CHAPTER 27

CHAPTER 27 - MADAM VON

Xy's POV

"M-Mafia Zalirous" bulong ko sa sarili ko. Gulong gulo na ako. Totoo ba ang sinasabi ni Hera?

Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ako nakapasok sa school na 'to. Isa ring Mafia ang pamilya ko. Katulad rin ng mga kumuha sakin. Katulad rin ng mga nag pahirap sakin

Napasuntok nalang ako sa lupa. I need to get out from this place. Tumayo ako at tinignan si Hera

"Take me to Aihika" malamig na sabi ko sa kanya. Mahinahon lang itong tumango at nauna ng mag lakad

Kusang nag hiwalay ang istudyante para paraanin kami. Yung kaninang magulo ay sa isang iglap naging tahimik

Wala ring sumubok na kunin sakin ang susi. Ganito ang apekto sa kanila ng pamilya ko-- hindi ko na alam kung pamilya ko pa ba sila

Bakit nila nilihim sakin? Pabigat ba talaga ang turing nila sakin? Kasapi ako sa pamilya pero bakit hindi nila sakin sinabi. Maraming pag kakataon na pwede nilang sabihin sakin

Si Devil... matagal ko na sana siyang naligtas. Meron pala silang kapangyarihan. Meron pala akong magagawa

Tahimik na sumusunod lang ako kay Hera hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Siya na mismo ang kumatok para sakin

"Pasok" I've heard her cold voice but that is full of authority. Hera opens the door for me

"Give the key to her then you will have your freedom" hindi parin nag babago ang pananalita nito. Tinanguan ko nalang siya at pumasok na ako sa kwarto mismo ng Supreme President

Solon's POV

"Hindi ko alam kung good o bad news ba na si Kara ang nakakuha ng susing yun" sabi ko ulit kay Galen na ngayon ay hinihilot ang sentido niya ng nakapikit. Nag bukas ako ng dalawang beer. Nilapag ko sa center table ang isang beer para sa kanya at umupo sa harap niya

"That's a bad news, idiot" naiinis na sabi niya. Mabilis niyang kinuha ang bote at walang tigil na nilalaklak iyon

"Sabagay maaaring malaman niyang ikaw si Galen. Tapos magagalit siya sayo. Tapos di ka na niya papansinin. Tapos iiwasan ka na niya. Tapos di na kayo mag kikita. Tapos dahil di na kayo nag kikita di na kayo mag kakasama. Tapos hahanapin mo siya pero lalayuan ka niya. Tapos maiiwan ka nalang sa isang tabi umiiyak ng brokenhearted. Tapos wala ng forever sa inyo--" may lumipad na bote ng beer papunta sakin buti nalang nakaiwas agad ako

"Gago! Ang daldal mo" matigas na sabi niya at lumabas na opisina ko

Mag uumaga na pala. Makakatulog narin ako ng mahimbing. Humiga ako sa couch at pinikit ang mata ko. Ginamit ko ang braso ko para gawing unan

"Sarap talaga ng buhay mo, Solon Thales" sabi ko sa sarili ko ng nakangiti

"Masarap ba, Solon? Gusto mo bigyan kita ng mag papahirap sa buhay mo?" napabangon ako bigla nang marinig ko ang boses na yun

"M-Madam Von" tawag ko sa pangalan niya

"Ako nga, Solon" nakangiti nitong sabi "Aren't you happy that I'm here?" masayang tanong nito sakin

"Masaya naman, Madam" sabi ko dito at pinilit na ngumiti. Matanda na ito pero makikita mo parin ang bakas ng pagiging magandang babae niya noong kabataan

"Masaya ba talaga?" natatawa niyang sabi. Napakamot nalang ako sa batok bago umayos ng upo

"Bakit ka nga pala nandito, Madam?" pag tatanong ko dito. Umupo muna ito sa inupuan ni Galen kanina

"Bawal na ba akong pumunta dito?" sagot niya sakin

"Hindi naman sa ganon, Madam, Alam kong marami kang ginagawa" palusot ko. Lahat kasi ng members ng Council ayaw na ayaw na makita o ni makasalubong man lang siya. Lahat kami nag tatago pag parating na siya. Ang dahilan... simple lang naman dahil isip bata siya at mahilig mangyakap. Si Amy lang ata ang nakakasundo ni Madam

"Halika nga't yakapin mo ako para mawala ang pagod ko" malambing na sabi niya. Sinabi ko naman sa inyo. Pero dahil malaki ang respeto namin sa kanya dahil siya ang nagturo samin kung pano maging patas sa lahat at sa maraming bagay minsan ay wala kaming nagagawa at nag papayakap nalang kami. Katulad ngayon...

"Pumunta agad ako dito nung mabalitaan kong tapos na ang agawan para sa susi" sabi nito nung pinakawalan niya ako sa yakap niya

"Meron na nga po" sagot ko dito

"She's a girl, right? First time 'to" tumango nalang ako sa sinabi niya

"I wanna meet her. Tell her that she'll have her lunch with us later" utos nito sakin agad naman akong sumimangot

"I'm not the secretary, Madam" angal ko dito. Sumingkit naman ang mata niya sa sinabi ko. Kaya bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko. Text lang ang sinend ko kay Julianne dahil ayoko ng mag salita. Nag reply naman ito agad

"Sasabihan na daw niya, Madam" balita ko rito

"Sige punta lang ako sa office ko. Kita tayo ng lunch" masayang paalam nito sakin at lumabas na siya sa office ko

Nang masarado na niya ang pinto. Nakangiting nahiga nanaman ako sa couch at natulog

This is what I want...

