CHAPTER 43
CHAPTER 43 - MIRIA VON
Third Person's POV
Pumunta si Hera sa harap ng kulungan ni Violet. Nakaupo lang ito at nakangiti na parang baliw. Baliw na nga ata ito dahil paulit ulit nalang ang sinasabi nito
"How are you, Vienna Lim?" malamig na tanong dito ng dalaga. Masamang tingin agad ang naging tingin ni Violet sa dalaga
Vienna Lim o mas kilala bilang Miss Violet, ang tapat na katulong ni Miria noon pero nung malaman nito ang mga masamang gawain ni Miria nag tangka itong umalis pero dahil hindi yun nagustuhan ni Miria ginawa niyang baliw si Vienna para mapasunod niya ito sa lahat ng gusto niya
Katulad ng ginagawa ng Control. Totoo ngang kakampi nila ang Control
"Vienna is died so don't you dare say her name again" namumula ang mata nito at kung ibang tao lang ako ay matatakot ako sa mukha nito. Bumuntong hininga ako. Alam kong masama si Miria pero hindi ko alam na pati malalapit sa kanya ay kaya niyang saktan
How can she do this to the woman who had given her whole life to her.
"Why is she still alive?" napatingin ako sa babaeng biglang tumabi sakin. Nakatingin ito ng deretso kay Vienna. Hindi ko alam kung bakit ito galit na galit kay Vienna kung tinuturing niya itong parang bayani para sa kanya. Pero siguro matagal rin itong nag panggap para sa pag hihiganti nito
"We need more information about Eagles Org." sagot ko dito
"Don't bother yourself. Asking her is a waste of time, she knows nothing" sigurado nitong sabi. Nag tapon ito ng hawak niyang kutsilyo sa loob ng kulungan ni Vienna "It would be better if she'll just kill herself" dagdag pa nito. Tulala lang si Vienna na nakatingin sa kutsilyo na hinagis ni Frances
"Not now. We still need her" tumango nalang ito sa sagot ko sa kanya. Madaling nakuha ni Frances ang tiwala naming lahat siguro dahil ito sa totoo ang ugaling pinapakita niya samin. Ang galit niya ang naging dahilan ng pag papanggap niya
"Its given that she locked you up in that organization but is there any other reasons why are you mad at her?" tanong ko dito habang palabas kami sa basement ng Empire kung saan namin sila kinukulong
"She killed my family, I think that's an enough reason to wish for her death" halata ang galit at lungkot sa boses nito.
"Pano kung sabihin ko sayong hindi dahil sa kanya kaya namatay ang mga magulang mo" kunot noong napatingin siya sakin
"Anong ibig mong sabihin?" umiling nalang ako sa naging tanong niya. Mas mabuti nalang sigurong tumahimik ako
"DITO tayo mag sisimula" napatingin ang lahat sakin nung nilatag ko sa harap ang kopya ng blueprint ng Eagles Org.
Si Frances ang kumuha nito. Madali lang niya itong nakuha dahil walang Vienna na humaharang sa kanya
"Bukas na kayo aalis papuntang France. Di ako makakasama, ako nalang ang mag babantay sa mga tao sa baba" kahit naman hindi ko sabihin alam na nilang hindi talaga ako pwedeng sumama.
"Nung nasa Eagles ako..." napatingin kaming lahat kay Frances nung bigla itong mag salita "... Nakalaban ko si Raven" pagtatapos niya sa sasabihin niya
"Raven? yung lagi mong kasama?" tanong ni Alduxe dito. Dahan dahan lang tumango si Frances. Umuko ito at napahawak sa sentido niya
"Hindi ko alam kung bakit tuluyan na siyang nag pakuha kay Miss Violet eh matagal na naming pinaplano ang pag hihiganti na 'to" bumuntong hininga ako. Kaya pala wala siya palagi dito.
"Wag na natin silang isipin. Mabuti nalang at nalaman agad natin na traydor siya" sabi ni Aihika. Tumango naman kaming lahat nag nag simula na sa pag plaplano
NUNG matapos kami ay hindi na sila nag hintay pa ng umaga para pumunta doon. Agad silang umalis. Ako at si Madam nalang ngayon ang nandito
"Guys, Mag iingat kayo. We never know baka totoo pala ang sinasabi ni Vienna"
Yan lang ang mga salitang sinabi ko sa kanina bago sila umalis. Alam kong totoo ang sinasabi ni Vienna pero hindi ko lang masabi sa kanina kung sino ang makakaharap nila.
