CHAPTER 4

CHAPTER 4 - OLD STUDENTS

Xy's POV

Maapos ang pag babasa ko sa library dumeretso na ako sa canteen dahil 7:00 narin pala. Mashado akong natagalan sa Library

Habang kumakain ako kapansin pasin parin na ako lang ang walang kaibigan halos lahat siya ay may kanya kanyang mundo at ako solo ko ang malaking mesa na nandito

"Hi" napatingin ako sa babaeng nag salita. I'm sure kagaya rin siya ng nga babaeng nakausap ko kanina at kahapon. Maganda ang babae kahit medyo maliit ito. Mahaba rin ang buhok nito nabagay sa maliit niyang mukha. Nakangiti rin ito habang nag sasalita. A perfect definition of an angel

"H-Hey" hindi ko alam ko alam pero nanginig ang boses ko habang sinasabi yun. Nakatingin lang ako sa mata niya pero parang nanliliit ako

"Amy" masayang pakilala niya sa sarili niya

"Kara"

"Can I sit here?" tanong pa nito. Nakatulala lang ako sa kanya at saka dahan dahang tumango

"Thanks" hindi parin nawala ang ngiti nito. Nilapag niya ang inorder niya at saka umupo

Tahimik niyang kinain ang pag kain niya. Ako naman ay tila hindi malunok ang kinakain ko. Mashado akong namamangha sa kanya

"Stop staring. Its rude" nagulat ako ng bigla niyang sabihin yun sa malamig na pananalita. Pero nang tignan niya ako sa mata nakangiti na siya "Don't stare at me that long again. Yun kasi ang pinaka ayaw ko" masigla parin ang pag kakasabi niya pero hindi ko maiwasang hindi isiping pag babanta yun. Umiwas nalang ako ng tingin

"I'm going now. Its nice to meet you Kara" masayang paalam niya sakin. Tumango nalang ako. Nang matapos na akong kumain ay pumunta narin ako sa dorm ko para matulog

"Alam mo bang kanina pa raw nandito ang mga old students" rinig kong kwentuhan ng studyante sa isang gilid habang tinatahak ko ang daan papuntang dorm. Kaya napatigil ako at tamik na nakinig sa kanila

"Ang alam ko onti palang ang nandito at bukas pa raw ang dating ng iba. Grabe excited na ako" sabi naman ng isa

"All students should be in their respective rooms before 8:00 pm comes" napatingin ako sa nag salita

"Its you" nasambit ko nalang bigla

"The one and only" hindi parin nabubura ang ngiti niya. Napatingin ako sa studyanteng nakukumpulan kanina pero agad ko rin nakitang papunta na sila sa dorms nila

"Kara I think you should go now to your room. Old students are coming" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Amy

"Would it be a crime if I stay here?" I sarcastically said

"No but you can commit a crime if you still stay here" seryoso niyang sabi. Nagulat ako sa pag seryoso niya

"Amy, Lets go" sabay kaming napatingin sa nag salita. Lalaki ito base sa hubog ng katawan niya pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil wala ng liwanag sa pwesto niya. At kitang kita ko rin kung pano niya paglaruan sa kamay niya ang isang kutsilyo na para bang sanay na sanay na ito

Napatingin agad ako kay Amy na nakatingin rin pala sakin

"Are you one of the old students?" kusa akong nag tanong

"Yes" malamig na sabi niya at hindi ko maiwasang kabahan. Parang nag kaka ediya na ako kung bakit ganon nalang kung mag alala sakin si Mom and Dad

"Go. To. Your. Room. Now."

Tulala ako habang nag lalakad patungong dorm room ko. Yung mga salitang idiniin niya kanina ang kusang nag palakad sakin. Hanggang sa makahiga ang sa kama ay hindi parin mawala sa isip ko si Amy at yung lalaki

Pero baka napa-paranoid lang ako. Baka naman tinatakot ko lang ang sarili ko. Simple lang naman ang ginawa niya eh. Pinag laruan lang niya ang kutsilyo kahit ako ay kaya kong gawin yun. Pero hindi yun gawain ng isang studyante. At alam kong mahigpit ang school na 'to hindi dapat nakakapasok ang ganong bagay

