CHAPTER 30
CHAPTER 30 - FAMILY
Xy's POV
Pag gising ko agad kong nakita si Galen na natutulog sa sofa ng hospital. Mas mahaba ito sa sofa kaya malamang ay nahihirapan ito. Dahan dahan akong umupo para makita ko siya ng maayos
Mahina akong napapatawa dahil papalit-palit siya ng pwesto. Nakatagilid siya pero nakaharap sakin. Hinimas nito ang leeg niya. Napatawa nalang ako
"Have you enjoy watching me" napatigil ako nung marinig ko ang boses niya. Nakabukas na ang mata niya at nakatingin ito ng deretso sakin
"Hmm" napaiwas agad ako ng tingin "Makakalabas na ba ako ngayon?" tanong ko dito at pag iiba narin ng topic
"Yeah" maiksing sagot nito. Kita ko naman sa peripheral vision ko na tumayo siya at umupo sa gilid ng kama
"Kara--"
"Baby" naputol yung sasabihin ni T. Sabay kaming napatingin doon sa may biglang pumasok
"Mom. Dad" mahinang banggit ko
Mafia Zalirous
Gusto kong mag tanong sa kanila. Pero hindi pa ako handa makinig. Hindi pa ako handa malaman ang totoo. Ayokong lalo masaktan
Naramdaman ko nalang ang yakap sakin ni Mommy
"I'm worried about you. Hindi lang kami agad pinapunta ni Madam" malambing na sabi nito sakin. Hindi naman mashadong mahigpit ang yakap ni Mommy sakin kaya hindi masakit
"What do you know about Mafia Zalirous, Mom?" tanong ko sa kanya. Agad siyang natigilan at lumuwag ang yakap niya sakin
"How did you know?" nawala ang emosyon sa boses nito
"So it's true" mahina pero alam kong rinig nila yun
"Ikaw ba ang nag sabi sa kanya?" may galit sa boses ni Mom habang nakatingin ng masama kay T
"Hindi wala siyang ginagawa" pag tatanggol ko sa kanya. Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Mommy
"Kayo bakit hindi niyo man lang sinabi sakin?" madiing tanong ko sa kanila. Kahit ayoko ay tumulo parin ang luha ko
"Does it matter?" malamig na sabi ni Mommy parang ibang tao na siya ngayon
"Yes, mom" sigaw ko rito. Hindi man lang ito kumurap nakatingin lang ito sakin ng malamig "Kung sakaling sinabi niyo lang sakin ng mas maaga sana naligtas ko na siya" kumunot ang noo niya sa sinabi ko
"Sinong ililigtas mo?" tanong nito sakin
"Hindi mo na kailangang malaman. Hindi niyo nga pinaalam sakin na Mafia pala kayo" pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko "Bakit, Ma, Pa mashado ba akong naging pabigat sa inyo kaya di niyo na ako pinag kakatiwalaan" lumambot ang expression nito nung sabihin ko iyon
"No baby" sabi nito sakin at akmang lalapit pero agad akong umiwas
"Ayaw ka lang namin madamay sa gulo" paliwanag nito
"Stop explaining. I'm not gonna listen to you" sigaw ko ulit sa kanya. Tumingin ako kay T na hindi nangingielam sa away namin
"Please take me back to school" sabi ko sa kanya agad naman siyang tumango
-----
"Nasan tayo?" tanong ko kay T. Nasa tapat kami ng isang itim na gate
"Empire Academy" sagot nito
"Bakit tayo nandito? Bakit hindi sa Morach?"
