CHAPTER 48
CHAPTER 48 - A NEW CHAPTER
(NICAH ZYRENE ZALIROUS)
Kara's POV
Nakatingin lang ako sa puntod niya. Ang totoong prinsesa ng mga Zalirous. Ang dahilan kung bakit ilang buwan na rin kaming hindi nag kikita ni Galen
Isa... Isang daan... Isang libo. Ilang beses na bang pumatak ang luha ko dahil sa lungkot at galit. Bakit ganon mula noon hanggang ngayon umiiyak parin ako. Bakit ako pinaparusahan ng ganito?
"Gusto ko ng umayaw dahil ang sakit sakit na. Ayokong sisihin ka pero bakit ang pag kamatay mo ang nag papahirap sakin ng ganito" paninisi ko sa kanya. Sana ay naririnig niya ako at kung sana ay hatian niya ako ng sakit
"Isa lang akong saling pusa sa istoriya mo pero bakit ako pa yung mas lalong nasasaktan! Patay ka na pero kaya mo parin kaming parusahan" gusto ko ng umalis sa pamilya pero may utang na loob ako dito kaya hindi ko iyon magawa.
Ang pagiging kapalit sa isang prinsesa ay hindi biyaya. Mag hahatid lang ito sayo ng matinding pag kalito at ilalagay ka lang sa isang mahirap na sitwasyon. Gaya ngayon hindi ako malayang mahalin kung sino man ang gusto kong mahalin dahil may makapal na pader ang nakaharang saming dalawa
"You don't need to suffer, Kara" para akong nabato sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang isang malamig na boses ng isang Thales "You can always be with him" nangilabot ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko. Agad kong inalis ang kamay niya at hinarap siya. Inihanda ko ang sarili ko sa pag laban dahil hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin
"I'm not here to start a fight with you, Zalirous. Pinapaalala ko lang sayo na pwede ka paring maging masaya sa kanya. Hindi mo na kailangang umiyak" seryoso ang pag kakasabi ni Hera noon. I already can see dark circle aroud her eyes. She looks broken and frustrated
"At ano matutulad rin ako sa kanya?" sagot ko dito pabalik "Hindi ko na alam kung ano pang kaya niyong gawin. Ginagamit niyo ang kahinaan ng tao para mapasunod sa inyo" nagagalit ako sa taong gumawa nito sayo Zyrene. Nagagalit ako sa angkan ng taong mahal ko, Zyrene. Dahil sa kanila natatakot na rin akong umibig ng nasa pamilya nila
"Sa totoo lang kaming mga Thales ang takot sa inyo" ngumiti ito ng malungkot. May namumuong luha sa mga mata siya pero tila hindi niya ito hinahayaang mahulog "Dahil kayo lang ang kahinaan namin" hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Mashado iyong hindi makatotohanan
"Katulad ngayon, natatakot ako sayo. Walang mga bantay na nakapaligid sakin at anumang oras ay pwedeng pwede mo akong patayin" wala na akong lakas sa boses nito purong kahinaan at pagod lang ang naririnig ko sa boses nito
"Ano bang gusto mong iparating sakin, Hera? Bakit ganyan ka?" matapang na tanong ko dito. Bakit siya nag pakita saking ganyan kahina
"Kung anong nakikita mo sakin ngayon, ito talaga ako. Mahina at walang kalaban laban" napauko ito habang sinasabi iyon na para bang maging siya ay di matanggap ang mga sinasabi niya
"Alam mo bang hindi ako matatanggap sa Thales dahil mahina ako kaya naman gumawa ako ng paraan para matanggap nila ako. Naging matalino ako para sa kanila para naman may pakinabang ako sa pamilya namin." isa isang nagi sibagsakan ang luha niya sa mata. Kitang kita rin ang sakit na nakapaloob dito. Hindi na siya komplikado basahin ngayon kitang kita ko na siya
"Swerte ako kahit papano dahil pamilya ko ang Thales. Nasa mataas ako na posisyon sa Numbers at nakuha ko rin ang takot at respeto ng mga tao dahil yun sa isa akong Thales" hindi ko alam kung bakit sinasabi niya sakin lahat ng ito pero wala naman akong magawa. Kahit ang pag pigil sa kanya mag salita ay di ko magawa
"Sa pamilya ako ang bahala sa pag momonitor ng bawat myembro ng pamilya namin kaya kitang kita ko kung pano nag mahal si Solon dahil sa isang Zalirous" pinahid nito ang luha niya
"Nahulog siya sa babaeng yan" malinaw na sabi niya habang nakatingin sa puntod ni Zyrene "Pero dahil sa kanya rin kaya gumuho ang mundo ng kuya ko. Kaya nung nakita ka ni Galen ay natakot rin ako. Naulit ang nangyari kay Solon, nahulog rin siya sayo"
"I've tried to kill you. I was the one who poisoned you at the back of the school. I was the one who ordered the man to kill you in the white room. I was the one who drugged you in your room. I was the one who leave the key in your room so that I don't have to order them to attack you... See? I was always the reason why your life is in danger" gulat ko siyang tinignan. Umatras ako dahil sa takot. Siya ang dahilan ng lahat kung bakit kamuntik-mukmuntikan na akong mamatay
"But Galen is there to always save you. Kaya niya akong patayin para sayo! Kaya niyang gawin lahat para lang sayo, Kara" ayoko ng marinig ang mga sinasabi niya pero hindi ko rin naman magawang takpan ang tenga ko o sabihin man lang na huminto na siya
"Alam kong dahil sa pamilya namin kaya siya namatay pero di kasama si Galen at Solon doon. Ako dapat ang sisihin mo dahil ako ang nakakita ng lahat" nag mamakaawa ang boses nito. Napapikit nalang ako at umiling. Hindi ko maisip kung anong ginawa ng Thales sa kanya
Minahal lang niya si Solon at naniwala siyang mahal rin siya ni Solon. Ang akala ng lahat ay iyon na ang simula ng pag kakaayos ng Thales at Zalirous pero mas pinag mulan pa iyon ng mas malaking away
Namatay si Zyrene Zalirous sa mismong mansion ng mga Thales at nakumpirmang Thales rin ang may kagagawan noon. Ang mas masakit pa ay yung di man lang ipinag laban ni Solon si Zyrene basta na lang niya itong hinayaang mamatay
Wala siyang ginawa dahil mas pinili niya ang pamilya niya kesa sa pag mamahal niya kay Zyrene
Siguro nga ito ang parusa sakin ni Zyrene dahil mas nakapiling ko pa ang mga magulang niya kesa sakin. Inampon ako ng mga Zalirous hindi para madagdagan ang anak nila kundi para protektahan si Zyrene. Kalat na kasi nung mga panahong iyon na kumukuha ang Eagles ng mga bata galing sa Empire kaya dali dali nilang tinago si Zyrene at ako ang pinalabas nilang anak nila
Ngunit dahil nag biro ang tadhana. Nakita parin ni Solon si Zyrene at nag simula nga ang matinding gulo sa pagitan nila
Nakatingin lang ako sa mukha niyang punong puno ng luha. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito. Hindi ko pa kaya. Nasasaktan ako para kay Zyrene at di rin maalis sa isip ko na baka mangyari ulit iyon
Ayoko munang mag mahal... Lalo na sa isang Galen Thales
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Ps. Wag kang mag mahal kung di mo kayang ipaglaban.
Maikli lang 'to pasensya na.
Happy reading
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top