CHAPTER 36

CHAPTER 36 - MASTER CEDRIC EVARISTO

Francesca's POV

Mag katabi kami ngayon ni Raven sa klase parehas kaming hindi nakikinig. Siya kasi nakikipag text sa kung sino mang babae ang nahulog sa kanyang karisma kuno

Ako? Iniisip ko parin kung anong sadya ni Master Cedric dito. Hindi na ako nag abalang sabihin pa iyon kay Miss Violet dahil alam kong malalaman rin naman niya iyon

Ang nakakapag taka lang bakit nakita ko si Jane Oliveros palabas ng hotel kung saan nakita ni Raven si Master Cedric. Umiiyak noon nung makita ko si Jane at galit naman si Master. Sana mali ang iniisip kong may ugnayan sila

"Ang tahimik mo, tanda" napatingin ako kay Raven nung marinig ko siyang nag salita. Tinignan ko lang siya ng blankong expression. Mapapagod lang ako kung papatulan ko ang tukmol na yan

"I'm thinking, player" walang ganang sabi ko sa kanya

"Sabi ko naman sayo wag mo kong mashadong isipin" ngising ngisi pa nitong sabi sakin. Baliwala na sakanya yung sinasabihan siyang player. Sanay na kasi, sanay na manakit

"Hindi ka gwapo para isipin ko" wala paring gana yung boses ko hindi tulad sa kanya na sobrang ingay

"Oo nga pala, sobrang gwapo ko nga pala para sayo" inikot ko nalang yung mata ko at tumingin sa ibang direksyon. Mas lalo akong mababadtrip kapag patuloy ko pang nakikita ang mukha niya

Nakita ko nalang na inilapag niya sa harap ko yung laptop niya. Nung tignan ko iyon, mga profile ng mga estudyanteng babae dito sa Morach. Nag tataka ko siyang tinignan

"Anong gagawin ko dyan?" kunot noong tanong ko dito

"Yan yung mga kakain mo, tanda, masarap yang mga yan" nakangiti ito at nag tataas baba ang kilay niya nung sabihin niya yun sakin. Tinignan ko siya ng masama. Kung wala lang kami ngayon sa classroom kanina pa siya lumipad

"Haha ang slow mo talaga, tanda. Shempre tignan mo bawat isang babae na nag aaral dito" mas lalong kumunot ang noo ko sa paliwanag niya

"Bakit ko nga kailangan gawin yun?" tanong ko dito

"Baka isa sa kanila si Queen" napatigil ako nung ibulong niya yun sakin. Hindi ako napatigil dahil sa init ng hininga niya natumama sa balat ko kundi mismo sa sinabi niya

"Ugly player, it's nice to know that you still using that little brain of yours" nakangising sabi ko sa kanya at humarap sa laptop niya

"You can call me player but I'm not ugly or you can simply call me, genius" rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin

Grabe naunahan talaga ako ni Raven sa pag iisip. Buti naman may nagawa narin siyang tama

Bat hindi ko ba agad na isip na baka nasa isa siya nag aaral sa Empire Academies. Nangako kasi ang Eagles Org. kasama na ang iba't ibang Organization na may kinalaman sa Mafia na hindi mangingielam o mang-gugulo sa Empire Academy

Kaya kung may gulo man ang Mafia sa labas hindi nila pwedeng idamay ang mga school. Bawal pumatay sa pansariling dahilan. Kung gusto niyong mag higanti o kung ano mang rason niyo dapat sa labas mo ito gawin

Ang balita ko ay nag kakapatayan lang dito kapag dumating na ang old students sa unang araw ng pasukan at kung may mga events

Kaya siguro hindi namin siya mahanap. Nandito siya nag aaral. Maraming estudyante narin akong nakita pero wala sa kanila ang kahina-hinala

Hanggang sa makita ko ang isang babaeng naka bonnet

Nag lalakad lakad ako sa paligid ng Morach Academy. Dati palang gusto ko ng makapag aral dito pero alam kong di ko kaya ang babayaran dito

Nag iisip isip lang ako nung makita ko ang pamilyar na sasakyan ni Master Cedric. May bumababa doong isang babaeng tumatakbo

Kahit may kalayuan ang pwesto ko, kita ko parin ang takot sa mukha niya

Hindi ko namalayang nabangga niya ako. Nag katitigan kami ng ilang segundo pag katapos ay agad rin siyang tumakbo ulit

