CHAPTER 3
CHAPTER 3 - FIRST DAY
Xy's POV
"Baby gising na" rinig kong sabi ni mommy habang tinatapik ako ng marahan. Bahagya akong umungol. Ayoko sanang mag umaabala sakin habang natutulog ako pero nung napunta ako sa Eagles hindi talaga maiiwasan yun
"Five minutes" inaantok ko pang sabi
"Anong oras ba first class mo?" rinig kong tanong ni Dad
"9:30 Its too early" kahit inaantok ay sumagot parin ako
"Anong Its too early? 7:00 na kaya" sabi ni Daddy. Nakasimangot akong bumangon sa kama at mahahalata mong tamad na tamad akong pumasok sa banyo. 7:00? maaga parin naman yun huh
Pumasok ako sa shower area at sinara yung pinto. Sa loob kasi ng banyo may lugar pa para lang sa pag shoshower para hindi mabasa yung sa ibang bahagi. Nang matapos ako nakita ko agad ang uniform ko. Napamangha nanaman ako. Yung coat niya kasi pa butterfly. Ang cool ng school na napasukan ko
Pag tingin ko sa salamin. Nagulat pa ako nung makita kong nakangiti ako ng malaki. Parang kahit sandali bumalik yung dating ako. Yung napapangiti mo kahit simpleng bagay lang
Nung lumabas ako ng banyo. Nakangiti si Mommy at Daddy sakin
"You look great, anak" sabi ni Dad
"Ang ganda mo baby" sabi naman ni Mom at niyakap ako. Tipid ko silang nginitian. Siguro kung hindi lang ako nahiwalay sa kanina tumatalon na siguro ako ngayon dahil sa pinuri nila ako. Mahilig akong pakinggan ang papuri ng iba pero dahil din sa hilig kong yun.... Bumuntong hininga ako. Ayoko ng isipin pa yun
"Mag breakfast na tayo at hahatid ka na namin sa class room mo" nakangiting sabi parin ni mama. Tumango nalang ako at lumabas na kami sa room ko
"Alam mo ba baby maraming bagay kang pwedeng gawin dito sa Morach. Maraming activities dito sa school" kwento ng kwento si Mama tungkol sa Marach pero lahat yun ginagawa sa normal na school. Wala siyang sinasabing kakaiba hindi katulad kapag kausap ko si dad
"At dito ko rin nakilala ang papa mo. Alam mo bang sobrang sungit niyan pero aba nung nakita ako natulala ang gago--" napatingin ako sa kanya ng mag mura siya. Napatigil din si Daddy na nakasunod lang sa likod namin. Napahawak naman si Mom ng bibig niya nung na realize niyang nakapag mura siya
"Your mom was a cussing machine before" si dad ang unang nakabawi sa pag kagulat
"Wow" mahinang usal ko. I just can't believe it. Mom is to sweet to be a cussing machine
"Bringing you here is really a bad idea, Leila" rinig ko pang sabi ni Dad. Naka pout naman si Mama
"Namiss ko kayang tawagin kang ganon. Ang panget lang kasi ng tawag mo sakin eh. May pa hon hon ka pang nalalaman eh" reklamo naman ni Mom. Ngayon ko lang sila nakitang ganyan. Ngayon lang ako nangarap na sana makahanap din ako ng gaya ni Dad
"That's what you call sweet, Hon" wala paring pinag bago sa boses ni Dad pero andami ng naging reaksyon ni Mom
"Oi Mateo nung naging tayo hindi mo alam yung salitang yan" parang nakikipag basag ulo ngayon si Mom sa tono ng pananalita niya. Ngayon ko lang narinig ang pananalita niyang ganon
"Ikaw din naman" sabi ni Dad
"Ako pa talaga. Ang galing mo talaga, Mateo ako nga lang yung malambing sating dalawa" naiinis na sabi ni Mom "Kaya ikaw baby wag kang hahanap ng kagaya ng daddy mo. Babae dapat ang nilalambing hindi yung mas babae pa sayo kung maka arte" mataray na sabi nito. Napatango nalang ako kakasabi ko lang na gusto ko ng katulad ni Dad eh. Lahat ng pinapakita ni Mom ngayon bago sa paningin ko. Parang sila nga lang ni Dad ang nag kakaintindihan
"Hoy babae napaka arte mo nga nun. Kailangan ko pang magtampo para lang lambingin mo ako" mas nagulat ako sa sinabi ni Dad. Kahit kelan hindi niya tinawag ng ganon si Mom. Parang inis na inis narin si Dad kay Mom ngayon. Si Mom naman ay nag make face lang
Lihim akong napangiti. Nag bago sila nung makatungtong ulit sila dito sa Morach. They are reminiscing the things they've done here
