CHAPTER 25
CHAPTER 25 - KEY
Xy's POV
Gabi narin nung makabalik kami sa Morach Academy. Paniguradong wala akong gana bukas
"Hatid na kita" presinta niya. Hindi na ako tumanggi dahil ayoko namang nag lalakad ng mag isa sa dilim
Naging tahimik ang pag lalakad namin hanggang sa makarating kami sa room ko
"T" tawag ko sa pangalan niya. Tumingin naman siya sakin
"Sa susunod hanapin na natin siya" sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin sakin pero tumango rin pag katapos
"Matulog ka na" sabi niya. Hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang siya nag lakad papaalis. Tinanaw ko nalang siya habang paalis siya. Nung hindi ko na siya makita pumasok na ako sa loob
Hinubad ko ang sapatos ko pero nakakadalawang hakbang palang ako ay may naramdaman akong naapakan ko. Kinapa ko ang switch at binuksan ang ilaw
Umuko ako para kunin yung naapakan ko. Kumunot ang noo ko ng makita kung anong naapakan ko
"A key?" taka kong tanong sa sarili ko. Para saan naman ito?
Medyo malaki ito at M na may nakapalibot na dalawang tangkay ng rose ang pinaka handle niya. Kung titignan parang pinasadya talaga ang susing hawak ko ngayon. Kanino ito?
"Attention everyone" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang nag salita ang speaker alam kong si Julianne Torres ang nag sasalita ngayon
"The Test Battle will begin in...
three
two
one"
Muli akong nagulat sa isang malakas na ugong ng tunog. Narinig ko rin ang pag takbo ng mga tao sa labas parang may hinahabol sila
"First clue students. She is a girl" sabi ulit nito sa speaker
Nilagay ko sa bulsa ko ang susi at dumeretso palabas. Hindi ko na pinansin ang nag sasalita sa speaker
"Fck where is that damn key" rinig kong may nag sabi
"Walang lalabas" sigaw naman ng isang babae
"Sinong may dala ng susi saatin?" sabi naman ng isa pa
Nag kakagulo ang nga babae dito sa dorm. Lahat sila binabanggit ang susi. Ano bang meron sa susi na yun? Meron ba akong hindi nalalaman?
May nangyari ba nung wala ako?
Ilang oras lang akong wala dito sa school may hindi na ako alam
"Attention to your handsome President people" lahat kami ay natahimik nung marinig namin ang boses ni Carlos Lahar
"For your second clue. She's with you. Hindi natin alam kung nasa likod mo ba siya, harap, kaliwa o kanan pero siguradong nandyan lang siya" pag kasabi niya nun namatay na ang speaker. Lahat nanaman ay nag kagulo
"Ilabas niyo na ang susi" ano bang mahalaga sa susi na yun at hinahanap hanap nila na para bang doon naka salalay ang buhay nila
Pinanood ko lang sila habang hindi sila mag kanda ugaga sa pag hahanap ng susing iyon. Andami naming babae rito. At kung nakanino man ang susi malamang ay nag iisip na siya kung panoo makakalis dito
Kung yung susi nga na nakita ko kanina yung susi na hinahanap nila ngayon anong dapat kong gawin sa susing ito?
Nilabas ako ang susi
"Ito ba ang hinahanap niyo?" tanong ko habang pinapakita sa kanila ang susi
Biglang hinila sakin nung isang babae ang susi
"Ito na nga yun. Ito na nga" tuwang tuwang sabi niya habang niyayakap pa ang susi
"Nasakanya ang susi" rinig kong sigaw ng isa
Lahat sila ay pumunta doon sa babae. Naiwan akong nakatingin sa kanila
"Ibigay mo yan sakin" rinig kong sabi nila habang inaagaw ang susi sa babae
Tinatadyakan, sinasabunutan, kinakalmot at kung ano ano pang ginawa nila sa babae hanggang sa mawalan ito ng malay
"Akin na siya" masayang sabi nung isa kaya nasa kanya naman ang atensyon ng lahat. Ako lang ata ang hindi nakikigulo sa kanila
Halos mag patayan na sila para lang makiagaw sa susing iyon. Walang kaibi-kaibigan. Lahat sila ay determinadong makuha ang susi sa isa't isa
"Give me that key, bitch, I need my freedom" rinig kong sabi ng isa
Wait, did she just say... freedom?
Ang ibig bang sabihin nun makakaalis ako dito sa Morach?