K I N A B U K A S A N

Maaga akong nagising. 6:30 am marami rami pa ang oras ko makapag libot at para rin makilala ko ang mga old students

Mabilis lang akong naligo at nag hanap ng jacket dahil malamig sa labas. Nang handa na ako lumabas na ako sa dorm. Nakasanayan ko na iyong tahimik pero parang kakaiba ang katahimikan ngayon. Ramdam kong may nag lalakad pero hindi ko sila makita. Kakaiba na talaga lalo na ng dumating na ang mga old students

Pag labas ko marami rami rin ang nakita kong studyanteng kasama ang mga body guards nila para mag buhat ng gamit nila. Kapansin pansin din ang pag kembot kembot ng balakang nila habang nag lalakad

Mayaman

Yan lang ang masasabi ko

Patuloy ako sa pag lalakad ng mahagip ko ang kumpulan sa isang gilid. Di tulad ng una kong pasok mashado silang tahimik wala na yung maiingay nilang bulungan

"What happen to you?" rinig kong sigaw ng isang babae at lumapit doon sa kumpulan. Napatigil naman ako at naki tingin doon. Hindi sa chismosa ako pero ramdam kong old students ang may gawa nito

"Bugbog sarado" nagtawanan ng dalawang lalaking singkit. Kaya napalingon ako sa kanila. May mga itsura ang mga ito at matangkad din. Pinag mamasdan ko sila ng bigla akong nilingon ng lalaking may maliit na itim na hikaw

"Fck new students" nakangising sabi nito at tumalikod na. Agad namang sumunod ang kasama nito

May problema ata ang mga old students. Lahat sila may attitude. Napatingin ulit ako sa kumpulan

Nagulat ako ng may buhat buhat silang lalaki duguan. Halata mong nahihirapan na itong huminga. Kasunod nito ang babaeng sumigaw kanina na ngayon ay umiiyak na

Normal lang naman ang pag susuntukan sa loob ng campus. Normal pa naman ang mga nangyayari sa campus, sa ngayon...

Malapit na mag bell kaya pumasok na ako sa room ko para mag palit ng uniform. Habang nag lalakad ako papunta sa classroom meron akong narinig na isang pag sabog

Napatingin ang lahat sa soccer field. Pero ang tanging nandoon lang ay ang mga old students

Now Xy, Normal parin ba na may bigla nalang sumasabog sa campus?

Pwede naman diba

Tanong ko sa sarili ko. At dahil wala akong kausap sinagot ko nalang rin yung sarili ko

"Good Morning Class" sabi ni Miss Jane na kararating lang

"Good Morni--" napatigil sila sa pag sasalita pano ba naman kasi lima lang silang tumayo at bumati kay Miss Jane. At parepareho pa silang mga new students. Nahihiyang tumungo sila at umupo nalang ulit

"Thank you for greating me" nakangiting sabi ni Miss Jane sa lima

"Ehem so let's start the discussion" hindi tulad ng dati na nag tatanong pa siya kung anong nangyari samin sa buong araw. Wala salitang salita ay nag simula siya sa discussion kahit kapansin pansin namang walang nakikinig sa kanya. Maliban nalang sa mga new students na gustong mag pakitang gilas pero hindi ako kabilang sa kanila

"Class Dismiss" pilit ang ngiti ang ibinigay niya samin "Miss Kara can I talk to you" baling nito sakin. Hindi ako sumagot. Tumayo nalang ako at nauna ng lumabas alam ko namang susunod siya sakin

"Are you going to say something?" malamig na sabi ko sa kanya. Naka cross arms pa ako

"Katulad mo talaga sila. Bagay na bagay ka talaga dito" natatawang sabi niya pero di parin mawawala ang kaseryosohan dito

"Straight to the point, Miss Jane"

"Wag mo na sana silang hayaang dumami pa. Wag mong ibilang ang sarili mo sa kanila" makahulugang sabi nito

"Tss I don't have time for your bullshts, Miss Jane" akmang tatalikod na ako pero pinigilan niya ang kamay ko

"Maraming mag babago lalo na sa katauhan mo pag pinagpatuloy mo pa ang pambabastos mo sakin" seryosong sabi nito kaya mas lalo akong nainis. Anong connect ba kasi ng sinasabi niya