Isa yung lumang sekreto na hanggang ngayon ay hindi parin kayang ipagkalat. Dahil panigurado mag kakagulo ang lahat. Hindi pwedeng dalawa ang pinuno sa iisang mundo. Mag kakaagawan lang ito ng kapangyarihan
Hindi ko alam kung bakit ako nahila ng paa ko sa basement ng Empire. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang dugo sa sahig. Nanggagaling sa kulungan ni Vienna
Kinakabahan akong lumapit sa kulungan nito. Hindi illusion ang nakikita ko. Si Vienna pinatay niya ang sarili niya. Kinakakabahan ako habang tinitipa ang code para mabuksan ang kulungan niya
Nag lumapit ako ay nakabukas pa ang mata niya. Kahit ayoko ay binababa ko ang talukap ng mata niya. Nakatusok ang kutsilyo sa dibdib niya. Bakit niya pinatay ang sarili niya?
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ni Madam Von
"M-Madam" tawag ko dito
"At your back, Miss Thales" napatingin ako sa likod ko. At halos matumba ako sa pag kabigla.
Ang ulo ni Madam Von nakasabit sa isa sa mga kulungan.
"Kilala mo na siguro ako Heraclea Thales"
"Miria" banggit ko sa pangalan nito. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Bakit kailangan ako pa ang maka saksi nito?
"Natutuwa naman ako sayo, Miss Thales, talaga ngang kaya mong malaman ang lahat" ayoko ng makinig sa mga sinasabi nito. Unti unting tumulo ang luha ko at unti unti ring nag sisikip ang dibdib ko
Ito ang nadudulot sakin ng sobrang emosyon. Nanghihina ang katawan ko
"Kagalang galang parin ba ang kapatid ko, Heraclea?" wala akong maisagot dito. Nakatingin lang ako sa ulo ni Madam Von. May luha sa mata ko. Nag halo halo ang sakit sakin pero kahit na ganon ay hindi ko pinabayaan ang sarili kong natumba
Bakit ang bilis ng pangyayari? Bakit di namin namalayan? Ganito na ba ang naging resulta ng matagal na pananahimik ni Miria
Naramdaman ko nalang na may kumaladkad sakin papasok ng kulungan ni Vienna. Patapon nila akong ibinagsak kaya agad akong nawalan ng malay.
"Ito palang ang simula, Heraclea" kahit halos di ko na marinig parang kaboses nito si... Frances
Napadilat ako at nandito parin ako sa kulungan nanghihina parin ang buong katawan ko at medyo nahihilo ako. Tinungkod ko ang kamay ko upang makatayo ng may naramdaman akong nakaukit sa sementong sahig ng kulungan. Agad akong umuko para tignan
Napahawak ako sa bibig ko sa pagkagulat. Si Vienna ang umukit nito. May alam siya
"Queen Miria is dead"
Kung patay na si Miria, sino na ang tunay na kalaban namin ngayon? Dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Vienna
Kailangan kong lumabas. Kailangan ko silang puntahan. Walang Miria silang makakaharap pero mas malala ata ang kayang gawin ng bagong kalaban
Napatigil ako saglit. Kausap ko pa si Miria kanina. Hindi pa siya patay. Sigurado akong boses niya yun
Madam Von... Ikaw lang ang tangging makakaalam ng totoo. Miranda at Miria Von. Half sisters silang dalawa, mag kaiba ng nanay pero di naging hadlang yun para maging sobrang malapit nila
Kilalang kilala nila ang isa't isa. Isang araw nag nakaw ng malaking pera ang nanay ni Miria at umalis sila sa poder ng mga Von
Lahat ng tao ay kinalimutan nalang si Miria sa isang iglap ang buong atensyon ay napunta kay Miranda. Kahit ang kayamanan ng mga Von
Nag hirap ng tuluyan sila Miria at iyon ang ikinamatay ng nanay niya. Nagalit siya dahil tinakwil siya ng mga Von nung kailangan niya ng tulong. Nung kailan lang rin nalaman ni Madam na nanghihingi pala noon si Miria ng pera pangpagamot sa nanay niya pero pinaalis lang daw ito ng parang aso ng Von
Ginamit ko kay madam Von ang drug para mailabas ng tao ang damdamin nila at ito ang nalaman ko. Sa bibig niya mismo galing ang kwentong ito. Alam kong masasaktan si Madam kapag nakalat nanaman ang kwento ng buhay niya. Kaya ang sinabi niya nalang sa mga tao ay wala siyang kamag anak. Ayaw niyang husgahan nanaman ng tao ang pag katao ni Miria
Nag tagal naman ay wala na siyang narinig tungkol kay Miria. Nung malaman ko iyon ay sakin na sinasabi lahat ni Madam kaya akala ko rin ay di na mag kakaroon ng ganitong pangyayari pero ngayon mas lalo lang gumugulo ang lahat
Di ko na alam kung anong paniniwalaan... Ang boses na narinig ko o ang sulat na nakita ko
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Mention ko lang si Marry Joy Falcon at Roswelle Sunga dahil patuloy niyong binabasa ang story ko at palaging nag vovote. Love you both ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top