CHAPTER 35
CHAPTER 35 - CROWN
Xy's POV
Nag liilibot libot ako ngayon sa Mall. Umalis ako sa Von Castle dahil aminin ko man o hindi kinakahaban ako na baka makasalubong ko nalang bigla si T
Hindi parin ako nakaka-move on sa sinabi niya sakin. Hanggang ngayon tuwing naalala ko yun napapangiti nalang ako bigla. Ayoko namang mag mukhang baliw sa harap niya
Patingin tingin lang ako sa paligid nung biglang may nakabunggo sakin
"Sorry hija" napatingin ako sa nag salita. Halatang may edad na ito pero mababakas parin dito ang kagandahang lalaki nito at nag makikita mo ring mayaman ang lalaki
Inabutan siya ng bodyguard niya ng panyo at ibinigay naman niya ito sakin. Doon ko lang napansin na nabasa pala ang damit ko dahil sa iniinom niya
"Pasensya na hija ah" pag hingi ulit nito ng umanhim. Umiling iling ako dahil sandaling napatulala ako dito at saka ngumiti ng pilit
"A-Ako po yung hindi tumingin sa daan" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mag tama ang mata namin
Nakita ko rin ang sandaling pag kagulat sa mukha niya pero agad naman itong nawala. Nanginginig kong kinuha yung panyong ibinibigay niya sakin
"Alis na po ako" paalam ko dito pero hindi pa ako nakakalayo ay tinawag ako nito
"Hija" lumingon ako dito
"Bakit?"
"Bibilhan nalang kita ng bagong damit at sabay sabay narin tayong mag lunch" nakangiting sabi nito sakin. Alanganing ngumiti lang ako
"Hindi na po kailangan" pag tatanggi ko. Ngumiti ito ng tipid
"I insist" hindi ko alam kung bakit tumango ako nung sabihin niya yun. Tahimik lang akong sumusunod sa kanila. Pumunta kami sa isang mamahaling boutique
"Pick anything you like" tumango nalang ako at pumunta sa mga damit. Hindi ako mashadong nag tagal sa pamimili dahil ayokong mainip sila
Lumapit sakin yung kasama nung lalaki kanina
"May napili ka na ba?" base palang sa tono ng boses nito halata mo ng mabait ito
"Ahm Oo" sagot ko dito. Inilahad niya ang kamay niya. Seryoso siyang bibilhan niya ako ng damit. Nag aalangan akong ngumiti dito at saka binigay sa kanya yung damit na napili ko
"Nasan nga pala yung kasama mo kanina?" hindi katulad nung lalaki kanina mas bata ito
"Ah si Master Cedric, pumunta na siya sa restaurant. Iniwan niya ako para samahan ka" sagot nito sakin ng nakangiti. Pumasok muna ako sa comfort room para mag palit. Akala ko pag labas ko ay wala na siya pero nandoon parin siya nag aantay. Tipid akong ngumiti sa kanya nung mag tama ang paningin namin
Sabay ulit kaming nag lakad papunta sa restaurant na sinasabi nito
"Hindi pa pala ako nakakapag pakilala" sabi nito sa gitna ng katahimikan "I'm Marvin Dellosa, personal bodyguard ni Master Cedric" nakangiting pakilala nito
"Xy Kara" sabi ko rin ng pangalan ko dito. Pumasok na kami sa restaurant. Agad ko namang nakita si Cedric na agad na ngumiti nung makita niya kami
"Have a sit" sabi nito nung makalapit na kami. Maging si Mr. Marvin ay pinaupo niya "Ako na ang umorder ng pag kain natin, I hope you don't mind" ngumiti ako at saka ngimiling
"Ayos lang po" sagot ko dito "Ahm...Sorry nga po pala kanina hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko, Master Cedric" pag hihingi ko ulit ng paumanhin
"Kasalanan ko, di kita iniwasan" sabi nito saka ngumiti. Ngumiti nalang ako dito pabalik. Medyo weird ang taong 'to
"Nga pala wag mo na akong tawaging Master. Ayos na yung Cedric" sabi pa nito. Tumango nalang ako
Tahimik lang kaming kumakain. Minsan ay tinatanong ako ni Cedric sa mga bagay bagay at sinasagot ko naman ito. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanila. Hindi ko naman ito mga kilala pero bakit iba ang nararamdaman ko sa kanila
Alam ko lang ang pangalan nila. Hindi ko alam kung nag sasabi sila ng totoo. Napapanatag lang ako dahil hindi ko nararamdaman sa kanila yung naramdaman ko kay Miss Violet
"Pauwi ka na ba? Ihahatid ka na namin" nakangiting sabi nito sakin nang matapos kami sa pag kain
"Wag na po. Ayos lang talaga ako" pag tanggi ko dito
"Ayos lang rin sakin. Gusto kong masiguradong makakauwi ka ng safe" wala na akong nagawa sa pamimilit nito
"Kara, San ka ba nakatira?" tanong sakin ni Cedric nung nasa kotse na kami
"Sa dorm ako tumutuloy. Pakibaba nalang ako sa Morach" sagot ko kay Cedric. Nakita ko itong natigilan ng saglit pero agad ring nakabawi. Siguro ay nabigla lang ito dahil sikat ang Morach Academy
"Morach?" sinalubong ko ang tingin ni Marvin na kasalukuyang nag didrive ngayon
"Oo. Alam mo ba kung saan ang daan?" tanong ko sa kanya. Tahimik lang itong tumango bilang sagot. Naging tahimik nanaman ang paligid hanggang sa tumunog ang cellphone ni Marvin