"Pero dahil din sa Daddy mo napatunayan kong hindi lang pala puro gulo ang pwede kong maranasan dito sa Morach Academy. Marami pang magagandang bagay. Pero siya ang pinamagandang bagay na nangyari sakin dito" nakangiti siya habang nakatingin sa malayo. Malata mo ang saya sa mga mata niya "At yun ang gusto kong maranasan mo kaya pumayag ako sa Daddy mo na dito ka mag aral. Sa hindi mo inaasahang oras at pangyayari makikita mo siya" halata sa boses niyang inaalala niya si Daddy habang sinasabi yun. Napatawa naman ako ng bahagya
"Wala ng katulad ni Daddy sa panahon ngayon, Mom, Hindi mangyayari yang sinasabi mo" natatawa ko paring sabi ko. Pero nakita ko lang ang nakangiti pero seryso niyang mukha
"Ayon na yung classroom mo" mahinang sabi ni Mom. Tumingin lang ako doon saglit at tumingin ulit da kanya
"You want to say something, Mom?" tanong ko dito dahil parang may gusto pa siyang sabihin. Ngumiti siya
"Kahit gano kagulo tumingin ka parin sa magandang anggulo. Dahil lahat ng bagay na dumadating sayo hindi mo inaasahang kakailanganin mo" makahulugang sabi niya. Ano bang gusto nilang iparating ni Dad. Parang sinasabi nilang magulo dito. Eh wala naman akong nakikitang gulo o ano pa man. Ayoko naman na mag tanong dahil alam kong hindi din nila ako sasagutin
"Good luck ang take care, baby" pormal na ulit ang boses ni Dad at yumakap sakin. Pinat niya din ang ulo ko pero iningatan niya na hindi malaglag ang bonnet ko
"Sure, Dad" mahinang sagot ko at pumunta na dapat sa classroom ko ng biglang hawakan ni Mom ang braso ko
"One thing, Baby hanggat maari wag kang mangingielam. Kahit anong makita mo bukas wag pumasok sa gulo nila. Don't let your guards down" seryosong sabi ni Mom na kinakunot ng noo ko kaya napatingin ako kay Dad na may ngisi ngayon sa mukha niya
"D-Dad" tawag ko dito. Nakatingin siya sakin at napalitan ng ngiti ang ngisi siya
"Lahat meron ka na pwede mong gawing panlaban" at ulit hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig
"I'm going now" sabi ko nalang at hindi pinansin ang sinabi niya
"Good bye. Take care, baby" rinig ko pang sabi ni Mom tumalikod na ako at nag simulang nag malakad papasok sa classroom ko
Agad kong ginala ang mata ko. Just a typical classroom nothing's special. Umupo ako sa pangatlong row dahil ayoko ng mashadong malayo sa teacher pero ayoko rin ng sobrang lapit. Nakinig lang ako sa music habang nag dradrawing. 7:50 Mashado pang maaga kaya ang iba ay siguradong natutulog pa
Baby, I'm playing on you tonight
Hunt you down eat you alive
Just like animals. Animals. Like animals
Baby, You think that you can hide
I can smell your scent from miles
Just like animals. Animals. Like animals
Nag eenjoy ako sa pakikinig habang nag dradrawing. Hindi inaalala yung mga sinasabi ni Dad
"Ang galing mo namang mag drawing" napatingin ako sa nag salita. Isang babae nanaman at may ngiti ito sa labi. Napatingin ako sa papel. Naiguhit ko ang classroom
"Hmm thanks?" kahit hindi sigurado ay sinagot ko nalang ito
"Ako nga pala si Bea. Ikaw?" nakangiti parin ito at nilahad ang kamay niya sakin
"Kara" sinabi ko nalang ang pangalan ko. Hindi ko kinuha ang kamay niya at nag patuloy lang sa mag guguhit. Bakas sa mukha niya ang panghihinayang
"Alam mo hindi dapat ganyan ang pakikitungo mo sa iba. Kung ganyan ka ng ganyan wala ka ng magiging kaibigan" halatang naiinis siya sakin siguro ay napahiya siya dahil hindi ko tinanggap ang kamay niya
"Sino bang nag sabi sayo na gusto ko ng kaibigan" malamig na sabi ko at nakita ko naman siyang natigilan "No one order you approach me" malamig ko paring dagdag
"It's an order" natigilan ako sa pag sigaw niya
"What do you mean?" sabi ko. Inalis ang earphones ko sa tenga ko at hinarap ko siya
"It's an order to approach and be friendly to everybody while you are living in this school" sabi niya at mas dumami ang tanong sa isip ko. Ganito ba kaganda ang school na 'to para pahalagahan nila ng ganito ang salitang friendship. It sucks!
