CHAPTER 37

CHAPTER 37 - QUEEN

Third Person's POV

Miss Violet devilishly smile while looking at the picture of a girl

Its Xy Kara Zalirous

Nang makita niya ang picture agad siyang napangiti nung makompirma niyang ang matagal na nilang hinahanap. Ang mga nag mamayari lang ng organization ang pwedeng tumingin sa mukha ng mga batang kinukuha nila. Kaya lahat ng bata doon ay nakamaskara

Tumawa ito ng pag kalakas lakas at inikot ang swivel chair niya. Hindi talaga mapapantayan ang kaligayahan niya

"Good job, slave" she smirked "Subukan mo lang lumbas sa pinag tataguan mo, huhulihin na kita agad"

"ALAM na ng Eagles kung sino si Kara kaya ang mabuting gawin mo ay itago lang siya dito" sabi ni Hera kay Galen nandito sila ngayon sa kwarto ni Kara sa Empire Academy. Kasalukuyang silang nasa sala ng kwarto habang si Kara naman ay nag papahinga sa kama nito

"Dito na ang pinaka ligtas na lugar para sa kanya. Kaya hanggat hindi pa natin napapabagsak ang Eagles itago mo siya dito" seryosong sabi ni Hera. Gusto niya itong patayin noon pero dahil gusto siya ni Galen at ayaw niyang magalit sa kanya ang lalaki ay tinanggap nalang rin niya si Kara, kahit labag sa loob niya

"Pano nalaman ng Eagles?" pag tatanong ni Galen sa kanya. May pinakita siyang dalawang litrato sa binata

"Yan si Francesca Javier at Raven Villaruel sila ang katulong ng Eagles para hanapin si Kara. Nag enroll sila sa Morach para siguro alamin kung doon ba nila makikita si Kara" pag papakilala niya sa dalawa

"Ang alam ko nakamaskara silang lahat sa Eagles bakit nalaman agad nila" nag iisip na sabi ni Galen "Nasa Academy parin ba sila?"

"Umalis na sila kahapon pa. Siguro binalita agad nila sa Eagles na nakita na nila si Kara" sagot naman agad ni Hera

"Wag na nating pag tuonan ng pansin yang dalawang yan. Sigurado namang itatapon na sila ng Eagles dahil tapos na ang trabaho nila" seryosong sabi ni Galen. Ang tangging nasa isip lang niya ngayon ay kung papaano maliligtas ang babaeng mahal niya

"Sige--"

"Warning intruder alert"

"Warning intruder alert" pag karinig na pagkarinig pa lang nila nun ay nag mamadali silang bumaba. Nakita nilang nandoon narin sa labas ang lahat ng estudyante ng Empire

Patuloy lang sa pag lalakad ang dalawang bagong dating. Walang pakielam sa mga taong nag aabang sa kanila. Nung nasa harap na nila ang dalawa ay bahagyang umuko ito sa kanila. Pumunta naman si Hera sa unahan naka kunot ang noo nito pero di rin niya maiwasang mag taka kung bakit ito nandito

"Pinadala ba kayo ng Eagles?" malamig na sabi ni Hera. Napatingin naman ang lahat sa kanya. Hindi niya pa kasi nasasabi sa Empire ang tungkol sa dalawang ito. Ngumisi lang si Frances. Si Raven naman ay tumitingin tingin lang sa paligid

"Hindi nakapag-tataka na kilala mo na kami Hera Thales" nakangising sabi ni Frances "Pero mag papakilala parin kami. Ako nga pala si Francesca Javier at siya naman si Raven Villaruel. Para sa kaalaman niyo isa kami sa mga tauhan ng Eagles pero gusto rin naming pabagsakin si Miss Violet" naging seryoso ito pag katapos banggitin ang pangalan ni Miss Violet

"Are you trying to make me laugh? Gusto mo siyang pabagsakin pero sinabi mo kung nasan si Kara" pabalang na sagot sa kanya ni Hera

"Tama pala ang hula kong siya si Queen pero mali ka dahil wala akong sinasabi kay Violet" siguradong sagot niya sa dalaga

"And you're expecting me to believe you?" mabilis na sagot ni Hera

"Believe it or not, We are also in Queen's side" nakipag tagisan siya ng tingin kay Hera

"Guys tama na ang titigan" napatingin ang lahat sa bagong dating maliban nalang sa dalawang babaeng nag papatayan na gamit ang kanilang mata

MJ Falcon the inspector in Empire Academy. She can easily know if you have bad intention or you're just faking your facial expression. She also can read your moves

"Tingin ko naman totoo siya" natatawang sabi nito. Makulit ito at kakaiba gumawa ng kalokohan kaya ang laging kasama niya ay mga lalaki. Sila lang kasi ang nag kakasundo

