CHAPTER 44
CHAPTER 44 - HIDDENS
Hera's POV
Nakatulala lang ako. Ito ang pangyayaring di ko inaasahan. Lahat ng nangyayari ngayon ay wala sa plano. Lahat ito ay hindi namin napag handaan
"Hera!" napahawak ako sa bakal ng selda nang marinig ko ang pangalan ko
"Dito" sigaw ko rin para madali niya akong mahanap. Narinig ko itong tumakbo papalapit sa dereksyon ko
"Hera bakit ka nakakulong?" nagtatakang tanong sakin ng hingal na hingal na si Frances
"K-Kinulong ako ni Miria" kahit nahihirapan ay pinilit ko paring mag salita
"Who is she?" sabi niya habang ine-encode yung password para mabuksan ang kulungan
Hindi ko ito sinagot. Inakay ako nito at tinulungang makatayo. Ito ang ayaw ko sa sarili ko, Mahina ako.
Sa pag lalakad namin ay sabay kaming napatigil ng humarang si MJ sa daraanan namin. Kunot ang noo nito at parang di maka paniwala dahil mag kasama kami ni Frances
May hawak itong katana na puno ng dugo. Halatang galing ito sa labanan dahil hinihingal pa ito. Aaring pumunta lang ito sa training room pero wala dapat dugo sa espada at damit nito
"Bakit puno ka ng dugo?" tanong ko rito. Hindi naman pwedeng--
"Enemies are all over the Empire, Thales" malamig na sabi nito at deretsong nakatingin kay Frances na akay parin ako. Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit na wala ang Council o ang mga nakatira sa Empire ay walang mag tatangkang pumasok dito
"W-What?" bulalas ko. Wala akong masabi pang iba. Parang mas lalo akong nanghina sa narinig ko
"Everyone is here. Some of our platoon died cause someone ambushed them. And I'm sure its because of the Eagles" malamig parin ang pag kakasabi nito at mas lalong humihigpit ang hawak sa espadang hawak niya. Hindi parin nilulubayan ni MJ ng tingin si Frances kaya naman tinignan ko si Frances
"Sinong may pakana ng pag ambush" mahinang bulong nito sa sarili. Hindi ko na iyon pinansin at bumaling nalang ulit kay MJ
"Malamang dahil 'to kay Violet" galit na sabi ni Frances. Pero napatigil muli kami ng itutok ni MJ ang espada niya kay Frances
"Alam nating pareho na hindi ito dahil kay Violet" nanlilisik ang mata nito habang sinasabi iyon
"A-Ano ba ang sinasabi mo, MJ?" pati si Frances ay naguluhan
"Mashado mong ginagalingan ang pag papanggap mo, Frances, kilala na kita! Pwede mo ng ilabas ang totoo mong kulay!" nanggigil na ito at alam kong kanina niya pa gustong gusto sugurin si Frances
"Tama na, MJ" pigil ko rito
"Lumayo ka sa kanya, Hera, Mas lalo kang mapapahamak sa kanya" tumingin ito sakin pero hindi ko talaga makuha ang pinupunto niya. Kung bakit niya sinasabi niya ito
"Bakit mo ba sinasabi yan, MJ, nag mamagandang loob lang naman ako sa inyo!" hindi narin napigilan ni Frances na hindi sumigaw
"Tama na yang kasinungalingan mo! Kunwaring tumutulong pero ang totoo mas lalo mo kaming pinapahamak" galit ang pag kakasabi nito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Ramdam kong wala talagang alam si Frances sa nangyayari pero ano nga ba ang pinag huhugutan ni MJ para masabi niya ito
"Wala--"
"Sabing tumahimik ka" sinugod ni MJ si Frances gamit ang sandatang kanina niya pa hawak dahil mahaba iyon maari rin akong matamaan pero hindi ako natamaan ni nadaplisan dahil ginamit ni Frances ang likod niya upang ipang sangga sa atake ni MJ
Agad na natumba si Frances sakin. Gulat akong napatingin kay MJ. Hindi rin nakaligtas ang ginawa ni MJ sa Empire students dahil sabay sabay silang nag sidatingan
"Anong ginawa mo?" lahat kami ay nagulat dahil sa biglang atake ni MJ ng hindi nag iisip
Parehas kaming napaluhod ni Frances dahil parehas na kami ngayong mahina. Agad kaming dinaluhan ni Alduxe at ni Prince
"Dapat siyang mamatay! Siya ang dahilan ng lahat!" nag wawalang sabi ni MJ para na itong baliw na hindi mapigilan
Napatigil kaming lahat nang biglang humikbi si Frances. Wala na ang taray at angas sa mukha nito. Namumutla na ito at may lumalabas na dugo sa bibig. Nakaakay sa kanya si Prince para hindi siya tuluyang matumba
"H-Hindi ko alam na sa kabila ng pag tulong ko ito parin ang aabutin ko" kahit nahihirapan ay sinabi niya iyon. Gusto kong magalit kay MJ. Si Frances lang ang susi para makapasok kami ng walang harang sa Eagles Org. at siya rin ang dahilan kung bakit namin nahuli si Violet. Plano niyang lahat ng iyon. Pero bakit ganito si MJ? Hindi kaya nakokontrol narin siya ng Eagles?
