CHAPTER 32
CHAPTER 32 - CARRICK
Third person's POV
"May balita na ba kay Carrick?" napatingin ang lahat nung biglang pumasok si Aira sa sala. Naiwan niya si Kara sa labas dahil sa pag mamadali. Nandito ang lahat ng Council at masayang nag kwekwentuhan. Napatigil lang nung siya ay dumating
Walang sumagot sa kanya. Malungkot lang silang nakatingin kay Aira
"Aira" malungkot na tawag sa kanya ni Joy
"Wala na si Carrick" malamig na sabi Prince. Napatingin nalang sila kay Alduxe nung ibinagsak nito ang librong hawak at saka umalis
"Kahit wala na si Carrick patuloy parin si Alduxe kakahanap sa kanya" malamig na sabi ni Hera na nakaupo katabi ni Galen
"Naniniwala talaga siya dun sa baliw na si Miss Jane?" kahit hindi niya sabihin ay halata ang galit sa boses ni Solon
"Nararamdaman kong buhay pa siya" mahina ang pag kakasabi nun ni Aira pero sapat na para marinig nila
"Madam Madam" napatingin silang lahat sa nag mamadaling pumasok na si Miss Jane. Umiiyak itong lumuhod sa harap ni Madam Von
"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Madam Von sa umiiyak na babae
"Nag pakita sila sakin. Nasa kanila si Carrick papatayin nila si Carrick kapag nahuli tayo" para itong baliw na nag sasalita habang nakaluhod at umiiyak sa harap ni Madam Von
"Patay na siya Jane" may awa sa boses ni Madam Von. Pero ang buong Council ay iba ang tingin kay Miss Jane. Galit at pandidiri yun ang makikita mo sa mata nila
"Pinatay mo siya, Jane" may galit sa boses na sabi ni Prince
"Hindi" tinakpan nito ang sarili niyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay
"Hindi ko siya kayang patayin" umiiyak parin na sabi nito
"You just did, lunatic" sabi naman iyon ni Joy
Totoo yun nakita nila mismo, Silang mga nakatira sa Von Castle, ang pangyayaring iyon. Ang pangyayaring hindi makakalimutan ng bawat isa sa kanila
Ang pag patay ni Jane kay Carrick sa mismong teritoryo nila kaya kahit kelan ay hindi nila ito mapapatawad. Hindi kahit kelan
Tumawag si Madam Von ng guards para sapilitang paalisin si Miss Jane
"Madam nag mamakaawa ako. Pinag babantaan nila ako" sigaw niya pa habang hinihila siya papalabas
"Hindi dapat siya paniwalaan" sabi ni Shin
"Anong masasabi mo, Hera?" tanong ni Aihika nung mawala sa paningin nila si Jane. Umikot ang mata ni Hera
"May possibility na tama ang sinasabi niya o kaya nababaliw na talaga siya" hindi man lang niya pinag isipan ang isasagot niya kay Aihika "Ipa-check natin siya sa psychiatrist. Kapag nakita ko na ang result saka ko iisipin kung totoo yung sinasabi niya" parang tinatamad na sagot nito
"Hindi ba pwedeng ngayon na?" nakakunot na noong sabi ni Aihika
"Baliw siya. Sinasabi lang niya yun dahil hindi niya matanggap na siya mismo ang pumatay sa sarili niyang anak" agad na sagot nito sa tanong ni Aihika "Carrick is now her nightmare. She wants to save Carrick from herself pero hindi na niya yun magagawa ngayon. That was years ago but it still keeps on hunting her" dagdag pa nito. But Hera know better, there is something missing, there is something she needs to know. Nararamdaman niyang iyon ang makakapag sabi ng katotohanan kung ano ba talagang nangyari
Nalaman niya ang nangyari sa anak ng mga Zalirous, may magagawa rin siya malaman ang totoong nangyari kay Carrick
Carrick Oliveros, ang munting anghel ng Council, ang dapat na Vice President ng Morach Academy, namatay sa kamay ng sarili niyang ina