"Tama na yan, Hera" sabi niya kay Hera at tinapik ang balikat nito. Tinignan siya ng masama ni Hera at nauna ng pumasok sa loob. Siya naman ang humarap kay Frances

"Aasahan kong sasabihin mo ang lahat ng nalalaman mo" sabi niya ng nakangiti at sumunod narin siya kay Hera sa pag pasok sa loob

Napasinghal nalang si Frances at saka tumingin kay Raven na ngayon ay nakatulala sa papasok na si MJ

"Hoy panget pumasok na tayo" inis na sabi ni Frances sa kasama. Wala sa sariling napatango si Raven at sumunod kay Frances

"I'm sure you have something to tell us kaya ka nandito" sabi ni Hera at umupo sa couch katapat nila Frances at Raven. Hindi parin nawawala ang lamig sa boses nito

"Nalaman naming dito nag tuturo ang nanay ni Devil" pag sisimula ni Frances

"Devil?" napatingin sila kay Galen nang mag salita ito

"Code name niya lang yun sa Eagles Org. Kahit ako hindi ko alam yung totoong pangalan niya pero narinig kong sa Empire daw ito dati nag tuturo ang nanay niya at yung tatay naman niya isa sa may ari ng Eagles" pag papaliwanag ni Frances

"Totoo ngang di pa patay si Carrick" masayang sabi ni Aira

"Carrick Oliveros is his true name and Jane Oliveros is his mother's name" sabi ni Prince

"Gusto ko sanang makausap si Jane" desididong sabi ni Frances

"Umalis na siya pag katapos niyang sabihin saming si Kara at yung Queen na sinasabi mo ay iisa" walang emosyong sabi ni Joywelle

"Alam narin niyang si Kara ay si Queen?" gulat na sabi ni Hera

"Nakita niya ang tattoo ni Kara sa noo. Nung una hindi kami naniwala pero nung sumilip kami sa kwarto niya habang natutulog siya nakita rin namin" paliwanag ni Alduxe

"Sumilip kayo sa kwarto niya?" napatingin nalang silang lahat kay Galen nung hatakin niya ang kwelyo ni Alduxe

"Chill bro. Curious kaming lahat" nakangising sagot pa sa kanya ni Alduxe "Saka nakakumot siya wala kaming nakita. Sa tattoo lang talaga kami tumingin" dagdag niya pa

"Tama na yan. Mas mahalaga yung pinag uusapan natin dito" matigas na sabi ni Aihika. Suminghal si Galen bago bitawan si Alduxe

"Bakit umalis siya?" pag sisingit ni Raven sa usapan

"Gusto niya agad ibigay si Kara doon sa president ng Eagles" sagot naman ni Amy "Hindi kami pumayag sa plano niya kaya ang sabi niya siya na daw mismo ang mag liligtas kay Carrick" pag papatuloy nito

"Kahit bago palang si Kara ayaw naming mag sakripisyo ang buhay sa walang kasiguraduhang pag papalitan na gusto nung taong yun" sabi naman ni Ira

"Sigurado namang hindi niya ibabalik si Carrick kahit nasa kanya na si Kara" seryosong sabi ni Frances "Miss Violet is too greedy. She's not satisfied having only one fighter that will make her money much bigger. She also wants Queen, she wants the Zalirous' only child" dagdag niya pa. Naiyukom nalang ni Galen ang kanyang kamao

"Nung nalaman niyang Zalirous pala ang nakuha niya nabaliw nanaman siya. Isa sila sa pinakamalaking mafia kaya naisip narin siguro niyang mas lalong lalaki ang pera niya" pag papatuloy ni Frances

"Damn that money crazy bitch" nag titimping sabi ni Solon

"Sinabi niyong hindi kayo ang nag sabi sa Eagles yung tungkol kay Kara, hindi ba?" tumango si Frances sa tanong ni Hera

"Sigurado na akong si Miss Jane nga ang nag sabi dun sa Eagles. Base palang sa reaksyon niya nung tumanggi tayo sa kanya" sabi naman ni MJ

"Isa pa yung mababaliw na" malamig na sabi ni Georgia

"Siguro sa mga oras na 'to Inaantay na lang siyang si Kara na mismo ang lumabas dito sa Empire" sabi ni Frances

"Lahat bantayan si Kara. Higpitan niyo pa yung security natin" utos ni Joywelle at isa isa na silang nag sialisan sa sala

Hindi nila alam kung ano bang nasa isip ni Violet kaya dapat handa sila anumang oras

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

2nd update
Tagal kong di nakapag update dahil nilamon ako ng kdrama nung nag bakasyon ako

Share your favorite Kdrama!

#DimakamoveonkayNamJooHyuk

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top