CHAPTER 33
CHAPTER 33 - THE TRUTH
Third person's POV
Maraming gumugulo sa isip ni Hera. Hindi rin siya makapaniwala nung masaksihan niya ang pag patay ni Jane sa sariling anak
Mahal na mahal nito ang anak niya kaya imposibleng patayin nito ang anak niya na walang mabigat na dahilan
Si Jane ang naging daan para makilala nila si Carrick. Isang magaling na guro si Jane sa Empire Academy at parang anak na ang turing ni Madam Von kay Jane
Simula nung marape si Jane at nag bunga yon. Tinanggap parin siya ni Madam Von. Kahit naman anak lang ni Jane si Carrick dahil narape ito minahal parin niya ito ng buo
Kaya naguguluhan si Hera. Pinatay niya ba ito dahil nakikita niya kay Carrick ang nangrape sa kanya o may mas malalim pang dahilan
"Ngayon Jane, bakit mo pinatay si Carrick?" tanong niya sa babaeng nanghihina. May mga butil ng luha ang pumapatay sa mata niya pag katapos marinig ang tanong ni Hera. Nasasaktan ito dahil kailangan niyang balikan ang pangyayaring iyon
"Dahil ba narape ka?" pag tatanong ulit ni Hera pero umiiyak na umiliing-iling lang si Jane
"Hindi" umiiyak na sabi nito "Kahit kelan ay hindi ko binuntong sa kanya ang galit ko sa walangyang ama niya" sabi pa nito
"Sabihin mo sakin ang dahilan" sabi ni Hera dito
"Merong organisasyon ang gustong kumuha sa kanya. Gusto nilang pag kakitaan si Carrick" nahihirapan nitong sabi. Halatang pinipigilan nitong sabihin sa kanya, nahihirapan itong mag sabi mg totoo sa kanya
"Naisip kong patayin na si Carrick dahil alam kong papatayin rin naman nila ang anak ko pag katapos nilang pahirapan. Pero walang akong balak totohanin ang pag patay sa kanya. Papalabasin ko lang sanang patay na siya para hindi na nila makuha si Carrick sakin" humangulngol ito ng iyak. Isa lang ang nasa isip ngayon ni Hera, nasaktan rin ito sa ginawang desisyon
"Nasan na ngayon si Carrick kung buhay pa siya?" pag tatanong niya ulit
"Nakuha parin siya kahit anong tago namin. Marami silang koneksyon. Ang organisasyon ay binubuo rin ng mga Mafia Boss. Gusto kong humingi ng tulong sa inyo pero ayoko na kayong madamay lalong lalo na si Madam Von" umiiyak parin ito habang nag kwekwento
"Bakit gusto nilang kunin si Carrick nung mga panahong iyon?" pag uusisa niya pa
"Isa ang ama ni Carrick sa mga may ari ng organisasyong iyon. Nung malaman niyang nabuntis niya ako at lalaki ang pinanganak ko. Pinilit na niyang makuha sakin si Carrick" nanghihinang sagot nito
"Sila ba yung sinasabi mo kaninang nag pakita sayo?"
"Oo. Ang buong akala ko patay na si Carrick dahil ilang taon narin ang nakalipas pero buhay siya. Patuloy nilang pinag kakakitaan ang anak ko" halo halo ang nararamdaman ni Jane sa mga oras na 'to
"May paraan ba para maligtas natin siya?" determinadong tanong ni Hera
"Oo Oo Oo" sabi nito. Sunod sunod na tumango nito saka lumapit kay Hera. Nakatingin lang si Hera sa babaeng nasa paanan niya ngayon
"Kailangan nating hanapin yung babaeng may koronang tattoo sa noo. Yun ang kapalit ni Carrick. Kapag naibigay natin siya, makakalaya na si Carrick" nabato si Hera sa pagkagulat yung sagot na natanggap niya... hindi pwede
"A-Ano bang oraganisasyon ba yan?" sa buong buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng matindi. Sana hindi yun yon. Sana hindi yun ang tinutukoy niya
"Eagles Org."
