CHAPTER 31

CHAPTER 31 - VON CASTLE

Xy's POV

"Kara" tawag sakin ni Madam Von

"Bakit, Madam?" tanong ko rito

"Kung may tanong ka mamaya sabihin mo kay Aira. Siya ang sasagot" nakangiting sabi nito sakin

"Ang ibig niyang sabihin ako ang makakasama mo buong araw at hindi... " sabi ni Aira at tumingin kay T "Siya" napatingin kami kay Amy nung bigla siyang humagikgik

"Ehem bakit nga pala wala sila Carlos?" sabi ni Prince pero nakatingin lang siya sa pag kain niya

"May nililinis lang sila sa Morach" casual na sabi ni Madam Von

Kapag katapos naming kumain ay agad na kinuha ni T ang platito ko para ilagay sa lababo

"Ui yung akin rin palagay" sabi ni Alduxe kay T at binigay ang plano niya. Tinignan lang siya ng masama ni T

"You have your own hands, idiot" malamig na sabi niya dito

"Sabi ko nga, ako na mag lalagay" pabulong na sabi nito at nilagay ng padabog ang plato niya sa lababo

"Alduxe wag kang mag basag dyan" sigaw ni Madam mula sa sala

"Si Prince yun, Madam" balik na sigaw ni Alduxe

"Prince" muling sigaw ni Madam na napaniwala ni Alduxe

"Tss" sabi ni Prince na halatang walang pakielam "Welle, pasabay naman ako" sabi ni Prince kay Joy na mag lalagay ng plato niya sa lababo. Pinaningkitan siya ng mata ni Joy

"You have your own hands, idiot" panggagaya nito sa linya ni T. Mahinang napatawa nalang ako

"Tss" hinila na ako ni T palabas ng dinning area. Pumunta kami sa sala kung nasan nag babasa si Madam ng kung anong papeles

"Aira will discuss to you everything you need to know about Empire Academies" nakangiting sabi ni Madam Von sakin. Gumanti nalang ako ng tipid na ngiti dito

"Kara tara na para matapos na agad" sabi ni Aira na kadarating palang

"T, sama lang ako kay Aira" paalam ko rito. Tipid lang siyang ngumiti at tumango

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Aira. Sumusunod ako sa kanya palabas papunta sa malawak na garden

"This is called Empire Academy but originally this is the Von Castle. Namana niya ang kastilyong ito sa mga magulang niya. Maaga siyang nawalan ng magulang at di niya alam kung nasan ang relatives niya kaya sa murang edad siya na ang nag aayos ng lahat" mabilis na sabi niya habang nag lalakad kami. Umupo siya sa isang upuang kahoy kaya umupo rin ako sa harap niya

"But then, nalaman niyang hindi lang ito ang namana niya. In her young age she became a Mafia boss.And that is also the time when she found out that the death of her parents wasn't an accident" pag tutuloy nito sa kwento niya

"You mean, she build the Empire Academies to find and have revenge to the people who killed her parents?" tanong ko rito

"Nope. She started this because she want us to be ready. Para hindi mangyari satin ang nangyari sa kanya. Kung wala siyang nagawa dati para iligtas ang magulang niya tayo pa raw meron" nakita ko siyang tipid na ngumiti "Yes, she teaches us how to kill. Yes, she approved all the brutality. Yes, you can say that she teaches us in a wrong way" tumingin ito sakin. I can see happiness and amazement in her eyes

"But she only wants us to know that life is not always about rainbows and cakes. It will always find a way to bring you down and broke you into pieces" nakangiti na ito habang sinasabi niya ang mga katagang iyon

"But it still killing. We should not doing it. And the activities in school its not normal" pag tanggi ko rito

"Kami rin naman ang nag pumilit sa kanya. We want to learn how to fight in life. Kasi sa panahon ngayon kapag mahina ka, Palagi ka nalang matatalo" huminga ito ng malalim bago mag patuloy mag salita "She teaches us how to be strong. Strong enough to broke the walls that blocking our dreams. Kaya ngayon wala ng makakapigil samin. We can do everything kasi walang harang na hindi namin kayang lampasan" she said it proud. Now I know why Madam Von earned their respects

"Well nandito tayo para hindi lang pag kwentuhan ang buhay ni Madam Von. Sinabi ko lang yun sayo para mag karoon ka ng background bakit pinatayo 'to ni Madam Von" pag sisimula nito sa bagong topic

"You're the new Captain kaya dapat makita naming karapat dapat ka talaga sa posisyong iyan" bumalik na ang dating pormal na boses nito "Ang nakatira dito ay ang mga taong gustong makakuha ng special training. Si Alduxe hindi lang halata sa mukha niya pero siya ang Empire Training Captain halos lahat ng physical combat alam niya" nagulat naman ako sa sinabi niya. Oo hindi talaga halata sa mukha niya

"Meron siyang Apprentice Jael Fuentes, sa long-range siya magaling. Kaya pinili naming pag samahin sila ni Alduxe" paliwanag nito sakin. Tumango nalang ako

"Alam mo na sigurong may dalawang school pa bukod sa Morach. Wilson Academy for gangsters and Arvisian Academy for assassins. Alam kong kilala mo na si Carlos siya ang president ng Morach" tango lang ako ng tango sa sinasabi niya "Walang pinag kaiba iyon sa Wilson at Arvisian. Ang tatlong school ay mayroong President, Vice at secretary lang, hindi tulad dito"

"Si Prince ang president ng Arvisian Academy. Makikilala mo rin ang iba kapag nakasalubong mo sila" mabilis siyang mag salita pero kahit papano ay nasusundan ko naman

"Lahat ng Captains may kanya kanyang Platoon. You should start to build your own Platoon. Sila ang gagawa ng ipag uutos mo. Gaya ng sinabi ni Madam, nasayo ang desisyon kung paparusahan ba siya, kung anong parusa niya o kung papalayain pa siya. Nasayo na yun. Walang mangingielam sa desisyon mo pero si Aihika minsan kapag ayaw niya sa parusa siya ng papalit at siya mismo ang gagawa"

"Ayaw niya sa mashadong malambot ang puso. Sa kaso mo ngayon nakikita ko na papalayain mo lang lahat ng mapupunta sayo" sabi nito habang inaayos ang salamin niya at pina-niningkitan ako ng mata

"Baka tanggalin ka niya sa posisyon mo pag nainis siya sayo" banta nito tinanguan ko nalang siya

"Hmm nag tataka lang ako bakit hindi ko nakikita ang Vice president ng Morach?" natigilan ito sa tanong ko. Walang emosyon niya akong tinignan "Bakit? May mali ba akong nasabi?" tanong ko ulit dahil biglang nag bago ang mood nito. Umiwas ito ng tingin sakin at tumikhim

"Makikilala mo rin siya" sabi nito sakin. Tumango nalang ako. Hindi ko na pinansin ang pinag halong lamig at lungkot sa boses niya

"Siguro naman tama na yung nalaman mo. Tanungin mo nalang ako sa mga gusto mo pang malaman" sabi nito at agad na umalis sa harap ko. Anong nangyari dun?

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top