ang sasakyan dahil nasa restaurant na pala kami. Bubuksan ko na dapat ang pinto ng maunahan ako ni Carrick. One of his sweet gestures. Kahit naiirita na ito sa kakulitan ko sa kanya hindi parin nawawala ang pagiging gentleman nito.
Bawat araw kasi na mag kasama kami sa kanya ko nababaling lahat kakulitan ko. Wala na kasi akong maasahang makakapag pangiti sakin sa bahay palagi nalang nila akong tinitignan. Para saakin ay di naman na nila yun kailangang gawin. Iiwas at iiwas parin ako kay Galen. Hindi lang dahil iyon ang makakapag pasaya sa kanila. Gusto ko ring protektahan ang sarili ko. Hindi ko na kaya pang sumugal lalo na't maaring buhay ko ang maging kapalit
Ipinag hila ako ng mauupuan ni Carrick at nakangiti naman akong umupo roon. Hanggat aari ay gusto ko makita niya akong masaya, kahit sa harap man lang niya
"Kamusta na si Hole?" pag tatanong ko rito habang hinihintay ang inorder namin kanina. Tumikhim muna eto bago sumagot
"Don't mention him" nagtaka naman ako sa sinabi nito. Nakita nito ang nag tatanong kong mukha kaya sinagot niya ako "He's fcking hopeless" napatawa ako ng mahina sa sinabi niya dahil nakuha ko na ang gusto niyang sabihin
Hindi kasi ito makascore man lang kay MJ. Babanat palang siya ay mababara na siya agad nito. Hindi ko alam kung seryoso ba si Hole kay MJ pero si Hole kasi yung tipo ng tao na hindi ka pag aaksayahan ng oras kung hindi ka mahalaga sa kanya
"Then, can I ask how's Rowswelle doing?" ngising ngisi kong tanong sa kanya agad namang napakunot ang noo niya
"Worst" maikli pero napatawa niya ako. Si Hole ang nag sabi sakin tungkol sa pag amin ni Rowswelle kay Carrick. Matagal na pala siyang may gusto kay Carrick kahit noong mga bata pa sila. At ngayon bantay sarado si Carrick dahil sa higpit ng pag babantay sa kanya ni Rows. Maging ang mga nag kakagusto kay Carrick ay di na nag iingay ngayon dahil ayaw nilang makalaban si Rowswelle
"Rowswelle is a nice girl. You should court her" pang aalaska ko dito. Mas lalo namang nalukot ang mukha niya
"First, she is just a friend" tinatamad na sagot nito sakin "Second, she is not like you" sinamaan ko siya ng tingin nung sabihin niya yun.
"Rowswelle and I are different characters, Carrick. You must not compare us" nag kibit balikat ito sa sinabi ko sa kanya
"I don't like her ways in making me fall for her" sagot niya. Para kasi ang nangyayari sa kanila ni Rowswelle ay ito pa ang nanliligaw sa kanya. And Carrick being a gentleman ayaw niya sa mga ginagawa nito
Dumating na ang pag kain kaya naging madalang ang pag uusap namin ni Carrick. Palagi ko siyang inaasar kay Rows at iniinis ko siya dahil pinapaalala ko sa kanya ang mga kacornihan ni Hole
Sinobrahan ko na ang tawa ko para naman pag dating ko sa bahay ay may dala dala ang masayang bagay na aalalahanin ko haggang pag tulog
Nag taxi lang ako pauwi pero alam ko yung sasakyan ni Carrick ay nakasunod sakin. Bumababa na ako nung nasa tapat na ako ng bahay at hindi na katulad ng dati na masaya akong umuuwi dito ngayon ang bigat na ng hangin sa loob
Agad akong pumasok sa kwarto ko at nag palit ng damit. Pag sara ko ng aparador ko ay na paigtad ako ng may makita ako sa salamin na tao sa likod ko. Agad akong napaharap sa kanya nung makilala ko kung sino ito
"Kamusta na, Kara?" malamig ang boses nito pero para bang napakasarap nito sa pandinig. Hindi ko siya nagawang sagutin. Alam ko ring kitang kita ang halong halo emosyon sa mata ko pero ang pinaka nag lalaban doon ay ang takot ko at ang pag ka miss ko sa kanya
"B-Bakit ka nandito?" tanong ko rin dito. Gusto ko na siyang umalis na hindi. Magulo ako pag nandito si Galen. Nakakalito
"I miss you, baby" puno ng lambing ang boses nito. Nakakapanghina ng tuhod ngunit di ko hinayaan ang sarili ko mag patalo dahil lang kahinaan ko siya
"Umalis ka na dito" matapang kong sabi. I'm doing it right. Kaya ko pa siguro ito ng mga ilang minuto pa
"I wish you could also run to me like that" lambing at lungkot ang nasa boses niya. Agad kong naalala ang pag takbo ko para agad na makalapit kay Carrick kanina. Gulat akong napatingin sa kanya. Ang ibig ba niyang sabihin ay nakita niya iyon? Ibig sabihin malapit lang siya sakin nung mga panahong wala siya sa paningin ko
"I've always want to get near to you" pag kasabi nito sakin ay humakbang siya papalapit sakin. Gusto ko pa sanang umatras pero wala na akong mauusugan. Nanigas nalang ako saking kinatatayuan ng maamoy ko ang alak at mabangong amoy nito. Nasa harap ko na siya!
"I've always want to hold you" marahan nitong hinaplos ang pisngi ko kahit nakauko ako. May namumuong luha sa mga mata ko pero di ko iyon hahayaang tumulo, kahit ngayon lang
"I've always want to kiss you, Kara" naging mahina ako ng hindi ko man lang siya napigilan ng halikan niya ako. Tuluyan na akong bumigay sa kanya. Alam ko sa mga oras na 'to wala na akong lakas para umatras o itulak siya.
Wala paring pinag bago mas lumakas nga lang ang pintig ng puso ko. Dapat ay natatakot ako sa kanya pero bakit puso ko kampante pag nandyan siya.
Nung bumitaw siya sa halik niya ay dinikit niya ang noo niya sakin. Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Anumang galaw ko ay maari niya ulit akong mahalikan
"I've always want to own you" ang lapit ng mukha niya. Kahit ata ay pag hinga ko ay tila na nakalimutan ko na
"So I'm sorry, baby but whatever happens I'll take your heart as you take mine" He grinned then he gave me peck on the lips before leaving me, weak
Damn it, Galen Thales!
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Happy 1K reads kings and queens ❤
Sana talaga magustuhan niyo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top