"Master, Master Vienna is on the line" sabi nito kay Cedric. Kinuha ni Cedric ang cellphone at sinagot yung tinawag ni Marvin na Vienna
"Yes, hello?" formal na bati nito sa kausap
"Yeah, Hindi na ako nag paalam sayo" rinig kong sabi nito "I just need to rest my mind. Besides they don't need me there, They can handle him"
"Alright I'll be back after my vacation" yun na ang huling sabi nito at pinatay na ang tawag
Matapos ng tawag na yun nag iba na ang timpla ni Cedric maging si Marvin ay tumahimik lang rin. Hanggang sa makarating na kami sa entrance ng Morach
"Salamat po sa pag hatid" magalang na paalam ko sa may edad na lalaki pero hindi lang ako nito binigyan ng pansin. Akmang lalabas na ako nung bigla niya akong tawagin
"Kara" tumingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa tono ng pananalita niya. Hindi ko alam pero gusto ko na agad umalis sa kotseng ito
"M-May problema ba, Cedric?" tanong ko dito. Kahit yung kaba ko hindi ko magawang itago
"I need your cooperation"
Third person's POV
"Nasan si Kara?" napatigil ang lahat sa pag kain nang biglang pumasok si Galen sa loob ng dining room. May pag aalala at galit sa mukha ng binata
Umaga pa kasi nung makita ito ni Solon na palabas ng Von Castle at hapon na hindi parin ito bumabalik
"Hindi parin ba siya bumabalik?" pag tatanong ni Alduxe. Hindi sumagot si Galen. Napahawak nalang ito sa sentido niya
"Aira, order your platoon to locate Kara" utos niya kay Hera at saka umalis
"Nag bibinata na ang baby Galen natin" si Madam Von lang ang nagawang tumawa sa galit na mukha ni Galen. Umalis na si Hera sa hapag para puntahan ang team niya. Ang iba naman ay nag patuloy sa pag kain
....
"Nakita ko na Captain" lumapit si Hera sa babaeng nakaupo sa harap ng computer niya. Marami silang nandito sa computer lab. Lahat sila ay naka harap sa computer at nag babantay sa mga CCTV ng tatlong school
Nakita nila si Kara na tumatakbo papasok sa Morach Academy. Kumunot ang noo ni Hera nung may nakita siyang sasakyang mabilis na umalis sa harap ng Morach. Agad niyang tinawagan si Galen para sabihin kung nasan si Kara
Xy's POV
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko dito sa Morach Academy. Ang akala ko kanina ay mamatay na ako buti nalang at nakatakas agad ako sa kanila
Hindi ako papayag na makuha ulit nila ako. Nalinlang na nila ako ng isang beses, hindi na nila ako ulit maloloko
Ginamit pa talaga nila ang pangalan ni Devil. Pero nakakapag-taka ring hindi ko man lang naramdaman na isa siya sa may ari ng Eagles Org.
Oo nga pala, magaling sila mag panggap. Kaya dapat hindi na ako mag taka pa. Dapat mas lalo akong maging maingat sa tao sa paligid ko, kung hindi makukuha nanaman nila ako
Mag didilim na pero ni hindi parin ako gumagalaw sa kinahihigaan ko. Wala narin akong balak kumain. Bumalik nanaman ako sa pagiging takot
"Kara" tumingin ako sa tumawag sakin. Nasa gilid siya ng kama ko. Sa sobrang gulo ng isip ko ni hindi ko man lang naramdaman yung pag pasok niya
"T" hindi ko alam pero bigla ako naiyak nung makita ko siya. Para akong nakakita ng kakampi. Umupo ako sa umakap sa bewang niya
"Nakita na nila ako" pag sasabi ko dito "Ano ng gagawin ko?" dagdag ko pa. Hindi pa akong handang harapan sila. Mahina parin ako. Sinusuklay niya ang buhok habang nakayakap ako sa kanya
"I'll protect you from them, Kara, You don't need to worry" sincere na sabi nito sakin kaya napahigpit ang yakap ko pa sa kanya
"Umuwi na tayo sa Empire" tumango ako sa sinabi niya
Pinag buksan niya ako ng pinto nung makarating kami sa harap ng kotse niya pero bago ako pumasok humarap ako sa kanya saka ko siya hinalikan
Nung bumitaw ako hindi makapaniwalang nakatingin parin siya sakin
"Salamat" sabi ko dito papasok na dapat ako pero pinigilan niya ako at muli akong hinalikan. Nalaglag ang bonnet ko pero wala doon ang focus ko. Niyakap niya ako pag kabitaw niya
"You're welcome" napangiti ako nung sabihin niya yun. Pumasok na kami sa kotse at nag drive papunta sa Von Castle
HINDI nila napansin ang nakatulalang si Jane sa di kalayuan. Nag lakad ito sa pwesto ng dalawa kanina at kinuha ang bonnet na nalaglag ni Kara. Humigpit ang hawak niya dito
"Nahanap narin kita, Queen"
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Hello nga pala sa tatlong gwapong gwapo kong Sir
Raven Villaruel
Marvin Dellosa
Cedric Evaristo
Pasensya po nagamit ko pangalan niyo. Gwapo parin naman po kayo sa story eh. Peace po tayo 😊❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top