Third person's POV

"Matulog ka na muna. Baka ipatawag nalang kita mamayang lunch" sabi nito sakanya. Marahan lang siyang tumango at tumalikod kay Aihika. Pero hindi pa man din siya nakakalayo ay bigla nalang siyang bumagsak

Puno ng dugo ang balikat niya. Nakalimutan niyang may tama pala siya ng baril dahil sa nalaman niya. Mashado siyang wala sa sarili niya

Unang pumasok sa isip ni Aihika na tawagan si Leila ang ina ni Kara pero mukhang hindi magandang idea yun kaya si Galen nalang ang tinawagan niya

"Galen, bring Kara to the hospital" yun lang ang sinabi niya at pinatay ang tawag. Umuko siya para tignan ang lagay ni Kara habang hinihintay si Galen na dumating

Medyo marami narin ang dugong nawala sa kanya. Hindi naman nag tagal ay dumating na si Galen. Halata mong galing ito sa mahabang pag takbo

"Aihika" rinig kong sabi ni Galen pag katapos niya buksan ang pinto. Agad niyang nakita ang si Kara na duguan ang likod

Walang sabi sabi na bunuhat nito si Kara

"Aihika, open the walls" utos niya kay Aihika at tumakbo na papunta sa kotse niya

Agad na pumunta si Aihika sa control room para gawin ang inu-utos ni Galen

Dahan-dahang nilagay ni Galen si Kara sa kotse niya at pumasok siya sa driver's sit

"Devil" mahinang buong ni Kara kaya napatigil siya. Pero hindi siya nag paapekto at pinaandar na ang kotse niya

Unti unti namang nag bukas ang pader. Nakalabas sila ng walang kahirap hirap

"NAKO nabaril siya?" gulat na sabi ni Madam Von. Nasa isang mahabang lamesa sila na pinamumunuan niya

Nasa dalawang gilid naman nito si Aihika at Solon at nasundan na ng members ng student Council

"Opo, Madam" magalang na sagot ni Aihika

"Aww sayang naman at hindi niya tayo masasaluhan ngayon" malungkot na sabi nito

"Oh well matagal naman ako rito kayang kaya ko siyang intayin" dagdag nito na naging masaya na ang boses

Nag patuloy sila sa pag kain ng mag salita nanaman si Madam Von

"Bakit nga pala maraming kulang sa Empire Council. Si Amy? At nasan nga pala yung dapat sasalubong sakin?" biglang naging strikto ang boses nito. Tumikhim si Aihika bago magsalita

"Si Galen ang dapat sasalubong sayo, Madam, But unfortunately he insist to bring Kara in the hospital" sagot niya sa matanda na agad na tumaas ang isang kilay

"That's new" gulat na sabi nito

"That girl makes many new things in Galen's life, Madam, if only you knew" natatawang sabi ni Carlos

"A lot of things that makes me wanna kill her right now" malamig na sabi ni Hera habang tamad na tamad na nakatingin sa pag kain niya

"Hindi ko alam kung kakampi ka ba o kaaway, Hera" sabat naman ni Solon sa usapan tungkol kay Kara

"I'm in no one side, brother" katulad ng kanina ay malamig parin ang boses nito

"You helped her" Ira said

"You helped her, too" Hera said back

"Tama na nga yan. Mga bata talaga" sabi ni Madam Von sa mga nag tatalo

"Sino ba yang pinag uusapan niyo?" tanong ng matanda

"She is Kara Zalirous, Madam, The girl who got the Key of Freedom" si Julianne na ang sumagot dahil mukhang hindi makakausap ng maayos ang mga tao rito sa loob

"Zalirous?" takang tanong nito sa sarili niya "Is she related to Leila and Mateo Zalirous?"

"Her parents, Madam" Julianne replied

"How come I know nothing about that thing" kunot noong sabi nito "Nakakatampo naman yung dalawang yun" pinag patuloy nito ang pag kain niya pero muli itong napahinto "May gusto si Galen sa isang Zalirous?" gulat na tanong nito sa kanila

"He's in love, Madam" sagot ni Solon

"Does his father know about that thing?" muling tanong ni Madam Von

"Yes, Madam. And what shock me the most, Tito didn't do anything to stop that bullsht" sarkastikong sabi ni Hera

"Wala ka rin namang magagawa, Hera, kaya tumahimik ka nalang" si Solon naman ang nag salita ngayon

"Meron akong magagawa, brother, believe me" sagot pabalik ni Hera

"You can't kill her" siguradong sagot ni Solon sa kapatid

"I can--"

"Stop! both of you" pigil ni Madam Von hindi na nabubo ni Hera ang sasabihin

"She got the key, right. She'll be with us this whole school year. I want all of you to give her a warm welcome when she is already discharge in the hospital. And please, people, stop arguing in the front of me" mahabang sabi nito at may seryosong boses

"Yes Madam" mahinang sabi ni Aihika. Ito naman lagi ang unang sumasagot kapag nagiging seryoso na ang matanda

"Yes Madam" sabay sabay na sabi nila at pinag patuloy nalang ng walang ingay ang pag kain nila

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top