"A-Akala k-ko nakakita na a-ako ng kakampi" malungkot ang pag kakasabi niya noon. Kahit pumapatak na ang dugo nito
"Wag ka ng mag salita, Frances" lumapit sa kanya si Rowswelle "Dalhin mo na siya sa hospital, Prince" tumango lang ang binata at saka dinala si Frances sa pinaka malapit na hospital
"Bakit mo siya pinatakas! We should kill her now--" malakas na sampal inabot ni MJ kay Rowswelle
"Ano bang problema mo?" galit na sabi si Rowswelle kay MJ. Nakahawak parin si MJ sa pisngi niyang nasampal at di makapaniwalang tumingin kay Rows
"Did you just slap me?" gulat parin ito dahil sa ginawa ni Rows.
"Dahil nababaliw kana!" sigaw nito kay MJ "Ano bang basihan mo para pag bintangan si Frances na kalaban siya eh wala naman siyang ginagawa kundi ang tulungan tayo" dagdag pa nito.
"Sinasabi mo yan kasi hindi mo nakita ang nakita ko" kahit na may pumapatak na luha sa mata nito ay pinag sasawalang bahala lang niya iyon "Kaya kayo kumapampi sa kanya... kasi wala kayong alam" napaupo ito sa sahig at napahangulngol
"Ano bang nakita mo?" si Aira ang nag lakas loob tanungin si MJ
"I saw her kill Madam Von. I saw her cuts Madam's head" nanginginig nitong sabi. Lahat kami ay natahimik
------
"Bat nandito ka pa? Magpahinga ka muna" tumabi sakin si Solon at binigyan ako ng isang baso ng tubig
"Kaya ko pa, kuya" sabi ko at bumuntong hininga. Lahat kami ay nandito sa sala ng Empire. Ramdam ang lungkot sa palagid dahil sa pag kamatay ng tinuring naming ina sa loob ng Empire
Kakapalinis lang namin noon maging ang banggkay ni Vienna. Kahit gustuhin nilang makapunta agad sa Eagles Org. ay hindi namin kayang pabayaan ang katawan ni Madam
"Tinatawag mo lang akong kuya pag may masakit sayo. Kaya mag pahinga ka na" seryosong sabi nito. Umiling ako kaya wala siyang nagawa. Inakbayan nalang niya ako at hiniling sa balikat niya
"Huwag kang mag iisip ng kung ano ano, bunso" napangiti ako sa tinawag niya sakin
"Tinatawag mo lang rin akong bunso kapag may masakit sakin" sabi ko at parehas kaming mahinang tumawa pero pag kalipas ng ilang minuto ay natahimik kami
"I will never forgive MJ if something bad happens to you" bulong niya sakin habang marahan na sinusuklay ang buhok ko
Wala na ang dating sigla ng Empire. Kung sino man ang pumatay kay Madam ay paniguradong mamatay rin siya
----
Pumunta akong mag isa sa kulungan ni MJ. Kinulong namin siya dahil sa ngayon hindi na namin siya kilala. Gusto ko lang siyang makausap. Gusto kong ipaliwanag niya ang ginawa niya
Pero bakit ganito parin ang pakiramdam ko. Di ko kayang magalot kay MJ pero di ko rin kayang sumangyaon sa sinabi niya. Lahat kami ay di nagustuhan ang sinabi nito. Hindi pwedeng maging kalaban si Frances
"Kung hindi rin mo ako papaniwalaan mas mabuting umalis ka na lang" matamlay na pag kakasabi ni MJ nung makita ako
"Totoo ba ang sinabi mo?" pag dederetsa ko rito. Ngumisi ito
"Hindi ko kayang mag sinungaling lalo na sa pag kamatay ni Madam, Hera" nakangisi pero galit nitong sabi
"Totoong nakita ko si Frances. Hindi ko alam kung si Frances pa ba yun dahil para na siyang demonyo. Pinatay niya si Madam. Ayokong maniwala nung una. Di ko kinaya nung makita kong pinugutan niya ito ng ulo" napasabunot ito sa buhok niya "Di ko siya napigilan. Naging duwag ako sa kanya. Tumakbo lang ako" iyak ito ng iyak habang sinasabi iyon
"Kung di ko siya nasugatan kanina malamang ngayon palang patay na ako" napauko ako. Bakit kahit anong paliwanag niya may parte saking mas pinapaniwalaan ang kainosentehan ni Frances
"It's trust no one time, Hera, ikaw mismo ang nag sabi niyan! Pero bakit siya pinag kakatiwalaan mo higit na sakin?" sigaw nito sakin. Hindi ko rin alam pero nakita ko nalang ang sarili kong pinag kakatiwalaan ang lahat ng sasabihin ni Frances na kaya kong paghinalaan na si MJ ang kalaban dito at hindi si Frances
"Hindi ko alam na pati ang matalinong gaya mo ay mapapaniwala ng isang myembro ng Hiddens" napatingin lang ako sa kanya. Mas lalo akong naguguluhan sa nangyayari
Sino nga ba ang dapat kong pag katiwalaan. Sino ba ang Hiddens sa kanila? Bumuntong hininga ako. Bakit pakiramdam ko mas kalaban ka pa sa sinasabi mong kalaban, MJ
"Hindi ko kayang pag katiwalaan ang sinasabi mo ngayon, Falcon" alam ko nung sinabi ko iyon ay para ko narin sinabing mas pinapaburan ko si Frances. Anong magagawa ko, sadyang ang tama lang sakin ay ang sinasabi ni Frances
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
UPDATE 🔥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top