------
Pagabi na pero nandito sila ni Galen nag lalakad sa malawak na hardin. Hindi niya alam kung bakit siya niyayang mag lakad lakad ni Galen pero sumama parin siya sa binata
"Malamig ba?" pag tatanong ni Galen sa kanya nung sulyapan siya nito. Umiling si Kara
"Nag tataka lang ako, T" napatingin si Galen nung mag salita si Kara "Bakit ang bait bait mo sakin? Oo nakwento ko sayo yung pag hihirap ko ng ilang taon pero hindi mo parin ako kilala" tanong ni Kara. Huminto ito at humarap kay Galen kaya napahinto rin ang binata
Napakadali lang para sa kanya sagutin iyon pero ayaw niyang sabihin ang mga katagang iyon habang hindi pa alam ni Kara na siya talaga si Galen. Pero hindi na niya kayang pigilan pa kahit bawal pa, kahit hindi pa pwede ngayon
"Kasi mahal kita" nakita niyang natigilan si Kara sa ginawa niyang pag amin
"P-Pano?" mahinang usal ni Kara. Nanlalaki parin ang mata nito sa gulat "Buwan palang nung nag kakilala tayo. Imposibleng mahal mo agad ako--" naputol ang pag sasalita niya nang may biglang may malambot na labing dumapo sa labi niya
Sa ikatlong pag kakataon hinalikan siya ng binta pero hindi na ito ngayon sa noo, sa labi na mismo
Parang nung una nilang pag kikita. May mga fireworks silang nakikita. Na parang silang dalawa ang nasa mundo. Hindi mawawala ang paroparo sa tiyan niya kahit nung bumitaw na si Galen sa halik na yun nandoon parin ang kakaibang kiliti na dumadaloy sa mga ugat niya
Gulat parin niyang tinitignan si Galen habang hinahabol ang hininga niya
"I don't care if we just met a month ago, all I care about is my feelings for you cause I have loved you for the first time I saw you" sincere na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Kara. Hinawakan ni Kara ang kamay ni Galen na nasa pisngi niya
"I don't know what to say" honest na sabi niya kay Galen. Ngumiti ang lalaki
"Do you love me too?" tanong nito kay Kara
"S-Sobrang bilis naman ata" natawa nalang si Galen nung mapaatras si Kara. Agad hinawakan ni Galen ang kamay ni Kara para hindi ito mapapalayo sa kanya
"Ayos lang kung hindi mo pa yan masasabi sakin ngayon pero gusto ko, akin ka lang" hindi nanaman alam ni Kara ang sasabihin pero napangiti nalang siya kay Galen
"Sakin ka na, Kara" pag uulit pa ng binata. Nakangiting tumango si Kara
"Oo, T" sagot niya sa lalaki. Ngumiti rin si Galen saka niyakap si Kara
Sa kabilang banda nakatingin ang mag kapatid na Thales. Kitang kita nila ang pag papalitan ng matatamis na ngiti ng dalawa
"Nasabi na ba niya kay Kara na siya si Galen?" tanong ni Solon sa kapatid
"Sa pagkaka-alam ko, hindi pa pero sana ngayon sinabi na niya" kalmadong sabi ni Hera kahit sa loob loob niya natataranta na siya. Hindi pwedeng si Kara ang tinutukoy ni Jane
Sinabi ni Hera ang lahat kay Solon dahil malamang mag wawala ang buong Empire kung malaman nila ang nalaman ni Hera
"Kailangan ng sabihin ni Galen na siya si Galen para maprotektahan niya si Kara laban mismo sa Council" sabi ni Hera
"Kahit naman may takot ang lahat ng Council kay Galen iba parin kapag nagalit sila. Hindi natin sila makokontrol" kabadong sabi ni Solon "Tang*na hindi dapat ganito ang nangyayari" dagdag pa nito at sinamnunutan ang sarili niya
"Pamilya na si Kara. Sana may maalala nila yon. Yun lang ang nakikita kong paraan para hindi nila ibigay si Kara sa mga Eagles" pinipilit ni Hera na kumalma. Kahit siya ay napalapit rin sa batang si Carrick kaya sigurado siyang gagawin ng Council ang kanilang makakaya para lang maligtas si Carrick at si Kara ang susi para sa kalayaan ni Carrick at hindi papayag doon si Galen
Maling mali ang mga nangyayari
At sana yung nasaksihan nila ay makakagawa ng mabuti sa sitwasyon nila ngayon
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top