"Pinipilit mo akong bastusin ka, Miss Jane lalo na ngayon. Stop talking shts to me. I'm not interested" malamig na sabi ko at tinanggal ang pag kakakapit niya sa braso ko

"Sa ngayon hindi ka pa interisado. Pero pag nalaman mo makikipag patayan ka makakuha lang ng impormasyon" sobra na ang kaseryosohan niya. Nilapitan ko siya at tinignan sa mata

"What are you saying?" naiinis na talaga ako sa kanya

"Hindi mo muna malalaman ngayon. But once the door are closed there's no way out" tinalikuran ko nalang siya. Sayang lang siya sa oras

Pag punta ko ng canteen. Masaya parin ang lahat bahang nag kwekwentuhan pero may sariling mundo ang old at new students. Parang kahit kelan ay hindi mangyayari na mag usap ng matino ang old at new students. Isa lang ang nagbago ang nga presensya ng mga old students. Hindi ako mapakali kapag nandyan manlang ni isa sa kanila

Pumila na ako maayos ang pila at wala ring sumisingit kaya mabilis akong nakarating sa counter at inorder ang gusto ko. Agad din naman akong nakahanap ng upuan sa tabi nga lang ni Amy. Nag babasa ito ng libro habang umiinom ng juice

Hindi na ako nag inarte pa at doon nalang rin ako nakiupo

"Ikaw pala yan, Kara" malambing ang pag kakasabi niya ng pangalan ko

"Yeah" walang gana kong sinabi habang sinisimulan ang pagkain ko

"Kaya pala" mahinang bulong niya pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko. Mas minabuti ko nalang na wag ng pansinin iyon

"Kamusta ka naman dito?" masiglang tanong niya sakin at nangalumbaba pa

"So far ayos naman. But not Miss Jane" nagpakita parin ako ng kawalang interes sa mga sinasabi ko

"Miss Jane? tss ano namang sinabi niya sayo" napalitan ang ngiti niya ng naiinis na mukha. Mukhang hindi rin niya gusto si Miss Jane

"Nasabihan ka na ba niyang wag mo na ng ibilang ang sarili mo sa kanila" pag tatanong ko habang pinag lalaruan ang pag kain ko

"Bwahahahaha pathetic Miss Jane" napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumawa ng sobrang lakas na maging ang nasa kabilang table ay napalingon samin

"Do you have any idea why she said those words?" nag tataka talaga ako sa kinikilos nila

"She's stupid don't mind her" ngising ngisi parin siya

"Amy Klein its still Thursday today. And bullying your teacher is against the rules" natigilan kami pareho lalo na si Amy na biglang namutla nang may nag salita

"President" mahinang banggit niya. Nakatingin siya sa likod ko dahil nandoon yung babaeng biglang nag salita

President? humarap ako sa babaeng nag salita sa likod ko. Matangkad ito na may mahabang buhok pero kakilakilabot ang aurang lumalabas dito

"The one and only, Miss Klein" malamig ang pag kakasabi nito. Talagang nakatingin lang siya ng derestso kay Amy "Visit me in my office after lunch. You'll have your first ever punishment this school year" nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun kay Amy

"I'm gonna tell this to Mommy" parang batang sabi niya. Na parang maiiyak na. Bakit ganito nalang ang reaksyon niya sa punishment?

"Go ahead. You disobey the rules. And Lucia will get mad at you" nakangising sabi niya. Tumingin ako kay Amy na nag mamaktol ngayon. Pero ng tumingin ako kay President bahagya akong napaatras sa kinauupuan ko ng makita ko siyang nakatingin sakin

"You're just new here. You should respect and obey your teachers" sinabi niya yun habang nakatingin ng deretso sa mata ko. At aaminin kong nakakatakot yun kaya wala sa sariling napatango ako. Timingin ulit siya kay Amy kaya napatingin rin ako kay Amy na ngayon ay parang kinakabahan na

"I'm expecting you in my office later" huling sabi niya at umalis na sa harap namin

"Who is she?" agad na tanong ko kay Amy nang mawala na sa paningin ko yung President

"The Supreme President" nanginginig ang boses niya ng banggitin niya iyon

The fck?! Alam kong siya ang president pero sino siya? Bakit parang sinasabi niya sa kilos niyang kailangan namin siyang katakutan

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top