"Sabi ni Madam Von dito na raw tayo dumeretso" sabi nito. Automatic na nag bukas ang pinto kaya agad kaming nakapasok. Dinaanan namin ang malawak na garden. Nakahilera ang mga halaman na para bang sinasalubong ka talaga. Tumapat ang kotse sa mismong pintuan
Lumabas siya sa kotse. Bubuksan ko na sana yung pintuan nung naunahan ako ni T. Inalalayan pa ako nitong lumabas ng kotse
Binato nito ang susi ng kotse niya sa butler para ito ang mag punta sa parking
Agad kong nalibot ang mata ko. Para itong hindi skwelahan, para lang itong castilyo sobrang laki
"Nandito na pala kayo" napatingin kami sa sumalubong samin
"Madam Von" bati ni Galen dito
"Ayos ka na ba, hija?" nakangiting tanong nito sakin. Tumango nalang ako
"I'm just wondering, why is it called an academy when it doesn't look like one" takang tanong ko dito. Natawa naman ito
"Yeah it's an academy for special persons only" ngiting sagot nito sakin
"Special" I murmured "You mean the Council?" tanong ko ulit
"Tumpak! pero hindi lahat kasali sa Council. Like..." dumapo ang tingin nito kay T "Like him" pag tutuloy nito habang makahulugang tumingin kay T
"Lets have breakfast" hindi mawala ang ngiti nito. Sumunod kami sa kanya papunta sa dining table
"Hi Kara" nakangiting bati sakin ni Amy. Nag luluto siya ngayon
Mahaba ang lamesa kasya ang 16 na katao. Nakita kong nakaupo sa isa sa mga upuan doon si Aira
"Nako Aira umagang umaga laptop mo kaharap mo" nagulat nalang ito nung biglang may nag tiklop ng laptop niya. Naka messy bond lang ito at halata mong kakagising lang hindi tulad ni Aira na akala mo ay mag oopisina na
"What the fck. JOY!" sigaw nito sa babaeng pinakielaman siya pero hindi lang siya pinansin ng babae at lumapit kay Amy
"Have a sit, Xy" sabi ni T at pinag hila ako ng upuan na agad ko rin namang tinanggap. Napansin ko agad ang tingin nila maging ang focus ni Aira sa laptop niya ay napatingin rin samin
"Morning Guys" nabaling ang tingin namin sa bagong dating. Si Shin. Umupo ito sa pinaka dulong upuan at inuntog ng mahina ang noo niya sa lamesa pero tahimik parin ang lahat
"Ehem guys luto na" basag ni Amy sa katahimikan. Isa isa nitong nilapag ang breakfast namin
"I- I'll help you" biglang sabi ni Aira. Umalis ito sa harap ng laptop niya at tinulungan mag handa si Amy
"Tatawagin ko na yung mga tulog" paalam ni Joywelle at lumabas sa kusina. Tumabi sakin si T at hindi parin nag babago ang posisyon ni Shin
"Yow people" napatingin kaming lahat sa bagong dating. Lalaki ito na walang damit pang itaas at hindi ko ito kilala
"Hijo, gising ka na pala. Umupo ka na at kakain na" yaya nito sa bagong dating
"Ayos may pag kain na agad" nakangising sabi nito at umupo narin. Napatingin ito sakin pero agad ring umiwas
"Ikaw, wag mo kong ginigising" dumating ang isa pang lalaki. Nakaakbay ito kay Joywelle at ginugulo ang buhok
"Wag mo ngang ginugulo ang buhok ko, Vin" angal nito at tinanggal ang pag kaka-akbay sa kanya ng lalaking tinawag niyang Prince
Kanyang kanyang upo ang mga ito. Nakaupo si Madam Von sa kabilang dulo at sa isang dulo naman ay ang nakaukong si Shin. Siya lang ang malayo samin
"Hindi na tayo nakumpleto sa agahan. Mga kabataan nga naman" sabi ni Madam Von "Katulad niyan" turo niya kay Shin "Nagising nga, natulog naman ulit" pangaral nito
"Chill, Madam, kumain nalang tayo" sabi nung lalaking nakahubad at nauna ng sumandok
"Tumigil ka, Alduxe" pigil sa kanya ni Madam Von "Kayong dalawang lalaki. Hindi muna ba ako mag papakilala kay Kara" mataray na sabi niya sa dalawa. Tumingin muna ito kay T bago sakin at saka ngimiti ng matamis
"Alduxe Sevilla, beautiful" pakilala sakin nung lalaking walang pang itaas
"Prince Carvin Theron" sabi nung lalaking naka-akbay kanina kay Joywelle. Kumukuha na ito ngayon ng pag kain
"Tara na kumain na tayo" walang nagawa ni Madam Von dahil nag kuhanan na kami ng pag kain. Masaya silang kumakain habang si Shin natutulog lang sa pinaka dulo
This is really a Family and I'm happy that I'm now belong to them
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top