"Frances, sobrang gwapong gwapo ka na ba sakin kaya ilang minuto mo na akong iniisip?" rinig kong sabi ni Raven sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin

"Bago ka lang rin ba dito?" nakangiting tanong ng isang batang babae sa isa pang batang babae na kaedaran lang niya. Nakamaskara ito kaya litaw na litaw ang walang emosyong mga mata nito at kitang kita rin ang koronang tattoo nito sa noo

"2 years ago, Miss Violet brought me here" malamig ang pag kakasabi nun ng batang babae pero hindi niya lang ito pinansin

"Wow dalawang taon ka na sa magandang lugar na 'to. Ang ganda na siguro ng buhay mo. Alam mo ba itong kwarto mo kasing laki lang ng bahay namin dati" tuwang tuwang sabi nung bagong dating na bata

"I don't care about the room. My parents will give me a bigger one if I just ask for it" bumuntong hininga ito at saka malamig siyang tinignan "And yeah, if living in hell is a good life for you then I suggest that you should think twice" her voice is full of sarcasm and bitterness and the new victim doesn't have a clue on what's this kid talking about

"Hmm hindi ako mashadong marunong nag english pero may nabanggit kang parents. Hindi mo rin ba sila kasundo?" takang tanong nung batang bagong dating

"Tss.. They love me and they definitely searching for me" siguradong sagot nito sa kanya

"Ako kasi malaya na sa kanina" nakangiting sagot niya sa batang babae "Niligtas ako ni Miss Violet" tumingin ang bagong dating sa batang nakamaskara. Natigilan siya dahil sa sama ng tingin ng batang babae

"That woman is a killer. Your so called savior just literally brought you in hell" the kid smirk and didn't break the eye contact

"Welcome to the Eagles Nest, dummy"

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Raven

"What's with that facial expression?" gulat na tanong ni Raven sakin

"I will never forget those eyes" bulong ko sa sarili ko

"A-Alam kong maganda talaga yung mata ko para kalimutan mo" kahit si Raven ay nawi-weirdohan sa kinikilos ko pero hindi ko ito pinansin ulit

"I.." huminga muna ako ng malalim "I think... I finally saw Queen"

Third Person's POV

"Mukhang malabong makumbinsi natin siya, master. Kakabanggit mo palang ng Eagles Org. tumakbo na siya" sabi ni Marvin na bodyguard ni Cedric Evaristo. Nag mamaneho na sila ngayon papunta sa hotel na pansamantalang tinutuluyan nila

"Gagawin ko lahat para mapapayag siya" pag papalakas ni Cedric sa loob niya "Hindi matatapos ang linggong 'to na hindi siya pumapayag maging pain" kailangan niya si Kara para makuha ang anak niya at para narin mapatay si Miss Violet

Hindi naman ganon kasama ang Eagles Org. dati. Mahigpit na pinag babawal doon ang pag patay lalo na kung hindi naman sa kalaban gagamitin. Kumukuha sila ng bata para hasain ang mga ito at mag trabaho sa kanila pero hindi tulad ng pangunguha na ginagawa ni Violet

Simula nung naging president si Violet ng Eagles lahat na ng ginagawa sa Eagles ay naging illegal. Lalong lalo na ang Eagles Cage. May mga ilang hindi pumayag at kasama siya doon pero karamihan ay nasilaw sa perang hatid nito. Wala silang nagawa at nanatiling tahimik nalang

Pero hindi na niya kayang tumahimik lalo na't nasa loob ang anak niya. Isa siya sa may ari ng organisyon pero hindi niya maligtas ang anak niya. Mas lalala pa kasi ang problema. Maaring gamitin sa kanya ang anak niya at mas lalo pa siyang mahirapan sa pag papabagsak kay Violet

Mas mabuti ng walang alam si Violet na siya ang ama ng batang yun. Ang alam lang nito ay isa sa may ari ng organization ang ama ng batang yun. Alam niyang mas ligtas ang anak niya. At si Kara lang ang naisip niyang makakatulong sa kanya. Kay Kara lang kasi mas naging interisado si Violet

"Hindi matatapos ang buhay ko ng hindi kita napapabagsak, Vienna" he said gritting his teeth and his hands is forming into fist

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

My friends told me to update 😂 Eyo Julianne, Rowswell, Joywelle and Georgette kayo talaga yung unang bumasa ng story ko kaya nag papasalamat ako haha. Salamat sa support guys

Sorry sa mga wrong grammars and typo mahal ko yang mga yan eh

Enjoy Reading ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top