"Ako na nga nakikipag kaibigan sayo dahil halata namang wala ka pang kaibigan" halata sa mukha niyang napahiya talaga siya sa mga kinikilos ko. Pero ayoko ng kaibigan
"Can you please find another chair yung malayong malayo sakin. You are annoying me" malamig na sabi ko dito ng hindi siya tinitignan. Nakatutok lang ako sa drawing ko
"Bitch" rinig kong sabi niya at umalis sa tabi ko
Hindi rin naman nag tagal ay nag sidatingan na ang mga kaklase ko at ang Prof
"Good Morning Class" masayang sabi nito. At dahil mababait sila binati nila pabalik ito
"Good Morning" sabay sabay na sabi nila
"Ganda talaga pag new students nakakagana mag turo sa inyo" hindi mabura ang ngiti nito sa labi na parang sobrang saya nito dahil minsan lang mangyari ang ganito. Pati teacher ang weird
"Just call me Miss Jane" masayang pakilala niya "Kayo naman ang mag pakilala sakin. Lets start with you" dagdag niya at tinuro ang isa sa mga kaklase ko
"Xy Kara" pakilala ko nung turn ko na parang bula namang nag laho ang ngiti niya at parang gulat na gulat ito
"Are you one of the old students?" gulat at kaba ang mayroon sa boses niya. Kaya kumunot nanaman ang noo ko
"Of course not, Stupid" naasar na sabi ko. Naturingang teacher di alam na ang pinapapasok lang ngayon sa school ay ang mga new Students
"S-Sorry" paghingi nito ng paumanhin at tinuloy nalang nila ang pag papakilala
"So guys may mga kaibigan na ba kayo?" naging masigla ulit ang boses niya matapos ng mahaba niyang pananahimik
"Opo" parang batang sabi nila
"Ikaw Miss Xy. Do you already have a friend?" pag tatanong niya sakin dahil ako lang ata ang hindi sumagot
"I don't need one. And don't call me Xy we're not close" malamig na sabi ko sa kanya na kinatahimik naman niya. Actually si Mom and Dad lang ang tumatawag sakin ng Xy mas maganda narin yun dahil kapag may tumawag saking Xy alam ko na agad na sila yun
"You're being rude to me, Miss Xy despite of being new here" nanginginig ang labi niya habang sinasabi yun
"I'm not. I'm just being myself. And do I really have to repeat that you have no rights to call me Xy" malamig parin ang pakikitungo ko. Nasimulan kasi ng pag kikipag usap dun sa babaeng tumabi sakin kanina
"It's your first day here. You should not give me that kind of attitude" halatang nag pipigil nalang siya ng galit
"Then what should I show you?" kunot noong sabi ko "Don't expect me being nice to you just because its the first day of class. And I still don't care if you are a teacher. I'll answer you in any way I want" tinignan ko siya sa mata niya "Miss.Jane." sabi ko rin sa pangalan niya at sandaling ngumisi
"How dare you" galit na sabi niya
"Mas mabuti ng alam niyo na ganito ang ugali ko kesa naman mabigla ka na may ugali pala akong ayaw mo" tinignan ko ang mga tao sa loob ng classroom "Wala akong balak makipag plastikan sa inyo, Miss" mariing sabi ko nang tignan ko siya
"Hindi ka rin iba sa kanila" seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin. Nang muling kunot ang noo ko ay umiwas siya ng tingin. Nakakainis nadagdagan nanaman ang tanong sa ulo ko
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top