CHAPTER 47
CHAPTER 47 - END
Kara's POV
Nanginginig ako habang nakatingin sa lalaking nakahiga at nakabalot ng puting tela. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong buksan ito pero gusto kong kompirmahing siya 'to. Wala akong kasama dahil may humarang samin at pinauna na ako ni Hole dito.
Kahit nangingig ang kamay ko ay binuksan ko ito. Imbis na matuwa ako dahil nakita kong huminga pa siya ay mas lalo akong nagalit. Humihinga pa siya pero pinapatay na siya ng Eagles
"D-Devil" hinawakan ko ang mukha nito "Gumising ka" pag mamakaawa ko. Sobrang putla ng labi niya at nanlalamig narin siya. Nalukuha ako sa kalagayan niya. Halos di ko maisip kung anong pinag daanan niya dito.
"Xy" namamaos niyang sabi. I sigh with relief when he response. I'm glad he's fine
"Don't move. We'll go out together" tipid siyang ngumiti sa sinabi ko kaya kahit papano ay nawala ang bigat sa dibdib ko. Hahanap na sana ako ng wheelchair para doon siya maupo pero bago pa man ako maka hakbang ay may naramdaman ako baril sa likod ng ulo ko. Ang nguso ng baril ay nakatututok mismo sakin
"You can't take him, Miss Zalirous" para akong napako sa kinatatayuan ko ng makilala ko kung kaninong boses ang may ari nito
"M-Marvin" lumingon ako dito. Kalamado parin ito. Kapansin pansin ang kumikinang na hikaw nito sa kanang tenga. May naka engrave doong H. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinilabutan ng makita ko iyong suot suot niya eh kung titignan ay normal na hikaw lang iyon
"It's Master Cedric's order" malamig na sabi niya sakin.
"Why do you have to point that gun on me?" kunot noong tanong ko. Kakampi si Hole kaya malamang ay kakampi rin ang ama nito. Hindi naman siguro ito gagawa ng bagay na ikakapahamak ng anak niya
"Cause you'll be died soon, Queen" napalunok ako sa kaseryosohan ng boses niya. Hindi ko na kailangan pang itanong kung seryoso siya dahil kitang kita iyon sa mukha niya
"Kara, tapos ka na ba? tara na" sabay kaming napatingin sa nagsalita sa labas. Si Hole! Sisigaw na sana ako pero biglang tinakpan ni Marvin ang bibig ko at tinago ako sa madilim na bahagi ng kwarto.
Nakita ko si Hole na pumasok sa loob. Tumitingin tingin ito sa paligid siguradong hinahanap ako. Nag pupumiglas ako sa mahigpit na hawak ni Marvin pero mashado siyang malakas kumpara sakin.
Kita ko ring naiyukom niya ang kamay niya matapos makita ang kalagayan ni Devil. Agad niyang inayos si Devil sa wheelchair
"X-Xy" hirap na sabi ni Devil. Nakatingin ito sakin pero hindi ito napapansin ni Hole
"Shet! Baka naharang rin siya" inis na turan nito sa sarili niya at saka tinulak na palabas kasama si Devil. Naiiyak ako sa sitwasyon ko. Ngayon hindi ko na alam kung sino ang kalaban at kung sino ang hindi
Malakas akong tinulak ni Marvin kaya nauntog ako sahig pero kahit nahihilo ay di ko pinabayaang mahimatay ako sa oras na 'to
"For the second time, a Zalirous will die" kinain na ako ng takot lalo na nung itutok niya muli ang baril sakin. Ang tangging naiisip ko lang na mag liligtas sakin kahit di ko ito tinatawag ay si Galen
Hera's POV
Nakarinig ako ng putok ng baril ngunit alam kong di sakin yun tumama. Iminulat ko ang mata ko at kita ko agad ang dumudugong kamay ni Frances. Sunundan ko kung san siya nakatingin at ganon nalang ng gulat ko ng makita kong matapang na nakatayo si Raven at nakatututok ang baril nito kay Frances
"Anong ginagawa mo, Raven?" nanlilisik ang mata at nag tatangis ang ngipin nito halatang iniinda ang tama ng baril sa kamay nito
"Hindi ako ulit pumunta sa Eagles para lang maging tau-tauhan mo, Frances, hindi ko na masikmura ang mga pinag gagagawa mo" matapang nitong sabi. Nakatingin siya ng deretso kay Frances.