Ngunit bakit nga ba nito pinatay ang sariling anak? maraming mga tanong ang nabubuo sa isipan ni Hera at maaring sumunod na siya sa pag kabaliw ni Jane Oliveros kung hindi niya mahahanap ang sagot agad
Pitong taon na ang nakalipas pero lahat siya ay hindi parin makakalimutan ang araw na yun. Sa rami ng pag patay na nasaksihan nila yun na ata ang pinaka nakakapanghina
"You need to die, son" umiiyak na sabi ni Jane sa kanyang anak. Nasa malawak silang hardin ng Von Castle. Niyaya lang ni Jane ang kanyang anak mag lakad lakad ngunit hindi inaasahan ni Carrick may balak ang kanyang ina na patayin siya
"What are you saying, mama?" may takot sa boses ni Carrick habang unti unting lumalayo sa kanyang ina
"I'm doing this for you, baby, You really need to die" umiiyak na sabi niya. Gagawin niya ang pag patay sa kanyang anak na para bang wala na siyang pag pipilian pa
"Please don't do this to me, mama" takot na takot si Carrick. Wala siyang alam na nangyayari, kung bakit gusto ng sarili niyang ina na patayin siya
"Please Mama, M-May nagawa po ba akong mali?" humigpit ang hawak ni Jane dala niyang kutsilyo
"No, son, it's me who did wrong" mas lalong naiyak si Jane "Dahil sa pag kakamaling yun kailangan mo ng mamatay" mapait na sabi nito
"You're joking" sigaw ni Carrick sa sariling ina
"Sana nga nag bibiro lang ako" lumapit siya sa kanyang anak. Hinila niya ito at niyakap
"I'm sorry if I have to do this" bulong niya sa umiiyak niyang anak. Nagulat siya nang yakapin rin siya pabalik ni Carrick
"I love you, mama" bulong nito pabalik
"JANE" she stabbed Carrick's abdomen without looking to the people who called her
"I love you too, son" she whispered
Doon nag simula na magalit ang lahat ng nandito kay Jane. Si Madam Von ang nag desisyon na manatili si Jane sa pagiging guro dito dahil hindi pa sila tapos sa kanya. Sa Morach ang pinaka tahimik na iskwelahan kumpara sa dalawa pang Academy pero sa Morach rin ang may pinaka masamang ugali na students kaya doon siya nilagay. Si Madam Von lang ang pumipigil sa kanilang wag patayin si Jane dahil ayaw talaga nito ng karahasan
Naniniwala itong hindi buhay ang kabayaran ng nawalang buhay. Magulo talaga ang matandang si Madam Von
Halos araw araw ay pahirap sa kanya. Kaya siguro siya nabaliw. Napag-kasunduan nilang panatiliing bakante ang VP ng Morach para kay Carrick
"I need to talk to Jane" napatingin silang lahat kay Hera nung bigla itong magsalita pag katapos ng mahabang pag tahimik
"Amy, order your platoon to bring Jane Oliveros to me" utos nito kay Amy at saka tumayo "I need answers" bulong nito sa sarili at nag lakad na papaalis
"I'm just in experiment room" huling sabi nito bago mawala sa paningin nila
-----
Hinahanda ni Hera ang syringe niya nung biglang pumasok ang mga tauhan ni Amy kasama si Jane
"Are you ready to tell me the truth?" malamig na sabi ni Hera kay Jane na halata ang kaba sa mukha
"A-Anong gagawin mo sakin?" kinakabahang tanong nito sa kanya ngunit hindi siya pinakinggan ng dalaga
"Itali niyo siya jan" utos niya sa mga 'to na agad namang sumunod
"Anong gagawin mo sakin? Anong kailangan mo sakin?" pag tatanong ulit nito pero katulad kanina ay hindi siya nito pinakinggan
Busy si Hera kakalagay ng drug sa syringe. Drug na kapag tinurok mo sa isang tao may mag sasabi ito ng totoo. Kahit anong itanong mo sasagot siya ng totoo
"Sandali lang 'to" ngumisi si Hera habang itinuturok niya kay Jane ang syringe
Malalaman na niya ang nilihim ni Jane ng ilang taon
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top