Narinig ko muli ang ingay ng mga tumatakbo
Mga lalaki ito
Seryoso ba 'to makikiagaw din sila sa mga babae
"Bigay niyo sakin yan" sigaw ng lalaki
Lahat siya ay nag kukumpulan. Walang matakasan ang may hawak ng susi dahil may nakaharang sa kanya. Wala siyang matatakbuhan
"Akin na 'to. Ibibigay ko na 'to kay President" tumatawang sabi nung isa. Tatakbo na sana siya pero bigla soyang sinuntok nung isang lalaki
Nabitawan niya ang susi at napunta iyon sa paanan ko pinulot ko ito. Kalayaan ang kapalit kapag naibigay mo ito sa President. Bakit saakin napunta ang susing ito
"Bigay mo sakin yan, Miss para hindi ka na masaktan" rinig kong sabi sakin ng isa. Hindi ko ito pinakinggan at mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa susi
"Kunin niyo sakin, kung kaya niyo" malamig kong sabi. Kung hindi mawawala sa sistema ko si Miss Violet gagamitin ko nalang ang mga tinuro niya sakin
"Matapang"
"Tignan natin kung makapag yabang ka pa mamaya"
Sinugod nila ako. Sinuntok ko ang papalapit sakin. Napaatras pa sila dahil tumumba ang lalaking yun
Pero agad rin silang nakabawi at sinugod ako. Suntok at sipa ang ginawa ko nung una
Pero dahil sobrang dami nila hindi ko namalayang may nakapalibot na na braso sa leeg ko
Fck
Inapakan ko ang paa niya kaya lumuwag ng onti ang pag kakasakal niya sa leeg ko. Kinuha ko pang pag kakataon na yun. Hinawakan ko ang siya sa braso niya at buong lakas ko siyang binalibag
May nakita akong maliit na daan kaya di ko na pinalampas iyon dumeretso ako doon. Pero sa kalagitnaan ng pag takbo ko may humarang na lalaki sa daan
Susuntukin niya dapat ako pero mabilis kong inikot ang kamay niya. Nasa likod na niya ako habang hawak ko parin ang kamay niya
"Bye" pag kasabi ko noon ay ginamit ko ang susi para sugatan ang leeg niya
Iniwan ko siya doon habang siya hindi alam kung anong gagawin sa duguan niyang leeg
Tumakbo ang ng tumakbo hanggang sa makalabas ako ng dorm
Pero mas marami pang nakaabang sa labas ....
Pano na ako ngayon?
Third person's POV
"Siguro natutulog na siya ngayon" sabi ni Galen. Pabagsak siyang umupo sa couch may hawak itong bote ng beer
"Pano ka nakakasigurado? Maingay ngayon sa labas" sagot naman ni Solon sa kanya. Nakaupo ito sa lamesa at gaya ni Galen ay may hawak rin itong beer
Silang dalawa lang ang nasa opisina ni Solon at naiinuman. Bawal silang matulog dahil sa nagaganap na test battle ngayon
"O san ka pupunta?" tanong ni Solon nang biglang tumayo si Galen
"Sa kanya" maikling sagot ni Galen
"I can send some of my people to check her" suhesyon sa kanya ni Solon
"No need. I can do it" sabi nito at nag simula ng mag lakad papalabas
"Teka bro, sama" habol sa kanya ni Solon. Nag mamadaling bumaba sa lamesang inuupuan niya at hinabol ang malalaking hakbang ni Galen
.
.
.
"Nandyan siya?" tanong agad ni Solon ng makapunta siya sa tapat ng kwarto ni Kara
"The door is not close" yun lang ang nasagot ni Galen
"I'll call Carlos" agad na sabi ni Solon at nilabas ang cellphone niya
"Did you inform her about the key, Galen?" tanong ni Solon habang nasa tenga niya ang cellphone niya, inaantay sumagot ang tinatawagan niya
"No" nang hihina nitong sabi "Ni madulas ay hindi ko hinayaang lumabas yun sa bibig ko. How come she's not in her room?" makikita mo sa mukha niya ang pag aalala para sa dalaga
"Carlos, Xy Kara's location now" sabi agad ni Solon nung sagutin ni Carlos ang tawag niya
"Just a second. I'll give you the location of the key, Master" sagot nito
"Bakit ang location ng key ang ibibigay mo sakin? I need to know where is Kara" sumigaw na si Solon para mas bilisan ni Carlos ang pag kilos niya
"But Kara is the one who's holding the key right now, Master" hatang kinakabahan ito sa sagot niya
"What?" sumulyap si Solon kay Galen na ngayon ay nakatingin rin sa cellphone niya
"Give me the location now" malamig na sabi niya at pinatay ang tawag
"Bad news. The key. Kara is holding the key" pag babalita niya kay Galen
"No" mahinang sabi ni Galen. Tumakbo ito palabas para hanapin si Kara
Baka mapatay niya kung sino man ang mananakit dito...
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top