"Kahit ayoko, you have to die, Frances" mabibigat ang salitang binitawan ni Raven. Alam kong nahirapan siya sa desisyon niya. Matagal rin silang nag sama
"Wag mo siyang patayin" lakas loob kong sigaw sa kanya. Kahit ito na yung pag kakataon para makatakas ako
"Kapag hindi ko pa siya napatay ngayon, siguradong sa inyo siya mapupunta. Ayokong bigyan niyo rin siya ng walang kadangal-dangal na libing kahit na ginawa niya yun sa inyo. Mas mabuting sa kamay ko nalang siya mamatay, di na niya kailangan mag hirap pa" gulat akong napatingin sa kanya. Hindi niya papatayin si Frances dahil galit siya dito. Papatayin niya 'to dahil ayaw niya itong mas masaktan pa
Nakita ko ang sakit sa mata ni Raven nang sarkastikong tumawa si Frances
"Hindi nila ako mapapatay" parang sigurado ito sa sinabi niya. Tinuro ako ni Frances "Sila ang mamatay. Siya ang barilin mo at baka mapalampas ko pa ang kataksilan mo" naiyukom ni Raven ang kamao niya at kitang kita ang madiin na pag pikit nito ng mata
"Tumigil ka na, Frances!" umalingaw ngaw ang nakakapangilabot na boses ni Raven. Seryosong seryoso ang mukha nito, wala na ang mapag larong ngisi dito. Nakikita ko ang pag mamahal sa mukha niya para kay Frances. Kay Frances lang tangging nag seseryoso si Raven
"Isasama mo ang sarili mo sa mga talunan na Numbers, Raven? Malaking katangahan, Mamatay ka rin" galit na sabi nito kay Raven. Napapikit nalang ako ng walang sabing binaril ni Raven si Frances sa balikat nito. Agad na natumba ang dalaga at umiiyak sa sakit
Nakayukong lumapit sakin si Raven pag katapos niyang itapon ang baril. Nilahad niya sakin ang kamay niya. Nag iwas ako ng tingin dito. Nang mapansin niyang di ko iyon tatanggapin, nagulat nalang ako ng bigla niya ako binuhat ng pangkasal
"Ilalabas lang kita dito. Pupuntahan ko din agad si Frances" malamig na sabi nito sakin at nag lakad na
Kara's POV
Sa ikalawang pag kakataon naramdaman ko nanaman ang matigas na braso na yumayakap sa katawan ko. Minulat ko ng kaunti ang mata ko. Naging kampante ako nung makita ko si T ang may buhat sakin.
Masayang mag balik muli sa piling niya. Sa sobrang saya na nararamdaman ko ay napahigpit ang yakap ko sa kanya, na para bang ayaw ko ng mawalay pa sa kanya
Dahan dahan ako nitong inilagay sa kotse niya at tahimik siyang nag drive patungo sa kung saan
Sa sobrang hilo ko ay nakatulog na ako sa byahe. Sana pag mulat ko ay ayos na ang lahat...
-----
5 araw akong walang malay at pag gising ko ay nandito na ako sa Pilipinas. Tulala ako habang nakatingin sa kisame. Lalabas na ako ng hospital pero umaasa parin ako na darating si Galen para bisitahin ako. Nalaman ko rin kasing kahit noong tulog pa ako ay di man lang ito nag pakita sakin
Ang buong isip ko ay sinakop niya kaya pati ang kalagayan ni Devil ay di ko pa nakakamusta.
Gusto ko siyang makita. Parang bigla nalang nag laho yung sakit ng panloloko niya sakin at napalitan yun ng pananabik. Kahit alam kong impossible na maging kami. Hindi lang yun dahil sa mag kalaban ang pamilya namin. Noong una akala ko ay yun lang yun pero may higit pa pala at yoon ang di ko matanggap
Sinundo na ako nila mommy at daddy. Ang totoo ay naiilang na ako sa kanila pero pinilit kong maging normal. Gusto kong mag pasalamat sa kanila na hindi. Pasalamat na dahil sa kanila ay nakilala ko si Galen pero hindi rin dahil nalagay ako sa sitwasyon kung saan hindi ko alam kung anong gagawin
Tumitingin tingin ako sa paligid. Nag babakasakaling mag papakita siya sakin at sasabihin niyang mahal niya ako at di niya hahayaang may mangyaring masama sakin
"Kara" tawag sakin ni mommy kaya agad nitong naagaw ang atensyon ko. Pinandilatan ako nito ng mata kaya napauko na lamang ako
Alam ko na iyon. Sinasabi nitong wag ko na siyang hanapin.
Pag uwi namin ay mas lalo ako nakaramdam na ng pag iisa. Mommy always there to watch my every move and Daddy is cold to me
Umakyat agad ako sa kwarto ko sa taas. Hindi na ako pinayagan ni Mommy na pumasok ulit sa Empire. Wala na raw kasi ang Eagles hindi ko na kailangan pang mag tago
Noong wala si Galen ay marami rin akong nalaman. Totoong hinanap ako nila Mommy pero sadyang di nila mapasok ang Eagles at ganon rin naman ang Eagles sa Empire. Nag kasundo silang di pakielaman ang ginagawa ng bawat isa
May konting tampo parin ako kay Galen pero mas nalalamangan nun ang Pangungulila ko sa kanya. Napaiyak nalang ako dahil sa hirap ng sitwasyong hinaharap ko
Gusto ko siyang makita pero pag nakita ko naman siya siguradong tatakbo ako palayo sa kanya. Nangungulila ako sa kanya pero sila mommy at daddy ay nangulila rin dahil sa pamilya nila
Nakakatakot sila! Yung puso kong nag mamahal sa kanya unti unti ng kinakain ng takot.
Mas masakit pa sa ginawa niyang panloloko sakin. Kasalanang mahirap hanapan ng kapatawaran.
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
The End
Salamat sa mga nag basa, sa mga sumuporta, at sa mga nag mahal sakin haha
Thank you. Sana nag enjoy kayo ❤
charrr 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top